3YEARS LATER: NANGINGITI si Drake na nakamata sa mag-ina nitong masayang naghaharutan sa pool. Naghahari ang malutong na halakhak at iritan ng mga ito na nagsasabuyan ng tubig. "Daddy, help me!" pagpapasaklolo ni Nisha na ikinalapit nito sa mag-ina na may ngiti sa mga labi. "Lagot ka, Mommy. Nandidito na si Daddy." Ingos pa nito sa ina na ikinahalakhak ng ina. "Are you sure? Ikaw nga kaya ang kakampihan ng Daddy mo, hmm?" tudyo ni Giselle ditong napabusangot. Para itong maiiyak na bumaling sa ama nitong nagpapasaklolo ang itsura. Naghubad naman ng t-shirt at pants si Drake bago lumusong ng pool. "Daddy." Pagpapasaklolo ni Nisha dito. "No worries, my princess. Daddy's on your side." Malambing saad ni Drake na ikinaningning ng mga mata nitong napangiti. "Yehey!" Pagtitili pa nit