"Let's go, babe." Wika ni Mia na hindi na pinansin ang dalawang pares. Pilit ngumiti si Sky na nagpaalam na rin sa dalawa habang natutulala pa rin si Drake na nakasunod ng tingin sa batang karga ni Sky. "Yong bata. Anak ko siya," usal nito na ikinatigil ni Giselle na napatitig dito. "What did you say?" tanong ni Giselle dito na ikinabalik ng ulirat nito. "Ha?" "You say something, Drakey. Ulitin mo nga." Wika ni Giselle na nagsalubong ang mga kilay na matiim na nakatitig kay Drake. "Nothing. Let's go inside." Sagot ni Drake na napahawi sa buhok nito. Hindi naman umimik si Giselle na nagpatianod ditong hinila na siya papasok ng event. Sa garden ng mansion idinaos ang party ng kapatid ni Sky. Kabisado naman ni Drake ang lugar at matalik na magkaibigan ang pamilya ni Sky at pamilya n