NAPAPAYUKO si Mia na may mabunggo itong lalake sa likuran nito na ikinabilis ng t***k ng puso nito. Hindi naman nagsalita ang lalake na nabangga nito.
"Let's go, Mia. We're so sorry, Sir." Paumanhin pa ni Lucas na inakay na si Mia palabas ng park.
Napapalingon naman si Mia sa binata na nanatiling nakatayo sa kinaroroonan nitong bench na tila natuod na doon.
"Tara na. Ako naman ang mapagalitan ni Sir Ismael kapag nalaman niyang lumabas tayo ng mansion na hindi nagpaalam sa kanya," wika ni Lucas na nakatitig lang si Mia sa lalakeng nasa bench na nabangga nito kanina.
"Lucas, look at him. Parang. . . parang may something sa kanya." Saad ni Mia na sa binatang nakatalikod sa gawi nila nakamata.
Kakaiba ang bugso ng damdamin nito na tila may pumipigil sa kanyang bumalik na ng mansion.
"Yeah. There's something on him. Ang weird niya. He looks like a gangster," wika ng binata na inakay na itong sumakay ng kotse.
"That's not what I meant. Kainis naman ito," ingos ni Mia na parang kinurot sa puso sa sinaad ni Lucas na mahinang natawa at iling kaya nairapan niya ito.
Muli nitong nilingon ang binata na ngayo'y palinga-linga sa paligid niya na tila may hinahanap sa mga tao. Napanguso pa ito na makitang para nga itong gangster sa itsura. Mabaha ang balbas nito sa mukha, purong nakaitim ang lahat ng kasuotan, may shades din itong suot na mahaba ang nakapusod niyang buhok.
"But he looks good naman. I think he's handsome kung mag-aayos lang ng sarili," usal nito sa isipan na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi habang nakamata sa binatang nabangga nito kanina.
PAGDATING nila ng mansion ay nakahinga ng maluwag si Mia na wala pa ang Lolo nito. Minsan na kasing napahamak si Mia nang lumabas ito at muntikang ma-hold-up kung hindi lang dumating si Lucas na sumagip sa kanya. Kaya magmula no'n ay naghigpit na sa kanya ang Lolo Ismael nito na hindi na basta-bastang pinapalabas ng mansion ang dalaga lalo na't hindi pa ito tuluyang magaling.
May tungkod pa rin kasi itong gamit na iika-ikang maglakad. Kaya sa tuwing lumalabas siya ay may mga kasama itong nakaalalay sa kanya. At dahil kanang kamay ng Don si Lucas ay minsanan lang ito masamahan ng binata at ang Don ang kasa-kasama nito palagi.
Pabagsak itong nahiga sa kama na napapikit habang inaalala ang nakalipas. Nang magkamalay ito sa hospital ay unti-unting nasasagot ang mga katanungan nito sa sarili. Malinaw sa kanya ang nakaraan niya, na taliwas naman sa kinukwento ng mga tao sa paligid niya.
Alam niya sa sarili niyang may asawa na siya na nasa Pilipinas. Malinaw pa sa memorya niya ang nakaraan. Minsan ay gusto na lamang niyang paniwalaan ang instinct nitong. . . nasa ibang katawan ito. Pero kung titignan niya ang sarili sa salamin ay wala namang nagbago sa mukha, boses at pangangatawan niya.
Sa paglipas ng mga araw, unti-unti niyang tinanggap ang bagong katauhan. Bilang si Mia. Dahil lahat ng tao sa paligid niya ay kilala siya bilang si Mia. At ni minsan ay walang nagbanggit ng pangalang. . . Gia.
Napapikit ito na naidantay ang braso sa noo. Muling sumasariwa ang nakalipas sa isipan nito na parang panaginip lang. Pero kahit anong tanggi ng isipan niya ay alam niya sa sariling. . . nangyari ang mga iyon.
"D-Drake," sambit nito na naglalaro sa isipan ang asawa nitong nasa bansa.
Ilang beses na niyang tinangkang tawagan ito at nagpadala ng mensahe. Pero ni isa ay walang binasa si Drake sa mga messages nito. Hindi na kasi active ang account nito sa social media at sa dami ng nagmemessage dito ay tiyak niyang napaka imposibleng mabasa ni Drake ang mga mensahe niya.
Tumulo ang luha nito na muling maalala ang bangungot nito sa nakaraan. Muling namigat ang kanyang paghinga na sumasariwa sa isipan nito ang nakakakilabot na pangyayaring huling natatandaan nitong tagpo sa buhay niya, taliwas sa kwento ng Lolo Ismael nito at lahat ng tao sa paligid niya na car accident ang dahilan kaya siya na-comatose.
*******
PALAKAD-LAKAD si Gia sa hallway ng unit nila. Mahigit isang linggo na rin kasing hindi umuuwi si Drake ng unit. Hindi rin ito nagtetext o tawag sa kanya dahil sa uri ng trabahong pinasok nito. Madalas ay maiwang mag-isa si Gia sa unit nilang mag-asawa. At dahil nasa bakasyon pa lang ito ay wala naman itong ibang mapuntahan.
Isang gabi, habang hinihintay niya ang pagdating ni Drake ay may mga lalakeng nagdatingan na ikinatuod nito sa kinatatayuan dahil nakamata ang mga ito sa kanya. Kakaiba ang kabang bumundol sa dibdib nito na natarantang akmang papasok ng unit nila. Pero kaagad siyang nadakma ng mga ito na ikinatitili niya.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!" pagwawala nito na panay ang pumiglas kahit walang ibang tao sa hallway.
"Manahimik ka!" asik ng isang lalake na malakas itong sinampal ng magkasunod, bago malakas na sinuntok sa sikmurang ikinadaing nitong unti-unting nanlambot ang mga tuhod.
Bago pa man ito tuluyang nawalan ng malay ay naramdaman niyang isinakay siya sa elevator pababa habang para siyang isang sakong bigas na nakasampay sa balikat ng lalakeng nanakit sa kanya.
Nagising na lamang itong nasa malamig na silid dahil binuhusan siya ng isang timbang nagyeyelong tubig! Napapatili pa ito sa sobrang lamig ng tubig na ibinuhos sa kanya. Napasuksok ito sa sulok na binundol ng kakaibang kaba at takot sa dibdib na mapagtanto ang mga nangyayari! She was kidnapped by someone!
Nagtawanan naman ang mga lalakeng nakabantay sa kanya. Lumapit ang tila pinuno ng mga ito na napapadila pa ng ibabang labi at kita ang pagnanasa sa mga mata nitong pinasadaan ng tingin si Gia na basang-basa. Nakabakat na kasi ang puting t-shirt nito at pajama dahil sa pagkakabasa nito. Kaya kita ang kabuoan niya na bumakat ang nabasa niyang damit.
Napasuksok ito sa sulok na hindi maitago ang takot sa mga mata. Nakagapos din kasi ang mga kamay nito kaya hindi makakilos. Ngumisi naman ang lalake na hinila ito sa binting ikinatili nito na pilit sinisipa ang lalake!
"Napakaganda mo naman para patayin agad. Pagsasawaan na muna kita, Ms beautiful. Sa kamatayan din naman ang bagsak mo eh. Hindi naman siguro kalabisan kung. . . matikman na muna kita," wika ng lalake na napahimas pa sa baba nitong kita ang pagnanasa sa mga mata nitong namumula dala ng drogang ginamit nito.
"Bitawan mo ako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa matikman mo!" bulyaw ni Gia na pilit sinisipa itong nakangising aso sa kanya.
"Hwag kang mag-alala, isang utos lang ni boss na tuluyan na kita? Tutuluyan na kita, Ms. Pero bago iyon. . . pakikinabangan na muna kita," anas nito na parang asong nauulol!
Akmang hahagkan nito si Gia na hawak nito sa batok habang nakaupo si Gia sa semento na nakasandal sa pader nang duraan ito ni Gia sa mukha na ikinapikit nito. Tuluyang nandilim ang paningin nito na walang awang pinagsasampal si Gia hanggang dumugo ang pumutok nitong kilay at labi!
"Boss, tama na 'yan. Ang sabi ni Mr Tan ay ingatan natin ang babaeng 'yan dahil magagamit pa natin siya laban sa magkapatid na Madrigal," pagsulpot ng isang lalake na ikinahinga ni Gia.
"Madrigal? Oh my God! Si Drake at Kuya Delta ba ang tinutukoy niya?" piping usal ni Gia na umagos ang luha sa pisngi.
Ngumisi naman ang lalake na akmang hahalay kay Gia na napahilamos sa mukha nitong dinuraan ni Gia.
"Pasalamat ka. . . kailangan ka pa ni bigboss." Saad nito na napadila pa ng labing pinasadaan muli ng tingin ang kabuoan ni Gia na napasuksok sa sulok.
Napahagulhol itong napayakap sa sarili na takot na takot. Tiyak niyang gagamitin siya laban kay Drake at natatakot ito sa maaari nilang gawin sa asawa nito.
"Hwag kang dumating, Drake. Pabayaan mo na ako," usal nito na nanghihinang tuluyang nawalan ng malay.
PARA itong pinagsakluban ng langit at lupa na makagisnang nasa ibang silid na siya at dumating. . . si Drake na duguan! Takot ang nangingibabaw sa puso nito habang yakap-yakap siya ni Drake na hinang-hina dahil sa pambubugbog sa kanya ng mga kidnapers na hindi ito nanlaban.
Mabilis ang mga pangyayari sa loob ng silid na kinaroroonan nila ni Drake. Mula sa pambubugbog nila kay Drake, pagkakabaril nito at sa pagsalo ni Gia sa muli sana nilang pamamaril kay Drake na dama niyang ikinatigil ng mundo niya at unti-unting pagbigat ng kanyang paghinga. Naririnig niya pa na nagsasalita si Drake pero tila hindi na mag-sink-in sa utak niya ang mga iyon!
"D-Drake, mahal kita."
Panay ang sambit nito sa katagang iyon na hindi niya batid kung naririnig ba siya ni Drake o hindi. Tumulo ang luha nito habang nakamata kay Drake na yakap-yakap siya at nagkakagulo na rin sa labas ng silid na kinaroroonan nila.
"Natatakot ako, Drake. Natatakot akong. . . hindi ko matupad ang pinangako kong hindi kita iiwan." Piping usal nito na naghahabol hiningang pilit nilalabanan ang pamimigat ng mga mata nito.
Tuluyan itong nawalan ng malay sa bisig ni Drake. Kahit alam niyang katapusan na niya nang mga sandaling iyon ay may ngiti sa mga labing tuluyan itong nagpatangay sa dilim dahil mamamatay siyang. . . nakakulong siya sa yakap ng pinakamamahal niyang asawa.
"Hindi kita iiwan, Drake. Hindi kita iiwan."
NAPAHAGULHOL si Mia na mahigpit na yakap-yakap ang teddy bear nito habang sumasariwa sa isipan ang bangungot na iyon sa nakaraan niya. Palagi ding laman iyon ng mga panaginip niya at kahit itanggi niya alam niya sa sariling totoong nangyari ang mga iyon. Hindi niya lang maintindihan kung bakit may isa pang taong kamukhang kamukha niya ang nabubuhay sa mundong ito na nagngangalang. . . Mia.
"H-hindi ako si Mia, sigurado ako doon. Dahil ako. . . si Gia." Usal nito na napapikit at mahigpit na napayakap sa teddy bear nito na inaalala ang asawa.
Nakatulugan ni Mia ang pag-iyak. Kaya kinabukasan ay mugtong-mugto ang mga mata nito. Nagkulong lang siya sa silid na hinintay dalhan siya ng agahan ng mga katulong nila sa mansion. Tiyak na mag-uusisa na naman kasi ang Lolo Ismael nito na mapansing namumugto ang mga mata niya.
Mabait naman sa kanya ang matanda. At sa halos isang taon niyang kasama ito ay dama niyang mabuting tao ang Don. Lahat ng katanungan niya ay sinasagot ng Don. Kaya mas nakilala niya ang katauhan ni Mia at maging ang ina nitong namayapa na nagngangalang Nikita. Lahat ng sinasabi ng Don ay may pruweba itong pinapakita sa kanya.
Marami siyang album mula pagkabata na kasama pa ang ina nitong namayapa na. Kaya kahit naguguluhan ay unti-unting naunawaan nito ang mga nangyayari. Nakabalik siya. Pero hindi sa katawan niya. Kundi sa katawan ng ibang tao.
Gusto niyang sabihin iyon sa Lolo Ismael nito. Na hindi siya ang apo ng matanda. Pero sa tuwing sinisimulan niya ang paksang iyon ay kita niyang hindi naniniwala ang matanda sa kwento niya sa nakaraan na naaalala nito. Na side effect lang iyon ng pagkakaaksidente nito kaya kung ano-anong imahinasyon ang naglalaro sa isipan niya. Na guni-guni lang niya ang mga naaalala niyang nangyari sa kanya.
Pero kahit anong pilit nitong paniwalaan ang sinasabi ng Lolo niya ay dama niya sa puso niya kung sino talaga siya. Hindi niya alam kung paanong napunta siya sa katawan ni Mia. Dahil huling naaalala nito ay ang nakakulong siya sa bisig ni Drake na tuluyang nagpatangay sa dilim. Walang ibang nasa isip niya kundi ang asawa niya. Na hindi niya ito iiwanan anuman ang mangyari.
Napatitig ito sa sarili mula sa repleksyon nito sa salamin ng banyo na napangiti. Kamukhang kamukha niya ang dalagang nakatayo sa harapan niya. Pero alam niya sa sariling hindi ito ang katawan niya.
"Mia, hindi kaya. . . kakambal talaga kita? Ampon ka kaya? O dito talaga ako nanggaling. . . sa pamilyang ito," anas nito na matiim na nakatitig sa sarili sa salamin.
Napapikit ito na nakapaskil ang ngiti sa mga labi. "Hindi ko alam kung paano napunta sa akin ang katawan mo, Mia. Pero isa lang ang sigurado ako. . . aangkinin ko ang katawan mo, at babalikan ko ang asawa ko."