SAMPUNG taon. Sampung taon ang nakalipas magmula nang namatay si Gia. At sa loob ng sampung taon na 'yon ay hindi pa nakakausad si Drake. Bumalik naman ito sa pamumuno ng mafia nila ng Kuya Delta niya. 'Yon nga lang ay napakalamig at sungit nito sa lahat maging sa pamilya niya.
Hindi na rin ito muling nakipag relasyon pa. Kahit nagkakausap silang dalawa ni Delta ay dama ni Delta na malayo pa rin ang loob ni Drake sa kanya sa nangyari noon kay Gia. Hindi na inuungkat ni Drake ang nakaraan. Pero sa lamig ng pakitungo niya sa lahat ay kita at dama mong. . . hindi pa siya nakakalimot.
Isa na ito sa mga kilalang CEO sa bansa sa sarili nitong kumpanya. Ang DM'S Tower or Drake Madrigal's Tower na pinamana sa kanya ng ama nila. Maraming nagbago sa paligid ni Drake sa paglipas ng sampung taon. Buhay niya lang ang walang pinagbago.
Nakilala din nila ang ilan sa mga kapatid nilang binata na anak ng ama nila sa labas. Hindi naman sila nahirapang tanggapin ang mga ito dahil iba man ang ina nila ay iisa naman ang ama nila. Sina Leon, Haden, Darren at Noah na ngayo'y kasama din nila sa mansion. Naging mas makulay at maingay pa nga ang mansion nila na nahanap nila ang iba nilang kapatid na anak ng ama nila sa iba't-ibang babae.
"Hey, Kuya. Wanna come with me?"
Napalingon si Drake na magsalita ang isa sa nakababatang kapatid nitong lalake, si Darren.
"Where?" tanong nito na napasuri ng tingin sa kapatid na naka-casual lang ang suot.
"Bar. Mag-hunting ng magandang binibini," kindat nitong nakangisi na ikinangiwi ni Drake.
"Pumunta ka, at isumbong kita kay Tita Airen." Pananakot nitong ikinaubo ng kapatid na nagpipigil matawa.
"Hwag naman, dude. Makakatikim na naman ako do'n eh." Parang batang sagot nito na nagkamot pa sa batok.
Naiiling namang napangisi si Drake ditong tinapik niya sa balikat.
"Siya kasi ang patikman mo, Darren. Ewan ko ba sa'yo kung bakit. . . pinapatagal mo pa iyan," wika ni Drake na tila may ibang ibig ipahiwatig. "I'll go ahead. Pagod ako eh. Sina Leon na muna ang hunting-in mo sa pugad nila. Nexttime babawi ako, dude." Dagdag nito na nakipag-fist bump kay Darren.
Naiiling na lamang itong umakyat ng silid nito. Muli din kasing bumalik ito ng mansion nila magmula nang magdesisyon itong lumabas na ng lungga nito.
Pagod ang mga matang napatitig siya sa malaking portrait ni Gia sa silid nitong naka-hang sa wall katabi ang kama. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito na matamang pinakatitigan ang nakangiti at maamong mukha ni Gia sa painting.
"How are you there, wife? Are you happy now? Bisitahin mo naman ako sa panaginip. Sobrang mis na mis na kita, Gia." Wika nito na napahaplos sa painting ni Gia na siya mismo ang may obra.
Namuo ang luha sa mga mata nito na nanghihinang napaupo ng kama. Kahit anong lakas nito ay pinanghihinaan pa rin siya sa tuwing naaalala si Gia.
"Damn, Drake. It's been f*****g ten years. Pakawalan mo na siya, please? Hirap na hirap na ako," kastigo nito sa sarili na tuluyang tumulo ang luha.
Kahit anong gusto niyang pakawalan si Gia ay hindi nito magawa-gawa. Sampung taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwang-sariwa pa rin ang malaking sugat na iniwan ni Gia sa puso nito.
"G-Gia, patawad na hanggang ngayon. . . nandidito ka pa rin sa puso ko. Patawarin, wife. Hindi pa rin kita kayang pakawalan," usal nito na luhaan ang mga matang napatitig sa portrait ni Gia na tila nakangiti sa kanya. "I love you, Gia. And I miss you so much, my wife."
NAGPATULOY si Drake sa daily routine nito. Sa kumpanya niya ito naglalagi, at kapag may lakad sila ng Kuya Delta niya ay sinasamahan niya ito dahil silang dalawa pa rin naman ang namumuno sa mafia nito.
"Good morning, Sir. Mukhang puyat tayo ah," nakangiting wika ni Tarah. Ang secretary ni Drake sa DM'S Tower.
"Medyo. Kape ko," malamig nitong tugon na napapahilot pa sa sentido.
Napalapat naman ng labi ang dalaga na napapairit na sumunod sa amo nitong kahit napakalamig ng pakitungo sa lahat ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kagwapo. Alam naman ng lahat ang tungkol sa ex wife nitong yumao na, na mahal na mahal pa rin ni Drake. Dahil sa edad na 33 ay nananatiling single si Drake. Ni wala itong naipapabalitang kasintahan o dini-date exclusively.
Maraming dalaga ang naghahabol dito katulad sa mga kapatid niya. Mga beauty queen, anak pulitiko, modelo at artista. . . pero ni isa ay walang nagtatagumpay na maakit si Drake maski mapapayag itong makipag-date o kahit one night stand manlang. Kahit maghubad ang babae sa harapan nito ay hindi nito papatusin.
"Uhm, Sir. Nasa loob po si Ms Susan," paghabol pa nito na ikinatigil ni Drake sa akmang pagpihit sa pinto ng opisina nito.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yon dito?" kunot ang noong tanong ni Drake na bakas ang iritasyon sa tono.
Kiming ngumiti ang secretary nito na napakibit ng balikat.
"Siguro para akitin ka, Sir." Sagot nitong ikinatampal ni Drake sa noo na napapikit.
"Damn." Mahinang mura nito na nagngingitngit ang mga ngiping pumasok ng opisina.
Si Susan Devera ay anak ng isa sa mga investor ni Drake sa kumpanya nito. Pero kahit sinusungitan niya ang dalaga at harap-harapan na pinapakitang wala itong interes sa babae ay hindi pa rin ito sumusuko. Araw-araw nitong pinupuntahan si Drake sa opisina kahit araw-araw ding pinagtatabuyan ni Drake.
"What brings you here, Susan?" bungad ni Drake na mabungaran ang supistikadang babae na nakaupo sa sofa habang nakadekwatro ng binti.
"Hi, good morning, handsome!" malanding pagbati nito na matamis na ngumiting tumayo.
Napaikot naman ng mga mata ang secretary ni Drake na marinig ang maarteng boses ng babae na ubod ng landi. Napaka-reaveling din nitong manamit na kay pula palagi ng nguso nitong tila namamaga sa kapal.
"Ms Tarah, kape ko." Baling ni Drake sa secretary nitong ngumiting tumango na nagtungo sa pantry ng opisina.
"Anong ginagawa mo dito?" may kasungitang tanong muli ni Drake sa dalaga na iniiwas ang mukha na akmang bebeso ito sa kanya.
Mahinang natawa si Susan na napailing na lamang. Napaka hard to get kasi ni Drake na ultimo makipag-usap ng maayos ay hindi nito magawa. Pabalang itong naupo ng swivel chair nito na nakasunod sa kanya ang dalaga.
"What else? Visiting you. Bakit, bawal ba?" sagot nito na naupo sa gilid ng mesa.
Napailing na lamang si Drake na nag-iwas ng tingin sa hita nitong sinadyang ilihis ang skirt na halos masilip na ang singit nito.
"You're just wasting my time, Susan. Umalis ka na. Marami pa akong gagawin," malamig nitong tugon sa dalagang napanguso na kitang hindi manlang affected si Drake sa pasimpleng pagpaparamdam nito.
"Fine. Para saan pa't. . . makukuha din kita, handsome." Malanding wika ng dalaga na bumaba na ng mesa at akmang hahalik ito kay Drake na mabilis naiharang ang folder sa nguso ng dalaga.
"Get out."
Napaikot na lamang ito ng mga mata na sumusukong lumabas ng opisina. Naiiling namang napabuga ng hangin si Drake na lumabas din ang dalaga. Hindi naman niya ito mapigilan sa pagpunta sa opisina niya na ginagamit ng dalaga ang ama nitong may malaking share na rin sa kumpanya ni Drake.
"Sir, kape mo." Wika ni Tarah na maingat inilapag sa mesa ang tinimpla nitong kape.
"Thanks." Tipid nitong sagot na hindi manlang nilingon ang dalaga.
"Sige po, Sir. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo," pamamaalam nito na ikinatango lang ni Drake na abala sa laptop nito.
Napanguso itong bagsak ang balikat na lumabas ng opisina ni Drake na nagtungo sa cubicle nito sa harapan ng pintuan ng opisina. Ilang taon na rin siyang naninilbihan na secretary ni Drake. Hindi na rin niya mabilang kung ilang mga kilalang babae ang lumalapit dito at wala pa ni isa sa mga iyon ang nagtagumpay. Kahit siya na halos araw-araw kasama si Drake ay malamig pa rin ang pakitungo ni Drake sa kanya.
"Mapapaamo din kita, Sir Drake. Sisiguraduhin kong. . . sa akin ang huling halakhak," bulong nito na nakamata sa pintuan ng opisina ni Drake na may ngising naglalaro sa mga labi.
KABADO si Mia habang hinihintay ang Lolo Ismael nitong dumating mula sa trabaho. Matanda na ang Don pero ito pa rin ang namamahala sa kumpanya nilang pamilya. Ayaw pa kasing maupo ni Mia bilang bagong CEO ng kumpanya nila na alam niyang hindi pa siya handa sa mabigat na tungkulin.
Nakapagtapos na rin ito sa pag-aaral katulad ng nais ng Lolo nito. Bumalik na rin sa dati ang paglakad nito na tila hindi nagkaproblema noon sa binti niya.
"Lo!" bulalas nito na dumating din sa wakas ang matanda.
Nagulat pa ito na mabungaran ang apo nitong mukhang kanina pa siya hinihintay sa sala ng mansion nila. Napangiti ito na sinalubong siya ng dalaga ng yakap at halik sa pisngi. Sa nakalupaypay na sampung taon ay hindi kasi nagbago si Mia.
Napakalambing at masunurin nito na ni minsan ay hindi binigyan ng sakit sa ulo ang Don.
"Sweetie. How's your day, hmm?" nakangiting saad ng Don na inakay siya ni Mia sa sofa at sinenyasan ang katulong nilang dalhan ng maiinom ang matanda.
"Boring, Lo. Pero, nakapag desisyon na po ako, Lo. Siguro naman this time. . . papayagan mo na ako," wika ni Mia na napapanguso sa harapan ng Lolo nito.
"Bakit, mag-aasawa na ba ang apo ko, hmm?" nanunudyong tanong ng matanda na mahinang ikinatawa at iling ni Mia na nag-init ang mukha.
"Lo naman. Sinabi ko na po sa inyo noon pa. May asawa na po ako. Kaya nga. . . pwede po bang this time, 'yong gusto ko naman ang masunod?" malambing saad nito na napayakap sa braso ng matanda.
Napahinga ng malalim ang Don na nahihinulaan na nito ang gusto ng apo nito. Tumuwid ito ng upo na hinawakan sa dalawang kamay ang apo at matiim na tinitigan sa mga mata ang dalaga.
"Ano bang. . . nais ng apo ko, hmm?" nakangiting wika nitong ikinasilay ng matamis na ngiti ni Mia na kita ang kakaibang kinang sa mga mata nito.
"Lo, pwede na po ba akong. . . magtungo ng Pilipinas? Gusto ko po sanang magtayo ng boutique ko doon. Sayang naman po ang tinapos ko kung hindi ko magagamit ang hilig ko sa pagdesenyo ng gowns," nakangusong wika ni Mia na ikinalamlam ng mga mata ng Don.
Kahit alam niyang iyon ang hihilingin ni Mia ay nalungkot pa rin ito. Dahil si Mia ang inaasahan nitong papalit sa kanya sa kumpanya kapag handa na ang dalaga.
"Pero, sweetie. Malayo ang Pilipinas sa Japan. Paano naman ang Lolo mong maiiwan dito, hmm?" wika ng matanda na hinaplos sa ulo ang apo nito.
"Lo, hinihintay din po ako ni Drake eh. Tatawagan ko po kayo palagi. Sige na po, please? Baka kasi. . . baka po kasi wala na akong mabalikang asawa sa bansa kung hindi pa ako magpapakita sa kanya," sagot ni Mia na nangilid ang luha.
Pilit ngumiti ang Don na niyakap na lamang ang apo nito. Sa loob ng sampung taon ay walang ibang hiningi ang dalaga sa kanya kundi ang payagan siyang magtungo ng Pilipinas. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay sinasabi ni Mia na may asawa itong naiwan sa Pilipinas. Gayong ilang beses ng pinaimbestigahan ng Don kung ikinasal na ang apo nito pero kitang single pa rin ang apo nito sa kanyang cenomar. Walang bakas na ikinasal ito sa kahit na sino.
"Fine. But promise me one thing, sweetie." Sumusukong wika ng Don na ikinatulo ng luha ni Mia na kita ang kakaibang pag-aliwalas ng magandang mukha nito.
"Anything po, Lo." Nakangiting sagot nito na panay ang pagtulo ng luha.
Pilit ngumiti ang matanda na pinahid ang luha nitong mariing hinagkan sa noo ang dalaga.
"Susunod si Lucas sa'yo doon, hmm? Tapusin lang namin ang ilang importantanteng deal namin sa mga investor sa susunod na linggo, pagkatapos no'n. . . susundan ka doon ni Lucas." Wika ng Don na ikinangiti at tango-tango ni Mia na niyakap ang matanda.
"No problem, Lo! Thank you so much po!" masiglang sagot nito na hindi maitago ang kilig at excitement sa mukha at tono na pumayag na ang Don. . . na makabalik na ito ng bansa!
Napangiti itong damang sobrang bilis ng kabog ng dibdib. Hindi na nga ito makapaghintay na makabalik ng bansa at puntahan si Drake. Hindi na kasi ito active sa social media account nito. Kaya kahit ilang message na ang ipinadala ni Mia sa messenger nito ay walang reply na natatanggap mula kay Drake.
"I'm coming home. . . Drake baby."