NAPAPANGUSO si Drake sa sulok ng Bar habang nagkakatuwaan ang mga kapatid nitong nag-iinuman na may kanya-kanyang kapareha. Hindi na kasi ito nakaiwas nang bitbitin na siya ng mga kapatid niyang lalake na isinama sa hangout nila.
"Hey, Kuya. Cheers?" ani Haden na lumapit ditong tipid na ngumiti.
"Cheers," sagot nito na pinag-toss ang beer nila.
"How are you, Kuya? Pasensiya ka na, medyo abala ako nitong mga nakaraang buwan," wika ni Haden na ikinailing nitong tinungga ang beer nito.
"I'm good, Haden. Don't worry about me. I can handle myself," sagot nito na may tipid na ngiti sa mga labi.
Napatango-tango naman si Haden na tinungga ang beer nito.
"How about your heart, Kuya? Hindi pa ba naghihilom ang pilat ng kahapon d'yan?" wika nito na mapait na ikinangiti ni Drake na napailing.
Inubos na muna nito ang beer nito bago nagpahid ng labi na sinenyasan ang bar tender sa harapan nilang abutan pa siya na kaagad sumunod.
"Hindi na yata ito maghihilom, Haden. Believe me or not? Sinusubukan ko naman eh," matamlay nitong sagot na ikinanguso ni Haden na matamang nakamata dito.
"Kuya, baka kaya hindi mo siya mapakawalan kasi. . . kasi ayaw mo talaga siyang pakawalan. Kaya kahit anong subok mo ay hindi mo magawa kasi hanggang subok ka lang, Kuya." Saad ni Haden sa ilang minuto nilang katahimikan.
Napahinga ng malalim si Drake na kita ang kakaibang lungkot at pangungulila sa mga mata nitong walang kabuhay-buhay at kakinang-kinang.
"Gusto ko siyang pakawalan, Haden. Dahil gusto ko na ring matahimik si Gia sa kinaroroonan nito ngayon. Pero ang hirap eh. Nakaukit na siya sa puso ko na habang buhay ako ay nandidito siya sa puso ko," mapait nitong turan na namuo ang luha.
Pilit ngumiti si Haden na hinagod-hagod sa likuran ang Kuya Drake nitong minsanan lang niya malapitan. Bukod sa pareho silang busy sa trabaho ay tahimik kasing tao si Drake. Kumpara sa Kuya Delta nila na makulit at masayahin kaya madaling lapitan. Kahit nga ang biruhin ang Kuya Drake nila ay hindi nila magawa na palaging seryoso ito at minsanan lang nila makasama sa mga bonding nila.
"Bakit hindi mo subukang makipagkilala sa ibang babae, Kuya. Malay mo may makapukaw ng attention mo at matulungan kang ibaling sa iba ang attention mo. Kapag may ibang babae na kasing darating na makakapag pasaya sa'yo ay madali na lang sa'yo na pakawalan ang nakaraan. Subukan mong makipag-date, Kuya. Nasa thirty's ka na rin. Wala ka na bang planong. . . magkaroon ng sarili mong pamilya? Magkaroon ng mga anak sa hinaharap?" pagpapayo ni Haden ditong napatango-tango na tinungga ang beer nito.
"Subukan ko, Haden. Kapag alam ko sa sarili kong. . . handa na akong kumilala ng iba. Salamat sa advice."
"Anything for you, Kuya. As long as makakatulong ako ay magsabi ka lang." Sagot ni Haden na inakbayan ang kapatid.
HATINGGABI na nang umuwi ang magkakapatid mula sa Bar. Tipsy na rin ang mga ito na pagewang-gewang na kung maglakad. Naiiling na lamang si Drake at Haden na sila pa tuloy ang naging driver at alalay nila Delta, Darren, Leon at Noah na kitang may mga kissmark pa sa leeg mula sa mga babaeng kina-table nila sa Bar.
Bagsak ang balikat nitong pumasok ng silid na isa-isang kinalas ang butones ng polo nito na hinagis na lang basta ang nga hinubad nitong damit. Napapahilot pa ito sa sentido na dama ang antok, pagod at tama nito sa alak na nainom sa Bar.
Pagod ang mga matang napangiti na nilapitan ang portrait ni Gia na hinaplos sa pisngi ang dalaga.
"I'm home, wife." Pagkausap pa nito na hinagkan sa labi ang painting ni Gia bago pabagsak na humiga ng kama na tanging brief lang ang saplot.
Napaungol pa ito na madama ang malambot na kama nitong hinahanap-hanap ng katawan nito.
"Gia. I miss you so much, baby." Usal nito na lasing at inaantok ang tono na tuluyang nakaidlip.
Kinabukasan ay maaga itong pumasok ng opisina kahit may hangover pa ito. May mga meeting kasi itong dadaluhan sa buong maghapon mula sa mga investors nito abroad.
"Good morning, Sir!" masiglang pagbati ni Tarah sa kanya na tinanguhan niya lang.
Sa tagal ng dalaga na secretary nito ay kabisado na niya ang amo. Tahimik itong nagtungo sa pantry ng opisina na iginawan ng kape at egg sandwich ang amo nito. Halata kasing hindi pa kumakain si Drake at bakas din ang puyat sa mga mata nito.
Kahit naka-pokerface na naman si Drake habang tutok na tutok ang paningin sa tinitipa nito sa laptop ay matamis na ngumiti si Tarah na maingat inilapag ang ginawang kape at egg sandwich para dito.
"Sir, magkape ka na muna." Malambing wika nito.
Napasulyap si Drake sa dala nito na napalunok. Ngayon niya lang kasi napansin iyon. Na palagi siyang ginagawan ng sandwich ni Tarah na 'di niya namamalayang kinakain niya habang nagkakape at trabaho.
Naalala naman nito ang sinaad ni Haden sa kanya kagabi. Na subukan niyang makipag-date sa ibang babae. Para malihis na sa iba ang attention nito at magawang tuluyang pakawalan si Gia na isang dekada na rin niyang hindi pinapalaya sa puso at isipan niya.
"Uhm, Tarah?" pagtawag nito sa dalagang nasa tapat na ng pinto.
Natigilan naman ang dalaga na kinabahan sa pagtawag sa kanya ni Drake. Napalunok itong inihanda ang matamis na ngiti sa mga labi bago pumihit paharap sa boss nitong matiim na nakatitig dito.
Sinenyasan niya itong lumapit na kaagad ikinasunod ng dalaga na nakangiti dito. Tuwid itong tumayo sa harapan ni Drake na hinihintay ang sasabihin ng binata.
"Uhm, ilang taon ka na nga ulit na secretary ko?" tanong ni Drake ditong napatikhim na pilit ngumiti.
"It's been four years na po, Sir Drake." Magalang sagot nitong ikinatango-tango ni Drake na pinapaikot-ikot sa daliri ang sign pen na hawak.
"Four years," ulit nito na ikinatango ni Tarah. "Married?" pasimpleng tanong nito na kaagad ikinailing ng dalaga.
"Hindi po, Sir."
"Engaged?"
"Wala po akong karelasyon, Sir." Sagot nito na pilit pina-normal ang ngiti at tono kahit para na itong manlalambot ang mga tuhod na ngayon lang siya tinanong ni Drake ng mga personal na bagay-bagay.
"Bakit po?" tanong pa nito na tila napakalalim ng iniisip ni Drake.
"Ahem! Tungkol sa party ng anak ni Mr Yen na imbitado ako this weekend. Wala kasi akong kasamang dadalo. Total ikaw naman ang secretary ko at importanteng kliyente natin si Mr Yen, bakit hindi ka na lang sumama. Don't get me wrong, Ms Tarah. Kailangan ko ang secretary ko doon para mag-takenote sa pag-uusapan namin ni Mr Yen tungkol sa proposal nila sa kumpanya," wika ni Drake na ikinangiti nitong tumango-tango.
"Okay po, Sir. Sasamahan ko po kayo. Uhm, ayaw niyo po bang ayahin si Ma'am Susan? Tiyak na matutuwa po siya," labas sa ilong na suhestyon nitong ikinaasim ng mukha ni Drake na lihim nitong ikinangiti.
"No way. Why would I? Kung hindi lang dahil sa ama niya ay hindi ko iyon hahayaang makatapak dito sa teritoryo ko. Ako ng bahala sa isusuot mo. Baka mamaya ay. . . magmukha kang secretary ko doon na ganyan palagi ang postura mo," pagtatapos ni Drake sa usapan nila na ikinangiti ng dalaga. "You may go back to your seat now."
"Sige po, Sir. Salamat po." Magalang sagot nito na ngumiting yumuko kay Drake bago lumabas ng opisina na impit na napapairit sa tuwa!
Napailing na lamang si Drake na napahilot sa sentido. Pero kung siya lang ang papipiliin ay mas gusto at mas komportable naman siya sa secretary nitong si Tarah kaysa sa kung sinong babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kahit alam niyang may gusto sa kanya ang dalaga ay hindi ito nagpapahalata. Bukod sa magaling itong secretary ay isa sa mga gusto niya dito, hindi ito nagpapakita ng motibo sa kanya. Napaka-proper din nitong manamit na hindi nasisilipan sa suot na blazer, crop at 3/4 skirt na abot ang manggas hanggang ibaba ng tuhod nito.
LUMIPAS ang mga araw at dumating ang weekend kung saan dadalo si Drake sa debu party ng anak ng isang investor nilang personal siyang inimbita. Kung hindi lang malaking kliyente si Mr Yen ay hindi ito mag-aaksaya ng oras na dumalo sa party ng anak nito.
Lihim itong napangiti na pagdating nila ng driver nito sa tapat ng apartment ni Tarah ay nakabihis na ang dalaga na suot ang black long sleeveless dress na ipinadala ni Drake na susuotin nito. Kung titignan ay maganda din naman ang dalaga. Lalo na ngayon na nakaayos ito na mas lumitaw ang natural na ganda. Balingkinitan din ang pangangatawan nito at may katangkarang babae na maputi.
"Good evening, Sir." Magiliw nitong pagbati na naupo sa front seat katabi ang driver ni Drake.
"Good evening," malamig nitong tugon na sinenyasan na ang driver nilang paandarin na ang kotse na tumangong sumunod sa amo.
Katahimikan ang naghari sa loob ng kotse hanggang makarating sila sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng anak ni Mr Yen na siyang sadya nila.
Nauna namang bumaba ang driver na pinagbuksan si Drake kasunod si Tanya na napapagala ng paningin na marami-rami na ring tao at may mga reporter pa sa lobby ng hotel.
"Let's go," wika ni Drake na ikinatango at yuko nito.
Napahinga ng malalim si Drake na kinuha ang kamay ng dalagang pinakapit sa braso nito at sabay silang pumasok ng hotel. Kaliwa't kanan naman ang mga reporter na tinatanong sila at kinukunan ng videos at picture na kinukulit si Drake kung sino ang babaeng ka-date nito ngayon. Pero ni isa ay wala itong sinagot na dirediretsong pumasok ng hotel habang hinaharang ng mga bodyguard nila ang mga reporter.
Pagdating nila sa event ng party ay kaagad silang sinalubong ni Mr Yen na makilala kaagad si Drake na bagong dating.
"Mr Madrigal! Good evening. I'm happy to see you." Magiliw na saad ng matanda na kinamayan itong tinanggap ni Drake.
"Good evening too, Mr Yen. How can I say no? Kung ikaw na mismo ang nagimbita sa akin," sagot ni Drake na may tipid na ngiti sa mga labi.
"Oh, siya ba ang girlfriend mo, Mr Madrigal?" baling nito sa dalagang nakakapit pa rin sa braso ni Drake na napatikhim.
"Ahem! Nope, Mr Yen. She's my secretary. Nandito siya para samahan ako at mag-takenote na rin sa pag-uusapan natin tungkol sa negosyo," walang paligoy-ligoy na sagot ni Drake ditong napatango-tango.
"Oh, sorry, Mr Madrigal. Hindi ko nakilala ang secretary mo. My apology." Wika ng matanda na ikinangiti at tango lang ni Drake.
Napaismid na lamang ang dalagang si Tarah sa isinagot ni Drake. Akala pa naman niya ay may ibang dahilan kaya siya inaya ni Drake na dumalo sa party. Pero para lang siyang sinampal ng katotohanan na hanggang secretary lang talaga siya ni Drake. Wala ng iba.
Matapos silang ihatid ng matanda sa mesang nakalaan sa kanila ay muli itong nagpaalam sa damawa na sinalubong ang ibang bisitang bagong dating. Sinenyasan naman ni Drake ang isang waiter na naka-standby sa gilid na kaagad lumapit at pinakuha ng drinks nila ni Tarah.
"Uhm, are you okay?" tanong ni Drake na malingunan ang dalagang napakatamlay.
Ngumiti ito na tumango-tango kay Drake na nakamata dito na bahagyang salubong ang mga kilay.
"O-okay lang po, Sir. Medyo. . . medyo kinakabahan lang po." Alibi nito na pinasigla ang tono.
"Just let me know if you need anything," wika pa ni Drake na ikinatango nitong pilit ngumiti sa binata.
Dumating din naman ang waiter na dinala ang wine at juice na ipinakuha ni Drake dito na maingat inilapag sa mesa nilang dalawa ni Tarah.
"Here."
"Thank you, Sir." Sagot nito na inabot ang juice na iniabot sa kanya ni Drake.
Dim light ang ilaw sa buong hall. Nasa stage naman sa harapan ang birthday celebrant habang abala pa si Mr Yen na inaasikaso isa-isa ang mga nagsidatingan nilang bisita. Nabobored si Drake na tumayo sa upuan nitong ikinatingala sa kanya ni Tarah na nagtatanong ang mga mata.
"Uhm, mukhang abala pa si Mr Yen. Sa rooftop na muna ako. Magpapahangin lang," wika ni Drake na ikinatayo nito.
"Eh, Sir. Wala ho akong kakilala dito. Baka pwedeng. . . sumama na lang po ako sa inyo, please?" ungot nito na napahawak sa kamay ni Drake.
Napangiwi itong nabitawan ang kamay ni Drake na mapababa ng tingin si Drake doon.
"Sorry, Sir." Paumanhin pa nito.
"It's okay. Let's go. Bumalik na lang tayo mamaya," sagot ni Drake na inalalayan itong lumabas ng event.
Lingid sa kaalaman ni Drake ay may pares ng mga matang nakasunod ng tingin sa kanya mula sa pagdating nito kanina.
"Hey, Mia. Akala ko talaga hindi ka darating. Ikaw ha? Mabuti naman at pinalabas ka na ni Ninong Ismael lumabas ng lungga mo," natatawang wika ni Mary. Ang birthday celebrant at kaibigan din ni Mia sa Japan.
Pilit itong ngumiti na binawi na ang tingin sa dalawang pares na lumabas ng event. Hindi maitago ni Mia ang sakit at lungkot sa mga mata nito na masaksihan mismo ng kanyang mga matang. . . may iba ng babae ang minamahal niyang asawa.
"I'm late. Huli na ako," tulalang sagot nito na napatungga sa champagne na nasa mesa nito.
"Huh?" naguguluhan naman ang kaibigan nito na napatitig sa kaibigan na sunod-sunod tinungga ang lahat ng inumin sa mesa. "Hey, chill, Mia. Masyado pang maaga para magwalwal ka. Saka. . . baka malasing ka. Nagsisimula pa lang ang party ko. Kainis naman 'to," pag-awat ni Mary kay Mia na parang uhaw na uhaw ito sa alak.
"Pabayaan mo ako, Mary. Hindi mo alam kung gaano kabigat ang loob ko ngayon," wika nito na binuksan ang isang red wine na direktang tinungga iyon.
"Teka. . . akala ko ba nandito ka for my birthday? Paano tayo magkaka-bonding niya'n kung maglalasing ka?" pagalit ni Mary dito na napailing na sumilay ang matabang ngiti sa mga labi na nangilid din ang luha sa mga mata.
"Damn. Hindi ako makakapayag. Babawiin ko ang akin," nagngingitngit ang mga ngiping saad ni Mia na muling tinungga ang wine nito.
Napapailing na lamang ang kaibigan nitong napasapo sa noo na tila problemado si Mia. Kita rin ang kakaibang lungkot sa mga mata nito na hindi mabatid ng kaibigan kung para saan. . . o para kanino.
Ilang minuto pa nitong sinamahan ang kaibigan na hindi na nga nito naawat pa sa paglaklak ng wine. Maya pa'y tinawag na ito ng coordinator na pumunta sa harapan at kakantahan na ito ng birthday song.
"Mia, okay ka lang ba dito?" nag-aalalang tanong ni Mary na ikinatango nito.
"Sige na. I'm okay. Dito lang ako. Enjoy your night, best. Happy birthday," pagtataboy ni Gia sa dalaga na sampung taon din ang layo ng edad nila.
Alanganin namang tumayo si Mary na nagtungo sa gitna ng stage para sa pag-blow nito ng cake matapos kantahan ng mga bisita. Nahagip din ng paningin ni Mia ang muling pagbalik nila Drake at kasama nitong supistikadang babae na napayapos sa braso ni Drake.
Nagngingitngit ang mga ngipin nito na naniningkit ang mga matang kay Drake lang nakatutok. Tila naramdaman naman ni Drake na may nakatingin sa kanya na naigala ang paningin sa mga bisita.
"Okay ka lang, Sir?" bulong ni Tarah na palinga-linga si Drake.
"Yeah. Don't mind me. Para kasing. . . para kasing may nakamatyag sa akin eh," sagot nito na napailing. "Restroom na muna ako."
Ngumiting tumango si Tarah na tuluyang nagtungo si Drake ng restroom. Bagay na ikinangisi ni Mia na inubos ang wine nito na tumayong sinundan si Drake ng restroom!
Naniningkit ang mga mata nito na nahihilo sa dim light na ilaw habang kinakantahan ng lahat ang kaibigan nito ng birthday song.
"Damn." Mura nito na makarating ng restroom at basta na lang pumasok sa cr ng mga lalake!
Napapangisi pa ito na kitang tinamaan sa isang boteng wine at ilang baso ng champagne na nilaklak nito dala ng selos. Ini-lock nito ang pinto na napahagod sa mahabang buhok nito habang nakasandal ng pinto at inaabangan ang paglabas ni Drake mula sa cubicle na pinasukan nito.
Matapos umihi ni Drake ay lumabas na ito ng cubicle na nagtungo sa sink ng lababo na naghugas ng kamay. Natigilan ito na masulyapan ang isang dalagang naka white dress sa may pinto na nakayukyok ang ulo. Binundol ito ng kakaibang kaba sa dibdib na mapatitig sa dalagang mukhang lasing!
"Yes, Ms? Who are you? Sa kabila ang restroom ng mga babae. Panlalake itong pinasukan mo," wika ni Drake na pabilis nang pabilis ang t***k ng puso!
Sunod-sunod itong napalunok na hindi maalis-alis ang paningin sa dalaga. Hindi niya rin maintindihan ang sarili pero biglang namigat ang dibdib nito na nakatitig sa dalagang nakayuko.
"Damn you. Babasagin ko talaga ang mga itlog mo," lasing na wika nitong ikinatigil at lunok ni Drake na marinig. . . ang pamilyar at malambing na boses nito!
"I-ikaw--"
Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha na napahawi sa buhok nitong tumabing sa mukha nito na halos ikaluwa ng mga mata ni Drake na nanlambot ang mga tuhod na masalubong ang mga mata ng dalagang nakangisi sa kanya!
"Hi, baby. I'm back," nakangising anas nito na ikinatulo ng luha ni Drake na walang kakurap-kurap na nakamata dito sa takot na maglaho ito sa paningin nito!
Napaluhod ito na nakamata sa dalagang dahan-dahang naglakad palapit sa gawi niya. Dinig na dinig pa ang pagtunog ng stiletto nito sa tiles na ikinabibilis lalo ng t***k ng puso ni Drake na luhaang nakamata lang dito hanggang nasa harapan na niya ito!
"G-Gia?"