TAHIMIK na nagpapakiramdaman si Mia at Gia habang hinihintay makapaghain si Drake ng agahan nila. Napatitig si Gia kay Mia na napahalukipkip habang nakamata kay Drake. Nagniningning ang mga mata nito kahit kitang may lungkot sa mga iyon. "Gustong-gusto kong magkaroon ng kapatid. Buong buhay ko pinapangarap kong sana may naging kapatid din ako. God answered me, pero bakit kailangang maging kaagaw ko siya kay Drake? Dapat na ba akong sumuko at hayaan na lang sila? Baka sakaling magkasundo pa kami ng kapatid ko," piping usal ni Gia na nangilid ang luhang nag-iwas ng tingin kay Mia nang mapasulyap ito sa kanya. Napalapat si Mia ng labi na nakamata kay Gia. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan ng kakambal nito. Pero para siyang kinukurot sa puso na makita ang kakaibang lungkot sa