Chapter 31

1608 Words

"DITO na kayo mag-usap ni Mia, Lucas. Sa harapan naming lahat." Pagpapagitna ni Delta sa mga itong ikinayuko ni Mia. Mabibigat bawat hakbang nito na inakay ni Drake patungong sala kung saan kaharap nila ang buong pamilya ni Drake. Magkatabi si Drake at Mia habang si Gia ay pinagitnaan ni Delta at Haden. "Ano bang kaguluhan ito? May nangyayari na pala, wala manlang nagsasabi sa amin ng Mommy niyo ng mga kaganapan." Wika ng ama nilang si Dwight. "Mia, magsalita ka. Bakit mo inaangkin ang katauhan ni Gia? Para ba makuha mo si Drake?" untag ni Delta na kay Mia nakamata. Hindi makakilos at kibo si Mia na nanatiling nakayuko at tahimik na umiiyak. Kahit hindi siya mag-angat ng mukha ay dama niyang nakamata sa kanya ang lahat. Para siyang lulubog sa kahihiyan na kaharap ngayon ang buong p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD