CHAPTER 8: FAMILIAR VOICE

2959 Words
Rick Jonas "Bakit pati ako?" "Bakit hindi?! Tingnan mo nga ako! Tingnan mo ang hitsura ko! Dahil dyan sa mga babae mo! Nananahimik ako dito!" "Eh hindi ko naman babae 'yon! Wala naman akong pakialam sa kanila!" "Eh kanino ka ba may pakialam? Sino bang gusto mo?!" Malalakas na sigawan dito sa loob ng palengke. "Oooopps! Wrong move, girl. Why the f**k did you leave right away? Mga babae talaga oh, hindi talaga marunong maghintay," dinig ko namang sabi ng unggoy kong pinsan na si Charlie na nasa aking harapan at abala sa panonoong ng mala-televison na eksena dito sa loob ng palengke. Malapit na talaga akong maniwalang bakla itong hayop na 'to eh. Akalain bang maki-tsismis pa dito sa away ng mga babae! "Aren't we leaving yet?" tanong ko sa kanya na abala pa rin sa kakalinga sa paligid. Sino bang hinahanap ng unggoy na ito? Maraming tao ang nakiusyoso kaya hindi ko nakita ang madadramang eksena kanina na ngayon ay mukhang tapos na dahil tumahimik na at nagsisi-alisan na rin ang mga tao. "Hayaan mo na 'yong unggoy don. He's definitely not done repairing his rotten car. Tama lang 'yon sa kanya. He needs to be alone so he can think carefully about how to kneel in front of his f*****g girlfriend. I mean ex-girlfriend now that they broke up." He grinned like a f*****g demon. Gunggong talaga. Matapos nila akong pagka-isahang dalawa! Mga palpak naman pala! Nagising na lamang akong nasa loob na ng kotse ni Dominic, sa backseat habang ang dalawang tarantadong ito ay nasa unahan at 'di magkamayaw sa sobrang saya dahil naisakatuparan nila ang mga pinlano nilang maisama ako dito sa....ano bang probinsya ito? M-Minda--Mindanao? M- Mindaraw? Ah basta iyon na 'yon! That's it. After they made me drink alcohol mixed with sleeping pills. Boom! When I woke up we had already crossed the sea! For Pete's sake! So, how can I go home now?! Sinakal ko at pinagsasapak silang dalawa nang malaman ko ang kanilang ginawa! Pumayag akong sumama sa kanila sa Batangas dahil sa kakulitan ni Mommy. Hinamon niya ako na kapag hindi raw ako sumama sa dalawang abnormal na ito ay siya na lamang daw ang sasama. Pati ba naman si Mommy ay nakipagsabwatan sa mga baliw na mga pinsan ko? At kanina lamang, malayo pa lang kami sa Bayan nang masiraan 'yang bulok nilang sasakyan! Ang mga hayop, pinagod pa ako sa pagtutulak, so I don't know what smell I still have right now. Kung amoy pawis, amoy alak o alikabok sa kalsada. Tangnang buhay talaga naman, oh. What if a beautiful woman stood next to me here and she inhaled my scent? Ayst! "Why can't you just help Dominic to finish right away? You two are the ones who have a plan for this s**t. Ano pa sa tingin niyo ang oras ngayon? It's f*****g late and we're still looking for the missing house!" sermon ko na sa kanya pero pinanatili ko pa rin ang maganda kong awra dahil ang mga kababaihan dito ay nasa amin na lahat ang paningin. Gwapong-gwapo talaga sila sa akin. Tsk. "He can do it on his own. Tingnan mo 'yon, oh," sagot naman ng kulugong ito habang may itinuturo siya sa kaliwang bahagi ng mga tindahan ng gulay. Sinundan ko din naman iyon ng tingin. "Ano ba 'yon?" "Are you damn blind? Can't you se--ouch!" Sinapak ko nga. Turo ng turo hindi ko naman alam kung anong itinuturo nioya. Ba't hindi na lang ba sabihin? "Sabihin mo na lang kasi! Turo ka pa ng turo! Gusto mo manuno!?" "Whoooaaa! Naniniwala ka pala sa nuno? Estella has really infected you!" Muli siyang humalakhak kaya sinapak ko ulit. "Aray! Nakakadalawa ka na ah!" "Huwag mo nga siyang isinasali sa usapan!" Inis kong sabi sa kanya at tatawa-tawa lang ang sira-ulo. Napatingin naman ako sa itinuturo niya kanina. I saw the woman wearing denim jeans and a denim jacket. He also wore a hat, face mask, and sunglasses. My eyebrows were curved at her outfit. It doesn't suit the time now that it's late at night. She looks like a hold upper and I think she's a saleswoman 'cause she's inside a store and arranging vegetables on the round table. Who would buy her vegetables if that was her posture? Oh, maybe she has chicken fox or measles or any skin disease. Or maybe she's ugly. Tsk. Sayang, ang sexy pa naman. Coca-cola body. Butt pa lang. Shit. Bigla akong napatalikod. "Sabi ko naman sa iyo eh, 'wag mong titigan." Nang-asar na naman ang gago. "You didn't say anything. Let's go." I was about to leave when Charlie suddenly grabbed my arm and held me tight. What the f**k?! "Ouch!" daing niya nang hawakan ko ang kanyang kamay ng mariin at balikuin ito. "Aray naman! Pasa-pasa na nga ako kanina pa sa daan ah, hanggang dito ba naman?" "Tama lang sa inyo 'yan dahil sa mga katarantaduhan niyo. Igapos ko kayong dalawa eh!" "Sorry na nga. Bati na tayo." Muli siyang ngumisi. "Kadiri ka!" "Tingnan mo, bumalik 'yong lalaki kanina." Napatingin naman ulit ako sa itinuturo nya. Miss Denim Girl is talking to a man. Parang siya 'yong kaninang umaawat sa dalawang babaeng nag-aaway ah. "Tara." Nagtaka naman ako sa biglaang pagyaya ni Charlie. Ano na naman kaya ang kalokohan nito? "Huh? Where?" I saw him walk closer to where the man and Miss Denim Girl were. Tsismoso talaga amp. Bakla talaga 'tong gagong 'to, eh. This is really embarrassing to the Delavega clans. I also did nothing but follow Charlie. I'm also curious about the mysterious woman who hides in her weird clothes. "Hindi ko sila inabutan," the man said in his very sad voice to the denim girl as we got a little closer to them. "Sila?" patanong na sagot naman ni denim girl. Suddenly my forehead furrowed at her familiar voice. Napatitig akong bigla sa kanya kasabay nang papalakas na kabog ng dibdib ko. What the f**k is this? "Mura lang dyan suking pogi, bili na kayo. Sariwang sariwa pa. Ilang kilo ba?" dinig kong tanong ng tindera mula sa aking likuran. "Paano mo naman nasabi na sariwa pa ito eh malambot na medyo kulubot pa?" dinig ko namang sagot ni Charlie sa tindera. Gago talaga. "Eeeehhh, ganyan naman talaga ang ampalaya kulubot pero matigas pa 'yan, masarap at masustansya." "Ampalaya pala ito? Kumakain ka ba nito?" Charlie asked. "Oo naman, paborito ko kaya 'yan sa lahat." I looked behind me 'cause they were already grabbing my attention. Naabutan ko ang ginawang pagsumping ng buhok ng babae sa kanyang tainga habang nagpapa-cute sa harapan ng tukmol kong pinsan. "Kaya pala kasing pait ng mukha mo ang lasa nito." Gago talaga. Maganda naman ang babae kaso mukhang maliit. "Bastos!" Sumimangot ang babae at binato ng ampalaya si Charlie na kaagad naman niyang nasalo. Tawa naman ng tawa ang gago. "Sumama siya kay Erhwin." I turned again to the guy and to Denim Girl. Wait? Erhwin? Who is Erhwin he's referring to? Erhwin I know is one of our hotel employees. Oh, maaari din namang kapangalan lang. I stared at Denim Girl again and watched her every move. I wanna hear her voice again. Maybe I was just mistaken. Nakita ko siyang naglabas ng cellphone mula sa kanyang bulsa at may tinawagan doon. Bahagya siyang lumayo kaya naman hindi ko na marinig ang boses niya. Damn it! "Hey! What the f**k you two are still doing here? I've been waiting there for f*****g decades!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dominic! "Eh 'di sana nauna ka na!" Charlie shouted too and all the people here were already paying full attention to us. These two lunatics are really embarrassing. How did I become their cousin? "Oh sige, bahala na kayo dyan!" Dominic answered and quickly walked away. "Whooaa! Wait for me, baby!" sigaw ni Charlie na mabilis na sumunod kay Dominic. I don't know what to do. I turned to Denim Girl again but she was still busy talking on the phone. "Rick! What the f**k are you waiting for?!" Sa lakas ng boses ni Charlie ay halos marinig ito dito sa kabuuan ng palengke. I waited for the woman to turn to me. She might recognize my name. Lumingon ka na! Lingon! "Let's go!" Hinila na ako ni Charlie pero hindi pa rin siya lumingon. I just rested deeply. Maybe I was just mistaken. Maybe they just have the same voice. Zhujhen Cail Nakita ko ang lahat at hinayaan ko lang. Gusto kong masaksihan kung paano niya ipagtatanggol ang babaeng sa pagkakaalam niya ay walang lugar sa puso niya. At napatunayan ko na. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko ang pagtitig niya sa akin habang nakatayo ako sa 'di kalayuan. Ang ipinapakita niya sa mga kilos niya ay taliwas sa sinasabi ng kanyang mga mata. Ilang sandali lang ay ibinalik na niyang muli ang kanyang paningin kay Alyz ngunit huli na. Nakaalis na si Alyz na kaagad niya namang hinabol. Napahinga na lamang ako ng malalim. Lumapit na ako sa tindahan ni Alyz at isa-isang inayos ang kanyang mga panindang gulay na nagulo kanina. Siguro ay dito sila nagpang-abot ng babaeng kapwa din namin tindera. Tsk. Pati gulay idinamay nila. "Tulungan na kitang mag-ayos. Matagal mo 'yan matatapos," alok ni Ate Ana na siyang pansamantalang tumao sa aking tindahan. Inutusan siya ni Mama kaninang umaga na siya na muna ang magbantay sa pwesto ko para naman hindi masayang ang araw at ang mga gulay. Tumango na lang ako. Minuto ang lumipas ay bumalik si Gavi nang nag-iisa. Sa hitsura niya ay para siyang nalugi ng isang daang beses. "Siguro ay galit na galit siya sa akin. Kasalanan ko ito. Napakagago ko para 'di ko maramdaman. Gano'n na ba ako ka-manhid? Hindi ko alam na nasasaktan ko pala siya araw-araw." I just kept staring at him. Ibang Gavi ang kaharap ko ngayon. "Umalis na siya. Hindi ko sila inabutan." Napakunot ang noo ko sa sumunod niyang sinabi. "Sila?" May sinamahang iba si Alyz? "Sumama siya kay Erhwin." Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Napatango-tango ako at kinapa ang phone ko sa bulsa at agad tinawagan si Erhwin. Lumayo na muna ako ng bahagya kay Gavi. Naaawa ako sa hitsura niya. Saka mo lang talaga mare-realize ang halaga ng tao kapag nawala na siya sa tabi mo. "Cail," sagot ni Erhwin mula sa kabilang linya. "How is she?" I asked about Alyz. "Don't worry, she's fine." I nodded at what he said. I know he won't leave Alyz alone. Erhwin is a good friend. "Okay. J-just take care of her." Napakagat ako sa labi ko. "I will. You don't even have to say that." "O-okay." Ibinaba ko na ang linya. Saglit akong natigilan at napahinga muli ng malalim. I turned to Gavi who was now sitting in the long wooden chair. Nakatuon ang pareho niyang siko sa kanyang mga hita at laylay ang kanyang ulo. May mga naririnig akong ingay sa paligid at tila ba nagsisigawan ngunit kay Gavi lang nakatuon ang atensyon ko. Nilapitan ko siya at tinabihan. Inakbayan ko siya na unang beses kong ginawa sa kanya. Napalingon naman siya sa akin. "Please, huwag mo siyang sukuan. Everything's gonna be alright. Alam mo namang hindi ka matitiis no'n." Tumango naman siya at medyo ngumiti ngunit mapakla. "Sana nga," sagot niya at bakas pa rin ang lungkot sa kanyang tinig. "Umuwi ka na. Gusto mo bang ihatid kita?" alok niya sa akin na mabilis ko namang inilingan. "Umuwi ka na din. Ikaw na lang ang sasamahan ko pauwi," sagot ko din sa kanya at naisipan ko na ring tumayo. Napansin ko naman ang ginawa niyang pagtitig sa aking hitsura. "No need. Wait. Bakit nga pala ganyan ang hitsura mo? May sakit ka ba?" Kibit-balikat lang ang tangi kong isinagot sa kanya. "I'll go ahead," paalam ko sa kanya at sumenyas na lang din ako kay ate Ana. Naglakad na ako palabas ng palengke. Dumiretso ako sa parking lot na nasa gilid lang ng palengke. Umupo muna ako ng ilang segundo sa aking motorsiklo bago ko binuhay ang makina. Napahinga akong muli ng malalim bago sinimulang i-urong ang motorsiklo upang mailiko dahil may iba pang mga nakaparadang motorsiklo sa magkabila kong tabi. Sinimulan kong patakbuhin ng mabagal ang aking sasakyan sa kalsada. Naghanap ako ng lugar na medyo may kadiliman na hindi naaabot ng liwanag ng ilaw na nagmumula sa mga poste sa gilid ng kalsada. May nakita akong malilim na pwesto dahil sa malaking puno na may mayayabong na mga sanga at dahon na umaabot hanggang gitna ng kalsada ang lilim nito. It's still close to the market. I chose to stay here and waited for Gavi to come out of the market. I can see from here the parking lot where Gavi's motorcycle is also parked. Dito rin siya dadaan sa gawi ko kung siya ay uuwi na. Mangilan-ngilan na lang ang taong naglalakad sa kalsada gano'n din ang mga naglalabas-masok sa palengke. I looked at my wristwatch and it was eight o'clock at night. I suddenly felt hungry. Wala pa pala akong kain simula pa kanina. Nagpalinga-linga ako sa magkabilang direksyon. May namataan naman akong mga karinderya sa kaliwang side ko na bukas pa rin hanggang sa ngayon. It is close to the tricycle terminal and open 24 hours for drivers and overnight commuters. I turned back to the market. Makikita ko naman siya kahit nasa karinderya ako. I started my motorcycle again and turned it to the left so I could get close to the karinderya. Nang makalapit ako ay ipinarada ko ito sa unahan ng isang kotse na kulay pula. Hindi pa naman siguro ito aalis. I examined the inside and saw no one. Pinatay ko ang makina ng motorsiklo ko at bumaba. Naglakad ako palapit sa karinderya. Nasa anim na hilera ito ng karinderya sa gilid ng kalsada. Lahat ay may umuukopa. At lahat ay may kumakain dahil sa oras na rin naman ng hapunan ngayon. I chose to sit in the first karinderya with three men sitting and currently eating. Tinanaw kong muli ang palengke. Iilan na lamang ang mga taong lumalabas doon at malapit na itong magsara. Naupo ako sa tabi ng lalaki na hindi ko naman nilingon kung sino siya. Ang dalawa naman niyang kasama ay napaka-iingay. Hindi ko na lang pinansin dahil gutom na gutom na ako. Ano bang oorderin ko? Tumingin ako sa mga larawan na nasa itaas. "May tapsilog pa kayo?" tanong ko sa tatlong tindera na para bang hindi ako nakita dahil sila ay nakatulala sa tatlong lalaking nasa aking tabi. Sa gilid naman ng mga mata ko ay napansin ko ang paghinto mula sa pagkain ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya pinansin dahil mas nag-focus ako sa tatlong tindera na nasa loob ng kanilang tindahan. Sa palagay ay nasa edad 20's na sila at patuloy sa pagpapa-cute sa harapan ng mga lalaking nasa aking tabi. "May tapsilog pa kayo?" Inulit ko ang aking tanong sa medyo mas malakas na tinig. Baka hindi lang ako narinig eh dahil ang ibang karinderya ay may sound system kaya medyo maingay samahan pa ng dalawang lalaki sa kabilang side. Samantalang ang aking katabi na hindi ko tinitingnan ay nananatiling tahimik at naputol na rin ang kanyang kinakain. Mabuti pa nga siya, napansin niya ako. Pero ang tatlong babaeng ito ay para bang nasa ibang planeta na ang mga imahinasyon. Isa na lang. Nanggigigil na ako eh. "MGA MISS, ISANG ORDER NG TAPSILOG," I said louder. Pero wow! Just WOW! Hindi talaga ako pinansin! I couldn't control myself anymore. I slapped both my palms hard on the table which almost made them jump in shock. Maging ang mga mangkok ng tatlong lalaking kumakain ay tumalon din at bumagsak sa sahig na lumikha ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag ng mga ito. "Whooaaa! Easy!" shouted one of the men sitting here. Napatingin din sa amin ang ibang mga kumakain sa kabilang karinderya. Hindi ko sila pinansin at masamang-masama ang tingin ko sa tatlong babaeng ito na kulang na lang ay matunaw sa takot sa akin. Gutom na gutom na ako. At gustong-gusto ko nang makakain pero ang mga walanghiyang ito, ginagalit ako! "So-sori po! Sori po! Sori po!" They quickly apologized to me and bowed at the same time. I was still staring at them as I stood and rested my two palms on the table. Kinalma ko ang sarili ko at saka muling umupo. Mabilis nila akong binigyan ng plato na may lamang tapsilog. Ibig sabihin lang ay narinig naman pala nila ako kanina at hindi lang ako pinapansin! Binigyan din nila ng panibagong order ang tatlo at saka nila sinimulang linisin ang mga nabasag sa ibaba. Tinanggal ko muna ang suot kong face mask gano'n din ang sunglasses. Paano naman ako makakakain kung suot ko ang mga ito? Gano'n din ang sumbrero sa ulo ko dahil ang sabi ng lola ko ay bawal daw ang nakasumbrero habang kumakain. Kabastusan daw iyon sa pagkain. Sorry na lang sa nalaglagan ng plato kanina. Tumaas ang presyon ko eh. Sa pagtanggal ko ng suot kong sumbrero ay sumabog ang mga buhok ko dahil natanggal ito mula sa pagkakatali. "Whoaa..." "Chikababe, dude.." Dinig kong bulungan ng mga lalaking nasa tabi ko. Hindi ko pa rin sila nilingon at sinimulan ko na ang pagkain ko. Lumingon akong muli sa palengke. Nakaligtaan ko na si Gavi dahil sa mga babaeng ito! Binilisan ko na lamang ang pagkain. Nang matapos na ako ay mabilis akong uminom ng tubig at nagbayad sa mga tindera. Tumayo na ako kaagad mula sa aking upuan at tumalikod. Nagsimula na akong humakbang paalis ng karinderya. "Cail.." Ngunit kaagad din akong natigilan sa pamilyar na boses na hanggang sa ngayon ay hinahangad kong muling marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD