CHAPTER 1: KRIMEN
Cail
Lumalakas ang simoy ng hangin. Dumidilim ang kalangitan. Kasabay nang papadilim na kapaligiran ang nagbabadyang pagbagsak ng napakalakas na ulan.
Shit. Kung bakit naman kasi hindi pa sinuspinde ang klase ngayon eh 'di sana hindi na nahirapan pa ang mga estudyanteng umuwi. Kagabi pa lamang ay ini-announce na sa balita na may namumuong low pressure at ngayon sa lagay ng panahong ito ay siguradong bagyo na.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad habang yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa ginaw kahit makapal naman ang suot kong jacket. Bigay pa sa akin ito ng pogi kong kuya.
Malapit na 'ko sa gate ng school compound nang biglang bumuhos na ang napakalakas na ulan! Tumakbo na ko nang mabilis para makasilong sa waiting shed sa labas ng gate nang sa 'di inaasahan ay bumangga ako sa isang matigas na..................pader?!
"Oh, s**t!"
Napa-igik ako sa sakit dahil sa lakas nang impact nito sa kaliwang bahagi ng katawan ko lalo na sa bandang dibdib ko pataas sa balikat ko! Pakiramdam ko nagmanhid ang kalahati ng aking katawan. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa lupa!
Oh f**k!
Bumagsak ang kaliwang bahagi ng aking pang-upo. Wala man lang sumalo?!
Napalingon ako sa aking nabanggaan habang iniinda ang sakit sa buo kong katawan. Tao pala at ang hinayupak! Dire-diretso lang siya sa pagtakbo!
"Sarrreeey!" sigaw ko sa kanya ngunit dedma ang magaling na lalaki! Anu ba 'yon, manhid? Hindi man lang ako naramdaman?!
Tsk! Napilitan na lang akong tumayo at nagsimulang maglakad habang hinihimas ko ang masakit kong balakang. Nabalian pa yata ako ng buto! Masakit din ang kaliwang bahagi ng aking balikat. Daig ko pa ang binugbog!
Balewala na ang aking pagtakbo dahil basang-basa na ako ng ulan. Ipinasok ko na lang sa loob ng suot kong jacket ang aking bag at niyakap para kahit papaano ay hindi mababasa ang mga gamit ko.
Bibilisan ko na sana ang aking paghakbang nang mapansin ko ang grupo ng mga kalalakihan na kapapasok lang ng gate at tumatakbo patungo sa gawi ko. Ano bang meron? Tapos na ang klase ah!
Nagmadali akong maglakad patungo sa kanang bahagi kahit hirap na hirap akong kumilos dahil sa sakit ng aking katawan dahil baka madagdagan na naman ito kapag sinalubong ko pa ang mga lalaking 'to!
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Medyo may kadiliman ang paligid dahil sa sama ng panahon at alas singko y media na rin ng hapon. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyanteng nagmamadaling maglakad patungo sa gate. Ang karamihan ay malamang nakauwi na.
Nang makarating ako sa gate ay napansing kong wala ang mga guards. Nasaan kaya sila?
Nagpalinga-linga ako sa paligid sa pagbabaka-sakaling makita ko ang isa man sa kanila ngunit wala.
Hindi ko na lang pinansin at pinili ko na lang lumabas at maghintay ng masasakyang jeep para makauwi na 'ko. Ngunit mangilan-ngilan na lang ang dumaraan at sa kasamaang-palad ay punong puno pa!
Saan naman ako sasakay nito? Sasabit? Malayo-layo pa naman ang tinitirhan kong bahay ng kuya ko. Bukod doon ay umaapaw na rin ang tubig sa kalsada at mukhang babaha pa.
Mag-uumpisa na sana akong maglakad nang isang malakas na putok ang siyang nagpahinto sa akin.
"What the?" naibulong ko at natulos ako mula sa aking kinatatayuan. Kung hindi ako nagkakamali ay putok iyon ng isang baril!
Kumalabog ng husto ang aking dibdib habang dahan-dahan kong nililingon ang loob ng compound mula sa gate na aking pinanggalingan. Kasalukuyan pa rin itong nakabukas at wala pa rin ang mga gwardya!
Luminga ako sa paligid at napagtanto kong nag-iisa na lamang ako dito sa gilid ng kalsada at wala na halos dumadaang mga sasakyan bukod sa ilang sasakyang naka-park dito sa gilid ng paaralan.
Muling napabalik ang aking paningin sa loob ng compound nang makarinig ako ng tila mga mahihinang sigawan ng tao at mga kalampag ng parang mga gamit? Mesa, upuan o pinto? Hindi ako sigurado.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin, namalayan ko na lang na humahakbang na ang aking mga paa pabalik sa aking pinanggalingan. Papasok muli sa loob ng school compound.
Hinanap ng aking pandinig kung saan nagmumula ang mga naririnig kong ingay. Dahan-dahan ang paggawa ko ng hakbang habang pilit kong ikinukubli ang aking sarili sa bawat silid na aking madaanan.
Bahagya ko nang nauulinigan ang mga boses ng mga lalaki na nag-uusap. Sumilip ako ng bahagya sa bintana ng isang silid mula sa aking pinagtataguan.
Medyo may kadiliman na pero sapat na ang kaunting liwanag na pumapasok sa mga bintana ng silid mula sa labas.
Mga nasa walo katao ang nasa loob ng isang silid habang nakapalibot sa isang taong............nakahandusay sa sahig!
What the hell?!
Kalahati lang ng kanyang katawan ang nakikita ko dahil ang kalahati pa ng katawan nito paitaas ay....
....nakasako!
Sa tingin ko ay may tama siya ibabang parte ng kanyang katawan. Sa palagay ko ay sa binti o maaaring sa paa. Hindi ako sigurado dahil naka-pants siya at nakikita ko ang pagdaing niya at pag-agos ng dugo sa kanyang paahan.
"Ano, boss? Tapusin na ba natin 'yan? Pinahirapan pa tayo ng gagong 'yan!" maangas na saad ng nakatayong lalaki na kalbo. May hawak siyang baseball bat sa kanan niyang kamay.
"Wag ka ngang atat! Nag-iisip pa 'ko ng magandang plano!" maangas na sagot naman ng nakatayong lalaki habang naghihimas ng kanyang baba. May kalakihan ang kanyang katawan, malaki ang tiyan at.....kalbo din?!
Napa-ikot tuloy ang aking paningin sa iba pa nilang mga kasama at napanganga ako nang mapagtanto kong lahat pala sila ay kalbo! Bukod sa nag-iisang lalaking nakasuot ng sumbrero.
"Paano kapag nalaman ito ni Estella?" tanong ng nag-i-isang lalaking naka-cap habang nakatingin sa lalaking nakahandusay.
"Wala siyang malalaman or else.....isa dito sa atin ang traydor," sagot ng tinatawag nila kaninang boss na mukha namang busabos habang kapwa nagsusukatan ng titig ang bawat isa.
"Kilala mo ko kung paano ako lumaro," nakangisi niyang sabi sa lalaking naka-sumbrero.
Hindi nagtagal ay bumawi na rin ng tingin ang lalaking naka-cap na tila wala na siyang magagawa sa lalaking kanyang kaharap.
"Buhatin niyo 'yan!" utos ng tinatawag nilang boss sa kanyang mga kasama at isa-isa na silang lumabas ng silid.
Dalawa sa kanila ang nagtulong sa pagbuhat sa kawawang lalaki na hindi na kumikilos. Wala na ba siyang malay?
Basta na lang isinukbit ng dalawang lalaki sa kani-kanilang balikat ang dalawang braso ng lalaki. Napansin ko ang bahagya nitong pag-igtad. Laylay ang kanyang mga kamay at paa.
Shit. Ano bang kasalanan ng lalaking ito para parusahan siya ng ganito?
Nang matanaw ko na sila sa 'di kalayuan ay muli ring humakbang ang aking mga paa pasunod sa kanilang nilalakaran.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa? Alam ko namang napaka-delikado ng sitwasyong ito pero parang may nagtutulak pa rin sa aking sumunod sa kanila.
Isa itong krimen at hindi kakayanin ng aking kunsensiya na hayaan lang ang lalaking itong mamatay sa kamay ng mga lalaking ito na halang ang mga kaluluwa!