CHAPTER 7: WORTH

2932 Words
Nick I was amazed to hear and witness the beautiful laughter of Cail, Caithy's youngest sister. While behind him, Erhwin, who is also one of our employees, is chasing her. I've been watching her all day ngunit kahit anong saya ng grupo, I didn't even see her smile or even socialize with her sister's friends. She just sits quietly to one side and watches us. I couldn't even read what was running through her mind. And I can't believe only Erhwin can change her mood. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya lalo na't pamilyar sa akin ang mukha niya. It was as if I had seen her before but I can't remember where and when that thing happened. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga sa batis. Hindi ko naman sinasadyang makita siya doon sa ganoong hitsura. Tsk. Every curve of her body never left my mind. I have insomnia whenever I'm in another house or place. Hindi kaagad ako nakakatulog. Kaya napilitan akong lumabas ng bahay kanina and walk around even though it was still dark. There was a moon earlier at masarap din sa pakiramdam ang simoy ng malamig ng hangin sa labas. Hanggang sa napadpad ako sa likurang bahagi ng bahay at narinig ko ang mahinang agos ng tubig na para bang sa batis ito nagmumula. I was curious so I got closer to that part and saw that someone was taking a bath at that moment. Isn't it scary? What if suddenly there was a crocodile underneath or someone pulled her from underneath? Fuck! I quickly shook my head and forgot what was entering my mind. I also noticed how she had been staring at me intently earlier as if she knew me too. But she also immediately walked away and ran up to her house above the tree. Totoo bang doon siya natutulog? Isn't it scary there? It was too high and that house was in a f*****g tree! Damn it! Maybe all of a sudden a ghost came in there or a kapre! f**k! Muli akong napapilig. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Tsk. Ang weird niya lang kasi. "Mukhang malalim ang iniisip natin ah?" Bigla akong natauhan nang biglang may magsalita at nasa aking harapan na pala si Caithy. Nahaharangan na niya ang kanyang kapatid na nasa 'di kalayuan kaya hindi ko na ito gaanong makita. "Ahm...nothing." Nginitian ko siya para hindi siya magtaka sa akin. "Tara na?" yaya niya na tinanguan ko naman kaagad. Napalibot ang aking paningin sa aming mga kasama. Masaya at masarap naman silang kasama. Each of them brought baskets and sacks full of lots of fruit. How can they eat all that? As we walked down the rough road, I felt my phone vibrate in my pocket. I immediately pulled it out and saw on the screen the name of my cousin Charlie who was currently calling. "Excuse me for a moment, Cai. You can go ahead," paalam ko kay Caithy. "Ah..oh, sige. Hindi ka naman maliligaw. Ayan lang 'yong bahay." Itinuro niya ang bahay nila na tanaw naman na mula dito sa aming kinaroroonan. "Yeah, thanks. I'll just answer it." "Okay." She gave me a very sweet smile before she turned her back on me and walked away. "Charlie," sagot ko sa abnormal kong pinsan nang mailapat ko sa tainga ko ang phone ko. "Hey, dude!!!" Pero kaagad ko rin itong nailayo nang halos mabasag na ang eardrum ko dahil sa lakas ng kanyang pagkakasigaw! "What the f**k?! Why do you have to shout?!" I shouted back at him in annoyance! Humalakhak naman ng napakalakas ang sira-ulo. Tsk. "What do you need?" "Send us Caithy's complete address right now," sabi niya habang may naririnig akong mga hindi ko maintindihang ingay mula sa kabilang linya. "Why?" My forehead frowned. "Ang lagay eh kayo lang ang nag-e-enjoy?! Wag gano'n, dude! We're already on our way there." "The hell. Who's with you?" "Secret!" He laughed out loud again. "Okay bye." I was about to turn off my phone. "W-wait! Ito naman, oh." "Oh?" walang gana kong tanong. "Si Dominic." "And?" "K-kami lang dalawa, okay!" "Okay, bye." I knew they were still hiding something from me. "H-hey! Si Rick, okay. Si Rick!" What the?! "R-Rick? How?" I was surprised by what I heard. My twin Rick is like me with a phobia of water and heights. 'Yon nga lang, mas mahina siya kumpara sa akin. I try to fight my fear somehow. "I'll explain to you later. Just send us the complete address 'cause we might get lost here! We're here now at the Calapan Pier! Sabi nila, Calapan daw ito!" he shouted again from the other line. 'Pag siya talaga ang makakausap mo, mababaliw ka at maririndi ka sa lakas ng bunganga niya! "A'right, I'll text you the address," I replied simply 'cause there was nothing I could do either. I think they have crossed the sea. I also don't know which place he's talking about. "See you soon, baby Nick! Mwaaah...mwaaah...tsup! Tsup!" What the f**k? Muntik na akong masuka sa pambakla niyang tinig! Minsan nagdadalawang-isip na rin ako sa gagong 'to eh! "f**k you." Inis kong sagot sa kaniya na sinagutan niya naman ng nakakarinding halakhak. "Tsk." Zhujhen Cail Hindi ako mapalagay, hindi ako matahimik. Ginugulo ang isipan ko tungkol sa naging pag-uusap namin ni Erhwin kanina lamang. Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Mas natatakot ako para sa pamilya ko. Sa mama ko, sa pamilya ni kuya Lhiu at kay ate Caithy. At ang mga taong importante sa akin na sina Gavi, Alyz at Erhwin. Nag-aalala ako para sa kanila. Ayoko ng maulit pa ang mga nangyari noon. Ayoko ng may mawala ulit isa man sa pamilya ko at mga taong pinahahalagahan ko. Hindi ko na talaga kakayanin pa kapag may nangyaring masama ulit sa kanila ng dahil sa akin! Naririto kami ngayon sa batis sa likod-bahay kung saan nagkakasayahan ang mga kaibigan ni ate Caithy sa paglalangoy sa malalim na batis. Kanina pa nga nila ako tinatawag at inaayang maligo din pero pinili ko na lang na panoorin sila mula sa pagkakaupo ko dito sa malaking bato sa gilid. Abala ako sa pag-iisip ng mabuting paraan na maaari kong gawin. Sa gilid ng aking mga mata ay may taong naupo sa aking tabi. Sa tingin ko ay nasa isang dipa ang layo niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang ang aking paningin sa grupong nagkakasayahan. "Ahmn..h-hi," alanganin niyang bati sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Amnn...m-mind talking to you? Ahm, aahh...I would like to apologize for what happened this morning," banayad niyang sabi at sa tingin ko ay seryoso naman siya. Hindi ko pa rin siya pinansin. "I didn't mean that. I swear, I didn't see anything." Walang nakita? Bulag ba siya? Hindi ko pa rin siya pinansin, ni hindi ko tiningnan. Ilang sandali lang ay narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Siguro ay nauubos na ang pasensya niya sa akin. "Ahmn...I'm sorry if I bothered you." "Okay," walang emosyon kong sagot. Kahit papaano ay Boss pa rin siya ni Ate Caithy at kailangan ko siyang igalang. Baka isipin pa niyang hindi ko siya welcome dito sa lugar namin. Nakita ko naman mula sa gilid ng aking mata ang biglaan niyang pagbaling sa akin. "Okay? R-really?" Tila hindi siya makapaniwala. Ano naman ang nakakagulat do'n? Hindi ko siya ulit pinansin. "So, are we friends now?" Hindi ko pa rin siya pinansin. "F-for you. Ahm, p-peace offering." Doon na ako napalingon sa kanya nang mapansin ko mula sa gilid ng aking mata ang bagay na iniaabot niya sa akin. Isang bulaklak ng gumamela ang hawak niya ngayon. Lihim na napataas naman ang kilay ko. Peace offering? Pero pinutol niya 'yan sa pananim ko nang walang paalam! Napatingala ako sa kaniya at sinalubong ang kanyang mga mata. Bigla naman siyang umiwas ng tingin at para bang nailang. Ano bang problema nito? Kinuha ko na lang ang bulaklak at isiniksik sa gilid ng kaliwa kong tainga. Napansin ko naman mula sa gilid ng aking mata ang pagkagulat niya. Bahagya pa siyang napanganga. Big deal ba 'yong ginawa ko? "Whoaa...Y-you look so beautiful. It suits you." Walang emosyon akong bumaling sa kaniya at saka tumayo. "I'll take that as a compliment," walang emosyon kong sabi at saka ko siya tinalikuran at naglakad patungo sa bahay. "Saan ka pupunta?" tanong ni Ate Caithy nang makasalubong ko siya na may bitbit na isang tray na may lamang pitchel at mga basong wala pang laman. "Sa palengke, may naiwan lang ako doon kahapon. Kukunin ko lang," pagdadahilan ko kahit wala naman para lang makatakas ako. "Oh sige, pero bumalik ka kaagad, ha." Tumango na lamang ako kahit hindi ako sigurado. Nauubos lang ang oras ko dyan. Mas gusto ko pa ang nasa palengke para kumita at 'di nasasayang ang oras ko. Na-miss ko tuloy si Alyz at Gavi. Hindi ko alam kung magkasama ba sila ngayon sa palengke. Kahit naman hindi ko sila minsan maintindihang dalawa, palagi na lang silang nag-aasaran. Pansin ko naman na may something sa kanila. Napaisip tuloy ako kung natuloy ba ang paglibre sa kanya ni Gavi kagabi. Bulong-bulong pa sila eh naririnig ko rin naman. Hindi ko din alam kung saan nila dinala si Usoy kagabi dahil nauna na ako sa kanilang umalis sa lugar ni Mang Goryo. Sa init ng ulo ko dahil sa pang-iinsulto niya sa aking ama. Pag-uwi ko naman ng bahay kagabi ay sa treehouse na ako kaagad nagdiretso dahil sa malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay ng mga barkada ni Ate Caithy. Gusto ko nang magpahinga at gusto ko ng katahimikan kaya sa paghiga ko kagabi ay kaagad na akong nakatulog. Pero muli na naman akong dinalaw ng mga panaginip ko. Mga panaginip na paulit-ulit na lang ang eksena. Bumulusok ako sa isang lugar at hindi ko alam kung saan ako babagsak. Madilim ang paligid at bumubuhos din ang malakas na ulan. Pero hanggang doon lang at kaagad din akong nagigising. Alam kong may kinalaman iyon sa mga pangyayari sa nakaraan ko? Dahil hanggang sa ngayon ay ayaw ako nitong patahimikin. Para bang may nais pa itong iparating sa akin. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si Mama sa sala habang may kausap na isa sa aming mga trabahador sa gulayan sa bukid. Dumiretso ako sa aking silid na nasa ikalawang palapag ng bahay. Dito din naman ako natutulog sa gabi kapag wala si ate Caithy dahil walang makakasama dito si Mama kahit pa may sarili din silang silid ni Papa. Pero dahil sa marami sila ngayon dito ay doon na muna ako sa bahay ko sa puno mananatili dahil tahimik at maaliwalas doon lalo na sa gabi. Pagpasok ko sa aking silid ay kaagad na akong nagpalit ng aking kasuotan. Usually, getup ko ay jeans, simpleng t-shirt na sumakto lang sa katawan ko. Leather shoes at head cap. Itinali ko ang aking buhok paitaas sa aking ulo at sinuotan ng sumbrero. Sa paglabas ko ay naabutan kong may kausap pa rin si Mama kaya hindi ko na nagawang mag-paalam pa sa kanya. Nasabi ko naman na kay Ate Caithy. Sumakay na ako sa motorsiklo ko na dating pag-aari ni Papa noong siya ay nabubuhay pa kaya iniingatan ko ito ng sobra. Nagsuot din ako ng face mask at sunglasses kahit hapon na at wala ng araw. Kabilin-bilinan ito sa akin ni Erhwin upang maging proteksiyon ko at hindi ako kaagad makilala ng mga taong naghahanap sa akin. Ini-start ko na ang makina ng aking sasakyan at sinimulang patakbuhin ito sa kahabaan ng kalsada. Aabutin ng twenty minutes bago ako makarating sa bayan ng Socorro kung saan naroroon ang palengke. Habang binabaybay ko ang masukal na kalsada ay nagmamasid-masid ako sa buong kapaligiran. Mabibilang ang mga bahay na aking nadaraanan. Mas malawak ang gubat na may matataas na puno ng kahoy at malawak na palayan sa magkabilang panig. Maayos at sementado naman ang kalsada. Bibihira lang din ang mga malalaking sasakyan. Karamihan ay motorsiklo at tricycle ang gamit na sasakyan sa aming baranggay. TAKIP-SILIM na nang makarating ako sa bayan. Sa parking lot sa palengke ako kaagad nagdiretso. Pero mula dito ay may naririnig na akong mga ingay na para bang nagkakagulo. Napakunot ang aking noo nang mapansin ko ang grupo sa loob ng palengke na nag-uumpukan at para bang may sabong na nagaganap sa loob! "Papatayin kitang malandi ka!" "Mas malandi ka! Walang sa 'yo! Hindi ka niya mahal!" "Sa pula!" "Sa puti!" Tsk. Kailan pa nagkaroon ng sabong dito?! Maria Alyz Sobrang sakit ng anit ko! Pero hindi ako papayag na hindi ako makaganti! Sinabunutan ko rin siya ng mas malakas! "Bwisit kang babae ka! Sino ang malandi sa ating dalawa, ha?! Sumagot ka!" sigaw ko sa kanya habang nasa ilalim ko siya at ako naman ang nasa kanyang ibabaw at hindi ako tumitigil mula sa kasasampal at kakasabunot ng malakas sa kaniya! Nakahiga na siya sa sementong maputik, malansa na at mabaho pa! Dahil narito lang naman kami sa loob ng palengke! "Tama na 'yan! Ano ba?!" malakas na sigaw naman ni Gavi mula sa aking likuran habang siya ay nakayakap sa akin at malakas din akong inaawat upang maialis ako dito sa ibabaw ng malanding babae na ito! "Ikaw ang malandi! Tanggapin mo ng kahit kailan ay hindi siya mapapasa iyo! Assuming ka lang talaga!" sigaw din sa akin ng ipokrita habang malakas niya ring sinasalag ang mga kamay kong sumusugod sa kanya! "Assuming! Assuming, ha! Wow! Sino ang assuming sa ating dalawa?! Papatayin kitang malandi ka!" sigaw ko rin sa kanya habang kinakalmot ko ang pangit niyang mukha! Panay naman ang ilag niya at pilit niya muling inaabot ang buhok ko! "Ikaw! Assuming na, demanding pa!" ganting sigaw sa akin ng walanghiya! "Hindi ako demanding! At hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga ayaw sa 'kin! 'Di gaya mong pokpok!" Tuluyan na akong nahigit ni Gavi at naialis mula sa ibabaw ng malanding babae! Yakap-yakap niya pa rin ako mula sa aking likuran. Nakita ko naman na mabilis tumayo ang ipokrita at ako naman ang kanyang sinugod! Pero bago pa niya ako masaktang muli ay mabilis na akong naiikot ni Gavi kaya naman siya ang nakatanggap ng mga suntok ng ipokrita! "Tama na! Ano ba?!" sigaw niya sa malanding babae. "Siya ang nauna, babe! Ipinagtatanggol mo pa 'yang salot na babaeng 'yan?! "Ikaw ang salot! Lumayas ka sa palengkeng ito! Bumalik ka sa lungga mong bulok!" balik-sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang galit! "Ako daw ang nauna? Eh ikaw itong unang nagpaparinig ng mga kung ano-ano sa akin! Nananahimik ako dito sa tindahan ko! At may pababe-babe pang nalalaman?! Anong tingin mo kay Gavi?! Baboy?!" "Oh 'di umamin ka rin! Nagseselos ka!" Bigla siyang humalakhak ng napakalakas. Hindi kaagad ako nakaimik. Napa-ikot sa paligid ang paningin ko at ang mga walanghiya! Nanonood lang! 'Di man lang umawat! May nagvi-video pa! Mga bwisit! "Tumigil ka na pwede ba?! At huwag na huwag mo ng uulitin pang saktan si Maria dahil kung hindi--" "Kung hindi ano?!" putol kaagad ng lukarit sa sinasabi ni Gavi. "Baka makalimutan kong babae ka!" "Sinaktan niya rin ako, bwisit ka! Nakikita mo ba itong hitsura ko, ha! Walanghiya ka! Magsama kayong dalawa! At ikaw babae ka, may araw ka rin sa akin!" galit na galit at namumula niyang sigaw at saka tumakbo ng mabilis palabas ng palengke. "Bitawan mo nga ako, bwisit ka!" sigaw ko kay Gavi habang pilit ko siyang itinutulak. "Bakit pati ako?" singhal niya naman sa akin nang mabitawan na niya ako. Naghahabol siya ng kanyang hininga at halatang napagod din mula sa pag-awat niya sa amin ng ipokritang babae niya! Tumutulo ang pawis niya sa kanyang mukha. "Bakit hindi?! Tingnan mo nga ako! Tingnan mo ang hitsura ko! Dahil dyan sa mga babae mo! Nananahimik ako dito!" "Eh hindi ko naman babae 'yon! Wala naman akong pakialam sa kanila!" sigaw niya rin sa akin. "Eh kanino ka ba may pakialam? Sino bang gusto mo?!" sigaw ko sa kaniya dahil sa labis na emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. At huli ko na ito na-realize. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Alam ko naman kung sino talaga ang gusto niya. Hindi kaagad nakasagot si Gavi. Bumaling ang kanyang paningin sa ibang direksyon. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyong tinahak ng kaniyang mga mata. At kusa na lang bumagsak ang aking mga luha nang makilala ko ang babaeng nag-iisang binibigyan niya ng buo niyang atensyon. Walang iba kundi ang isa rin sa mga taong pinahahalagahan ko ng husto. Ang itinuturing kong matalik kong kaibigan... ...Cail. Hindi ko na kailangan pang marinig ang kanyang kasagutan. Sapat na ang lahat nang nakikita kong mga pagpupursige niya para sa babaeng mahal niya. Namalayan ko na lamang ang mga paa kong naglalakad sa kawalan. Sa madilim na kalsada at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito. Masakit. Sobrang sakit ng dibdib ko. Simula noong mga bata pa lang kami ay siya lang. Siya lang ang nag-iisang lalaking naramdaman ko ng ganito katindi! Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang hinahangad ko, na kahit kaunting pansin man lang ay maibigay niya sa akin. Kahit konti lang. Napalingon ako sa isang sasakyan na huminto sa aking tabi. Motorsiklo. Kaagad bumaba ang sakay nito at naglakad palapit sa akin. Walang pag-aalinlangang niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo ko. "Ssshh...stop crying. I don't wanna see you waste your tears on a stupid man who doesn't see your worth." "E-Erhwin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD