Zhujhen Cail
Bigla akong napahinto. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig kong muli ang pamilyar niyang tinig. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.
Kinalma ko ang sarili at ilang beses akong huminga ng malalim. Tinatagan ko ang loob ko bago ako dahan-dahang humarap sa kanya.
He was standing in front of me. We were only about three palms apart. My whole body was shaking. Ang mga tuhod ko, pakiramdam ko ay unti-unting nanghihina.
Nagsimulang gumapang ang aking mga mata mula sa ibaba. Starting with his sneakers, to his khaki pants, to the white t-shirt he was wearing inside his dark blue coats. My eyes crawled towards his neck where there was his Adam's apple moving. Up to his chin with pubic hairs just starting to grow.
His red lips, his sharp nose, his puffy eyes were a bit sharp. His thick eyebrows.
Napatitig ako sa mga mata niyang nangungusap. Halo-halong emosyon ang nakikita mula roon na hindi ko mapangalanan.
Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng isa niyang kilay kasabay nang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. Kaya naman lumitaw sa magkabila niyang pisngi ang malalalim niyang dimples.
What the? Nakangisi sya?
"Done observing?"
Bigla akong natigilan sa sinabi niya at nagulat nang tuluyan ko nang mapagmasdan ang kanyang mukha. Bigla na lamang akong napanganga.
"What the f**k are you doing here?" nagtataka kong tanong sa kanya. Anong ginagawa nya dito sa Bayan? Gabing-gabi na!
Siya naman ngayon ang mukhang natigilan at kumunot ang noo.
Napalingon ako sa mga kasama niya at mas lalo akong nagtaka nang bago ang mga mukha nila sa aking paningin. Sino naman sila? Parang hindi ko naman nakita ang mga mukha nila sa bahay kanina.
Hindi ko sila kilala. May dumating ba silang bagong kasama at sinundo niya dito sa bayan?
His two companions were smiling but I wondered why they had bruises on their faces.
"Who are they?" I turned to Nick, my sister's boss.
"Hi, I'm Dominic Delavega. You are?" He raised his hand in front of me but I ignored him.
"Hello! I'm the most handsome of all the Delavegas, Charlie! Nice to meet you beautiful ngunit masungit na Binibini." He also raised his hand in front of me but I ignored him as well. He looks crazy when he smiles.
"Sinundo mo ba sila dito nang mag-isa? Natandaan mo 'yong daan?" I asked Nick again.
Nagkatinginan naman silang tatlo. Tumango-tango naman siya ng mahina lang.
"Okay, go home."
I quickly turned my back on them and my plan was to head back inside the market to see if Gavi was still there.
"Ahm, wait." Ngunit muli akong napahinto nang muli siyang magsalita.
Ewan ko ba kung bakit parang narinig ko na dati pa ang boses niya na ipinagtataka ko ng sobra. Or maybe I'm just hallucinating.
I shook my head and faced him again.
"Sabay na tayo. I've forgotten the right way," he said as he still stared at me earnestly.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Nakapunta siya dito ng mag-isa, eh 'di umuwi din siya ng mag-isa! Ay may kasama na pala siya.
Napatingin akong muli sa dalawa. Napapaisip lang ako kung saan nanggaling ang kanilang mga pasa sa mukha. Anong nangyari sa kanila? May nakaaway ba sila at dito nila naisip magtago sa lugar namin?
"Okay, fine. Just wait for me here."
Mabilis ko na silang tinalikuran at nagtungo sa loob ng palengke. Ngunit wala na akong naabutan pa sa loob. Tanging ang mga Guard na lamang ang nakita kong nagro-roving.
I went straight to the parking lot but his motorcycle was no longer there. Tsk. Nakatakas siya sa paningin ko nang hindi napapansin!
Naisipan ko na lamang tawagan ang bunso niyang kapatid.
"Ate Cail!" Automatic napalayo ang phone ko mula sa tainga ko. Ganito talaga palagi itong kapatid ni Gavi sa tuwing tumatawag ako sa kanya. Palaging sumisigaw!
"Nariyan na ba ang kuya Gavi mo?"
Matagal bago siya nakasagot.
"Andito na po, kararating lang."
"Kausapin ko." Para masiguro ko kung nagsasabi siya ng totoo.
"C-Cail," sagot naman kaagad ni Gavi sa namamalat niyang boses at hindi diretso ang kanyang pagsagot! Lasing ba siya?
"Okay ka lang? Kumain ka na ba? Magpahinga ka na, ha."
"Ahaha..answeet-sweet mhoo namann." Mukha siyang lango sa alak.
"Tss. Bye."
Kaagad ko nang pinutol ang linya at tumalikod na ngunit bigla na lamang akong bumangga sa pader.
"Ah!" napadaing ako nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay!
Kaagad ko itong hinimas dahil bigla itong nagmanhid ngunit napahinto ako nang may bigla na lamang kumuha sa aking kamay mula sa noo ko. Kasunod niyon ay nakaramdam ako ng hangin na umihip sa mahapdi kong noo.
I feel like the world has suddenly stopped when I realize a familiar presence is blowing down my forehead and we are just so close to each other.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko ngunit kaagad kong ginising ang sarili ko. I shook my head and quickly walked away from this man!
Nick? Natigilan naman ako nang makilala ko na siya.
"Are you alright?" Nabanaag ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Si Erhwin pa lang ang lalaking hinayaan kong makahawak sa akin. Dahil bata pa lang kami ay magkakaibigan at magkakasama na kami.
"Does it still hurt?" tanong niya ulit nang hindi ako kaagad nakasagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
Nang tangka siyang lalapit sa akin ay humakbang paatras ang aking mga paa kaya napahinto naman siya mula sa paglapit sa akin. Natigilan ako nang may dumaang sakit sa kanyang mga mata na ikinalito ko.
"Let's go," walang emosyon kong sabi at saka mabilis ko siyang tinalikuran.
I can't understand how I feel right now. Why do I feel like he has such a big part in my life?
Napahinto rin ako mula sa paglalakad nang maramdaman kong tahimik sa aking likuran at wala akong nararamdamang yabag na sumusunod sa akin.
Lumingon ako at napanganga ako nang hindi ko siya natagpuan sa likod ko. Napatanaw ako sa lugar kung saan ako nanggaling at nakita kong naroroon pa rin siya at hindi pa rin kumikilos sa kanyang kinatatayuan!
What the hell?! Bahala ka dyan! Hmp!
Inirapan ko na lang siya at muling naglakad pabalik sa aking motorsiklo. Sumakay ako kaagad at mabilis na binuhay ang makina.
"W-wait!" awat sa akin ng isa sa mga kasama ni Nick. 'Yong mukhang baliw kung ngumiti.
"Don't tell me you're gonna drive a motorcycle while we're driving the car?" tila hindi niya makapaniwala tanong sa akin habang itinuturo niya ang kanilang kotse.
"Bakit? Kakasya ba tayong lahat dito?" I sarcastically asked him. I saw that Nick was already on the side of the car.
Bigla naman ngumisi itong mukhang baliw sa harapan ko.
"That's not what I mean. I mean, you're a woman but you're on a motorcycle and we're men but in a car. Parang baligtad yata."
Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo.
"Eh 'di maiwan ka dyan," Inis kong sagot sa kanya.
"Ang sungit naman nito," sagot niya pero hindi ko na siya pinansin pa at tangka ko nang patatakbuhin ang motorsiklo ko nang ayaw nitong gumalaw.
What the?
Sumilip ako sa ilalim ngunit wala naman akong makitang anumang bagay na pwedeng pumigil mula sa pagtakbo nito! Tumunghay ako ngunit nagulat ako nang may malakas na brasong yumakap sa katawan ko at iniurong ako sa bandang hulihan ng aking motorsiklo!
"What the f**k are you doing?! Hey! Stop it!" sigaw kong muli nang mabilis sumakay sa aking unahan si Nick at siya ang nagmani-obra ng aking motor!
Muntik pa akong malaglag nang bigla niya itong patakbuhin kung hindi lang ako mabilis na yumakap sa kanya! Bwisit!
Pinagsusuntok ko ang kanyang likuran!
"You f*****g asshole! Stop this!"
"You're the one who should stop. We're gonna crash!" he also shouted so even though I was shivering with anger at him I stopped as well.
"Bwisit ka!"
"Hold on tight, baby!" sigaw niya at nakikinita-kinita ko ang malademonyo niyang ngisi sa kanyang mukha!
"I'm not your, baby!" sigaw kong muli sa kanya.
"You are!" sagot niya rin.
"I'm not!"
"It's you, ever since! And there's nothing you can do about it!"
Huh?
***
"Nandyan na 'ko. Hintayin mo 'ko," bulong ko sa sarili ko habang ang katawan ko ay bumubulusok paibaba.
Malakas pa rin ang ulan at hangin na tumatama sa aking katawan. Halo-halo ang aking nararamdaman. Bakit kailangan nilang gawin 'to!?! Pumayag silang pakakawalan ka pero bakit ganito? Ang sama-sama nila! Hindi sila mga tao!
"Malapit na 'ko. Andyan na 'ko".
Bigla na lamang humampas ang katawan ko sa matigas na bagay.
"A-aray! s**t, naman oh."
Nalaglag na naman ako sa kama! Ang sakit ng katawan ko! Tumama ang kanang tagiliran ko!
"Meeoww."
Naramdaman ko ang malambot at mabalahibong katawan ni Puti na kumiskis sa aking binti. Napalingon ako sa orasan at 5:46 a.m. na pala! Umaga na!
Mabilis kong hinanap ang martilyo. Pinokpok ko ang mga paa ng kama ko at pinag-aalis ito!
Ito ang nababagay sa 'yo! Bwisit ka! Namumuro ka na sa akin, ha! Akala mo yata ay hindi ko tototohanin 'yong sinabi ko na wawasakin kita!
Nang matanggal ko na ang lahat ng paa ng kama ay basta ko na lang itong inihagis sa labas ng bintana ng treehouse ko. Inis na inis ako! Sobrang sakit ng katawan ko!
"Ah, oucchh!"
Huh? May narinig akong sumigaw mula sa ibaba.
Mabilis akong sumilip sa ibaba ng puno. May tao! Tinamaan yata ng mga kahoy.
Mabilis akong bumaba. Namimilipit sa sakit ang tinamaan. Sapo-sapo niya ang ulo niya at balikat. Mabilis ko siyang nilapitan at napangiwi ako nang makilala ko si mukhang baliw.
What's his name again? Nakalimutan ko na.
Hmp! Hahara-hara kasi eh.
"Ano bang ginagawa mo dito?" I asked him as I rested my arms on my chest.
"Whoaa! Ano ka ba naman? Ginugulat mo naman ako?!" sigaw niya habang sapo-sapo niya ang kanyang dibdib. Mukha nga siyang nagulat at mukha na rin siyang bakla.
I didn't answer and just stared at him.
"Ah, ano kasi..." Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo. "N-nawiwiwiwikashiakoheh."
Huh? Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin.
"J-jumi-jingle!" sabi nya ulit kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Bakit? May c.r ba dito?"
"Eh kasi naman ang tagal lumabas ng c.r ni Rick!" Kakamot-kamot siya sa kanyang ulo.
Rick? Hindi ba Nick ang name nong boss ni ate? Baka nagkamali lang ako ng pandinig.
"Alam mo bang maraming engkanto dito?"
Bigla namang namilog ang kanyang mga mata at napatingin sa paligid. Madamo sa parteng ito at mapuno.
"What's your name again?" I asked again.
"Ch-Charlie." Nakikita ko na ang takot sa kanya kaya lihim akong napangisi.
"There, you even said your name. Narinig tuloy nila."
"Huh? J-joke time ba ng-ngayon?" tanong niya at halos magbuhol na ang kanyang dila.
Lalo kong pinaseryoso ang aking mukha.
"Mukha ba akong nagbibiro? Alam mo ba ang nangyayari sa tao dito kapag nagalaw nila or naapakan or naihian nila ang mga engkantong hindi nakikita?"
"W-What?"
Pansin ko na ang kanyang paninigas at halos mga mata na lamang niya ang gumagalaw.
"Katulad ngayon, umihi ka dito ng walang pasintabi."
"I-I didn't mean to."
"But you still did."
"S-so, w-what will happen to me?"
"Dahil inihian mo sila?" kalmado ko pa ring sabi habang dahan-dahang bumaba ang aking paningin sa ibaba niyang bahagi.
Sa pagbalik ng aking paningin sa kanyang mukha ay naabutan ko ang kanyang paglunok.
"Mamamaga at lolobo 'yan ng malaking-malaki hanggang sa sumabog. Maniwala ka, may nangyari na niyan dito. Bisita lang din siya kaya hindi siya kilala dito. Lalo na ng mga engkanto." Hinabaan ko ang paliwanag ko para mas kapani-paniwala sa kanya.
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Charlie at bigla na lamang siyang namutla.
"Aaaaaaahhh! Sorry po! Sorry po!" malakas niyang sigaw sabay takbo ng mabilis pauwi ng bahay.
Hindi ko napigilan ang matawa ng malakas! Bakla ba 'yon?
Ilang beses akong napailing bago tumalikod.
"AAAHHH!!" napasigaw ako sa gulat at napasapo sa aking dibdib nang mabungaran ko naman sa aking harapan ang hayop na engkanto!
"What the f**k?! Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw ko kay Nick na muntik ko na namang mabangga.
"Good morning!" bati niya habang may napakalawak na pagkakangiti. Ganda ng umaga nito ah.
Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ba niya nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin kagabi?! Bwisit siya!
"Wag ka ngang sumimangot. Kanina lang ang ganda-ganda mo. Ang lakas-lakas mo pang tumawa."
"Pakialam mo ba?!"
"Oh, easy! 'Yang puso mo, magiging akin pa 'yan."
Aba't sira-ulong 'to ah. Marunong palang bumanat?! Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Bakit ang aga-aga, pinagti-tripan mo 'yon? Alam mong babading-bading 'yon eh?" muli niyang sabi.
"Kasalanan ko bang matatakutin siya?!" sagot ko habang naglalakad na ako pauwi ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa aking likuran.
"By the way, where did you sleep last night? I searched your room and opened it but you weren't there."
I quickly turned to him at what he said. Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon!
"At bakit?" tanong sa kanya kasabay nang pagtaas ng isa kong kilay.
"Nothing. I just wanted to say goodnight to you last night," kibit-balikat niyang sagot.
Ang akala ba niya, porket binigyan niya ako ng bulaklak kahapon at tinanggap ko, eh okay na kami? Pwede na niyang gawin sa akin ang kahit na ano? Eh bulaklak ko naman 'yon! Pananim ko 'yon!
"Kaya kong mag-goodnight sa sarili ko!" sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lamang.
Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang pasilin niya ang magkabila kong pisngi!
"Why are you so cute, baby?" may panggigigil niyang sabi na halos isang inch na lamang ang pagitan ng aming mga makuha.
Kaagad ko itong tinabig at tinalikuran siya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi!
Mabilis akong pumasok ng bahay at inwan siya. Nagtungo ako sa silid ko sa ikalawang palapag. Naligo ako at nagbihis. Pupunta ako ng palengke dahil ayokong makita ang nakakainis niyang pagmumukha!
Pagbaba ko naman ay naabutan kong nagkakayayaan na mag-swimming ang grupo sa resort sa pangatlong bayan. Niyaya nila ako at tumango na lamang ako kahit na hindi ako kampante dahil sa mga taong sa mga sandaling ito ay naghahanap sa akin.
Lumabas na ako ng bahay ngunit nakasalubong ko naman bigla ang lalaking ayaw kong makita.
"H-hi. Good morning," bati niya sa akin habang may alanganing ngiti.
Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin ngunit tila nagulat naman siya sa inasal ko sa kanya. Nangunot bigla ang kanyang noo at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
"W-why? A-are you still mad at me?"
Nagtatanong pa siya? Ano 'to, painosente lang?
"W-we're friends now, aren't we? Okay na tayo kahapon."
Ako naman ang napakunot ang noo at napatitig sa kanya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina lang at kagabi ay ang galing-galing niya akong inisin! Pero bakit ngayon ay nauutal na naman siya? Bipolar ba siya?