Zhujhen Cail
Kinaumagahan ay tuluyan na akong hindi nakapagtinda sa palengke. Mahigpit akong pinigilan ni Ate Caithy at wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang dahil sa pangungunsensya niya sa akin.
Minsan na nga lang daw siya umuwi, hindi ko pa raw ba siya pagbigyan. At ngayon ay naririto ako, nakikihalubilo sa mga kaibigan niya at tinitiis ang kaingayan nila. Kanina pa nga ako naririndi sa mga bunganga nila na halos magsigawan na kahit magkakaharap naman.
Samantalang 'yong lalaking naka-ingkwentro ko kaninang madaling araw ay nalaman kong boss pala ni Ate Caithy. Si Nick Jonas Delavega at ngayon ay nararamdaman ko palagi ang pagtitig niya sa akin.
Mabuti na lamang at nasa 'di kalayuan sila ngayon kasama sila ate Caithy at iba pang mga babae na abala sa pangangarit ng buko. Samantalang ang mga kasama ko dito sa aking harapan ay mga lalaki at isang babae na abala naman sa panunungkit at pag-akyat sa puno ng santol.
"Hi, guys!"
Napabaling ako sa kaliwang direksyon nang marinig ko ang pamilyar na tinig.
Erhwin.
Nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin. Ako naman ay nakaupo sa isang putol na kahoy.
"Bakit ngayon ka lang?!" tanong ni Chris habang napapangiwi dahil sa kinakain niyang santol na maasim.
"Ang daya-daya mo ah," ani Floyd na halos kamukha na rin ni Chris na 'di na mawari ang mga hitsura dahil sa pagkain ng napakaasim na santol!
"May inasikaso lang," kibit-balikat na sagot ni Erhwin.
Nang makalapit siya sa akin ay kaagad niya akong hinila sa kamay at bumulong. Ang hilig talaga nito sa bulungan eh.
"I have something to tell you."
Tumango naman ako at kaagad na sumama sa kanya.
"Hoy! Saan mo dadalhin 'yan?!" kaagad na sigaw ni Chris na may nanlalaking mga mata.
"Kung saan wala ka!" sagot naman ni Erhwin na may malawak na pagkakangiti.
"Hoy, Erhwin!" dinig kong sigaw naman ni kuya Nash mula sa kabilang grupo.
Maging ang Boss ni Ate ay nakahabol din ng tingin sa amin habang kunot na kunot ang kanyang noo. Sumenyas lang sa kanila si Erhwin.
Nakarating kami sa lugar kung saan maraming puno ng saging. Medyo may kalayuan ito sa grupo pero natatanaw pa rin naman namin sila mula rito.
Hinawakan ni Erhwin ang magkabila kong braso at saka ako tinitigan ng taimtim sa mga mata.
"How are you?"
"What do you think?" mahina kong balik-tanong sa kanya.
Napahinga naman siya ng malalim. Sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
"May gusto ka bang sabihin," pagbasag ko na sa katahimikan.
"I just want to say that you should always be careful lalo na ngayon."
"What do you mean?" Napakunot ang aking noo.
"I know you're a brave woman...pero sagad sa buto ang kasamaan ng mga taong ito...and I don't want to repeat what happened to you before."
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
"Naririto na ba sila?"
Hindi naman lingid kay Erhwin bukod sa pamilya ko ang mga nangyari sa akin four years ago. Pero napapansin ko na iniiwasan nila itong pag-usapan lalo na sa tuwing nasa harapan nila ako. Siguro ay ayaw na lang din nilang maalala ang masakit na sinapit ng aming ama nang dahil sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tanggapin na wala na siya. At siguro nga kahit na kailan ay hindi ko na magagawang patawarin ang sarili ko. Dahil alam kong ako ang naging dahilan nang maaga niyang pagkawala.
Hindi man ipinaparamdam sa akin ni Mama na ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi pa rin niya maitatago sa akin na hanggang ngayon ay nasasaktan at nahihirapan pa rin siya sa biglaang pagkawala ni Papa.
Palagi ko siyang nakikitang tulala. Minsan ay naaabutan ko siyang umiiyak sa likod-bahay o habang nag tatanim ng mga gulay, habang nag-aani, o habang nagluluto. Mas malimit kong marinig ang kanyang mga pag-iyak sa sarili nilang silid ni Papa.
Ilan lamang ang natatandaan ko sa mga nangyari sa nakaraan. Matapos kong sundan ang lalaking inihagis nila sa tulay, nagising na lamang ako sa isang hospital. Balot ng benta ang ulo ko.
Ayon sa kanila ay pitong buwan akong na-coma at paggising ko ay wala na rin si Papa. Iniwan na niya kami. Minsan kong narinig sa kanilang usapan na sinubukan akong iligtas ni Papa ngunit siya ang nasawi. Hindi nila masabi sa akin ang buong katotohanan.
Pilit nila itong itinatago sa akin.
Namalayan ko na lamang ang sarili kong lumuluha na sa balikat ni Erhwin. Siya lang ang palagi kong nasasandalan sa tuwing dumaranas ako ng matinding kalungkutan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Malalabo man ang ilang parte sa alaala ko pero hindi ko magagawang kalimutan ang grupo ng mga kalalakihang iyon. Galit at paghihiganti ang nais ko para sa Papa ko!
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Erhwin upang maikubli ako sa puno ng saging na puno ng mga malalapad na dahon. Siguro ay upang hindi ako makita ng ibang tao sa ganitong kalagayan. Alam ni Erhwin na ayokong makita ako ng ibang tao na mahina. Sa paningin nila ay palagi akong malakas.
Hinayaan niya lamang akong lumuha sa kanyang dibdib habang yakap niya 'ko at humahagod sa aking likuran ang mainit niyang palad.
Kusa na rin akong humiwalay sa kanya nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko.
"Don't worry. Everything will be fine too and I'll never let you be in danger again."
"Thank you. Thank you so much for always being there for me. Thank you for everything," puno ng emosyon kong sabi sa kaniya at pinigilan ko na ang maluhang muli.
"Can you smile for me now?" he said while he was still holding my face.
I smiled. A genuine smile na sa kaniya ko lamang naibibigay.
"You have no idea how beautiful you are," nakangiti niya ring sabi sa akin.
"Tss. Bola".
"Tsk. Hindi ako magaling sa pambobola. Pero kung ayaw mong maniwala, eh 'di wag na lang." Pinisil niya ang magkabila kong pisngi.
"Baliw." Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti ng malaki.
"Basta mag-iingat ka palagi. Lalo na sa ngayon." Muli na naman siyang sumeryoso.
"Yeah. Don't worry, I can handle it."
"Tsk. Ang tapang mo talaga."
"Kaya nga idol mo 'ko eh," maangas kong sagot sa kaniya.
"Talaga lang, ha."
"Yeah, yeah."
"Sinabi mo eh."
Ilang segundo kaming nanahimik saka siya muling nagsalita.
"What if I just stay here for a while to watch over you."
"Tsk. Ginawa mo naman akong bata. Kaya ko na 'to, okay. May trabaho ka sa Manila. Mas kailangan ka don at ng pamilya mo."
Tinitigan niya ako ng taimtim.
"I'm serious. Mga halang ang kaluluwa ng mga taong ito."
"I know. You don't have to worry about me. Matagal na akong handa."
"Tsk."
"Ano ka ba? I'll call you when I need you."
"Tsk! Ganyan ka naman eh. Pag kailangan mo lang ako saka mo lang ako naaalalang tawagan." Sumimangot siya. Akala mo naman bagay.
"Eh? Drama mo na ba 'yan? May paghugot?" biro ko naman sa kaniya at natawa naman siya.
"Totoo naman eh." At may pag-irap pa sa hangin ang magaling na lalaki!
"Tss. Tigilan mo nga 'yan. 'Di ka naman cute."
"Ah ganon?" Pinanlakihan niya ako ng kanyang mata!
Bigla naman akong napaatras habang pinipigilan ko ang matawa ng malakas. Umakto siyang kikilitiin ako kaya naman mabilis na akong tumakbo palayo sa kanya!
"Kapag nahuli kita, humanda ka sa akin!" malakas niyang sigaw mula sa aking likuran. Hindi ko naman mapigilan ang matawa habang tumatakbo!
Lumingon ako sa kanya at binelatan siya. At hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang pagnganga na para bang hindi makapaniwala!
"Aba't! Andyan na 'ko!" Erhwin.
MANILA
Dominic Delavega
"f**k!" napamura ako ng malakas nang magising ako sa sunod-sunod na ingay ng doorbell ng unit ko.
I pulled out the big pillow and covered my ear but it still didn't stop so I was even more f*****g irritated.
"Aarggg! Sino ba itong ang aga-agang istorbo?!" Napilitan na akong bumangon mula sa sofa dahil malapit ng sumabog ang eardrum ko sa kung sino mang gagong ito! "Sino ba 'tong lintik na 'to?"
As soon as I opened the door, I saw the face of stupid Charlie. The most annoying of all my cousins.
"What took you so long?!" he shouted immediately in my face. Napapikit ako ng mariin. Ang sarap pasabugin ang mukha ng gagong ito.
"f**k you. This is my unit and it's none of your f*****g business," inis ko namang sagot sa kanya kasunod ang muli kong pagsara sa pinto.
I went back to the sofa and lay down but I was just about to close my eyes when the doorbell rang again.
Masakit pa ang ulo ko, bangag at puyat na puyat pa ako! Naparami na naman yata ang nainom ko kagabi. Tsk.
Hindi pa rin huminto sa pag-iingay ang doorbell.
What the f**k?! Tangna. This idiot won't really stop.
I was forced to get up and reopen the door.
"What the f**k is your problem?!" inis kong tanong sa kaniya.
"I should be the one to ask you that. What's your problem, Dude?" nakangisi niyang tanong kasabay nang mabilis niyang pagpasok dito sa loob.
"Tss. Istorbo ka, umuwi ka na." Muli akong bumalik sa sofa at nahiga. Siya naman ay nagtungo sa kusina.
"I told you, we should just go on Nick's vacation. I'm sure there are more beautiful and sexy women wherever that f*****g asshole is right now. Mag-e-njoy tayo doon ng sobra. Hindi 'yong nakanganga tayo ngayon dito. Nasapawan na tayo ng gagong 'yon," sabi niya habang naririnig ko ang pagkalansing ng mga bote at sigurado akong ang mga naka-stock kong alak iyon sa personal ref ko.
"Tsk. Then why don't you just go with them? Ikaw lang naman ang mahilig don!"
Nagpanting ang tainga ko nang bigla siyang humalakhak ng napakalakas.
"Nagsalita ang stick to one kong pinsan!"
Tsk. I just ignored him. I took two throw pillows and covered both of my ears.
"Is that really what happens when someone is heartbroken?" he asked as he walked out of the kitchen and held two bottles of beer. He sat on the single sofa in front of me.
"It's better if you try it."
"That's why I don't take such g*ddamn things seriously, so there's no f*****g heartache in the end." Inilapag niya ang isang bote sa mesa sa aking harapan at ang isa naman ay tinungga niya.
"Darating ka rin dyan. Just wait for it."
"Absolutely not. I'll never fall for just a woman. That's just a piece of shit."
"You'll eat everything you say and you'll also learn to swallow soap."
"What soap?" kunot-noo niyang tanong.
"Pride soap."
He laughed very loudly again.
"I'll never eat soap. Anong kabobohan 'yon?"
"Let's see." I gave him a defiant look. "Anyway, what are you doing here?"
"Tara na kasi! Sumunod na tayo kila Nick! I wanna get some fresh air."
"Ang sabihin mo, magha-hunting ka lang doon!"
Nick Jonas is one of our cousins. Our fathers are siblings. Nick is currently on vacation with some of our employees. I think Mindoro is the name of the province they went to.
They invited us, but I immediately declined dahil may bagay akong mas kailangang pagtuunan ng pansin sa ngayon.
My girlfriend Alliyah broke up with me and I need to find her as soon as possible. Ngunit halos nagalugad ko na ang lahat ng lugar na alam kong pwede niyang puntahan ay hindi ko pa rin siya makita.
I've been in contact with all her friends and co-workers ngunit maging sila ay wala ring nalalaman or maybe they are just hiding her from me.
"Share naman tayo 'pag meron!" tatawa-tawang sagot ni Charlie sa aking harapan.
"Sira-ulo! Idadamay mo pa 'ko."
"Oh come on, baby." Charlie acted like a woman.
"Baby your face! Nababakla ka na ba?" Kadiri ang pota.
He laughed again at his stupidity. Tsk.
Moments later an idea suddenly entered my mind.
"Call Rick." Rick is Nick's twin.
"What the f**k? You know that jerk isn't coming with us. We can't get him on the ship at mas lalo naman sa eroplano!"
"That's it! Kaya ikaw na lang." Rick has a phobia of water and heights. I mean in rivers and seas.
Actually, they are both with his twin Nick who has this kind of weakness and I don't know how Nick got to Mindoro in such a condition.
Magaling na ba siya? Nakakapagtaka lang.
"Fine! I have a brilliant idea!" Charlie shouted with a demonic smile on his lips.
Tsk. Ano na naman kayang ka-demonyohan na naiisip nito?
MANILA
Rick Jonas
"Good morning, Mom," I greeted my Mom as I kissed her cheek.
"Good morning, sweety. How are you feeling?" she asked while preparing food on the table for breakfast. Ako naman ay naupo na rin at nilanghap ang mabangong ham sa mesa.
"Hmmn...I missed it. I'm fine, Mom," sagot ko kasabay nang pagdampot ko sa isang piraso ng ham at nilantakan ko kaagad ito ng kain.
"Paanong hindi mami-miss, eh minsan ka na lang umuwi dito. Hmp. Kundi ka pa tinawagan ng Daddy mo na umuwi muna dahil nasa business trip siya today, eh hindi ka talaga uuwi," nakangusong sabi ni Mommy kaya 'di ko mapigilang matawa sa kaniya.
My mother is still very beautiful even though she is forty-five years old. I'm twenty-four years old, so is Nick, and our youngest sister, Nikay is seventeen years old.
"That's why I'm here. Huwag ka ng magtampo. By the way, where's bunso?"
We're three siblings. I have a twin, Nick who is currently on vacation with our employees who work at our company. That's good for him para naman makapag-enjoy siya paminsan-minsan.
Sa aming dalawa kasi ay siya ang masyadong tutok sa negosyo. Unlike me na nakakapag-bar happenings with tropapits sa gabi.
"Natutulog pa. I'm sure napuyat 'yon kagabi dahil nariyan ang bestfriend niyang si Colleen."
"Dito natulog?"
"Yeah. Mukhang may problema na naman siya about her parents."
"Oh, I see."
"Anyway, tumawag kanina ang mga pinsan mo. Hinahanap ka. Hindi ka daw sumasagot sa mga tawag nila."
"I l-lost my phone. I don't know where I put it." Inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng sinangag na kanin sa plato ko.
"Oh, talaga ba? Sa pagkakatanda ko eh ikaw ang anak kong kahit minsan ay hindi pa nakakalimot. Hmmn?" may pagdududang tanong ni Mommy.
"Seriously, Mom? Sometimes my brain sleeps too so I probably forget things too."
"Bagay...pero hindi siya." I was stunned by what she said and fell silent.
She? Yeah right ... tsk.
"I'm s-sorry, Sweety. Let's eat," Mom immediately apologized when maybe she noticed my reaction.
Nagsisimula na kaming kumain ni Mommy nang biglang mag-ingay ang doorbell.
"Mam, Sir, may bisita po kayo. Sila Sir Dominic po at Sir Charlie," sabi ng isa sa mga kasambahay namin pero sa likuran niya ay nariyan na ang dalawang abnoy kong mga pinsan.
"Papasukin m--"
"Hey, dude! What the f**k?! We've called you a hundred times!" Naputol ang sinasabi ni Mommy nang bumanat ng malakas si Charlie na may kasamang pagmumura.
Patay ka ngayon, boy.
"Helow, Tita," Dominic greeted Mom with a kiss on the cheek, while Mom gave Charlie a sharp look.
Yari ka, boy.
"What did you say, Charlie?"
I saw how Charlie swallowed and suddenly turned pale.
"T-tita! Ehehe. A-andyan po pala kayo. Hehehe. I didn't say anything. N-ngayon pa lang ako nagsalita." Pakamot-kamot siya sa ulo habang nagtatago sa likuran ni Dominic. Tsk.
"Don't even try to deny it. I heard what you said," Mom shouted at Charlie. Galit na talaga siya.
Ang ayaw na ayaw kasi sa lahat ni Mommy ay nagmumura lalo na at nasa harapan kami ngayon ng pagkain.
"Opo, Tita. Huhuhu. Sabi ko nga 'wag kang nagmumura. Uhmmnn!" sabi ni Charlie habang pinupuno ng ham ang kanyang bibig.
What the f**k? Ham ko 'yan!
"Subukan mo pa, Charlie. I'm gonna cut your tongue!" sigaw pa rin ni Mommy kay Charlie.
"Uhmmn. Yhers pho, tha," hirap niyang sagot dahil ang bibig niya ay napupuno ng paborito kong ham.
Nagsi-upuan na rin silang dalawa at naki-join sa breakfast namin ni Mommy even without my permission. Tss.
"So, what brought you here?" I asked them. Alam ko namang may kailangan na naman itong dalawang abnoy na ito eh, base sa mga mukha nilang hindi mapagkakatiwalaan.
"Ahm, Dominic wants to celebrate his first heart injury," nakangising sagot ni Charlie habang patuloy siya sa pagkain.
"Injury? What the--"
"Rick!" sigaw kaagad ni Mommy sa akin na ikinahinto ko.
"Pfft." Charlie.
"What, Mom?" nakanganga kong tanong kay Mommy.
"Don't cuss."
"Huh? Hindi ako magmumura, Mom. Advance ka mag-isip." Hindi ko mapigilang matawa.
"I'm warning you, Rick."
"Yeah. I didn't know that. Only Charlie was good at that."
"Anong ako? Ako na naman. Hindi kita inaano dyan, ha," pag-alma naman kaagad ng abnoy na Charlie.
"So, anong first heart injury 'yan? Kalokohan." I changed the topic.
"We decided to hang out and celebrate outside," he replied again.
Si Dominic naman ay tahimik lang at patuloy sa kanyang pagkain. Malakas naman siyang kumain, paano nasabing heartbroken itong abnoy na ito?
"So, what are you still doing here? Bakit hindi pa kayo umaalis?" tanong ko at kunyari ay hindi ko alam ang gusto nilang mangyari.
"Sasama ka nga!" nakabusangot na sigaw ni Charlie.
"Kaya niyo na 'yan," balewalang sagot ko sa kanya at muling nagpatuloy sa pagkain.
"Maraming chickababe don," muling sagot ni Charlie.
"Oh, eh ano naman? Saan bang lugar 'yan?"
Kaagad napangisi si Charlie sa tanong ko. Si Dominic naman ay iiling-iling lang sa kanyang tabi.
"Ahm ... anywhere in Batangas. Don't worry, this isn't a beach trip." He's not sure where the exact place is?
Napatitig ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang paghinalaan sila.
"And when is that?"
"Right now!" Charlie replied cheerfully.
Hmmnn...Parang hindi ko nagugustuhan ang pinaplano ng dalawang abnoy na ito.
"I don't want."
Bigla siyang napanganga. Si Dominic naman ay napahinto mula sa pagsubo ng pagkain at napatitig din sa akin.
"Namaaan!" Halos umatungal si Charlie sa sobrang disappointment.
Napangisi na lang ako at muling nagpatuloy sa aking pagkain.
"Ako na lang ang sasama!"
My jaw almost dropped at what my Mom said. What the hell?!
Sabay namang nasamid at naubo ang dalawang abnormal.
"Mom, seriously?" I can't believe her. Will she really go with these two crazy people?
"Yes. Why not?"
Oh my goodness!