Ramdam ko na ang mga presensya nilang papalapit sa kinaroroonan ko, kaya naman pinili kong umuklo sa ibaba. Inihanda ko na ang sarili ko ngunit nanigas ako nang bigla na lamang may humila sa akin mula sa aking likuran at niyakap ako ng mahigpit! Mabilis niya ring tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang malapad na palad! "Ssshh, don't move." Nakahinga ako ng maluwag nang makilala ko ang boses ni Nick! "C'mon," sabi niya kasabay nang mabilis niyang paghila sa akin patungo sa isang hallway. Naramdaman naman namin ang mabilis din nilang pagsunod, kaya naman tumakbo na kami at pumasok sa exit door. Sunod-sunod na putok kaagad ang aming narinig at ingay ng mga bala nilang tumatama sa mga pader na nadadaanan namin. "f**k! Faster, Cail!" Hinawakan ni Nick ng mahigpit ang kamay ko saka niy