A few days passed. Wala ng Rick ang nagpakita pa sa akin. Masunurin din pala siya. At ilang araw na rin akong nagmumokmok dito sa bahay. Wala naman kasi dito si Alyz. Kung nandito siya eh 'di sana'y may nangungulit sa akin. "Pwede ka ba mag-grocery mamaya, bunso? Wala na kasi tayong stock eh. Kung mamaya pa ako dadaan sa grocery after work, pagod na ako. Hindi ko na kaya ang magbuhat," sabi ni ate habang nag-aayos ng sarili niya sa harap ng salamin. Tumango na lang ako. Wala din naman akong ginagawa. Gusto ko ding lumabas at maglakad-lakad. Sayang lang ang araw ko dito. Bumalik na kaya ako ng Mindoro? Mabuti pa doon sa palengke, magkakapera pa ako. *** SUPERMARKET Can goods? Bakit parang ang dami naman yata ng lista ni ate Caithy? Hindi maganda sa health ito. Tulak-tulak ko ang cart