"What happened?" Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako kumilos mula sa aking kinatatayuan, ni hindi ako gumanti ng yakap. Pero inaamin ko sa sarili kong na-miss ko siya ng sobra. Ilang days siyang hindi nagpakita sa akin at nakaya niya akong tiisin. Ngayon ay nag-aalinlangan na ako at nagdadalawang-isip sa totoong nais niya sa akin. Bakit nga ba naman ako magtitiwala sa kanya ng ganoon kabilis, samantalang ilang araw pa lang simula noong kami'y magkakilala sa aming probinsya. Hindi ako ito, hindi ako ganitong klase ng babae. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa aking mukha. Humiwalay din siya sa akin at pinagmasdan ang aking hitsura. Siguradong ang haggard ko dahil nakipagkarera lang naman kami sa kalye. "What happened? Why do you look like that?