CHAPTER 5: FAMILIAR

2621 Words
Caithy Airelle "I miss you so much, Mama!" Niyakap ko ng mahigpit si Mama mula sa kanyang likuran habang siya ay abala sa paghahanda ng lutuin ngayong umaga dito sa aming kusina. Na-miss ko siya ng sobra dahil halos three months din akong hindi nakauwi dito sa aming probinsya. Super duper busy sa work, kasi naman itong si boss Nick! Walang paawat! "Ikaw talaga. Gabi-gabi naman tayong nagkakausap sa telepono ah," sagot ni Mama habang patuloy siya sa paggagayat ng patatas at iba pang sangkap para sa adobong paborito ko! Napasimangot naman ako sa kanyang sinabi. "Mama naman eh! Parang ang lagay eh hindi mo 'ko na-miss ah. Nakakatampo naman kayo." Sumimangot ako ng todo-todo. "Ikaw talaga, siyempre na-miss din. Sino bang hindi makaka-miss sa anak na napakakulit?" "At maganda pa!" agad kong pahabol sa kanyang sinabi. "At kanino mo naman nakuha ang ganda mong 'yan?" "Kay Papa!" proud na proud kong sagot na may kasamang taas-kamay pa! Hekhek! Nakita ko naman ang pagngiwi ni Mama kaya napahalakhak ako ng malakas. Kaagad din akong huminto nang mapansin ko ang pagtahimik ni niya. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata. Haayst! Gusto kong putulin ang matabil kong dila! Bakit ba kasi napakadaldal nito?! Dapat 'di ko na pinaalala pa si Papa para naman hindi na nalulungkot si Mama sa pagkawala niya. Mag-aapat na taon na naming hindi kapiling si Papa at malapit na rin ang kaarawan ni Cail, ang bunso kong kapatid. Niyakap ko ulit si Mama mula sa kanyang likuran. "Syempre po sa inyong dalawa ni Papa. Combination of Torres and Marcial sa kagandahan at kagwapuhan!" "Naku, ikaw talaga. Nagpaalam ka ba sa Kuya mo na uuwi ka ngayon?" pag-iiba ni Mama sa usapan. "Ay opo, Ma. Nagsabi po ako last week pa. 'Di pa raw siya makakauwi kasi alam niyo na, manganganak na si Ate Bianca. Plano ko nga po na dumalaw sa kanila kapag nakapanganak na si Ate." "Sasama ako kung gano'n." Bigla akong napatingin kay Mama. "Eh p-paano po si Cail?" Hindi siya makakasama sa Bulacan. Hangga't maaari ay inilalayo namin siya doon dahil sa nangyaring insidente sa kaniya doon apat na taon na ang nakalilipas. "Ihahabilin ko na lang muna siya sa Tito Fred mo." "Sus, Ma! Parang hindi niyo naman kilala 'yang bunso niyo. Gagawin niyan kung anong gusto niya. Hindi naman 'yan tutuloy doon eh." "Kahit silip-silipin na lang niya dito kung ganon. Hindi naman 'yan aalis dito eh." "Kayo pong bahala. Ano nga po palang oras ang uwi niya?" Hindi ko alam kung alam na ba niyang naririto kami ngayon. Pero malamang ay pinuntahan na 'yon kaagad ni Erhwin. Sa tuwing uuwi kami dito sa probinsiya ay si Cail kaagad ang una niyang hinahanap at pinupuntahan. Hindi ko nga alam kung may gusto na ba sa kapatid ko 'yong gagong 'yon eh! "Baka nga nariyan na 'yon sa puno niya." Lumapit na si Mama sa kalan para simulan na ang kanyang pagluluto. Kaagad naman akong nagtungo sa pinto at sumilip sa itaas ng nag-iisang puno ng Balete dito sa likurang bahay. Sa makakapal at malalaking haligi ng Balete sa itaas ay matatagpuan ang isang kubo. Kubo ng abnormal kong kapatid na si Cail at halos ay dyan na siya nakatira! Maraming puno sa likod-bahay namin tulad ng lansones, rambutan, duhat, mga puno ng saging at niyog kasama na nga ang nag-iisang puno ng Balete at kung ano-ano pang mga gulay at prutas. Matagal na nilang plinanong putulin ang punong 'yan pero agad tumutol ang bunso namin na si Cail. Masama raw putulin lalo na at malaki na. Mamalasin daw ang puputol kaya wala ng nagtangka pa na sinuman. At ang magaling kong kapatid, tinayuan pa niya ng bahay sa itaas ng puno! Imagine? Meron siyang Balete tree house! Ang creepy niya talaga! Sinaway ko siya noon pero matigas ang ulo at nagpatulong pa nga sa akin na gumawa! Ang walanghiya! Nagkagalos-galos at sugat ang makinis kong balat dahil dyan sa bahay niyang 'yan! Tapos ngayon ay siya lang ang nakikinabang! Ayaw ko din naman umakyat diyan, no? Sabi-sabi ng mga matatanda sa una ay may nagbibigti daw sa puno ng Balete! Haayst! Ewan ko ba sa kapatid kong 'yan. Hindi ko siya maintindihan minsan. Tumingala ako at pinakatitigan ko pa itong mabuti pero mukhang wala pa naman siya dyan. Sobrang tahimik kasi sa itaas at malamang ay nasa kasarapan din ng tulog si Puti dyan. "Mukhang wala pa naman siya dyan, Ma." "Nasa palengke pa 'yon kung ganon," sagot naman ni Mama. "Pwede nang makiinom?" "Ay kapre sa Balete!" napasigaw ako sa gulat nang makarinig ako ng boses na nagsalita mula sa aking likuran! Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko habang habol ko ang aking paghinga! "Oopps! Sorry! Sorry!" Tumatawang Nick Jonas ang bumungad sa aking harapan habang nakataas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Ba't ka ba nanggugulat?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Nahirapan akong huminga dahil sa ginawa niya! "I'm sorry. Hey, breathe!" Napansin niya naman kaagad ang kundisyon ko kaya mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at huminga ng malalim na para bang sinasabi niyang gayahin ko siya! Agad namang lumapit sa amin si Mama at pinaypayan ako. Ramdam ko ang malamig na pawis na namuo na sa aking katawan. "Follow me. Inhale? Exhale.." sabi ni Nick kasabay nang paghigop at buga niya ng hangin. Ginaya ko naman ito kahit nahihirapan ako. "Haah! Haah!" May gamot akong nalanghap na nagmumula sa kamay ni Mama. Ilang sandali ang lumipas bago ako tuluyang kumalma. "Hey, I'm sorry. I didn't mean it," paghingi niya ulit ng pasensya. Naawa naman ako dahil pansin ko na nakunsensya siya sa kanyang ginawa. "Ok lang. Okay na 'ko," sagot ko naman sa kaniya. Medyo okay naman na talaga ako eh. Mahina daw ang puso ko simula pa noong bata pa ako sabi ni Mama. Hinahapo rin ako kaya hindi ako pwedeng mapagod ng sobra. Hindi rin ako pwedeng nagugulat. Hindi pwedeng tumawa ng malakas o 'yong makaramdam ng sobrang saya. Dapat ang lahat ay sakto lang o tama lang. Hindi rin pwedeng masaktan ng sobra dahil nagko-colapse ako gaya na lang noong malaman namin ang pagkawala ni Papa. "Whoaa! Is that a treehouse?" Natauhan ako nang bigla na namang sumigaw si Nick! Nakatingala siya sa puno ng Balete at napansin na rin niya ang kubo ng mahal kong kapatid. "Oo, treehouse 'yan na pag-aari ng sister ko at siya lang ang gumawa," proud kong sagot pero ang creepy pa din, no! "What the hell? Your sister? How come?" tila hindi niya makapaniwalang tanong. "Oo, nakaya niya. Gusto mo bang umakyat? Para makita mo 'yong ganda ng view dito sa ibaba? Sa likod niyan ay may lake na pwede natin maliguan," pagyaya ko sa kanya ngunit nagtaka ako nang bigla siyang nagkulay suka. "N-never mind. It's so beautiful and I admire your sister 'cause she built such a beautiful treehouse but...ahm...I w-won't go up there. S-sorry." Nagtaka ako dahil ramdam ko na parang may kinatatakutan siya. Oh baka naman gaya ko rin siya na takot sa Balete? Oh my God! Pareho kami! "Okay, sabi mo eh. Let's go inside?" Tumango naman siya kaagad. "Ahm, w-wait. You have a sister, right? Where is she?" tanong niya habang naglalakad na kami pabalik sa loob ng bahay. "Yup. Nasa palengke pa siya. Nagtitinda kasi siya ng mga gulay." "Oh, wow. That's good. She's hardworking." "Aha." "How old is she?" "Seventeen at malapit na rin siyang mag-eighteen this coming April 19." "Whoa...it'll definitely be fun and great." "I don't think so." Binigyan ko na lamang siya ng munting ngiti. "Why?" "It's complicated," simpleng tugon kong muli sa kaniya at mabuti naman, hindi na siya nagtanong pa. Si Nick Jonas Delavega ay anak ng Boss namin na siyang may-ari ng Delavega Hotels and Restaurants sa buong Pilipinas. Bukod dito ay may sarili na rin siyang branches ng Bar. At the age of twenty-four, he already has fifteen bar branches throughout Manila. Mga exclusive at sikat pa ang mga ito. Oh 'di ba, ang sipag talaga. Nagdiretso na kami sa loob ng bahay at naabutan namin si Mama na naghahanda na ng mesa para sa aming pananghalian. "Tawagin mo na sila para makakain na. Siguradong nagugutom na ang mga 'yan," saad niya habang naglalagay ng mga plato sa mesa. "Opo, Ma. Maupo ka na. Tatawagin ko lang sila," baling ko kay Nick na halatang nahihiya pa rin kay Mama. Sa tuwing kami ay nasa labas at nasa ganitong bakasyon ay ayaw niyang tinatawag namin siya ng Sir. Dahil ang gusto niya ay pantay-pantay lang kami at para na rin hindi daw siya mailang sa aming lahat. Tahimik lang siyang tao at bihira lang din naman siyang makihalubilo sa amin pero nararamdaman ko naman na may taglay din siyang kabaitan sa kanyang loob. At ang ugali niyang ganito ang gustong-gusto ko sa kaniya and I think I'm starting to fall in love with him. Zhujhen Cail Nasaan ako? Madilim. Wala akong makita. Malamig. Malamig sa pakiramdam. Basa. Basang damit? Basa ako! Tubig? Bumabagsak na tubig sa akin? Ulan. Umuulan! Malakas na ulan! Malakas na hangin ang sumasalubong sa akin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong nakalutang sa hangin. Mabilis. Bumubulusok ako! Pero saan ang bagsak ko? Wala akong makita! "Aray! s**t," napadaing ako nang bigla akong tumama sa matigas na bagay. Nalaglag na naman ako sa sahig! Bakit ba palagi na lang akong nalalaglag? Malikot ba ako matulog? Malapit ko na talagang ipatanggal itong kama na ito! Wasakin ko na lang kaya ito? Napalingon ako sa labas ng bintana. Madilim pa rin sa labas. Napabaling ako sa maliit kong orasan na nakapatong sa munting mesa sa gilid ng aking kama at alas kuwatro pa lamang ng madaling araw. Maalinsangan ang aking pakiramdam. Maligo kaya ako sa batis? Kaagad kong kinuha ang malapad kong tuwalya na naka-hanger sa likuran ng pinto at isinampay ito sa aking balikat. Tahimik akong bumaba ng hagdan. Medyo may kataasan ito pero sanay na ako kahit pa madilim ang paligid. At naaaninag ko pa rin naman ang bawat baitang sa tulong ng sinag ng bilog na buwan. Tamang-tama ito sa oras ng aking panliligo. "Meow!" "f**k!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang tumalon sa aking paahan si Puti! Muntik nang madulas ang isa kong paa sa isang baitang. Lintik naman na pusa 'to, oh! Gusto yata nitong atakehin ako sa puso eh. Dinampot ko si Puti. Oo, Puti. Puting-puti kasi ang kanyang kulay. Magpo-four years ko na din siyang alaga. Simula noong nasa Bulacan pa ako. Pinagtabuyan ko na siya. Iniwan ko na at lahat pero humabol pa rin siya habang tumatakbo ang sasakyan ng kuya ko para ihatid ako dito sa probinsya namin sa Mindoro. Nakikita ko siyang umiiyak habang tumatakbo at humahabol sa sasakyang lulan ako. Naawa ako kaya pinahinto ko na kay kuya at isinama na lang siya dito. Sa tuwing wala ako ay siya ang bantay ng bahay ko dito sa itaas ng puno. Hindi niya pinapayagan ang iba na makaakyat dito. Nagagalit siya at nagwawala. Ibinaba ko na siya sa isang malapad at malaking bato dito sa gilid ng batis. Ibinaba ko rin sa kanyang tabi ang malapad kong tuwalya at pagkatapos ay luminga-linga ako sa paligid para makasiguro na walang tao. Siguro naman ay walang maliligaw na sinuman dito sa batis sa mga oras na ito. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw at malamang ay natutulog pa ang lahat. Pinili kong dito na sa aking kubo magdiretso kagabi at hindi magpakita kila ate Caithy at sa mga barkada niyang maiingay. Ang gusto ko lang ay tahimik na kapaligiran. Sinimulan ko nang hubarin ang suot kong blouse at sumunod ang aking pang-ibaba. Ang tanging itinira ko lamang ay ang dalawang telang tumatakip sa maseselan kong bahagi. Dahan-dahan na akong lumusong sa banayad na lamig ng tubig. Sa bawat paglubog ng aking mga binti sa tubig ay ang pagbalot naman sa aking katawan ng preskong pakiramdam hanggang sa umabot na ito sa aking dibdib. Ang sarap sa pakiramdam. Tuluyan na akong lumangoy at lumubog pailalim. Masyadong malalim ang batis na ito. Mahaba ito na kung susunsunin mo lang itong lakarin ay madaraanan nito ang likurang bahagi ng bahay nila Gavi. Ang sumunod naman ay ang bahay nila Erhwin. Ang bahay naman nila Alyz ay nasa tapat lang ng harapan ng aming bahay. Sumisid akong muli sa ibang direksyon. Sa bawat paghagod ng tubig sa aking katawan ay katumbas ng walang hanggang kaginhawahan sa aking pakiramdam. Sa bawat pagsagwan ng aking mga braso at kamay ay katumbas ng lakas at tapang na tumimo sa akin mula sa nakaraan. Sa bawat pagpadyak ng aking mga paa sa tubig ay katumbas ng aking katatagan upang lumaban at huwag sumuko, mailigtas lamang siya. Nang makaramdam ako ng kakulangan ng hangin ay sumisid na ako paitaas. Sa pag-ahon ng aking ulo ay napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Napatagal pala ako sa ilalim ng hindi napapansin! Humiga ako at pinalutang ang aking sarili sa tubig at ninamnam ang lamig ng tubig sa aking himaymay. Mga ilang minuto rin akong nasa ganoong posisyon nang maramdaman ko ang isang pares ng mga matang nakamasid sa akin. Oh, s**t! Kaagad akong napalingon sa gilid ng batis at napanganga ako nang matunghayan ko ang isang matangkad na pigura ng lalaking nakatayo sa tabi ng batong pinag-iwanan ko kay Puti! At mas lalo akong napanganga nang makita kong hawak niya ang aking tuwalya at mga damit! What the f**k?! Mabilis akong lumangoy at lumapit sa kaniya! Wala akong pakialam kung matangkad siya o malaking lalaki siya! Nang makaahon ako ay mabilis akong lumapit sa kaniya at inagaw ang aking mga damit at tuwalya! Pero hindi siya kumilos at nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Napakunot ang aking noo nang bahagya kong maaninag ang kanyang mukha sa tulong ng liwanag ng buwan. At kahit may kadiliman ay alam kong may taglay siyang kagwapuhan at kakisigan. Parang pamilyar ang mukha niya. Para bang nakita ko na siya kung saan. Pero hindi ko maalala! Saan ko ba siya nakita? Saan?! Kailan?! "Ah!" Bigla na lamang sumigid ang matinding sakit sa ulo ko. Napahawak ako dito at naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. "Hey! Are you alright?" Kaagad akong dinaluhan ng lalaki at tinangka niya akong hawakan pero kaagad din akong umiwas. Maging ang boses niya ay parang narinig ko na. Sino siya? Muli kong tinitigan ang kanyang mukha ngunit kahit anong halukay ang gawin ko sa isip ko ay wala pa rin akong maalala. Kaya minabuti ko nang tumalikod at mabilis na naglakad pabalik ng bahay ko. "Hey!" tawag niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa. "Meoww.." Nagmadali akong umakyat sa mataas na hagdan ng bahay ko habang si Puti ay nakasunod sa aking likuran. "Meoww..." Pagpasok ko sa pinto ay mabilis ko itong isinara at ini-lock. Pati na rin ang lahat ng bintana ay isinara ko. Mabilis akong nagbihis ng damit at tinuyo ng tuwalya ang basa kong buhok na ang haba ay aabot hanggang itaas ng beywang ko. Si Puti ay nakahiga na kaagad sa aking kama habang nakatitig sa akin. Nagtungo ako sa isang bintana na malapit sa hagdan at bahagya ko itong ini-angat. Sumilip ako sa ibaba mula sa maliit na siwang at natanaw ko nga doon ang pamilyar na lalaki habang nakatayo at nakatingala dito sa bahay ko! Anu bang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya umalis? Kailangan ko nang bumaba para maihanda ko na ang mga gulay na ititinda ko pa sa palengke! Haayst! Napilitan na lamang akong humiga ulit at pinilit muling makatulog ngunit bago iyon ay muling lumitaw ang pamilyar niyang mukha sa aking isipan. Pamilyar siya sa akin. Pero wala naman akong maramdamang kakaiba sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD