Chapter 14 Desire in his eyes

1750 Words
Chapter 14 Raine HABANG nakatayo kami sa harap ng altar, napansin kong hindi kumikilos si Nick. Nakapako lang ang kanyang mga tingin sa gintong Buddha, parang hindi siya makawala sa pagkakatitig rito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa bigat ng katahimikan na bumalot sa amin. "Nick," mahina kong tawag, inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. "Ano'ng iniisip mo?" Hindi siya agad sumagot, parang hindi niya ako narinig. Nanatili siyang nakatingin sa Anito, at nang lumapit ako nang kaunti, nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib, tila ba may isang bagay na pilit niyang nilalabanan sa loob niya. "Nick?" muli kong tanong, ngayon ay mas malambing. "Bakit ganyan ang tingin mo sa Anito namin? May problema ba?" Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Pero bago siya magsalita, may naulinigan akong pagbabago sa kanyang ekspresyon—parang saglit siyang bumalik sa realidad, ngunit may natitirang pagnanasa sa kanyang mga mata. "Raine," sabi niya, bahagyang napapikit, na parang sinusubukan niyang magpakalma. "Ang ganda ng Anito niyo... Nakakamangha ang kayamanan at kasagraduhan na nasa loob ng kweba na ito." Aniya na puno ng amusement ang tinig. Tumango–tango ako bilang pagsang–ayon sa kanya. "Oo," sagot ko, sinusuri ang reaksyon niya. "Napakahalaga nito sa amin. Ang Anito ang naggagabay sa buong tribu—hindi lang ito isang kayamanan, Nick. Isa itong simbolo ng aming pananampalataya at pamana." Saglit siyang natigilan, bumalik ang tingin sa Anito, ngunit sa pagkakataong ito, parang may iniisip siyang malalim. "Alam ko," bulong niya, tila ba may ibang kahulugan ang kanyang mga salita. "Napakaganda nito... napakahalaga..." Naroon pa rin ang ningning sa kanyang mga mata, at hindi ko maiwasang magduda. Pero dahil mahal ko si Nick, pilit kong isinasantabi ang aking pangamba. Umaasa akong ang nakikita ko sa kanya ay simpleng paghanga lamang at hindi kasakiman. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili—tama nga bang ipinakita ko sa kanya ang aming Anito? Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nagsalita na ako. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa kanyang katawan habang nakatitig siya sa Anito namin. "Nick," malumanay kong sabi, sinusubukang ibalik ang kanyang atensyon sa akin, "...umuwi na tayo sa tribu. Alam kong marami pang kailangang asikasuhin para sa ating kasal." Saglit siyang natigilan, parang nahihirapang alisin ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa Anito. Pero kalaunan, dahan-dahan siyang bumaling sa akin, ang ekspresyon niya ay nagbago—mula sa malalim na pag-iisip, bumalik rin ang lambing sa kanyang mga mata. "Oo, tama ka," sagot niya, pilit na ngumiti. "Kailangan nating maghanda." Ngumiti ako pabalik, ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang timbre sa boses niya. May kung anong bumabagabag sa akin, pero pinili kong huwag na munang isipin iyon. Mahal ko si Nick, at alam kong mahal din niya ako. Pinilit kong maniwalang wala siyang ibang iniisip. Habang sabay kaming naglalakad palabas ng kweba, iniwas ko ang tingin sa Anito, ngunit hindi ko maiwasang sumulyap kay Nick. Nakita kong tumingin siya muli sa Anito bago tuluyang lumabas ng kweba, at sa pagkakataong iyon, mas lalo akong kinabahan. "Sagrado ang Anito namin, Nick," bulong ko habang magkahawak kami ng kamay habang patuloy ang paglabas namin sa kweba. Sana, ito na ang huling pagkakataon na mag-aalinlangan ako sa kanya. Habang patuloy kaming naglalakad ni Nick pabalik sa tribu, hindi ko maiwasang balikan ang nakita kong kakaibang kislap sa kanyang mga mata kanina habang nakatingin siya sa Anito. Nakakaramdam ako ng takot dahil marami na ang nagtangkang nakawin ito sa amin. "Nick," simula ko, nag-aalangan ako ngunit alam kong kailangan kong itanong ito, "...alam mo bang marami nang nagtangkang nakawin ang aming Anito? Pero wala sa kanila ang nagtagumpay. Sana wala kang binabalak na ganoon..." direktang sabi ko. Bigla siyang huminto sa paglalakad, bahagyang nagulat sa tanong ko. Huminto din ako at hinarap siya, naghihintay ng kanyang sagot. Nakita kong seryoso ang kanyang mukha. Inabot niya ang kamay ko. "Raine," mahina ngunit buo ang kanyang loob, "...wala akong balak na saktan ka o ang tribu mo. Hindi ko kailanman iisipin na agawin ang bagay na mahalaga sa inyo. Mahal kita, at mahalaga sa akin ang lahat ng mahalaga sa'yo." Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata, at ramdam ko ang sinseridad sa bawat salita niya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Gusto kong maniwala sa kanya—at sa mga sinabi niya, naramdaman kong wala siyang ibang intensiyon kundi ang magpakita ng respeto sa akin at sa aking tribu. "Okay," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pasensya ka na kung nagtatanong ako ng gano'n. Gusto ko lang na siguraduhin na mapagkakatiwalaan kita." Hinawakan niya ang kamay ko nang mas mahigpit. "Maaasahan mo ako, Raine" tugon niya, puno ng pangako ang kanyang tinig. "Gagawin ko ang lahat para mapatunayan 'yan sa'yo." He explained smoothly. Niyakap ko siya nang mahigpit. Kahit pa may bahid ng duda kanina, mas pinili kong magtiwala sa kanya. At sa yakap na iyon, pinilit kong kalimutan ang mga agam-agam, umaasa na tama ang aking desisyon. "Sana hindi ako nagkamali na magtiwala sa'yo, Nick," sabi ko ng buong lambing at tiwala. Isang malakas na buntong–hininga ang narinig ko mula sa kanya at naramdama ko rin ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "I am!" Pagdiriin ni Nick. Makalipas lang ang ilang saglit ay kumalas sa pagkakayap sa akin si Nick. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. Ramdam ko ang lalim ng kanyang mga tingin—parang binabasa niya ang bawat emosyon na naroon sa mga mata ko. Napako ang tingin ko sa kanya, at napansin ko kung paano dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata mula sa aking mga mata patungo sa aking mga labi. Parang huminto ang oras, at naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang unti-unting lumalapit ang mukha ni Nick. Wala akong nagawa kundi ang maghintay sa susunod niyang gagawin, parang hinihila ako ng kakaibang pwersa papalapit sa kanya. Nang maramdaman ko na ang kanyang hininga sa akin, marahan niyang inilapit pa ang kanyang mga labi sa akin hanggang sa magtagpo ang mga ito. Pakiramdam ko, naglakbay ang init mula sa kanyang halik hanggang sa kaibuturan ng aking puso, at hindi ko napigilan ang sarili kong gumanti. Pumikit ako at sinuklian ang bawat hagod ng kanyang labi sa labi ko, dama ko ang pagmamahal at ang emosyon na nais niyang iparating. Sandali lang ang halik, pero parang napakahaba ng oras na lumipas. Nang pakawalan niya ang labi ko, pareho kaming humihingal, pero walang pagsisisi sa aming mga mata. Alam kong may mga bagay na hindi na mababalikan, pero sa mga sandaling iyon, walang ibang mahalaga kundi ang nararamdaman ko para sa kanya. Matamis siyang ngumiti. "Forget the whole thing. Tayo na at tumulong sa pag–asikaso ng kasal natin," he said gently. Tumingala ako kay Nick at sinikap na ngumiti. Sana nga'y totoo ang sinasabi nito. Sana nga'y wala siyang masamang intensiyon sa tribu namin. "Sige na balik na tayo sa tribu." Inabot niya ang kamay ko at dinala sa kanyang bibig at hinagkan ang likod ng palad nito bago kami naglakad pabalik sa tribu. Nakalayo na kami, biglang huminto si Nick nang makita ang isang ilog na dumadaloy malapit sa aming dinaraanan. Napangiti siya nang malapad, at may kinang sa kanyang mga mata na hindi ko mapigilang mapansin. "Raine, what do you think about taking a quick swim?" tanong niya, puno ng excitement ang tinig. Tumingin ako sa ilog at sandaling nag-isip, pero naalala ko ang mga kababaihan sa aming tribu na walang pag-aalinlangang naliligo nang walang saplot kapag magkakasama. Dahil may tiwala ako kay Nick, at magiging asawa na rin niya ako, nagdesisyon akong pumayag na maligo siya. Kahit ito'y mahigpit na pinagbabawal sa aming tribu na maligo kasama ang isang lalaki. "Sige," sagot ko, sabay simula ng paghubad ng aking suot. Habang dahan-dahan kong inaalis ang aking mga suot, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Para sa akin, normal na ito—isang likas na bahagi ng aming kultura. Ngunit nang tumingin ako kay Nick, nakita ko ang hindi maitagong pagbabago sa kanyang ekspresyon. Nakatitig siya sa akin, puno ng paghanga at isang uri ng pagnanasa na ngayon ko lang nakita sa kanya. Napansin ko pa ang pagtaas–baba ng kanyang adams apple. Sa bawat paggalaw ko, parang lalong lumalalim ang pagkakatitig niya sa akin, na tila natutunaw ang bawat piraso ng kanyang pag-aalinlangan. Ramdam ko ang kaba na biglang sumiklab sa aking dibdib, ngunit kasabay nito ang pagtitiwala na si Nick ay tapat at hindi ako kailanman sasaktan. Nilapag ko sa ibabaw ng bato ang aking mga suot. "Okay ka lang?" tanong ko, medyo nagtataka sa kanyang reaksyon. Isang mabigat na buntong–hininga ang pinakawalan ni Nick at tumango. Ngunit hindi nawala ang init sa kanyang mga mata habang nakatitig sa hubad kong katawan. "You're breathtaking, Raine," bulong niya. Kumislap ang mga ni Nick kasabay ng makahulugang pagngiti. Napahugot ako ng paghinga sa nakita ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaya't ngumiti na lang ako, kahit pa ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Dahan-dahan akong lumusong sa malamig na tubig ng ilog, naramdaman ko ang malamig na pagyakap ng tubig sa aking katawan. Ngunit higit sa lahat, ramdam ko ang mainit na tingin ni Nick na sinusundan ang bawat galaw ko. Bagama't may halo ng kaba, pinili kong magtiwala at magpaka-natural. Sa loob ko, umaasa akong ang init at paghanga sa mga mata ni Nick ay tanda ng kanyang katapatan, at hindi ng ibang intensiyon. Binaling ko ang mga mata ko sa ibang direksiyon. Nang bigla akong mapatili ng maramdaman na may humawak sa bewang ko mula sa aking likuran. At pakiramdam ko may tumusok na matigas na bagay sa likuran ko. "Gotcha!" Sabi niya sa tenga ko kasabay ng pagkagat nito. "Magiging asawa na kita bukas, Raine. Hindi ba pwedeng i–advance na natin ang ating honeymoon. I'm f*****g hard while looking at your naked body. Dammit! You drive me crazy." Dahan—dahan akong lumingon, may bahagyang ngiti sa aking labi habang tinitigan siya. May ningning sa kanyang mga mata, tugma sa init ng kanyang tinig. Bumaba ang mga mata ko sa gitna ng mga hita niya. Kasabay ng paghulagpos ng matalim na paghinga ko ay nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong alisin ang paningin ko roon, dahil malinaw ang tubig kitang kita ko ito. Oh! He was so...so...oh! Ganyan ba kalaki ang sandata ng mga taga siyudad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD