Chapter 15 Traitor

1752 Words
Chapter 15 Raine HINDI na ako nakapag protesta pa biglaang pagyakap sa akin ni Nick, at bago ko pa man maintindihan ang nangyayari, hinalikan na niya ako ng mariin. "N–Nick..." ani ko sa pagitan ng mga halik niya sa labi ko. Ramdam ko ang init at pananabik sa kanyang mga halik, at hindi ko napigilang gumanti. Ang kanyang mga bisig ay mahigpit na nakapulupot sa akin, at unti-unti niyang idiniin ang kanyang katawan sa akin. "T...tama ba ito, Nick?" "Yes, tama ito, Raine. Walang mali sa gagawin natin." Bigla akong napasinghap nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa gitna ng aking hita. "Nararamdaman mo ba ang pangangailangan ko rin, Raine. I want you, let's f**k," sabi niya sa namamaos na tiniga. Naguguluhan ako sa kakaibang damdamin, 'yung matigas na lumalapat sa gitna ng aking hita ay nagdudulot ng kiliti sa akin. Hindi ako sigurado kung ano iyon, ngunit nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa aking katawan, isang pakiramdam na ngayon ko lamang naranasan. Aaminim kong, nasasarapan ako. "Nick..." usal ko. "Raine..." sambit niya. Bumaba ang mga halik ni Nick sa aking leeg, at napapaliyad ako sa kakaibang sarap na dulot nito. Bakit, tila ang sarap naman nito? Ramdam ko ang bawat halik at dampi ng kanyang mga labi, at hindi ko mapigilang mapaungol nang bahagya. Habang patuloy siyang bumababa, ang isang kamay niya ay malayang gumalaw papunta sa aking sentro, kung saan naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumadampi sa aking p********e. Mas lalo akong napaungol. Agad tumugon ang aking katawan, na tila isang awtomatikong reaksyon sa init na nararamdaman ko. Kusa ko na rin ikinaskas ang p********e ko sa tumatama rito, napapikit ako upang damhin ang sarap nito. Ngunit bigla siyang tumigil. Tumigil din ako at nagtatakang tumingin sa kanya, ayokong tumigil siya. "Nick?" tanong ko, puno ng kalituhan mula sa pagkabitin. Bigla niyang tinakpan ng kanyang hintuturo ang labi ko. "Sshhh..." mahinang sabi niya, at inilayo ako sa gitna ng ilog, pabalik sa pampang. Dali-dali niya akong hinila patungo sa isang malaking bato sa gilid ng ilog, at doon kami nagtago. Mula sa aming pinagtataguan, narinig ko ang mga kaluskos ng mga yapak na papalapit. Nagkatinginan kami ni Nick bago muli pinakinggan ang mga kaloskos. Nakita namin ang ilang mandirigma ng aming tribu na kasama si Usman. Hindi ko maintindihan kung bakit sila naririto, kaya't nanatili kaming tahimik. Napansin ko ang kakaibang tensyon sa katawan ni Nick, lalo na nang makita niya ang lalaking kausap ni Usman—isang estranghero. Sino sila? Bakit sila may mga armas? Hindi lang si Nick ang naligaw rito sa aming tribu kundi may iba pa. Kung titingnan mong mabuti parang matagal ng kilala ni Usman ang mga estranghero. Medyo malayo kami kaya hindi namin naririnig ang usapan nila pero kitang–kita namin sila mula rito sa pinagtataguan namin. May inabot kay Usman na isang bag, abot tenga ang ngiti ni Usman nang abutin ang bag. Humarap sa direksiyon namin ang lalaking nag–abot ng bag kay Usman. Pamilyar siya? Napasulyap ako kay Nick. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon niya. Para siyang nagulat, pero hindi ko alam kung bakit. "Uncle Caesar..." bulong ni Nick, mahina pero rinig na rinig ko ang binigkas niyang pangalan. Naguguluhan ako at sinubukan kong tanungin si Nick, ngunit pinigilan niya ako. "Later," bulong niya, at naghintay kaming umalis ang mga mandirigma kasama ang mga estranghero. Habang unti-unting lumalayo ang mga yapak nina Usman at ng estranghero, napansin ko ang biglaang pagkilos ni Nick. Bumuntong-hininga siya nang malalim at tumingin siya sa akin, puno ng seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. "Raine," he whispered, habang nagmamadali, "...magbihis ka na. Kailangan na nating umalis dito." He commanded. I swallowed, ramdam ang kaba sa tono ng tinig niya. "Pero, Nick—" "Walang oras para magpaliwanag," putol niya, ang mga mata niya’y nakatuon sa direksyon kung saan nawala sina Usman. "Kailangan nating kumilos, bilisan mo." Hindi ko na nagawang magprotesta pa. Agad akong nagmadali, dinampot ang aking mga damit at nagbihis. Habang sinusuot ko ang aking damit, napansin ko ang kakaibang tensyon sa mukha ni Nick, na para bang may iniisip siyang malalim. Mabilis ang kanyang mga kilos, kahit ang pagsusuot ng kanyang damit, parang may hinahabol na oras. Pagkatapos kong magbihis, hinawakan ni Nick ang kamay ko at agad niya akong hinila palayo sa ilog. "Saan tayo pupunta?" tanong ko, habang sinusubukan siyang sabayan. "Raine, trust me," mahinang sabi niya, pero ang tono ng boses niya ay may halong pagkabalisa. "We need to follow Usman and those men. Something’s off." Hindi na ako nakapagtanong pa. Alam kong seryoso siya, at mas pinili kong magtiwala sa kanya. Habang naglalakad kami, sinikap kong sabayan ang mabilis niyang hakbang. Pinalilibutan kami ng makakapal na halaman at mataas na puno, at tanging mga huni ng ibon at kuliglig ang naririnig sa paligid. Nang makalayo na kami nang kaunti, bumagal ang hakbang ni Nick at hinila niya ako sa likod ng isang malaking puno. "Raine, kailangan nating mag-ingat. Hindi tayo pwedeng makita nila." Tahimik akong tumango at sinundan siya. Mula sa aming pwesto, nakikita ko ang mga yapak nina Usman na iniwan sa lupa. Tulad ng ipinapakita ng mga yapak, palalim nang palalim ang direksyon na tinatahak namin patungo sa gubat. Habang patuloy kaming sumusunod, mas lalo kong nararamdaman ang takot sa dibdib ko. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, narating namin ang isang madilim na bahagi ng gubat kung saan halos walang sikat ng araw na tumatagos. Sa kalagitnaan ng mga puno, napansin ko ang isang maliit na kampo na itinatag ng mga estranghero. May mga maliit na tolda at mga bangkong yari sa kahoy na nakaayos sa paligid ng isang bonfire. Hindi kalayuan, naroon si Usman, nakaupo sa isang maliit na mesa, tila tuwang-tuwa habang kausap ang mga estranghero. Tahimik kaming lumapit ni Nick, at nagtago sa likod ng mga makakapal na dahon ng isang palumpong. Mula roon, kitang-kita namin ang bawat kilos nila Usman at ng mga kasama niya. "Look at him," bulong ni Nick, halos hindi mapigilan ang kanyang inis. "He’s too comfortable." Habang pinagmamasdan ko si Usman, nakita kong may inabot sa kanya ang isang matandang estranghero—isang bote ng inumin na mukhang hindi ko pa nakita noon. Tuwang-tuwa si Usman habang tinatanggap ito, at agad niyang binuksan ang bote at inamoy–amoy. Kasabay ng pagtawa ng mga estranghero, lumagok si Usman mula sa bote, na para bang wala siyang iniisip na masama. Ganoon rin ang mga kasama niyang mandirigma sa aming tribu. Malinaw na isang pagtatraydor ang ginagawa ni Usman. Pinagkakanulo niya ang aming tribu. Kasunod nito, isa pang estranghero ang lumapit kay Usman, may dalang isang supot na puno ng iba’t ibang bagay. Binuksan ni Usman ang supot at kinuha ang laman nito—mga pagkain, alahas, at iba pang bagay na hindi pangkaraniwan sa aming tribu. Napansin ko ang liwanag sa kanyang mga mata habang isa-isa niyang sinuri ang mga bagay na inabot sa kanya. "These men... they’re trying to win him over," sabi ni Nick sa isang galit na bulong. "And Usman falling for it." Sa mga sandaling iyon, nakita ko ang taksil na pagkatao ni Usman. Para siyang nahuhulog sa tukso ng mga estranghero, tila wala siyang pakialam sa anumang posibleng mangyari sa tribu namin. Parang nakikipagkasundo siya sa kanila kapalit ng mga bagay na iyon—mga bagay na sa tingin ko’y hindi niya lubos na nauunawaan ang kapalit. Hindi ko mapigilang mag-alala. Ano ba ang binabalak nila? Bakit tila pumapayag si Usman na makipagkasundo sa mga estrangherong ito? Napatingin ako kay Nick, na kasalukuyang nakatitig sa bawat galaw nina Usman at ng mga estranghero. Ramdam ko ang galit at pagkabahala sa kanyang mga mata. "We need to stop this, Raine. Usman playing with fire, and he doesn’t even know it." I quietly nodded, alam kong tama si Nick. Kailangan naming malaman kung ano talaga ang pakay ng mga estranghero, at kung paano namin mapipigilan si Usman na makipagsabwatan sa kanila. NAKIKITA ko ang mahigpit na pagkakuyom ng mga kamao ni Nick, at ang pag-igting ng kanyang panga. Tila gusto na niyang sugurin si Usman at ang mga estranghero, ngunit alam kong delikado ito. "N-Nick," awat ko, hinawakan ang kanyang braso. "Huwag muna ngayon. Marami sila... baka mapahamak ka lang." Sabi ko na may pag–alala sa aking tinig. Tumingin siya sa akin, determinado ang mukha, ngunit alam kong tama ang sinasabi ko. "Raine, we can't just let them do this. Usman making a deal with them. I need to stop this before it gets worse." Alam kong may point si Nick, pero alam ko rin na hindi ito ang tamang oras para sumugod. "Kailangan nating sabihin sa aking ama, Nick. Hindi mo ito kayang mag-isa. Kapag nalaman niya, mas madali nating magagawa ang nararapat para sa tribu. At bukas na ang kasal natin... dapat nandun ka, buo at ligtas." Paalala ko. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, pero alam kong iniisip din niya ang sinabi ko. Alam niyang hindi ito basta-basta laban lang. "But what if they leave before we can stop them? What if they take something important?" Hinawakan ko ang kanyang mukha, pilit na pinapakalma ang kanyang mga nararamdaman. "Magtitiwala tayo sa tamang oras. Pagkatapos ng kasal natin, magsasama tayong ipagtanggol ang tribu. Pero ngayon, kailangan muna nating maging maingat. Kapag sinabi mo kay Ama ang lahat ng ito, siguradong gagawa siya ng aksyon para maprotektahan ang ating tribu." Nakita kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Nick sa kanyang mga kamao, pero halata pa rin ang tensyon sa kanyang katawan. "You’re right, Raine. We need to be smart about this but I'm willing to help." Huminga ako nang maluwag nang makita kong unti-unti siyang kumalma. Hinawakan niya ang aking kamay at tumingin siya pabalik sa direksyon nina Usman. "We’ll tell your father. But we have to be quick. I don't trust these men, and I don’t trust Usman lalo na ang kausap niya." Tumango ako, at sabay kaming umatras palayo sa kampo, dahan-dahang naglakad pabalik sa aming daan. Alam kong tama ang naging desisyon namin. Kailangan naming unahin ang kaligtasan at ang tamang plano. Ngunit alam ko rin na bukas, sa araw ng aming kasal, hindi na maiiwasan ang pagharap sa mga panganib na ito. Ang pagsugod sa laban dapat pinagiisipan. Sumulyap akong muli sa kinaroroonan ni Usman. Mas lalong umahon ang galit ko kay Usman, kitang–kita ko ang kasiyahan niya habang nakikipag–inuman sa mga estranghero. At sino sa buhay ni Nick ang tinawag niyang Uncle Ceasar?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD