Chapter 21 Part two Raine NAKATAYO pa rin ako sa gitna ng nagkakagulong tribu, ang mga mata ng bawat isa ay nakatuon sa akin, puno ng galit at poot. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin nila—ako ang sinisisi nila sa pagkawala ng aming Anito, at sa bawat hakbang ko, parang tinatanggap ko na ang hatol ng tribu. Ilang sandali pa, dumating ang ilang kawal mula sa kagubatan, at agad nilang sinabi ang balita na nagpatindi ng galit ng mga tao. "Nakita namin ang grupo ni Nick!" sigaw ng isa sa mga kawal, ang mukha ay punong-puno ng galit at pagkamuhi. "Sila ang kumuha ng ating Anito! Hindi na namin nahabol dahil wala kaming laban dahil sila ay may mga armas." Lumapit ang isang kawal na may tama ng baril. "Binaril siya ni Nick," dagdag nitong sabi sa sobrang galit na tinig. Natutop ko ang ak