Chapter 21 Raine NAGISING ako sa ingay ng mga tao sa labas. Kumurap–kurap ako bago ko naipokus ang paningin sa paligid. Naghikab ako, at naramdaman ko ang pananakit sa buong katawan ko at lalo na sa p********e ko. Napangiti ako nang maalala ang pulo't gata namin ni Nick. Kinapa ko ang higaan sa tabi ko, pero wala si Nick. “Asawa ko?” tawag ko, pero walang sumagot. Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Naalala ko ang parang narinig ko kagabi, bago ako tuluyang nakatulog. "Damon?" Sino ang tinatawag na "Damon?" Bumalikwas ako ng bangon at sumilip sa labas ng kubo. Nakita kong nagmamadali ang mga tao, tila may hinahanap. May kung anong takot na gumapang sa akin. Ano kayang nangyari? At nasaan si Nick? Narinig ko ang mga tao na pasigaw na nagsasalita sa di kalayuan. Hindi ko naiintindihan