Chapter 22 Leave the Tribe

1910 Words
Chapter 22 Raine KINABUKASAN pagmulat ng mga mata ko, ramdam ko na agad ang matinding sakit sa buong katawan ko. Parang dinudurog ang bawat himay–himay ng aking kalamnan, lalo na ang likod ko. Muli akong napapikit, umaasa na baka sa pagbabalik ng dilim ay mawawala ang kirot. Napaluha ako, hindi dahil sa sakit sa likod kundi sa sakit sa puso ko. Ang sakit ng ginawa sa akin ni Nick. Talagang hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin at sa buong tribu namin. Nang buksan ko muli ang mga mata ko, nakita si Ninay, mahinang nakangiti sa akin bakas sa mukha niya ang labis na pag–aalala. Abala siya sa pag–aalaga sa mga sugat ko. Ramdam ko ang bawat dampi ng kamay niya—maingat habang nilalalapatan ng gamot. Nagkatinginan kaming dalawa, pero walang lakas magsalita.Tanging tingin lang ang naibigay ko. Hiyang–hiya ako sa kanya. "Dayang, h'wag ka munang gagalaw," sabi niya sa akin, mahina ang tinig, halatang may pag–aalala. "Naglalagay lang ako ng halamang gamot sa mga sugat mo. Medyo mahapdi, pero kailangan para hindi magka–impeksyon. Pasensiya ka na, Dayang, wala akong nagawa para sa'yo. Alam mo naman, mahirap kalaban ang galit nating mga ka–tribu." Paumanhin ni Ninay. Isang nakakaunawang ngiti ang binigay ko kay Ninay at marahan akong tumango. Pinilit kong intindihin ang bawat sinabi niya, hindi ko napigil ang aking sarili, tumulo ang mga luha ko. Dama ko ang mga luhang umaagos sa aking pisngi, habang ang sakit sa likod ko ay sinasabayan ng bigat ng emosyon. Para akong bata na gustong magtago, pero walang mapuntahan. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay wala akong kakampi. Nagsimula nang manginig ang mga balikat ko, sabay sa paghikbi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napahagulhol na ako. Huminto si Ninay sa kanyang ginagawa at agad na naupo sa tabi ko, inabot ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "Dayang, 'wag ka nang umiyak," malumanay niyang sabi, pero ramdam ko ang bigat na pag–alala sa kanyang tinig. "Andito lang ako sa tabi mo, Dayang. Hindi kita pababayaan. Mahal kita, kaibigan, Dayang." Naiiyak na rin na alo niya sa akin. Patuloy lang ako sa pag–iyak, hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili ko. Sobrang bigat at sakit ang nasa dibdib ko. Nagpaloko ako sa taong hindi ko kakilala, wala akong pinagkaiba kay Ina. Ipinagkanulo ko ang aking tribu sa isang estranghero. Ngunit sa bawat haplos ni Ninay sa kamay ko, unti–unti kong naramdaman ang pagkalma. Kahit papano, may kaunting ginhawa sa pakiramdam ko na may isang tao na handang damayan ako sa ganitong sitwasyon. "Salamat, Ninay," sabi ko sa mahinang tinig bagaman nakangiti kahit papano. "Walang anuman, Dayang. Basta nandito lang ako kahit na anuman ang mangyari." Sunod–sunod akong tumango. Ilang saglit lang namagitan sa amin ang katahimikan nang biglang may mga tunog ng paa ang papasok sa bukana ng kweba. Papasok si Liwanag, ang tingin niya sa akin ay matalim at puno ng galit. Ramdam ko agad ang bad vibes na dala niya, alam kong wala itong magandang gagawin. "Anong ginagawa mo, Ninay?" bulyaw ni Liwanag, ang mga mata ay nag–aalab sa galit. "Bakit mo siya tinutulungan? Dapat hinayaan mo siyang magdusa! Alam mong nasa batas natin na bawal tulungan ang mga taong traydor sa ating tribu. Dapat alam mo ang bagay na iyan." Sinikap kong bumangon at nanghihinang hinarap si Liwanag upang ipagtanggol si Ninay. Alam kong galit siya sa akin pero wala siyang karapatang idamay si Ninay sa galit niya sa akin na hindi ko alam kung saan niya hinuhugot. Kung si Usman ang dahilan ng lahat, sa kanya ni Usman. "Hindi mo kai—" Napigil ang pagsasalita ko nang pigilan ako ni Ninay. "Walang akong nakitang masama sa ginagawa ko, Liwanag," mariing sagot ni Ninay habang nakatayo, harap–harapan kay Liwanag. Kaibigan ko si Dayang. Hindi ko siya pwedeng pabayaan lalo na ngayon." Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Liwanag. "Kaibigan?" sarkastikong tanong niya, sabay ang malakas na tawa. "Walang puwang ang pagkakaibigan sa isang taksil, Ninay. Si Dayang ang dapat sisihin sa pagkawala ng anito natin. Dapat na siyang lumisan at hanapin ang magnanakaw na iyon! Patuloy siyang tumatawa, malakas at masakit sa tenga na halos umalingawngaw sa loob ng kweba, habang nilalapitan ako. Masama siyang nakatitig sa akin nang diretso. "Hindi ka karapat–dapat na maging Prinsesa sa tribung ito. Katulad ka rin ng iyong ina, isang taksil." Napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko ang pagkakasala ng aking ina pero wala siyang karapatan na isumbat sa akin iyon. Gusto kong sumagot, ipagtanggol ang sarili ko, pero walang salita na lumabas sa bibig ko. Natuliro ako, habang patuloy na tumatawa si Liwanag, tinutuya niya ako sa harap ni Ninay. Ang bawat hagikhik niya ay parang kumakalampag sa dibdib ko, nagpapaaalala ng kahinaan at mga pagkakamali ko. Napapikit na lang ako, pilit na tinatago ang mga luha na muling pumatak sa aking mga mata. Bago ako makapag–react, naramdaman ko ang biglang paghapit ni Liwanag sa braso ko. Napaigtad ako sa sakit, hinila niya ako palabas ng kweba. "Liwanag, ano ang ginagawa mo?" sigaw ni Ninay, sinubukan niyang pigilan si Liwanag pero hinarangan siya ng mga kasama nito. Ramdam ko ang poot sa bawat galaw niya. "Wala ka nang karapatang manatili rito, Dayang," malamig na sabi ni Liwanag habang patuloy niya akong hinihila palabas ng kweba. "Dapat matagal ka nang umalis. Hindi ka na kabilang sa tribung ito kaya lumayas ka na." Malakas niyang sigaw. Gusto kong lumaban, gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya, pero wala akong lakas. Nanghihina pa ako mula sa mga sugat ko, at bawat hakbang ko ay parang mababali ang mga tuhod ko sa panginginig. Sa bawat gigil na hakbang ni Liwanag, nararamdaman kong parang pinipiga ang puso ko. Nasa pagitan ako ng takot at panghihina, at gusto kong sumigaw, pero walang salitang lumalabas sa aking bibig. Hanggang sa makalabas kami sa kweba, at sa isang iglap, halos itapon niya ako sa labas. Sumadsad ako sa lupa, napahiyaw ako sa matinding sakit, pakiramdam ko ay halos mabali ang likod ko sa tindi ng sakit. Napakapit ako sa lupa, halos magmarka ang mga kuko ko rito, pilit na itinatayo ang sarili ko, pero masyado akong nanghihina. Nakayuko akong nakahandusay sa lupa, habang si Liwanag ay nakatayo sa harapan ko, tila tuwang–tuwa sa paghihirap ko. Lumapit pa siya at inapakan ang kamay ko. "Umalis ka na sa tribung ito, Dayang. Hindi ka na dapat bumalik," maawtoridad niyang utos. "Alam mo kung ano ang dapat gawin," mas lalo niyang idiniin ang pag–apak sa kamay ko, kahit masakit hindi ako sumigaw. Hahayaan ko siya ngayon sa pang–aapi sa akin, kapag nahanap ko na si Nick, babalikan ko ang babaeng ito at ipapalasap ko sa kanya ang ganti ko. At sabay silang nagtawanan ang mga babaeng kakampi niya sa tribu na tila tuwang–tuwa sa nangyayari sa akin. Hindi na ako sumagot. Nakatitig lang ako sa lupa, habol ang aking hininga habang ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Habang pinilit kong bumangon mula sa lupa, agad na tumakbo sa akin si Ninay at tinulungan niya akong tumayo. "Ninay, kailangan ko na umalis," mahina kong sabi, habang naririnig ko pa ang malalakas na tawa nila Liwanag na unti–unting nawawala sa paligid. "Hindi na ako pwedeng manatili rito. Kailangan kong mahanap si Nick, kahit anong mangyari. Kailangan kong maibalik ang ating Anito para maibalik ko ang tiwala nila," nanghihinang sabi ko, naghalo ang pawis at luha ko. Marahan na tumango si Ninay kahit may bakas na pagtutol sa kanyang mukha. "Naiintindihan kita, Dayang," tugon niya, may halong kaba sa kanyang tinig. "Pero mahina ka pa, Dayang. Baka hindi mo kayanin ang pagpunta sa siyudad? Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Kahit hindi kaya ng aking katawan pero wala akong pagpipilian kundi ang sundan si Nick sa siyudad at bawiin sa kanya ang aming diyos. Kahit gusto ko nang sumuko, alam kong ito ang tamang desisyon. Kailangan kong gawin ito para sa kapayapaan ng lahat. Hindi ako pwedeng magpatuloy sa ganitong sitwasyon, lalo na kung ako lang ang may kakayanan na maibalik ang aming anito. Hinawakan ni Ninay ang aking kamay at may dinukot mula sa kanyang bulsa sa suot niya palda. Nakabalot sa kapirasong tela, nagulat ako ng buksan niya ito. May iilang pera at konting alahas na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Alam kong mabigat sa loob niya ang pagpayag sa desisyon ko pero wala siyang magawa, marahil gusto rin niyang matapos ang problemang kinakaharap ng aming tribu. "Ito lang ang mapapa–baon ko sa'yo, Dayang. Ayon sa narinig ko, itong pera ang gagamitin mo sa pagbayad sa sasakyan patungo sa siyudad. Gamitin mo para magamit mo sa iyong paglalakbay." Hindi na ako nagtanong pa, kung saan niya kinuha ito dahil hindi ito mahalaga. Oo, alam ko ang tungkol sa pera at hindi naman ako ganoon ka sobrang ignorante rito. Tinitiga ko siya nang may pasasalamat at inipon ko ang lakas ko para sa susunod na hakbang. "Maraming Salamat, Ninay. Hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo sa akin at pinapangako ko, ibabalik ko ang ating anito." Buo ang loob kong sinasabi iyon kahit sa kabila ng aking kaba. Dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay na buhay ko sa Maynila, lalo pa at hindi ko kabisado ang magulong siyudad. Isang mahigpit na yakap ang isinukli niya sa akin. Narinig ko ang mga paghikbi ni Ninay. Bago ako tuluyang umalis sa kweba, isang napakalalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko at nagpasyang magpalit ng aking tradisyunal na kasuotan—isang simbolo ng aking pagkatao bilang bahagi ng tribu. Gusto ko ipakita kay Nick ang babaeng niloko niya at sinaktan na nagmula ako sa isang matatapang na tribu. Ipapakita ko sa kanya na isa akong tunay na mandirigma na nagkamali siya ng taong niloko. Habang sinuot ko ang bawat piraso, naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad ko. Ang tanging laman lang ng aking isip ay makaganti ako kay Nick sa pagwasak niya sa buhay ko, nakatingin lang ako sa malayo habang tumutulo na naman ang luha ko. Napakahayop niya. Isa siyang Demonyong nagkatawang lupa na akala mo kung sinong may mala–anghel na mukha, yun pala isang demonyo. Hayop! Pinagkatiwala ko ang sarili ko sa kanya, ngunit wawasakin lang pala ako. Lumapit sa akin si Ninay pagkatapos kong magbihis at hinawakan ako sa balikat. "Handa ka na ba, Dayang? Ihahatid ka naming hanggang sa bukana," lumingon siya sa ibang kababaihan, at sabay nagtanguan. Kitang–kita ko ang pag–alala sa mukha ni Ninay. Tumango ako, kahit nanghihina pa ako. Pilit kong pinapalakas ang loob ko, dahil ito ang kailangan ko. Kinuha ko ang aking pana at nilagay sa likod ko, ito ang gagamitin ko sa hayop na lalaking iyon. At sisiguraduhin kong sa dibdib siya, tatamaan. "Oo, Ninay. Kailangan kong gawin ito para sa ating lahat." Alam kong walang atrasan na ito. Isa–isa silang yumakap sa akin. Pagkatapos ng mga yakapan sabay kaming naglakad patungo sa bukana. Huminto ako at isang huling sulyap ang ginawa ko, hindi na ako nagpaalam kay Ama sa paglisan kong ito. Babalik ako na dala ang ating Anito. Masakit ang gagawin kong paglisan, pero kailangan kong gawin. Humanda ka, Nick. Makikita mo, kung sino ang sinaktan mo at inagrabyado.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD