Chapter 12 The wedding is on

1852 Words
Chapter 12 Raine HAWAK kamay kami ni Nick habang papunta kami sa kinaroroonan ng aking ama. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng desisyon na gagawin ko. Nagugustuhan ko na si Nick at siya ang gusto kong maging kabiyak. Masyadong mabilis ang pangyayari pero iba ang nararamdaman ko sa kanya kumpara sa nararamdaman ko para kay Usman. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na nais na naming magpakasal ni Nick, lalo na’t alam kong para kay Usman dapat ako. Pagdating namin pulungan, nakita ko agad si Ama na nakaupo sa kanyang trono, kasama ang ilang matatanda ng tribu. Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa amin, tila binabasa ang bawat galaw at emosyon. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Ama," simula ako, pinipilit ang sarili na manatiling kalmado, "...may nais po akong ipaalam sa inyo. Nais ko pong magpakasal kay Nick." I said bluntly. Nagulat ang aking ama sa narinig mula sa akin. Agad na bumigat ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging kalmado kanina, nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga, isang tanda ng kanyang pagtutol. "Dayang," matigas niyang sagot, "...alam mong nakatakda kang pakasalan si Usman. Siya ang napili para sa'yo mula pa noong una." Napalunok ako nang laway dahil sa tensiyon, ngunit pinilit kong itago ito. "Alam ko po iyon, Ama, ngunit may isang bagay po kayong hindi alam." Huminga ulit ako nang malalim, alam kong ang mga susunod kong sasabihin ay magdudulot ng pagkabigla. "Si Usman... pinagtaksilan niya po ako." Nakita ko ang matinding pagkagulat sa mga mata ni Ama. Ang kanyang mga kilay ay nagtaas, at ang kanyang mga labi ay bahagyang bumuka, hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Anong ibig mong sabihin, Dayang?" Pinilit kong huwag magpakita ng emosyon habang inilalahad ang katotohanan. "Nahuli ko po siya, Ama. Mayroon siyang ibang babae. Hindi ko na po kayang magpanggap na wala akong alam. Hindi ko siya mapapatawad sa kanyang ginawa." Sa sandaling iyon, nakita ko ang galit na unti-unting bumabalot sa mukha ni Ama. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakatikom, at ang kanyang boses ay naging malamig at mabagsik. "Pinagtaksilan ka niya?" Mariin ang kanyang tanong, puno ng galit. "Walang karapatan si Usman na saktan ka nang ganoon. Hindi kita pipilitin na pakasalan ang isang taong walang respeto sa'yo." Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa sa kanyang sinabi, ngunit alam kong hindi pa dito nagtatapos ang usapan. Tumitig si Ama kay Nick, para bang sinusukat ang bigat ng kanyang mga salita. "At ikaw, Nick," aniya, ang kanyang boses ay matalim at puno ng pag-aalala. "Ano ang intensyon mo sa aking anak? Bakit mo siya nais pakasalan?" Ramdam ko ang tensyon habang sinagot ni Nick ang tanong ni Ama. "Mahal na Hari," nagsimula siya, tinitiyak na malinaw ang bawat salitang binibitawan niya, "I care for Raine deeply. She means the world to me. I want to protect her, to give her the happiness she deserves. My intentions are sincere." Sabi ni Nick sa aking ama at ramdam ko ang sinseridad sa kanyang tinig. Natahimik ang lahat pagkatapos ng mga sinabi ni Nick parang lahat ng tao sa pulungan ay huminto sa paghinga. Si Ama, bagaman kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha, ay tumango nang dahan-dahan. "Kung gayon," aniya, ang boses niya ay mas malambot na ngayon, "...papayag ako. Ngunit tandaan mo ito, Nick—hinding-hindi kita patatawarin kung sasaktan mo ang anak ko." May himig na pagbabanta sa tinig ni Ama. Marahan na tumango si Nick at nakangiting sumulyap sa akin. Nakaramdam ako ng pagluwag sa aking dibdib. Sa wakas, pumayag si Ama. Ngunit alam ko rin na mula sa puntong ito, kailangan naming patunayan ni Nick na karapat-dapat kaming magsama, at ang desisyong namin ay tama para sa lahat. Matapos naming makausap ang aking ama, nagdesisyon siyang kausapin ang mga nakatatandang konseho. Alam kong kailangan din ang kanilang pagsang-ayon para sa pagpapakasal namin ni Nick. Hindi sapat ang pagpayag ng aking ama lamang; ang tradisyon ng aming tribu ay may mga hakbang na kailangang sundin. Habang naghihintay kami ni Nick sa labas ng pulungan, naririnig ko ang mga mabibigat na boses ng mga nakatatanda sa loob. Nag-uusap sila nang seryoso, tinatalakay ang magiging desisyon para sa amin. Ramdam ko ang bawat pintig ng aking puso sa kaba at pananabik. "Raine," bulong ni Nick, hinawakan ang aking kamay nang mahigpit. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat." Tumango ako, pero hindi ko maalis ang pag-aalala sa aking isip. Sigurado akong mahal ko si Nick, pero alam kong hindi ganoon kadali ang magpasiya ang mga nakatatanda. Bawat isa sa kanila ay may tinig na kailangang pakinggan, at kailangang magkasundo silang lahat. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng pulungan. Lumabas ang isa sa mga nakatatanda at tinawag kami ni Nick upang pumasok muli. Pagpasok namin, ramdam ko ang bigat ng mga mata ng bawat isa sa amin. Ang aking ama ay nasa gitna ng mga nakatatanda, seryoso ang ekspresyon. "Dayang, Nick," nagsalita ang isa sa mga nakatatanda, si Tandang Akong, na kilalang pinakamatanda at pinakagalang-galang sa aming tribu. "Pinag-usapan namin ang inyong nais na magpakasal. May mga alituntunin tayong sinusunod, at nararapat na magkaisa kami bago ibigay ang aming basbas." Huminga ako nang malalim, halos hindi ako makahinga sa tensyon. "Ngunit," patuloy niya, "...napagdesisyunan naming lahat na kung ito ang iyong kagustuhan, Mahal naming Prinsesa, at tunay na mahal mo si Nick, ibibigay namin ang aming pagsang-ayon." Napapikit ako sa ginhawang naramdaman ko. Ito na ang hudyat na maaari na kaming magpatuloy sa aming plano. Tumayo ang aking ama at nilapitan kami ni Nick. Inabot niya ang kanyang kamay at inilagay ito sa aming mga noo, isang tanda ng basbas at pagpapala. "Sa harap ng mga nakatatanda at ng ating mga ninuno, binibigay ko ang aking basbas sa inyong dalawa. Nawa’y maging matatag ang inyong pagmamahalan at maging kaisa kayo ng ating tribu." Ramdam ko ang init ng mga luha sa aking mga mata. Nagtagumpay kami, at alam kong simula pa lamang ito ng aming kwento. Tumango si Nick, alam kong malaki ang responsibilidad na nakaatang sa kanya mula sa araw na iyon. Habang binibigyan na kami ng basbas ng aking ama at ng mga nakatatanda, biglang bumukas ang pintuan ng pulungan. Sa paglingon naming lahat, tumambad sa amin si Usman, humahangos at halatang galit na galit. Maaring nakarating na sa kanya ang balita, mas maganda kung ganoon. "Mahal na Hari!" sigaw niya, diretso ang tingin niya sa akin. "Hindi ako sang-ayon sa desisyong ito!" Napatingin ang lahat kay Usman, na para bang huminto ang oras sa kanyang pagdating. Ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya, at alam kong hindi niya basta-basta tatanggapin ang aming desisyon. "Usman," sabi ng aking ama, mahigpit ang boses. "Alam ko ang nararamdaman mo, ngunit napagkasunduan na namin ito ng mga nakatatanda." "Hindi maaari!" sabi ni Usman, halos sumisigaw na. "Raine, mahal kita! Hindi mo puwedeng ipagpalit ang lahat ng pinagsamahan natin para sa isang dayuhan na halos kakikilala mo pa lang!" Naramdam ko ang kirot sa mga salitang iyon. Alam kong may pinagsamahan kami ni Usman, ngunit alam ko rin ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Hindi na ako maaaring magbulag-bulagan sa kataksilan nila ni Liwanag. "Usman, hindi mo naiintindihan," sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. "Hindi na tulad ng dati ang lahat. Alam kong may iba ka na. Nakita ng aking dalawang mata Usman ang ginawa niyo ni Liwanag." Nagdadaramdam na sabi ko. Napansin ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Usman, mula sa galit ay biglang may halong pagsisisi at takot. "Dayang, nagkamali ako, pero hindi ko kayang mawala ka. Handa akong itama lahat, huwag mo lang akong iwan." Lumingon ako kay Nick, na tahimik na nakikinig. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Ngunit alam kong kailangang maging matatag ako. "Usman," mahinahon kong sagot, "Tapos na tayo. Pinagpasyahan ko na ang desisyon ko. Mahal ko si Nick, at ito ang tamang gawin para sa akin. Siya ang pinipili kong pakasalan." Lalong sumiklab ang galit sa mukha ni Usman. "Kung ganoon, wala na akong magagawa kundi harapin siya," sagot niya, ang boses niya ay puno ng determinasyon at galit. "Hahamunin ko siya sa paraan ng ating tribu!" Pagak akong tumawa. "Minsan ka ng natalo, Usman, kaya tanggapin mo ang katotohanan." Bigla siyang umabante patungo sa akin ang kanyang mukha ay puno ng galit at determinasyon. Sumulyap siya kay Nick na kalmado lang na nakatayo sa tabi ko. Wala kang makikita na kahit kongting takot sa kanyang mukha. Relax lang tila walang kinababahala. "Kung ganyan ang desisyon mo, Dayang," mariing sabi ni Usman, "...maghanda ka. Hindi ko hahayaan na basta na lang kayo magpakasal. Lahat ng tao sa tribu na ito ay kakampi ko, at hinding-hindi ko hahayaang mangyari ito nang walang laban! Hindi pa ako tapos, babalikan ko kayo lalo ka na estranghero," puno ng pagbabanta ang tinig ni Usman sabay duro sa mukha ni Nick. "H'wag mo akong hamunin muli, Usman. Hindi mo ako kilala," kalmanteng sagot sa kanya ni Nick twisting his lips in one corner. Kasabay ng paggalaw ng mga muscles sa bagang sa nagbabadyang galit. "Naisahan mo lang ako 'nung isang araw kaya napatumba mo ako. Bakit hindi natin ulitin!" hamon ni Usman kay Nick. Nag–aapoy ang mga mata sa galit. "As you wish, Usman," sagot ni Nick na sinalubong ang titig ni Usman. Akmang hahakbang palabas si Usman. Mabilis kong itinukod ang mga kamay sa dibdib ni Usman. "Tumigil ka na Usman! Hindi na ako babalik sa'yo, malaya kang makasama si Liwanag!" ani ko sa galit na tinig at binalingan si Nick. "H'wag mo siyang pansinin, Nick." Tumango sa akin si Nick bilang pag–sangayon. Lumapit sa akin si Usman, halos magtama ang aming mga mukha. "Bantayan mo ang estranghero na 'yan," bulong niya, ngunit sapat na malakas upang marinig ng lahat sa pulungan. "Dahil gagawin ko ang lahat para mapigilan ang kasal ninyo, kahit pa anong mangyari." Muli siyang tumingin kay Nick, ang mga mata ay puno ng poot. "At ikaw," sabi niya, "...huwag mong isipin na makukuha mo si Dayang nang ganoon lang. Hindi pa tapos ang laban na ito." Naramdaman ko ang kamay ni Nick na humigpit sa pagkakahawak sa akin, parang sinasabi niyang hindi siya magpapatalo. Ngunit ramdam ko rin ang kaba, hindi lamang para sa sarili ko, kundi para sa magiging kahihinatnan ng lahat. Lumabas si Usman mula sa pulungan, ngunit bago siya tuluyang mawala sa paningin namin, lumingon siya ng huling beses. "Maghanda kayo," sabi niya, puno ng pagbabanta ang boses. "Dahil walang sino mang makakapigil sa akin. Isusumpa ka nang tribu na ito, Dayang , dahil sa lalaking iyan." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Usman, kilala ko si Usman kahit na kailan hindi ito ang tipong tao na tumatanggap ng pagkatalo. Ngayon, pa lang natatakot ako sa maari niyang gagawin. Nanayo ang balahibo ko sa takot. Alam kong ibubuhos ni Usman ang lahat ng galit and desperation kay Nick. Sumulyap ako kay Nick. His blue eyes were on fire like the tempestuous ocean, each wave a reflection of the intensity raging within him. And the way he stared at Usman right now, he is a capable of murder.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD