Chapter 11 Greediness

1865 Words
Chapter 11 Damon HABANG abala sa pagpupulong ang mga tribu, sinamantala ko ang pagkakataon para makalabas nang walang nakapansin. Sumulyap ako kay Raine, seryosong nakikinig sa kanyang ama. Hindi naman ako interesado sa kung ano ang pinag-uusapan nila, at may mas mahalaga akong dapat gawin. Kailangan kong makita si Kurt. Sinalubong ako ng mga bata, parang kulang sa vitamins ang mga katawan nila, payat at wala silang damit pang–itaas, ang iba sa kanila malalaki ang tiyan. Hindi ko maimagine ang buhay nila dito pero si Raine kakaiba siya sa lahat ng mga kababaehan. Habang papalapit ako sa kulungan, natanaw ko agad si Kurt na nakatayo sa loob, halatang naiinip at tila aligaga na sa sitwasyon. "Finally, you're here," sabi niya agad pagkakita sa akin. "Did you find out anything?" Palinga–linga ako sa paligid ng makita kong walang tao. Lumapit ako, siniguradong walang ibang makakarinig sa aming usapan. "Not yet," sagot ko, in a small thin voice. "But I have a plan to get closer to the anito." Napakunot-noo si Kurt, bakas sa mukha niya ang pagdududa. "Ano'ng plano mo?Damon, uwing–uwi na ako, ang daming lamok baka magka–malaria pa ako," naiinis na sabi nito sabay pakita sa mga kagat ng lamok sa braso niya. Tumigil ako sandali, at napatingala sa kalangitan, sinisiguradong handa ako sa magiging reaksyon niya sasabihin ko. Kilala ko itong si Kurt, tiyak kong pagtatawanan niya ako pero wala akong choice. This is the only way. Two birds in one stone. Kung sakaling magtagumpay ako sa plano ko. Ikakasal ako kay Raine, and slow tumble in bed with her, then makukuha ko pa ang golden anito. Tumikhim ako bago magsalita. "Isa sa mga plano ko ay pakasalan ang prinsesa ng mga katutubo." Nanlaki ang mga mata ni Kurt at napalunok siya, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit imbes na seryosong sagutin ang sinabi ko, napailing siya at biglang sumabog sa tawa. As I said, he gonna laugh at me. Halos hindi siya makahinga sa kakatawa, kailangan pa niyang sumandal sa pader ng kulungan para hindi matumba sa walang tigil na pagtawa. "Seriously? Ikaw? Pakakasal?" sambit niya habang humahagikgik pa rin. "Since when did that become part of your vocabulary, Damon? You're so funny." Tumalim ang mga mata ko. Pinilit kong maging kalmado, kahit alam kong expected ko na ang reaksyong ganito. "It’s not about what I want, Kurt. It’s about what we need to do to get that anito. If marrying her is what it takes, then I’ll do it." Pangungumbinsi ko. Dahan-dahang tumigil si Kurt sa pagtawa, pero hindi pa rin nawawala ang amusement sa kanyang mga mata. Tumaas ang dalawang kamay nito, tanda ng pagsuko. "Okay, okay," sabi niya, nagpipigil ng ngiti. "But seriously, who are you talking about? Sino doon? Isa sa mga kasama mo kanina?" Huminga ako nang malalim bago sumagot, alam kong kailangan ko itong sabihin sa kanya kahit ano pa ang reaksyon niya. "Yung kasama ko kanina. Yung mahaba ang buhok at maganda ang katawan." Pagkarinig niya ng sagot ko, napatigil si Kurt, at sumiklab ulit ang kanyang tawa, mas malakas pa ngayon. "Wait, wait," sabi niya habang nagpipigil pa rin ng tawa. "You mean that girl with the long hair? The one with the... darker skin? Sa bagay maganda ang katawan." Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin, hindi ako natutuwa sa panunuya niya. "Yeah, her. What’s so funny? Ang importante, she had a beutiful body, pwede na pagtiyagaan." Depensa ko. Pero hindi mapigilan ni Kurt ang tawa niya. "Damon, since when do you go for girls like that? I thought you were all about the fair-skinned, classy types. You know, the ones who look like they belong in a fashion magazine or something. Napaka perctionist mo, when it comes to woman." Nagkibit-balikat ako, pilit na pinapanatili ang seryoso kong tinig. "This isn’t about my type, Kurt. It’s about getting that anito. Besides, she’s... okay, I guess. But yeah, she’s not exactly my usual type. Tulad ng sabi ko, pwede na pagtiyagaan." Umismid si Kurt, bakas ang amusement sa kanyang mukha. "Not exactly? Dude, she’s the complete opposite of your type! You’d never even look twice at a girl like her before. What happened to Mr. Picky?" Natatawang tanong nito. Umirap ako, alam kong hindi siya seryoso, pero nakakainis pa rin. "Look, she’s not exactly a catch, okay? I mean, she’s got that wild, untamed look. And her skin? Let’s just say I’ve seen better. But she’s useful, and that’s what matters." Hindi pa rin mapigilan ni Kurt ang tumawa. Tawang–tawa ito. "Man, this is too rich. Damon, the guy who wouldn’t even look at a girl without fair skin, now willing to marry just to get what he wants." Umiling–iling ito, "...basta sa pansarili mong interes. Believe ako sa'yo. Sana lang hindi mo magustuhan ang babaeng 'yon. She looks so innocent, kawawa naman, mukha mabibiktima mo pa," may panghihinayang sa tinig nito. Sumilay lang ang isang tuyang ngiti sa labi ko. Wala rin sa vocabulary ko ang maawa. What I want, what I get. "Desperate times call for desperate measures." I said firmly. "Hinding–hindi ako magkakagusto sa isang babaeng taga–bundok." I disgustedly said. Malinaw sa ekspresyon ng mukha ni Kurt na di nito nagustuhan ang sinabi ko. "Better guard your heart." Tinapik niya ako sa balikat, pero bakas pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. "Don’t worry, sinabi mo eh. But seriously, Damon, this is going to be one hell of a mission. I can’t wait to see how this plays out." Huminga ako nang malalim, nagtataka rin sa sarili ko kung paano nga ba ito mauuwi. Pero isa lang ang alam ko—kailangan naming makuha ang anito, at gagawin ko ang lahat para makuha iyon, kahit na ito'y nangangahulugang pagsuong sa mga bagay na noon ay hindi ko man lang naisip na gagawin ko. Biglang may nagsalita mula sa likuran ko, at paglingon ko, si Raine pala ang dumating, may bitbit na pagkain. Napatigil ako, at nagpalitan kami ni Kurt ng mabilis na tingin bago ko hinarap ang dalaga. “Nick?” tanong niya, halatang nagtataka. “Anong ginagawa mo rito?” palipat–lipat ang tingin sa aming dalawa ni Kurt, napansin kong nagpipigil si Kurt na 'wag matawa marahil sa tinawag sa akin ni Raine. Isang pagak na ngiti ang isinagot ko, sinusubukang maging kalmado kahit na sa loob ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Oh, Raine. I just wanted to check on the captives. Make sure they’re being treated well.” Tila hindi siya kumbinsido sa sagot ko, ngunit tumango na lang siya. “Nagdala ako ng pagkain para sa kanila. Kailangan din nilang kumain.” malumanay nitong sabi, isa sa gusto kong pakinggan kay Raine, kapag nagsasalita siya. Tiningnan ko si Kurt, na nagkibit-balikat lang, hindi mawala ang nakakalokong ngiti nito sa labi pero hindi ko maintindihan at tila nainis aka kay Kurt. I don't like the way he looks at her. Pasimple ko siyang pinanlakihan ng mga mata si Kurt pero hindi ako pinansin. Ngumiti pa ito ng matamis kay Raine. Tumango ako kay Raine. “Good idea. I was just about to leave anyway.” "Hi!" bati Kurt sa kanya. Binalingan ni Raine si Kurt, inabot ang dalang pagkain. “Here, kumain kayo baka nagugutom na kayo,” sabi niya, na para bang hindi ito bihag, kundi isang normal na bisita lang. Sadyang hinawakan ni Kurt ang kamay ni Raine. "Ikaw ang nagluto?" He asked softly na may kasamang pa cute. "I think I am in a good hands." Mahina na ngumiti ang babae. "Oo, masarap yan, kaya ubusin ninyo," masayang sabi ni Raine. My jaw clenched. I don't know why pero naiinis ako kay Kurt. Hindi ko naitago ang iritasyon. Nawala ang charm sa mukha ko. Lumapit ako, at hinila ko si Raine, palayo sa kanya. "Gago." Mahinang usal ko sabay pinanlakihan ko siya ng mga mata, tawa lang ang ibinalik niya sa akin. Naguguluhan namang palipat–lipat ang tingin sa amin ang babae. “I’ll walk with you. Halika na, Raine," maawtoridad ko na sabi kay Raine, inalalayan siyang paalis sa kulungan. Kailangang mailayo ko siya bago pa siya magtanong nang magtanong. Tumingin siya sa akin na naguguluhan. “Kilala mo ba ang lalaking iyon, Nick?” tanong niya, at nagsimula na kaming lumakad palayo. "Hindi." I answered bluntly, tumango lang siya. Nang makalayo kami ni Raine ay bigla itong huminto sa paglalakad. Pakiramdam ko, may gustong sabihin si Raine, pero tila nag-aalinlangan siya. Naupo siya sa isang nakahapay na matandang punong kahoy. Ako naman ay itinukod ang isang kamay puno at niyuko siya. Tumingala siya sa akin at sinikap na ngumiti. Nang sa wakas ay nagsalita siya, hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. “Dalawang araw na lang, kabilugan na ng buwan,” sabi niya, tinig niya’y may halong saya at kaba. “Kailangan na nating sabihin sa aking amang hari ang plano nating magpakasal para maiayos na ang lahat.” Bahagya akong nagulat. Ano bang petsa na ngayon? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pakasal? Talaganga tuloy na tuloy na. Hindi ko lubos maisip na mapapasubo talaga ako sa sitwasyong ito. “Magpakasal?” ulit ko, pilit na pinapakalma ang tinig ko. “So soon?” dagdag ko na halos hindi lumabas sa bibig ko. She nodded, seryoso ang tingin sa akin. “Oo, kailangan natin itong gawin. Sa aming tribu, mahalaga ang kabilugan ng buwan. Ito ang tamang panahon para sa mga pag-iisang dibdib. Kaya kailangan nating ipaalam sa kanya agad.” I smiled sexily in relief at magkunwaring sang–ayon ako. “Of course, Raine. We’ll talk to him.” Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang mapamura. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang plano ko. For a long tensed moment ay nanatiling walang usapang namagitan sa amin hanggang sa muli siyang nagsalita. "Sa tuwing kabilugan ng buwan,” patuloy ni Raine, “nagpapasalamat kami sa aming mahal na Panginoon. Ang aming Anito, na nagdudulot sa amin ng kasaganaan.” Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang Anito? Biglang nanlaki ang mga mata ko, puno ng matinding kasabikan at kasakiman. Pakiramdam ko, nasa harap ko na ang matagal ko nang hinahanap. Napatingin ako kay Raine, pilit itinatago ang excitement sa mukha ko. "The Anito… that sounds… important," sabi ko, pilit nagpapakalmante. Pero sa loob-loob ko, hindi ko na mapigilan ang pag-usbong ng pagnanasa na makita ito. Malapit na mapasaakin ito at tama lang ang desisyon kong pakasalan ang babaeng ito.Tinitigan kong mabuti si Raine, matamis siyang ngumiti sa akin. Ngunit nawala sa kanya ang atensiyon ko kundi nasa Anito, hindi ko maiwasang mapangiti nang may kasakiman. Kahit bilyonaryo na ako, hindi pa rin ako kuntento. Ang Anito ay maaaring magbigay sa akin ng higit pa—isang kayamanan na magpapatunay na ako ang pinakamagaling sa lahat. Why stop at billions when I can have more? Iniisip ko pa lang ang mga tao sa buong bansa na magbibigay-pugay sa akin, nararamdaman ko na ang sarap ng tagumpay. This could be my ultimate collection, ang susi sa pag-angat ko sa pinakamataas na pedestal ng kasaysayan ng mga treasure hunters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD