Chapter 02 Hard Headed

2315 Words
Chapter 02 Damon NAGMADALI akong bumaba ng hagdanan, ako na lang ang hinihintay nila Kurt nasa Sierra Madre na sila. Pagdating ko sa huling baitang, napansin kong nakaupo si Mommy sa couch, as usual malayo ang mga tanaw. She's not okay at hindi ko alam kung kailan siya magiging okay. Nagkaganito siya since my Father left us a long with my little sister. "Mom?" tawag ko, ngunit tila hindi niya ako narinig. Lumapit ako at narinig ang mahinang hikbi niya. Dahan–dahan siyang humarap sa akin with pleading eyes. "Phoenix, promise me... Ibabalik mo sila. Please, promise me. Be sure to take your sister back home and your father," mahigpit niyang sabi. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, desperada ang mga tingin. "Mom, I promise. Gagawin ko ang lahat para mahanap sila," sagot ko, pilit na pinapakalma siya. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang gusto niya. Walang kasiguraduhan na naroon nga ang Daddy sa Sierra Madre at kasama ang kapatid kong babae. I have a sister pero hindi siya ang batang babae sa panaginip ko. Dinala ni Daddy ang kapatid ko 'nung iniwan niya kami. Napsulyap ako kay Yaya Salve, at binigayan ko siya ng warning look. Malinaw ang bilin ko sa kanya na bantayan ang Mommy na hindi makalabas sa kwarto kapag aalis ako. "Señyorito, I'm sorry. Na-distract ako sandali, at hindi ko napansing nakalabas ang Señyora. Napainom ko na siya ng gamot, pero mukhang hindi pa umepekto." Paliwanag ng matanda sa akin. Isang retired nurse si Yaya Salve na nakilala ni Daddy noon sa US. Siya ang kinuha ni Dad para maging Yaya ko. Mabait ang matanda sa akin kahit masungit ako minsan, madaling uminit ang ulo ko lalo na kapag hindi ko makuha ang gusto ko. "Hindi mo dapat hinayaang makalabas ang Mommy, Yaya," sumenyas ako sa sa mga body guard na ipasok ang Mommy. "Siguraduhin mong nasa kwarto siya habang wala ako," mariin kong sabi, ang boses ko ay puno ng awtoridad. Napilitang tumango sa akin ang matandang babae. "Nag–aalala lang ako sa kalagayan ng Mommy mo..." wika nito. Huminga ako nang malalim at muling hinarap si Mommy. "Mom, kailangan mo nang bumalik sa kwarto at magpahinga. Gagawin ko ang lahat para mahanap sina Dad at Callie. Promise me you'll stay strong." "Promise me, Phoenix. Iuwi mo sa akin ang kapatid mo," her tone obviously worried and her eyes pleading. "Don't worry, Mom , Iuuwi ko sila..." I promised to my mother drily. "Did you cooperate to the police—" "I can handle this," putol ko sa sasabihin niya. "Naroon na si Kurt at may mga tao na siyang inutusan sa paghahanap. Kailangan ko na ang maka–alis. Mula rito hanggang Sierra Madre kaya kong kuhanin ng anim na oras. I'll be there before noon at diretso na kami sa pag–akyat ng bundok. Walang dapat na masayang na oras." At bago pa makapagsalita ang Mommy, niyakap ko siya ng mahigpit bago tuluyang lumabas ng mansiyon. Nang makarating ako sa nakaparada kong sasakyan, napahinto ako. Napakuyom ako ng mga kamao. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa ama ko at bakit mahal na mahal ito ng Nanay ko. I really hated him. Pakiramdam ko, tagos hanggang buto ang galit ko sa kanya. Iniwan niya kami para sa kabit niya at sinama pa ang kapatid kong walang kamalay–malay. Wala naman talaga akong balak na magpa–imbestiga sa pagkawala niya kung hindi lang dahil kay Mommy na umiiyak gabi–gabi at nagkaroon pa ng mental breakdown dahil sa pagkawala ni Callie. Bata pa lang ako, noon kaya wala akong nagawa sa tuwing nakikita kong sinasaktan niya ang Mommy.Ang alam ko lang gawin noon ay ang magtago sa ilalim ng kama. Takot na takot rin ako sa kanya, ngunit naroroon pa rin ang respeto ko dahil ama ko siya at hinahangaan ko siya. Nanubig ang mga mata ko, kinuha ko ang larawan na nasa bulsa ng pantalon ko at napatitig ako sa mukha ng aking ama. For my mother's peace of mind. "Hahanapin din kitang hayop ka, pagkatapos kong makuha ang totoong pakay ko," I said firmly with anger. Binalik ko sa bulsa ng pantalon ko ang larawan. Pagkatapos kong huminga nang malalim, binuksan ko ang pinto ng aking mamahaling sasakyan at umupo sa loob.Mabilis kong sinaksak ang susi at pinaandar ang makina. Hindi ako pwedeng gumamit ng chopper, wapang open field ang lugara para lapagan ng helicopter. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa Sierra Madre, ramdam ko ang bawat pag-ikot ng gulong sa magaspang na kalsada. I don't care about the speed, ang mahalaga ay makarating ako sa lugar na ito. Ang bawat kurbada ng kalsada ay tila isang piraso ng mga alaala na sinusubukan kong habulin. Ang daan patungo sa Sierra Madre ay puno ng mga matatarik na kurbada at malalalim na bangin. The forest provided a cool breeze, pero hindi nito kayang palamigin ang naglalagablab kong damdamin. Mabilis kong dinadaanan ang mga puno at bato, habang ang tunog ng makina ng aking sasakyan ay nag-e-echo sa kabundukan. Sa kabila ng bilis ng aking pagmamaneho, malinaw sa akin ang bawat detalye ng daan. Ang mga butas sa kalsada, ang mga signage na nagbibigay babala sa mga delikadong bahagi ng daan, at ang mga ilaw ng mga kasalubong na sasakyan—lahat ay parang background noise lang sa aking nag-aapoy na isipan. Minsan may mga hayop na biglang tatawid, pero wala akong pakialam. Wala akong panahon para huminto. Time is of the essence, and every second could be the key to finding them. A devilish grinned formed on my lips. The golden Anito was the main objective. I need to get it, by hook or by crook. Pagkatapos ng halos anim na oras na walang humpay na pagmamaneho, nakita ko na rin ang lokasyon nila Kurt. Huminto ako at bumaba ng sasakyan, ang malamig na hangin mula sa kalikasan ay hindi kayang palamigin ang init ng aking damdamin. Sa pagtingin ko sa paligid, nakita ko si Kurt ang mga taong kinuha niya sa lakad na ito, na nag-aabang sa akin. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan, naka-cross ang mga binti at suot ang kanyang shades, tila walang pakialam sa init ng araw. "Kurt," tawag ko sa kanya habang papalapit ako. Tinanggal niya ang kanyang shades at ngumiti ng bahagya. "Damon, you're finally here. Akala ko na-ligaw ka na," sabi niya, may halong biro sa boses. "Si Mommy, alam mo naman 'yon," sagot ko, malamig ang tono. "Kompleto ba ang mga tao mo? Kabisado ba nila ang pag-akyat sa Sierra Madre?" Pag–iiba ko sa usapan, ayokong pag–uspan ang Mommy. Tumayo ng maayos si Kurt at tiningnan ako nang diretso sa mata. At dinipa ang mga braso niya, tila nagmamayabang. "Yes, of course. Nakuha ko ang pinakamagagaling na guide dito. Kabisado nila ang bawat sulok ng bundok na ito." May pagmamalaki sa kanyang tinig. "Good. Ayokong sayangin ang oras natin. Let's move," utos ko, walang alinlangan sa boses ko. Naglakad kami patungo sa isang grupo ng mga lalaki na naghihintay. Kita sa mukha nila ang kahandaan at ang pagkakaintindihan. "Ito na ba sila?" tanong ko kay Kurt habang tinitingnan ang bawat isa. "Yeah, these are the best. They know the terrain like the back of their hands," sagot ni Kurt, seryoso na rin ang mukha. "Alright," sabi ko, lumingon sa mga guide. "Listen up. I don't want any mistakes. We need to find them as quickly as possible. Understood?" Dahilan ko. Saka ko na sasabihin ang totoong dahilan kapag nakita na ng mga mata ko ang Anito. Sabay-sabay silang tumango, walang tanong sa mga mata. Alam nilang ang misyon namin ay hindi basta-basta. "Let's go," sabi ko, at nagsimula na kaming maglakad paakyat ng bundok. Ang bawat hakbang ay puno ng determinasyon at galit. HABANG nasa kalagitnaan kami ng paglalakad paakyat ng bundok, biglang nangitim ang kalangitan, nagbabadya ang malakas na ulan. Ang tahimik na kagubatan ay napuno ng malalakas na kulog, na parang nagpapahiwatig ng paparating na unos. Tumingala ako, naramdaman ko ang patak ng ulan sa mukha ko. Hindi nagtagal, bumuhos ang malakas na ulan, na para bang ang kalangitan ay bumigay na sa bigat ng kanyang dinadala. "Sir, we need to find shelter," sabi ng isa sa mga guide, sumisigaw upang marinig sa ingay ng ulan. "Delikado magpatuloy sa ganitong kalagayan. Madulas ang daanan at matatarik." Sumang-ayon si Kurt, mabilis na sumilong sa ilalim ng isang malaking puno. "Damon, tama siya. Kailangan nating magpasilong muna. Hindi tayo makakapagpatuloy sa ganitong klase ng ulan baka ikapahamak pa natin." Pero wala akong pakialam. Ang galit at determinasyon ko ay mas malakas pa sa unos na buhos ng ulan. "No. We keep going," utos ko, hindi alintana ang basang-basang damit at ang putik na kumakapit sa aking sapatos. He shook. "Damon, seriously? You're going to risk everyone's safety?" tanong ni Kurt, ang boses niya ay puno ng pag-aalala at pagkabahala. "Yes, Kurt. Every second counts. Kung gusto niyong magpasilong, fine. Pero ako, magpapatuloy," sagot ko, ang malamig na tono ay hindi natitinag. Napahilamos sa mukha ang lalaki. Kitang–kita sa mukha niya ang pagtutol. Ngunit, walang nagawa si Kurt kundi ang sumunod. "Alright, guys. Let's keep moving. Just be careful," sabi niya sa mga guide. Patuloy kaming naglakad sa gitna ng malakas na ulan, bawat hakbang ay mas mahirap dahil sa dulas ng putik. Ang tubig ay dumadaloy sa mga daan na aming tinatahak, pero hindi ko hahayaan na ito ang magpahinto sa amin. Sa bawat hampas ng ulan, lalo akong maging determinado na makarating sa paroroonan. Hanggang sa narating namin ang isang hanging bridge na lumang-luma na, ang mga kahoy ay tila kumakapit na lang sa mga lubid na nagtatali rito. Sa ilalim nito, ang ilog ay rumaragasa, ang tubig ay nagngangalit na tila handang lamunin ang sinumang mahulog dito. "Sir, we can't cross this bridge. It's too dangerous," sabi ng isa sa mga guide, ang boses niya ay puno ng babala. "Baka bumigay ito anytime, Sir." "Damon, he's right. We need to find another way," dagdag ni Kurt, sumasang-ayon sa guide. Isang matalim na titig ang pinukol sa kanya. Wala akong pakialam sa kahit na anong opinyon nila. Ako ang boss kaya ako ang masusunod. Matigas at determinado ang loob ko. "No. We cross now," sagot ko, walang pag-aalinlangan. "Walang oras para maghanap ng ibang daan." Tumawa ng pagak si Kurt. "C'mmon Damon, this is insane! Too dangerous for all of us!" pilit na pagtutol ni Kurt, pero hindi ko siya pinakinggan. Tumiim ang bagang ko. Isa sa mga kahinaan ni Kurt, masyadong concern sa mga tao sa paligid niya. Muntik na itong magbreak down noon dahil sa pagkamatay ng partner niya sa serbisyo. "Stay here if you want. Ako, tatawid na," matigas kong sagot. Huminga ako nang malalim at nagsimula nang tumapak sa tulay. Bawat hakbang ay nararamdaman ko ang pag-alog ng mga lubid at ang pagkabasag ng mga lumang kahoy sa ilalim ng aking paa. Napakuyom ng mga kamao si Kurt. "Dammit! Damon, come back! You're going to get yourself killed!" sigaw ni Kurt, pero hindi ko siya pinansin. Nasa gitna na ako ng tulay nang maramdaman kong bumibigay ang hanging bridge. Biglang bumigay ang isang bahagi at naramdaman ko ang pagyugyog ng buong tulay. Agad akong napakapit sa lubid para hindi mahulog, ang puso ko ay kumakabog habang tinitingnan ang rumaragasang tubig sa ilalim. "Damon, hold on!" sigaw ni Kurt, takot na takot habang tinitingnan ako. Mabilis akong nag-isip. Alam kong kailangan kong kumilos bago tuluyang bumigay ang tulay. Slowly, inakyat ko ang natitirang bahagi ng tulay, ang bawat galaw ay may ingat, pero determinado ako. Nahinto ako sa paghakbang, narinig ko ang malakas na paglagatok. Ang mga kahoy ay biglang naghiwa-hiwalay, at ang mga lubid na nagbibigay suporta ay naputol. Sinubukan ko ang kumapit pero tuluyang nagkahiwa–hiwalay ang mga kahoy. Naramdaman kong bumulusok ako patungo sa rumaragasang ilog sa ilalim. Ang bigat ng katawan ko ay hindi kinaya—nasa 6 feet 5 inches ang tangkad ko—ay tila hindi kayang suportahan ng lumang bridge, kaya’t ang lahat ng nagiging sanhi ng pagbagsak ko sa malalim na tubig. Pumailanlang ang mga bubbles sa paligid ko habang nahulog sa tubig. Ang pagbagsak ko sa tubig ay naging isang malakas na pagsalungat sa aking katawan, at agad akong naghanap ng paraan upang makaligtas. Gamit ang aking kakayahan bilang expert swimmer, nagsikap akong lumangoy pataas mula sa agos ng ilog. Sa kabila ng malakas na agos at malamig na tubig, pilit kong pinanatili ang aking focus, ang bawat pag-padyak at pag-kayod ay may layuning makalapit sa ibabaw ng tubig. Ngunit ang bawat pagsubok na lumangoy ay parang isang laban sa kalikasan na tila walang katapusan. Nang sandaling iyon, habang inaamod ako ng tubig ay ang mga malalaking batong nakaharang sa akin, isang matinding pahirap sa paglangoy. Nang hindi ko mapansin, ang aking ulo ko ay tumama sa isang bato na nagdulot ng matinding sakit. "Damn! As usual, hard headed, Damon!" Inis na inis na sambit ko. Ang pagkakabangga ng ulo ko ay nagdulot ng pagkahilo, at ang paningin ko ay biglang nagiging malabo. Ang mga ulap ng tubig ay tila umiikot sa paligid ko, at ang aking mga galaw ay naging mabagal. Kahit na halos mawalan na ako ng malay, sinubukan kong magpatuloy. Ang bawat galaw ng aking mga braso at binti ay tila bumigat, at ang aking paghinga ay nagiging mahirap. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, nagawa kong i-push ang sarili ko palabas mula sa agos, kahit na ang aking mga mata ay nagsisimulang magsara. Naramdaman kong ang lahat ay bumabalik sa dilim, at ang aking katawan ay dahan-dahang nagiging malamig. Ang huling bagay na naisip ko bago mawalan ng malay ay ang pag-asa na makakaligtas pa rin ako at makakahanap ng tulong mula sa aking mga kasama. Ngunit hindi ko na kinaya, tuluyang nagdilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD