Chapter 01
Damon
I'M LYING on my bed, staring at the ceiling. Despite the luxuary and comfort around me, my mind was heavy thoughts I couldn't shake it off. Parang may mali, pero hindi ko mahanap kung ano ang nagpapagulo sa isip ko. Napatingin ako sa mga palad ko at sa likod ng aking mga kamay. Ang dami kong iniisip, kaya ang tagal kong makatulog.
Pumikit ako, I need to sleep I have my meetings tomorrow. Nang makatulog ako, I entered a strange dream.
Sa panaginip ko, nasa isang maliit at madilim na kwarto ako. May isang batang babae, mga sampung taong gulang, ang nasa harapan ko. Hawak ang mga kamay ko, maingat na nililinis at binabalutan ang sugat sa braso ko. Hindi ko kilala ang bata pero parang pamilyar siya.
"Thank you," sabi ko ng mahina. Dinukot ko ang isang kwentas mula sa aking bulsa na may heart–shaped na galing pa kay Mommy, simbolo ng pagkakaibigan. "Ito, para sa'yo," sabi ko. "Para makaalala ka sa akin."
Ngumiti sa akin ang bata, isang matamis at inosenteng ngiti. I felt myself starting to calm down. But suddenly, a man entered the room. May hawak siyang baril, at malabo ang mukha niya. Tumayo ako sa harap ng bata, pinoprotektahan siya mula sa lalaking may baril.
Parang bumagal ang oras. Itinaas ng lalaki ang baril, at parang lumabo ang paningin ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at nagdesisyon akong sumugod sa lalaki at agawin ang baril. Nagpambuno kami at bigla kong narinig ang malakas na putok ng baril.
Napatigil ako at napatingin sa mga kamay ko. They were covered of blood. I was breathing heavily, unable to believe what had happened. Lumingon ako sa bata pero wala na siya. Untin–unting naglaho ang kwarto, napalibutan ako ng kadiliman.
Bigla akong nagising. Puno ng pawis ang buong katawan. May kung ilang sandaling sinapo ng mga palad ko ang aking mukha. Then, napatingin ako sa mga kamay ko. s**t! Sanay na ako sa dugo at hindi ko na mabilang kung ilang tao ang napatay ko pero sa tuwing dinadalaw ako ng panaginip na iyon, I couldn't understan at kung bakit ako natatakot sa dugo na nasa kamay ko.
Tumaas–bumaba ang dibdib ko, at napaungol ako, kasabay ng paghilamos ng palad sa mukha ko. Ang takot at kaba ay nanatili, parang totoong–totoo ang nakita ko.
Huminga ako ng malalim, tumingin sa orasan, at nakita kong alas–tres ng madaling araw. Bumangon ako sa mula sa kama, walang paki–alam sa kahubaran ko, sanay akong matulog na ganito, at pumunta sa personal ref sa kwarto ko para kumuha ng tubig. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Bahagyang lumiwanag sa silid mula sa sa ilaw na nanggaling sa ref. Kinuha ko ang isang bottled water, binuksan iyon at dinala sa aking bibig at deneretso ang pag–inom hanggang sa maubos, pakiramdam ko tuyong–tuyo ang lalamunan ko. Nang maubos ko ang laman sa bottled water, ipinatong ko sa ibabaw ng ref.
Lumakad ako at naupong muli sa gilid ng kama. Ilang taon na akong ginugulo ng panaginip na iyon. Ang batang babae ay matagal ng nagpapakita sa panaginip ko. Sino ang batang iyon? Bakit parang pamilyar siya? Sino ang lalaking may baril? At sino ang binaril?
Nakahawak ako sa ulo ko, sinusubukang alamin kung ano ang nangyari. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang napakatotoo ng lahat. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay bilang isang CEO at isang underground boss ng isang gambling world. Ang negosyo ko ay malapit sa mga panganib at kapahamakan, at kahit sa pinakamataas na antas ng aking buhay. Ako ang taong walang kinatatakutan pero hindi ko maikakaila ang takot na dulot ng panaginip na iyon.
I took a deep breath. Tumayo ako mula sa pagkakaupo pumunta ako sa isang extension room sa kwarto ko, isang pribadong kwarto na ako lang ang pwedeng lumabas–masok. Dito ko inilalagay ang mga mahalagang bagay, katulad ng mga baril. Binuksan ko ang ilaw at agad na bumungad sa akin ang mga iba't ibang kulay sa paligid ko.
Napangiti ako ng makita ang pinakapaborito ko sa lahat na painting: ang batang babae mula sa panaginip ko. Ang painting na ito ay sinadya kong ipagawa, at dito, makikita ang bata sa isang malapit na tanawin, nakangiti at suot ang kwentas na binigay ko. Ang mga detalye ng kanyang mukha ay sobrang tumpak tulad sa panaginip ko. Tumaas ang kamay ko at hinaplos ang magandang mukha ng batang babae.
Marami akong collection na painting dahil isa akong kolektor ng mga mamahaling painting at antique. Sa paligid ng kwarto ay makikita ang mga iba pang painting na bahagi ng aking koleksiyon–lahat ng mga obra ng mga kilalang pintor. Sa mga dingding ay nakasabit ang mga antigong larawan, at sa isang sulok, nakatago ang mga mahahalagang antique na koleksiyon ko.
Pagkatapos kong titigan ang painting. Naglakad ako pabalik sa kama, naalala ko bigla ang paghahanap kay Daddy, ilang taon na akong naghahanap sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin akong magandang balita.
Makalipas ang ilang oras na pag–iisip, muli akong nahiga sa kama umaasang makatulog man lang. Ilang minuto akong nakatingala sa kisame bago ako lamunin ng aking antok.
KINABUKASAN, pagkagising ko'y dumireto ako sa banyo at naligo. Pagkatapos pumunta ako sa gym dito sa mansiyon ko. Kinuha ko ang skipping rope, isang exercise na tumutulong para sa Cardiovascular Fitness. Sa bawat talon ng rope, pinipilit kong mawala ang pag–aalala sa isip ko at ibubuhos ko sa ehersisyo.
Habang nasa gitna ako ng aking workout, biglang dumating ang imbestigador na inutusan ko para hanapin ang aking ama at ang batang babae mula sa panaginip ko. Halata sa mukha nito ang pagod at pagkabahala. Agad akong tumigil sa ginagawa ko, inabot ang towel na nakapatong sa sandalan ng upuan at kinuha ko ang bottled water at uminom.
"G–good morning, Mr. Mondragon..." alanganin nitong bati sa akin. Ramdam ko ang kaba at panic sa dibdib niya. Kilala niya akong istrikto at walang–awa. Shrewd and ruthless.
"Ano na? May balita ba?" tanong ko sa malamig at pormal na tinig.
Isang tikhim ang pinakawalan nito, tila kinakalkula ang sasabihin sa akin. Kahit ang mga titig ko ay hindi niya sinasalubong, nasa sahig ang mga mata nito. "P–pasensiya na, sir, pero wala akong magandang balita," sagot ng imbestigador sa mahinang tinig. "Wala kaming natagpuang konkretong impormasyon tungkol sa iyong ama o sa batang babae na iyon. Ang mga lead ay sobrang mahirap sundan."
Napuno ako ng inis sa narinig ko. Binaba ko sa mesa ang hawak na bottled water at lumapit sa imbestigador, nakakunot ang noo. "What do you mean? Hanggang ngayon wala ka pa ring nakuha? Wala ka pa ring lead?" sabi ko sa nagtitimping tinig. Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
Napansin kong unti–unti ang paggitaw ng pawis sa noo nito. "S–sinusubukan naming hanapin ang lahat ng posibleng lead, pero sa ngayon, wala pang tiyak na impormasyon," paliwanag niya, nanginginig ang tinig nito.
"Ang laki na ng ginastos ko dito!" sigaw ko, halos lumabas ang ugat sa leeg ko. "I don't care about the money, but I expect results. Kung wala kang maipakitang sagot, wala kang silbi!" Matiim ko itong tinitigan sa sobrang inis ko.
"Hrmp..." nag–alis ito ng bara sa lalamunan. Dinukot ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa noo. "P–pasensiya na po, sir, parang ayaw magpakita ng ama ninyo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko ang imbestigador. "H'wag mo akong bigyan ng rason, result ang kailangan ko. Dammit!"
Natumba ang imbestigador sa sahig sa pagkabigla ng ginawa ko. Ako ang taong madaling mawalan ng pasensiya. Napahawak sa panga niya ang imbestigador. Tumingin siya sa akin, kita ko ang takot sa mga mata niya.
"Eh...Sir, sino po ba talaga ang gusto ninyong unahin? Ang batang babae o ang ama ninyo?"
Walang alin–langan akong sumagot sa kanya. "Pareho silang hanapin mo. Hindi ako interesado sa mga dahilan kung bakit ka nahihirapan. Gawin mo ang trabaho mo dahil binabayaran kita. I don't care how hard it is, just get it done."
Wala sa loob na napantango ang imbestigador, kitang–kita ang kaba at pressure sa mukha niya. "Pero sir, sampung taon na kayong binabagabag ng batang babaeng ito sa mga panaginip. Kung ten years na nga, tiyak dalaga na siya ngayon. Talagang mahirap siyang makilala, at hindi nga tayo sigurado kung nag–e–exist talaga ang batang babae sa panaginip ninyo."
Puno ng frustration at galit, tinitigan ko siya ng matalim. "Hindi ko kailangang marinig ang mga excuses mo. Hanapin mo siya. Hanapin mo ang ama ko. I don't care how impossible it seems. Do your job." I commanded him emotionless.
Nanlaki ang mga matang napatingin sa akin ang imbestigador, bakas ang takot sa kanyang mukha. At makikita niya sa mukha ko na hindi ako ang tipo ng taong nakikiusapan. Pagkatapos ay talunang yumuko. Humugot ito ng malalim na buntong–hininga.
"Y–yes sir. Gagawin ko ang lahat para mahanap ang batang babae sa pana—"
"Damon, chill ka lang," sabi ng tinig mula sa likuran namin. Lumingon ako at nakita ko si Kurt nakauwi na rin pala ito. "Mukhang tama naman ang si Tenyente Rosales sa punto niya. It's been ten years, at mahirap talagang tukuyin ang batang babae mula sa panaginip mo. Hindi mo naman pwedeng i–expect na makuha agad ang mga resluta."
Tumingin si Kurt sa imbestigador at nagbigay ng isang matinding tingin. "Siguro kailangan mong umalis na muna. Let me handle this. Go home!"
Nagulat ang imbestigador bahagyang nakaramdam ng relief ang mukh nito. Tumango siya agad na tumalikod at umalis.
Pagkatapos ng pag–alis ng imbestigador, lumapit si Kurt sa akin, dala ang isang envelope. "H'wag ka munang magalit 'yan ang hirap sa'yo dinadaan mo lagi sa init ng ulo. Kilala mo si Juan Luis Cooper or mas kilalang Jolo ang pinsan ni Rune Hayes na isang agent, siya ang magbibigay ng update sa'yo mamaya. Sa ngayon, mag–concentrate tayo sa pagplano sa pagkuha sa "Anito" ang laking pera 'nun kapag nakuha natin. H'wag mo munang isipin ang paghahanap sa batang babae sa panaginip mo. Ang bawat detalye sa pagplano sa pagkuha sa "Anito" ang mahalaga."
Isang nakakamatay na tingin ang pinukol ko kay Kurt. Katulad ko rin ito, walang ibang mahalaga kundi ang pera. Hindi sinasadyang may nakita ako sa mga gamit ni Daddy, may nakita akong sulat at mga larawan ng isang gintong anito naroon mismo sa larawan ang aking ama pero makikita ko sa petsa sa baba ng larawan ito'y kuha 'nung panahon pinagbubuntis pa lang ako ni Mommy. Sobrang tagal na thirty–two years old na ako ngayon.
Bukod sa pagiging businessman, isang ring Treasure Hunter ang aking ama. Lahat ng mga makikitang kagamitan na mga antigo sa mansiyon, galing sa mga kinuha niya. May iba pa rito, dumaloy ang dugo sa lupa, makuha niya lang ang gusto niya. Dahil sa turo niya sa akin noon kaya ako natuto. Sa kanya ako natuto kung ano ang mas mahalaga. Walang iba kundi ang "pera". Kapag may pera ka, sinasamba ka ng mga tao.
Sobrang naging matigas ako, dahil sa rin aking ama. Bata pa lang ako nakikita ko na kung paano niya bugbugin ang aking ina at abusuhin. Ang galit ko sa kanya ay nakatago lang sa dibdib, ang tanging gusto ko lang noon ay ang mamatay siya. Ngunit isang araw biglang naglaho ang Daddy at twelve years na itong nawawala.
"Kailangan na nating pag–usapan kung paano natin makuha ang gintong anito mula sa mga katutubo sa Sierra Madre. I've been working on a plan for that. Baka doon mo rin makita ang mga sagot na hinahanap mo."
"So, what's your plan?" tanong ko kay Kurt ng maupo kami sa breakfast table sa may gazebo. At pinagsilbihan kami ng mga katulong. Pagkatapos nilang ilapag sa mesa ang mga pagkain. Binigyan ko sila ng mga warning look na umalis.
Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito. Isa itong police Captain kaya magaling ito sa plano. “Una, kailangan nating malaman ang eksaktong location ng gintong anito. Magsagawa tayo ng reconnaissance mission sa Sierra Madre. Kailangan natin ng local guides na may kaalaman sa mga katutubo at sa kanilang teritoryo.”
Napatango–tango ako sa sinabi niya. I'm impressed. “Saan tayo makakahanap ng mga local guides?”
“Maghanap tayo ng mga reliable contacts sa mga local government units o sa mga NGOs na nagtatrabaho sa lugar,” sabi niya. “Siguraduhin kong may backup tayo sa seguridad. Mag-set up tayo ng isang small team na may expertise sa negotiation at extraction.”
Sumeryoso ang mukha ko. Dinampot ko ang isang tasang kape at humigop ng konti. Hindi ko gusto ang ideya pero may punto naman siya. “Dapat ay may mga tao tayong tutulong sa pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Makipagkita ka sa kanila, ipakita mo ang sinseridad mo, at tiyaking sa kabutihan ng mga katutubo ang pakay natin. Konting bola bola lang sa mga katutubo, walang pinag–aralan ang mga 'yan kaya madaling lokohin. Tapos, magsagawa kayo ng pre-arranged agreements para sa anito.”
Tumango–tango siya. Tinanggap ni Kurt ang mga mungkahi ko at nagbigay ng kanyang sariling ideya. “Okay! Pagka-planuhan natin ang team composition. Kailangan natin ng mga taong may karanasan sa mga ganitong misyon. Siguro isang negotiator, isang expert sa field operations, at mga security personnel.”
I pouted my lips. “That's good,” sabi ko. “I’ll take care of the selection of the team. Also, siguraduhin mong magkaroon tayo ng logistical support. Prepare tayo ng mga resources para sa mga unexpected na pangyayari.”
Habang tinatanggap ni Kurt ang lahat ng plano ko, nagnilay-nilay ako sa mga detalye. “Pumili tayo ng isang lugar sa Sierra Madre na makakapagsimula tayo ng reconnaissance. At sa mga katutubo, magplano tayo ng isang approach na respectful sa kanilang kultura.”
Nag-settle kami sa plano at nagsimula na kaming mag-organize ng mga detalye. Seryoso si Kurt sa bawat hakbang, ngunit kitang-kita ko na may mga pagkabahala sa kanyang mga mata. “Brod, mukhang mahirap itong gawin, pero kung ito ang paraan para makuha natin ang "anito" then let's do it."
Tumango ako, bilang pagsang–ayon. “Tama, Kurt. Siguradong magiging magulo, pero kailangan nating magtagumpay para makuha ang anito. Balikan mo ako kapag ready na ang lahat. Dapat ngayon may makuha ka ng mga tao."
Sandaling natahimik si Kurt. “Pero kung sakaling hindi magtagumpay ang negosasyon natin sa mga katutubo, mayroon tayong contingency plan.”
“Anong contingency plan?” tanong ko, nangungusap ang mga mata ko. Ayokong gumamit ng dahas kung maari.
“Kung hindi natin makuha ang anito sa pamamagitan ng negotiation, may plano tayo para sa isang stealth operation. Kailangan natin ng back-up plan para sa lahat ng posibilidad,” paliwanag ni Kurt. “Ang mga detalye ng planong ito ay nakapaloob sa risk assessment na ginawa namin.”
Sandali akong nag–isip, nasa malayo ang tanaw, and devilish smile form on my lips. “Kung sakali mang hindi magtagumpay ang negotiation, kailangan nating planuhin ang isang operasyon na hindi mahahalata ng mga katutubo. Ang nakawin ang "anito" sa kahit anong paraan." Matigas kong sabi sa determinadong tinig.
Katulad ko demonyo rin itong si Kurt. Last month lang kasama ang grupo ni Lancelot Montemayor may isang Chinese National silang dinukot. Pumapatay rin ito pero depende sa sitwasyon. Marunong rin naman maawa ang gagong ito pero mas nabubuhay sa dugo niya ang walang awa. Sa mga negosyong hawak namin ay patibayan ng sikmura at sanay na kami roon. Pareho lang kaming may hawak na illegal na gawain at pareho kaming lider ng grupo.
Ngunit kong pwede daanin sa pakiusap ang lahat, makikiusap kami.
“Iyon ang mangyayari," nakangising sabi nito.
Tumingin ako sa kanya, determinadong magtagumpay sa anumang paraan. “Sige, Kurt. I’ll expect the updates from you. Kung kailangan ng mga adjustments sa plano, huwag kang mag-atubiling magtanong.”
HABANG kumakain kami ni kurt, naputol ang pag-uusap namin nang pumasok ang isang katulong.
“Sir, excuse me,” sabi ng katulong. “May dumating na bisita, si Agent Cooper daw po?"
Inabot ko ang table cloth at pinunas sa aking bibig. "Salamat,” sagot ko. Tumingin ako kay Kurt bago binalik ang tingin sa katulong. "Papuntahin mo siya rito—"
"No need," sagot ng boses sa likuran ng katulong. I remember him siya ang Agent na pinsan ni Rune Hayes at kama–kailan nasa Resthouse ko ang asawa niya sa Sierra Madre. Tinataguan si Hayes ng kanyang asawa.
Natawa ang isip ko. One of the reason why I hate marriage. Ayoko sa mga babaeng, pabebe. Wala sa vocabulary ko ang salitang kasal lalo na ang maghabol ng babae. Ang mga babae palipasan ng oras at labasan lang ng init ng katawan.
Naalala ko ang nangyari kina Daniel Hayes at sa pinsan kong si Zoey. Hindi ko lubos maisip naging mabait ako, hindi ko ugali ang maki–alam pero hindi ko pwedeng palagpasin ang nangyari kay Zoey. Bibisitahin ko sila if I have time.
Tumayo ako sa kinauupuan at sinalubong ang lalaki. Nakipag–kamay ako. “Kumusta? Good news?" I asked bluntly, wala akong oras sa paligoy–ligoy.
Palipat–lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Kurt. "Mondragon,” sabi niya, “may bagong impormasyon ako tungkol sa iyong ama. Nakita siya sa isang remote area sa Sierra Madre kasama ang mga katutubo.” direstang sagot niya.
Nagkatinyinan kami ni Kurt, ngunit hindi ko maikakaila na hindi ako ganoon ka-excited sa balitang ito. Ang pagpunta sa Sierra Madre ay nasa plano ko na, at ang balitang ito ay pwedeng gamiting dahilan para mas lalo akong matuloy na pumunta sa bulubundukin ng Sierra Madre.
“That's good news," kunwa'y na sagot ko, na may neutral na tono. “Ano pa ang nalaman mo?”
He took a deep breath. Hinubad ang suot na shades. “Wala pang tiyak na detalye, pero mukhang may koneksyon siya sa mga katutubo sa lugar,” paliwanag ni Jolo. “Ang trabahong ito ang huling proyekto ko dahil magreretiro na ako."
Nakita ko ang pangungusap na iyon na tila may malaking halaga kay Agent Cooper. Tumango ako, na nag-uusap kami ni Kurt ng tingin. “Salamat sa update, Agent Cooper. I–cooperate ko sa mga police sa lugar."
Isang makahulugang tingin ang binigay ni Jolo. “Mondragon, gusto ko man na ako ang pumunta sa lugar pero hindi ko na magagawa. Kasama mo naman si Captain Kurt Charles Mondragon. I think he can help you, right?" teasing tone in his voice.
“Magiging maingat kami, Agent Cooper,” sabi ko. “I’ll make sure na magiging maayos ang lahat.”
Pagkatapos ng pag-uusap, umalis na rin si Jolo. Nagkatinginan kami ni Kurt sa isa’t isa.. “Maghanap ka na ng mga tao, now." utos ko kay Kurt.
Nagpatuloy kami sa aming pag-uusap at pagpaplano para sa pagpunta sa Sierra Madre, lahat ng mga balita ay tila umaayon sa mga plano ko.
Hindi ako makapaghihintay na makita at mahawakan ang Anito ng mga katutubo sa naturang bundok. Kahit gumamit pa ako ng dahas, makuha ko lang ang gusto ko.