Chapter 03 First Encounter

1549 Words
Chapter 03 Raine MAAGA akong nagising sa umaga. Ang unang sinag ng araw ang nagsimulang sumilay sa makakapal na dahon ng kagubatan, at ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Ngunit sanay na ang katawan ko rito. Dito ako lumaki at nagkaisip. Ako nga pala si Raine Cailiegh liwayway na mas kilalang "Dayang" means prinsesa, dalawampu't taong gulang. Ako ang prinsesa ng mga katutubong Ilongot, isang katutubong grupo na matatagpuan sa bulubundukin ng Sierra Madre. Ang aking ama na si Datu Hanab ay ang hari ng aming tribu. Naghikab ako, kasabay ng mga huni ng ibon na nag–aawitan sa paligid, at ang buong kapaligiran ay tila nagising sa mahimbing na pagkatulog. Nakaugalian na namin ang maagang magising, pupunta kami ngayon sa aming taniman ng mga gulay at mais, kasama ang ibang mga kababaehan sa aming tribo. Tamang–tama ang malakas na pag–ulan kagabi, sobrang lambot ng lupa para taniman at binabalak rin naming ang mangaso. Lahat ng mga kasaganahan ng aming buhay dito sa bukid ay pinapasalamat naming lahat sa aming sinasambang gintong Anito na aming diyos. Sa tuwing nagdadasal kami sa kanya ay walang imposible. Bumangon ako sa higaan. Pagbukas ko ng bintana, sumalubong sa akin ang malamig at sariwang hangin mula sa kabundukan. Habang sinisinagan ng araw ang buong paligid, nakita ko ang lalaking iniibig ko, nakatayo sa tapat ng kubo namin. Ang lalaking halos sinasamba ng mga kababaehan sa aming tribo pero ako ang napaka–swerte sa lahat dahil ako ang babaeng napili niyang ibigin. Napatingin ako sa kabuoan ni Usman, kitang–kita ko ang taglay nitong kakisigan at ang kanyang tapang. Si Usman ang pinakatapang na lalaki sa aming tribo, wala siyang kinatatakutan, pinagkasundo siya ng aking ama na maging asawa ko. Sa susunod na kabilugan ng buwan kami ay mag–iisang dibdib ni Usman na mas lalong kinaiinggitan sa akin ng mga kababaehan. Abot tenga ang aking mga ngiti habang nagsasalubong ang aming mga mata, tila ba nag–uusap na kami kahit wala pang sinasabi. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Ang kanyang presensiya ay nagdala ng kakaibang init at saya sa umagang ito. Habang nakatingin kami sa isa't isa, tila tumigil ang oras. Naririnig ko ang mga huni ng ibon at ang malayong paglagasgas ng tubig mula sa talon, ang lahat ng iyon ay naging musika lamang sa naglalarong eksena sa harap ko. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Liwanag na nilalandi ang Usman ko. Parang bumagal ang oras. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakikita ko ang makahulugan ngiti sa labi ni Liwanag, tumingkayad ang babae lumapit ang bibig niya sa tenga ni Usman tila ba may binubulong siya. Nakita ko pa ang pakagat labi ni Liwanag tila ba inaakit ang kasintahan ko. Aaminin ko hanggang ngayon, hindi ako pumapayag sa gusto ni Usman na makipagtalik sa kanya, kahit sinasabi niyang magiging asawa ko rin siya. Hindi ko alam kung ano ang nagpipigil sa akin upang ibigay ko sa kanya ang ini–ingatan kong pagkabirhen. Oo, birhen pa rin ako ngayon sa edad ko na ito. Minsan, may lalaking gumugulo sa isipan ko pero hindi ko siya kayang bigyan ng pangalan. Kahit ang mukha niya ay napakalabo sa aking isipan. Pumikit ako at pilit inaalala ang mukha ng lalaki ngunit hindi ko mawari. Pagmulat ko sa aking mga mata ay wala na si Usman at Liwanag. Nagpalinga–linga ako sa paligid pero wala na sila. "Magandang umaga sa napakagandang dilag sa aming tribo," bati sa akin ni Akong ang pinakamatandang tao sa aming tribo. Siya ring tagapagtanggol, tagapag-alaga, at tagapagsalita ng karunungan sa aming tribo. Siya ang taga salayasay ng aming kultura, ang mga Elder ay itinuturing naming tagapayo at tagapangasiwa ng kaalaman at tradisyon sa aming komunidad. Siya ang nagbibigay ng mahahalagang desisyon, nagsasabi ng mga kwento ng nakaraan, at nagtuturo sa aming mga kabataan tungkol sa aming kasaysayan. "Magandang umaga rin po sa inyo, Tata Akong," magalang na sagot ko ngunit ang mga mata ko ay nanatili pa rin sa paghahanap sa kinaroroonan nina Usman at Liwanag pero hindi ko na sila makita sa paligid. Nagdesisyon akong bumaba sa aming kubo. Ang aming kubo ay may kataasan mula sa lupa. Kailangan iyon para iwas sa mababangis na hayop sa kagubatan. Habang naglalakad ako, patuloy akong nagmamasid sa paligid pero wala pa rin sina Usman at Liwanag. "Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon?" tanong ko sa aking sarili. Bigla kong narinig ang tinig ng aking ama. "Dayang, nandiyan ka pala," sabi niya habang lumalapit. "Kailangan na nating umalis. Pupunta sa taniman at susunod na lang ako mamaya dahil may pag–uusapan pa kami ni Akong at iba pang nakakatanda sa ating tribo." Nilingon ko siya. "Opo, Ama," sagot ko, pilit na ngumiti. "Nakita mo ba sina Usman at Liwanag?" tanong ko, baka nakita niya ang mga ito. "Nakita ko sila kanina, mukhang may pinag-uusapan. Baka nasa tabi–tabi lang sila. Pero kailangan mong magpunta sa taniman. Sumama ka na kay Ninay at pumunta na kayo doon." Tumango ako. "Opo, Ama," sagot ko. Nasa ganitong pag-uusap kami nang biglang sumulpot sa likuran ko si Ninay, dala-dala ang kanyang basketa at tangkad. "Tayo na sa bukid, Dayang," yakag niya sa akin. Isang marahan na tango ang isinagot ko sa aking kaibigan. Kinuha ko na rin ang aking Basketa at tangkad. Nagpaalam ako sa aking ama at sumama na kay Ninay. Habang naglalakad kami papunta sa taniman, naramdaman ko ang init ng araw at ang lamig ng hangin sa aking mukha. Iniisip ko sina Usman at Liwanag, kung saan sila nagpunta. May sabi–sabi akong naririnig, na may nakakitang mga bata sa kanila na naghahalikan. Ayokong maniwala sa mga sabi–sabi dahil may tiwala ako kay Usman na ako ang Mahal niya. Saka na ako maniniwala kung ako mismo ang makakita. Si Liwanag ay anak ng katunggali ni Ama sa pwesto, gusto nito na siya ang maging Hari sa aming tribo pero ang lahat ay pumabor sa aking ama kaya ganoon na lamang ang lihim na galit nito sa aking Ama. Dahil sa kabaitan ni Ama ay pinagwawalang bahala niya ito. Pagdating namin sa taniman, agad kaming nagsimula sa aming gawain. Ilang oras ang lumipas, at naramdaman kong kailangan ko nang magpahinga. Nagpaalam ako kay Ninay at nagpunta sa ilalim ng malaking puno ng kahoy. Sumandal ako sa puno at pumikit, pinakikinggan ang mga huni ng mga ibon at ang mahihinang pagaspas ng mga dahon sa hangin. Maya-maya pa, narinig kong may paparating na mga bata. Iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang tatlong bata na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Puno sila ng kasabikan at pag-aalala. "Ate Dayang!" sigaw ng isa sa kanila na hingal na hingal. "May nakita kaming lalaki sa tabing-ilog! Wala siyang malay!" Bigla akong napatayo. "Saan banda?" tanong ko, puno ng kaba ang aking dibdib. "Doon po, sa may malaking bato," sagot ng isa pa, tinuturo ang direksyon. "Tara, tingnan natin," sabi ko kay Ninay na agad namang sumunod. Hinawakan ko ang kamay ng isang bata at nagsimula kaming maglakad patungo sa ilog. Pagdating namin sa tabing-ilog, nakita namin ang sinasabi ng mga bata. Nakahiga ang lalaki sa tabi ng malaking bato, basang-basa ang damit at mukhang walang malay. Agad akong lumuhod sa tabi niya at sinuri kung humihinga pa siya. Sa unang tingin pa lang, hindi ko napigil ang sarili, namangha ako. Gwapo ang lalaki, may matipuno at makisig na pangangatawan na halatang batak sa pag-eehersisyo. Ang kanyang balat ay makinis at maputi, na tila hindi sanay sa init ng araw sa bukid. May makapal at maayos na buhok na kulay itim, na parang alon sa karagatan. Ang kanyang mga mata, kahit nakapikit, ay may mahabang pilikmata na nagbibigay ng kakaibang karisma. May matangos siyang ilong at labi na tila perpektong hugis. Ngayon lang ako, nakakita ng lalaking ganito ka perpekto. Mukhang taga-Maynila siya, isang taong hindi karaniwan sa aming lugar. Ang kanyang pananamit ay moderno at may brand na hindi ko kilala, na nagpapahiwatig na galing siya sa lungsod. Nagtaka ako kung paano siya napadpad dito sa aming simpleng tribo. Kung tutuusin napakalayo namin sa bayan. Itinapat ko ang aking daliri sa kanyang leeg, upang salatin kung mayroon pa itong pulso. Naalala ko, 'nung bata pa ako may isang estranghero rin dito sa aming tribo at malapit ito sa aking Ama pero hindi ko na alam kung nasaan na ito ngayon. "Humihinga pa siya," sabi ko kay Ninay. "Kailangan nating dalhin siya sa kubo para magamot." Nagtinginan kami ni Ninay, at kahit pareho kaming nag-aalala, alam naming kailangan naming kumilos agad. Narinig naming, umungol ang lalaki. Kumurap–kurap at unti–unting nagmulat ang mga mata nito at mas lalo akong namangha na makita ang kanyang kulay asul na mga mata, kasing kulay ng kalangitan. Hindi ko maintindihan, bumilis ang t***k ng puso ko. Tinulungan namin ang lalaki na tumayo, at dahan-dahan naming siyang inalalayan pabalik sa aming kubo. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang humanga sa kagwapuhan ng lalaki. Iniisip ko kung sino siya at bakit siya narito. Sa kabila ng aking mga pag-aalinlangan, alam kong kailangan naming siyang tulungan. Sa bawat hakbang, nararamdaman kong may kakaibang koneksyon akong nadarama, isang pakiramdam na hindi ko pa nararanasan noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD