Chapter 04
Raine POV
PAGDATING namin sa kubo, agad naming inihiga ang lalaki sa banig. Kumuha ako ng malinis na tela, tubig, at mga halamang gamot na ginagamit namin sa pag-gamot ng mga sugat.
As I wiped his wet face, hindi ko maiwasang humanga sa kakisigan ng kanyang pangangatawan. Ang bawat linya ng kanyang mga kalamnan ay halatang batak sa hirap at pag-eehersisyo. His broad chest was firm and chiseled, like it was sculpted by an artist.
Habang pinupunasan ko ang mga sugat niya sa braso at balikat, naramdaman ko ang init ng kanyang balat. Pansin ko ang malalim na sugat sa kanyang tagiliran, lalo na sa kanyang noo at kinailangan kong linisin ito ng maayos.
Sa bawat paghawak ko sa kanyang balat, may kakaibang pakiramdam akong nadarama, parang may kuryenteng dumadaloy mula sa aking mga daliri papunta sa aking puso.
"Dayang, kailangan nating ilagay ang halamang gamot sa sugat niya," sabi ni Ninay na nasa tabi ko, inaabot ang mga dahon at ugat na kailangan ko.
"Opo, Ninay," sagot ko. I continued to clean and apply medicine to his wounds. Sa bawat pagkakataon na dumidikit ang aking mga kamay sa kanyang katawan, hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon.
Ang kanyang matipunong dibdib ay tila humihinga ng mabigat habang patuloy ko siyang ginagamot. Napansin ko rin ang mga pilat at galos sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, tila nagmula sa isang mahirap na laban o paglalakbay. His arms were strong, with veins visible under his smooth skin.
While cleaning the wound on his side, I heard him moan softly. Marahan siyang nagmulat ng mga mata at muli kong nasilayan ang kanyang malalim na kulay asul na mga mata. Napatitig siya sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pasasalamat at pagkagulat.
"Mabuti na lang at natagpuan ka namin," sabi ko, pilit na ngumiti. "Anong pangalan mo?" tanong ko habang patuloy sa pag-gagamot ng kanyang mga sugat. Hinagod niya ng tingin ang kabuoan ko at bigla akong naasiwa sa kanyang mga titig na tila bumaon sa katawan ko.
Nakita ko ang pagbaba–taas ng kanyang adam's apple. Napalunok ako, ang tingin niya'y tila may pagnanasa, dumaan sa bawat bahagi ng aking suot—mula sa leather bustier hanggang sa maikli kong leather skirt. Ramdam ko ang paghanga at pagnanasa sa bawat sulyap niya. Pasimple kong inaayos ang aking suot sa buong buhay ko ngayon lang ako, nakaramdam ng kakaiba. Bakit, kay Usman hindi ko maramdaman ang ganito?
"Nick" mahina niyang sagot, na may halong sakit at pagod, pagkatapos niyang alisin ang mga mata sa katawan ko. "Thank you so much."
"Nick?" ulit ko, tila pamilyar ang kanyang pangalan, "...kailangan mong magpahinga para gumaling ka agad," sabi ko, pilit na hinuhugot ang lakas ng loob upang hindi siya tuluyang pagmasdan ng husto. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang kakisigan.
After tending to his wounds, tinakpan ko siya ng malinis na kumot at inayos ko ang unan sa kanyang ulo. "Magpahinga ka na, Nick. Nandito lang kami sa labas," sabi ko.
Tumango lamang siya. Habang unti-unti siyang pumipikit, hindi ko mapigilan ang pagtingin sa kanya. Sa bawat taas baba ng kanyang dibdib, ramdam ko ang isang kakaibang koneksyon na tila hinahatak ako papalapit sa kanya.
I stepped out of the hut and looked out into the distance, ang init ng araw ay tila naglalaro sa aking balat.
Agad akong sinalubong ni Ninay, at iba pa naming kapitbahay ng mga kababaehan tiyak nakarating na sa kanila ang balita. Nagkikislapan ang kanilang mga mata nila.
"Dayang, kamusta na siya?" tanong niya habang makikita sa mga mata niya ang excitement. Ganoon rin sa mga kababaehan na nasa paligid namin.
"Medyo mahina pa siya, pero magpapahinga na. Malalim ang mga sugat niya, pero kaya naman siyang gamutin," sagot ko, pilit na pinipilit ang ngiti.
Natahimik si Ninay, at napansin kong may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. "Ano ang pangalan niya?" tanong niya, parang may kung anong kilig sa kanyang tinig.
"Nick, ang pangalan niya," sagot ko, hindi mapigilang ngumiti. "Napansin mo ba ang kanyang mga mata, Ninay? Kulay asul. Parang kagaya sa kalangitan."
"Oo, Dayang. Kakaiba talaga ang kanyang mga mata," sagot ni Ninay, tila kinikilig din. "Parang may ibang mundo sa likod ng kanyang mga mata. Alam mo, hindi madalas na may mga estranghero tayong natatagpuan dito, lalo na ang may ganoong mga mata. Ang kisig niya, Dayang, mas makisig kay Usman."
Napatingin ako sa malayo, iniisip ang mga posibilidad. Ang mga mata ni Nick ay parang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin, parang nakita ko na ang mga mata niya.
"Hindi ko alam, Ninay, pero may kakaiba akong nararamdaman tuwing tinitingnan ko siya," sabi ko, medyo nahihiya. "Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag."
Ngumiti si Ninay at hinaplos ang aking balikat. "Minsan, ang mga mata ng tao ay nagsasabi ng higit pa sa kanilang mga salita. Mag-ingat ka, Dayang. Hindi natin alam ang tunay niyang motibo, alam mo naman kung ano ang nangyari sa tribo natin noon," nakangiting paalala ni Ninay sa akin.
Tumango ako. "Salamat, Ninay. H'wag kang mag–alalala, mag-iingat ako," sabi ko, at hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko.
"Dayang, paano niyo siya natagpuan?" tanong ng isa pang kababaihan.
"Nakita namin siya sa tabing ilog. Malubha ang kanyang mga sugat kaya dinala namin siya rito. Mukhang inatake siya ng mga tulisan," sagot ko, iniisip kung ano pa ang maaaring mangyari.
Natahimik kami sandali, iniisip ang mga posibilidad. Ang mga mata ni Nick ay parang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin, parang may lihim na hindi ko pa natutuklasan.
"Sa tingin mo ba, ligtas siya?" tanong ng isa, may halong pag-aalala.
"Hindi ko alam, pero may kakaiba akong nararamdaman tuwing tinitingnan ko siya," sabi ko, medyo nahihiya. "Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag." Sabi ko naman na pilit tinatago ang kilig.
Habang nag-uusap kami, biglang dumating ang aking Ama. His presence was commanding, and his eyes immediately focused on me.
"Dayang, sino ang estrangherong dinala dito sa kubo natin?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
"Hindi po namin kilala, Ama. Nakita namin siya sa tabing ilog," sagot ko. "Malubha ang kanyang mga sugat kaya dinala namin siya rito."
Tumango si Tatay, at walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng kubo upang silipin ang estranghero. Sumunod kami ni Ninay, at nakita ko siyang tinitingnan si Nick na nakahiga sa banig. Ang kanyang mga mata ay masusing sinusuri ang bawat galos at sugat sa katawan ni Nick.
"Dayang, kailangan nating maging maingat," sabi ni Ama, ang boses niya'y mababa ngunit puno ng awtoridad. "Hindi natin alam ang tunay niyang motibo. Baka siya'y may dala pang panganib sa ating tribu."
"Opo, Ama," sagot ko, sinusubukan ipanatag ang aking loob. "Magbabantay ako, at sisiguraduhin kong ligtas ang ating tribu." May paniniyak ang tinig ko. Mukha namang mabait ang estranghero, maamo ang kanyang mukha habang nakapikit.
Tumango si Tatay at hinaplos ang aking balikat. "Mabuti. Bantayan mo siya ng mabuti, at siguraduhin mong wala siyang gagawing ikapapahamak natin, lalo na sa tribu natin," sabi niya, ang mga titig niya ay puno ng babala. "Nasa iyong mga kamay ang kapayapaan ng ating tribu at ikaw ang masisisi ng ating angkan kapag napahamak tayo. Alam mo ang kapurasahan, Dayan. Kahit anak kita, hindi kita pwedeng kampihan." Ang tinig ni Ama ay puno ng babala.
Parang ang aking ina, naparusahan siya nang buong angkan ng mga Ilongot dahil sa pagtataksil niya, 'nung umibig siya sa isang estranghero. Sumama si Ina sa lalaking napadpad rito sa aming tribu at iniwan si Ama.
"Opo, Tatay," sagot ko, puno ng determinasyon.
Matapos niyang masuri si Nick, lumabas si Ama ng kubo, at naiwan akong nag-iisip ng mga susunod na hakbang. Kailangan kong alamin ang tunay na dahilan ni Nick at protektahan ang aming tribu, lalo na ang mahalagang gintong anito. Lalo pa't maraming taga–lungsod ang sinubukang kunin ito, mula sa amin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig sa tuwing naaalala ko ang kanyang mga mata at ang kakaibang koneksyon na nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko, I meet him before.
Narinig ko ang tinig ni Ama na pinagtatabuyan ang mga tao sa labas ng aming kubo. Humarap ako kay Nick at hindi maiwasang titigan lang ito. Hindi ko maikakaila ang aking pag-aalala, ngunit ipinilit kong manatiling kalmado.
Pagkaraan ng ilang minuto, biglang pumasok sa kubo si Usman. Ang kanyang mukha ay puno ng pagkabahala at galit. Agad siyang lumapit sa akin at tinanong, "Dayang, sino ang estrangherong ito? Bakit siya nandito?" Tumalim ang mga matang nakatitig sa akin.
"Ang pangalan niya ay Nick," sagot ko, sinusubukang mapanatili ang pagiging kalmado. "Nakita namin siya sa tabing ilog, at dinala namin siya rito ni Ninay dahil sa kanyang mga sugat."
Mas lalong tumalim ang mga titig sa akin ni Usman. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya dito?" tanong niya, ang boses niya ay puno ng pagkabahala. "Bakit siya nagpunta sa teritoryo natin? Ano ang layunin niya, Dayang?"
Naguluhan akong nakatitig sa kanya. "Kailangan niya ng tulong. Wala kaming alam sa tunay niyang layunin," sabi ko, nagtatangkang ipaliwanag, "...nagpakita lamang kami ng kabaitan 'wag kang mag–alala kapag gumaling ang estrangherong ito, papaalisin natin siya."
"Dapat lang, Dayang," puno ng awtorisasyon ang tinig niya. Lumapit si Usman kay Nick, ang mga mata niya’y naglalagablab ng galit at pag-aalala habang tinitingnan ang estranghero. "Hindi tayo dapat magtiwala, Dayang? Ang pagdating niya ay nagdudulot ng panganib sa atin. Kailangan nating malaman ang kanyang tunay na layunin."
Napabuntong–hininga ako. "Usman, kailangan niyang magpahinga at magpagaling. Huwag tayong magmadali," sabi ko, pilit na kalmadong tinutulan ang kanyang pagkabahala.
Ngunit si Usman ay patuloy sa pagtanong, hindi matanggap ang paliwanag. Ang kanyang pagdating at mga tanong ay nagpapataas ng tensyon sa loob ng kubo, kaya’t tinangka kong makipag-usap nang maayos upang mapanatili ang kaayusan sa aming dalawa.
Nakita naming muling nagmulat ng mga mata si Nick. Isang nakakamatay na tingin ang pinukol ni Usman ang mga kamay ay nakakuyom sa galit. Hindi ko maintindihan ang lalaki kung bakit tila galit na galit ito.
Sinubukang bumangon ni Nick pero hindi niya maitaas ang kanyang katawan kita ko ang pagngiwi ng kanyang mga labi pero ang mga mata nito'y parang apoy sa kalan. Asul na nagliliyab. Kita ko ang gumuhit na tuya sa mga mata nito habang sinasalubong ang matatalim na titig ni Usman. Sa likod ng kanyang mga mga asul na mga mata ay tila may nakatago na hindi ko mawari. Akmang luluhod ako, upang tulungan ang estranghero na bumangon, ngunit dumadagundong ang galit na tinig ni Usman.
"Wag mo siyang tulungan, Dayang," maawtoridad na utos sa akin ni Usman, na pumigil sa akin upang gawin iyon. Hinila niya ako palayo kay Nick at masama niyang tinitigan ang estranghero. "Estranghero, kailangan mong ipaliwanag ang iyong sarili," sabi niya, ang boses niya’y matindi sa galit. "Ang iyong pagdating dito ay may dahilan. Ano ang pakay mo sa aming tribu? Ngayon pa lang binabalaan kita," sabi ni Usman sa galit na tinig.
"Usman?!"