Chapter 12 Raine HAWAK kamay kami ni Nick habang papunta kami sa kinaroroonan ng aking ama. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng desisyon na gagawin ko. Nagugustuhan ko na si Nick at siya ang gusto kong maging kabiyak. Masyadong mabilis ang pangyayari pero iba ang nararamdaman ko sa kanya kumpara sa nararamdaman ko para kay Usman. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na nais na naming magpakasal ni Nick, lalo na’t alam kong para kay Usman dapat ako. Pagdating namin pulungan, nakita ko agad si Ama na nakaupo sa kanyang trono, kasama ang ilang matatanda ng tribu. Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa amin, tila binabasa ang bawat galaw at emosyon. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Ama," simula ako, pinipilit ang sarili na manatiling kalmado, "...may nais po akong ipaal