KAHIHIYAN

1647 Words
“Anong sinabi mo?” Nanlalaki ang mata ni Vera na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi ko naman akalain na magiging ganun ang aking nararamdaman para sa lalaki. Nakakahiya dahil  hindi ko alam kung paano haharapin si Deimos lalo na si Marko. Halos lumubog ako sa aking puwesto kanina nang matauhan si Marko at mapagtanto kung ano ang kanyang nakita.  Nakakahiya talaga kaya naman halos umiwas ako ng tingin kay Deimos. Isa pa ay naitulak ko ang lalaki ng hindi ko sinasadya. “Paano ako papasok bukas?” Naiiyak na tanong ko kay Vera na tila hindi pa din maka-usad dahil sa kanyang narinig. “Hmm gusto mong maging mandirigma kaya pangatawanan mo ang nangyari.” Kung kailan naman kailangan ko ng karamay ay saka naman ganito ang sagot sa akin ni Vera. Nakakaloka din  talaga minsan ang babaeng ito. “Nahihiya ako sa kanilang dalawa.” Naihilamos ko ang sariling kamay sa aking mukha. Hindi naman pwede na magtago ako sa kanilang dalawa dahil si Deimos ang magsasanay sa akin. Kanang kamay din ni Deimos si Marko kaya tiyak na magkikita talaga kami. “Mukhang mali yata ang naging desisyon mo na manatili sa opisina ng lalaking iyong hinahangaan.” Tila nang-aasar na ngayon si Vera dahil iba na ang ngiti nito sa akin. “Malay ko ba na mahuhulog ang loob ko ng tuluyan sa lalaking yun.” Hindi ko naman talaga iyon inaasahan at wala din sa aking isip na mangyayari yun nung nagdesisyon akong pumasok bilang mandirigma. Alam ko na may hinahangaan ko ang lalaki nung una ko s’yang makita dahil napakakisig naman kasi nito pero hindi ko akalain na matutuluyan ako. Bakit ko ba ginawa ang bagay na iyon kung alam kong magiging problema koi to ngayon. Wrong timing naman kasi si Marko hindi sana ako naloloka ngayon. Paano kung kumalat ang balitang iyon sa buong opisina. Tinigilan nga nila ako sa nangyari kahapon pero mukhang pag-uusapan na naman ako tungkol sa problema ko ngayon. Kapag nagkataon ay hindi ko na naman alam kung ano ang sasabihin sa kanila. “Magsabi nga kayo ng totoo sa akin.” Nanlalaki ang mata na tanong sa amin ni Marko habang nakayukyok pa din si Deimos sa puwesto nito kung saan s’ya napunta dahil sa aking pagtulak. Samantalang ako naman ay gustong maglaho na lang bigla upang makaiwas sa nagtatanong na tingin ni Marko. “Wala kaming sasabihin sa’yo.” Si Deimos ang sumagot sa kanyang kaibigan at tumayo na din ito para lapitan si Marko. “Wala ba talaga kayong sasabihin sa akin?” Mas lalo akong umiwas ng tingin sa kanya dahil sa aking nakikita ay tila may kakaibang kahulugan ang tingin nito. “Bakit ka ba nandito?” Mabuti na lamang at kinakausap s’ya ni Deimos upang hindi mabaling ang tingin nito sa akin. “May kukunin akong papeles na kailangan kong ipasa ngayon kay King Daeyn.” Hinalungkat na nito ang papeles na nasa lamesa ni Deimos. Tinulungan na din nito ang kanyang kaibigan upang makita agad ang kailangan nitong papeles. Mukhang may problema pa dahil naubos na nila ang lahat ng papel sa lamesa ni Deimos pero hindi nito nakita ang kanyang hinahanap. Napatingin ako sa lamesa ko kung saan may ilang papel din na nakapatong kung saan ay ipapaayos sa akin ni Deimos kanina. “Ugh bakit nandito ka sa aking puwesto.” Mahinang bulong ko sa sarili na ang tinutukoy ay ang mga papeles na nasa aking harapan. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko maiaabot sa kanilang dalawa ang mga pepeles na kaya ko pa din silang iwasan ngunit huli na ang lahat. “Ahh may papeles pa pala sa puwesto ni Althaia.” Natigilan ako nang magsimula na sa paglapit si Marko sa aking kinauupuan. Abot hanggang tainga ang ngiti nito at tila sinasadya akong asarin gamit ang makahulugan nitong ngiti. “T-tulungan ko si Deimos na ayusin ang mga yan.” Nauutal kong wika sa kanya pero mas lalo lamang ito ngumiti ng nakakaloko. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayong araw ang dami kong ginawa na hindi ko maintindihan. Una ay maaga akong gumising para makapasok agad kahit pa nga sobrang aga nun para sa aking oras ng pagpasok. Pangalawa ay natulog ako sa silid kung saan naroon si Deimos at hindi man lamang ako nag-abala na tignan muna ang aking hihigaan kaya ang nangyari ay nakatabi ko pa ang lalaki sa pagtulog. Pangatlo ay tila nagsimula pa ako ng gulo sa pagitan ng mandirigma at kanilang lider na si Deimos dahil sa ginawa nitong pagtatangol sa akin. Bagaman humingi na sila ng tawad sa kanilang nagawa sa akin ay hindi pa din maiaalis na muntik silang magkagulo dahil sa akin. Idagdag pa ang huling kalokohan na nagawa ko ngayong araw. Sa dami ng pwedeng kong gawin ay bakit ito pa ang aking pinasok. Bago pa lamang ako sa opisina ng mga mandirigma pero ang dami ko ng nagawang kalokohan. Mas lalo akong natigilan ng kunin na ni Marko ang kailangan nitong papeles na nakita n’ya sa aking lamesa. Lumapit s’ya sa akin at ngumiti na naman ng nakakaloko. “Alam ko naman na may namamagitan sa inyo ni Deimos.” Gusto ko s’yang sagutin na wala pero hindi nakisama ang aking dila at nanatili lamang akong tahimik sa aking kinauupuan. Nagpaalam na si Marko kay Deimos at tuluyan na itong lumabas ng opisina samantalang ako ay hindi pa din makagalaw sa aking puwesto dahil sa sobrang hiya. Nagulat pa ako sa pagsara ng pintuan at napagtantong sumama si Deimos sa labas ng opisina. Napailing pa ako ng maalala ang nangyari kanina kaya hindi ko talaga sigurado kung paano ko sila haharapin bukas. Hindi na bumalik si Deimos simula ng sumama s’ya kay Marko kaya nagkusa na din akong umuwi nang dumating ang oras ng aking uwian.    “Hayaan mo na lang Althai wala ka din naman magagawa kasi sa tingin ko ang sitwasyon mo ngayon ay hindi mo na mapipigilan.” Nandito pa din pala si Vera sa aking silid at tila dito din balak nitong matulog dahil maayos na ang pagkakahiga nito sa aking higaan. “Anong ibig mong sabihin na sitwasyon ko ngayon?” Nagsimula na naman si Vera sa kanyang makahulugan na salita. Pareho kaming walang karanasan pagdating sa pag-ibig pero kakaiba si Vera dahil kung magbigay ito ng payo ay akala mo nakaranas na talaga s’ya. Umupo ito at binalot muna ang sarili ng kumot dahil malamig na naman sa buong silid. Pagkatapos ay tinignan ako ng seryoso at akala mo ay isa s’yang love expert kung makatingin sa akin. Bahagyang sumingkit pa ang mga mata nito at itinuro ako upang palapitin sa kanyang kinauupuan. “Nakakaramdam ako ng takot sa maaari mong sabihin.” Nagkunwari pa akong nanginginig dahil sa takot. Nagbalot na din ako ng kumot at humarap sa kanya. Hinawakan pa ni Vera ang aking mukha at pinisil iyon dahilan para tanggalin ko ang kamay nito. “Akala ko ba ay may sasabihin ka bakit pinisil mo na naman ang aking mukha?” Nangigigil na tanong ko sa kaibigan. “Meron nga, miss ko yung psingi mo kaya pinisil ko muna.” Pagdadahilan nito sa akin. Kahit kailan talaga si Vera ang daming nalalaman sa buhay. Sabagay ay miss ko din ang kaibigan dahil hindi ko s’ya nakita kanina bago ako umalis ng palasyo. “Miss din kita, pero ano nga kasi ang sasabihin mo?” Muli akomng tinitigan ni Vera na akala mo ay may kung anong bagay sa aking mukha. Hindi ako sinagot ni Vera at tila napakalalim ng iniisip nito habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may kung anong bagay na itong ginagawa sa kanyang utak para sa akin. Inaantok na ako at hindi ko na s’ya kayang hintayin sa kung anong gusto nitong sabihin. Akma na akong hihiga ng bigla nang pigilan naman aklo nito. “Hoy mamaya ka na matulog nag-iisip pa ako.” Hawak pa nito ang aking kumot na kanyang hinila upang hindi ako makatulog. “Ang tagal mo inaantok na ako. Akala ko ba may sasabihin ka lang sakin bakit napunta ka na sa pag-iisip mo na tila malulunod ako habang tinitignan ka.” Reklamo ko sa kanya at pilit na hinihila ang kumot ko na hawak nito. “Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sayo kaya sandali lang.” Naloka ako sa kanyang sinabi. Akala ko ba may sasabihin bakit biglang napunta sa pag-iisip dahil hindi pa nito alam kung ano ang kanyang sasabihin sa akin. Ibang klase talaga ang pag-iisip nitong aking kaibigan. Mas naglaan ako ng lakas upang mahila ang aking kumot ngunit naging mas mahigpit din ang hawak nito doon. Pareho kaming malakas ni Vera dahil sabay kaming nag-aral ng self defense at iba pa na pwedeng proteksyon sa aming sarili. Ako nalang ang sumuko sa pakikipaghilahan sa kanya ng kumot. Nanghihina na din ako dahil sa antok kaya hindi ko na nais mag-aksaya ng lakas para sa kabaliwan ng aking kaibigan. Maaga pa akong papasok bukas kahit hindi ko alam kung paano haharapin sina Deimos at Marko. “Hoy Vera bahala ka dyan dahil matutulog na talaga ako kahit sa’yo na ang kumot ko.” Nakataas ang kilay na wika ko sa kanya at bumaluktot na ako ng pagkakahiga dahil nga wala akong kumot. “Sandali malapit ko ng malaman kung ano.” Pagpigil pa din nito sa akin pero tinakpan ko na ang aking magkabilang tainga upang hindi na marinig ang sasabihin nito ngunit bigla akong napabangon sa kung anong sinabi nito. “Base sa aking obserbasyon ay nakikita ko sayo ang lahat ng sintomas ng taong umiibig.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD