“Anong sinasabi mo na umiibig?” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kanyang sinabi. Ano na naman ba ang pinagsasabi nitong aking kaibigan.
“Sabi ko naman diba na nakikita ko sa’yo lahat kung ano ang ikinikilos ng taong umiibig.” Parang wala lang na sagot sa akin ni Vera.
‘”Teka nga sabihin mo kung ano ang kahulugan ng sinasabi mo na nakikita mo sa akin.” Hindi ako malinawan kung ano ang kanyang tinutukoy. May nakikita ba s’ya na hindi ko nakikita sa aking sarili.
“Okay ganito kasi yun.” Umayos na ako ng pagkakaupo upang pakinggan kung anong kalokohan ang sasabihin ni Vera. Ganun din ang ginawa ng kaibigan at mas lumapit pa s’ya sa akin upang masiguro na maririnig ko lahat ng kanyang sasabihin.
“Una ay nasabi mo sa akin na gusto mo s’yang tignan.” Hindi ko maalala na sinabi ko iyon sa kanya pero dahil alam n’ya ang tungkol sa bagay na yun malamang ay nasabi ko nga sa kanya. Tumango na lang ako at hinayaan s’yang magsalita ulit.
“Ibig sabihin nun ay mayroon ka talagang pagtingin sa kanya at hindi lamang iyon basta paghanga lang.”
“Hmm hindi ko alam.” Yun na lamang ang isinagot ko sa kanya dahil hindi nga ako sigurado sa aking nararamdaman.
“Pangalawa ay lagi mo s’yang iniisip at huwag kang magkakamali na magsinungaling sa akin dahil kahit hindi mo sabihin ay nararamdaman ko yun.” Tila binabantaan pa ako ni Vera kaya sumenyas na lamang ako na tila sinara ang zipper sa aking bibig.
“Oh ano naman kung lagi ko s’yang iniisip.” Tinaasan ko pa s’ya ng kilay pagkasabi nun.
“Sa nabasa kong libro nakalagay doon na kapag lagi mong iniisip ang isang tao lalo na kung ito ay isang lalaki na iyong hinahangaan ibig sabihin lamang ay naglalabas ang iyong utak ng phenylethylamine aka love drug.” Naloka ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko iyon naintindihan.
“Anong love drug?” Masyadong maraming alam si Vera dahil sa pagbabasa nito ng kung anu-ano. Hindi ako nito sinagot at sa halip ay nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung anong ginagawa nito ngayon ngunit saglit lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na s’yang maliit na notebook.
“Bakit ka may dalang notebook?” Nakakunot ang aking noo dahil naguguluhan ako sa ikinikilos ni Vera.
“It says here that the phenylethylamine is chemical is found when you are falling in love. It’s responsible for the head-over-heels, elated part of love.” Binuklat nito ang dalang notebvook at agad na binasa sa akin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito kanina.
“Talagang may listahan ka pa huh.” Parang gusto ko na lang ulit matulog dahil sa mga pinagsasabi at ginagawa ng mahal kong kaibigan.
“Syempre kailangan koi to para sa aking kinabukasan, tignan mo nga at nagamit ko s’ya agad para sa’yo.”Maayos pa nitong isinara ang notebook na tila sobrang iniingatan n’ya ang bagay na iyon.
“Parang ang dami mo yatang sasabihin sa akin.” Mukhang ganado kasi ang hitsura ni Vera kaya nararamdaman ko na madami pa s’yang sasabihin sa akin bilang senyales na umiibig nga ako kay Deimos.
“Oo kaya ang pangatlo ay---.” Hindi muna nito tinuloy ang kanyang nais sabihin at sa halip ay hinawakan nito ang aking dibdib kung saan nakatapat ang puso. Hindi pa ito nagkasya doon at nilapit pa nito ang kanyang tainga upang pakinggan ang t***k nito.
“Hoy anong ginagawa mo!” Bahagya ko s’yang tinulak dahil para s’yang baliw sa kanyang hitsura.
“Pinapakinggan ko ang t***k ng puso mo.” Sigaw nito sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
“Bakit mo naman pinapakinggan ang t***k ng aking puso hindi pa naman ako mamamatay.” Bakit ba kasi ang daming alam nitong aking kaibigan.
“Base sa t***k ng iyong puso ay hindi maikakaila na umiibig ka nga kay Deimos. Pinag-uusapan lamang natin ang lalaking yun pero tila sasabog na ang iyong dibdib dahil sa nagwawala mong puso.” Seryosong wika nito at itinuro na naman ang aking dibdib.
“Ang dami mong alam sobra ka magpaliwanag huh.” Hindi ba normal ang t***k ng aking puso para ganito ang kanyang sabihin. Hinawakan ko ang sariling dibdib at doon ko napagtanto na tama ang sinasabi ni Vera.
Napakalakas ng t***k nito at tila nais kumawala sa aking dibdiob kahit pa nga pinag-uusapan lang namin si Deimos. Ganito na ba talaga ako kahibang sa lalaking yun? Akma na akong hihiga dahil medyo inaantok na din ako pero pinigilan na naman ako ni Vera.
“Hindi pa tayo tapos may mga sasabihin pa ako sayo.” Parang tuta na nagpapaamo ang hitsura ni Vera kaya naman hindi ako makatutol sa gusto nito. Hindi ko din naman na s’ya madalas nakakasama kaya batid ko kung bakit nais pa nitong makipagkuwentuhan sa akin.
“Sige pero pagkalipas ng isang oras simula ngayon ay matutulog na tayo.” Pinagbigyan ko si Vera sa kung ano pa ang gusto nitong sabihin.
“Yes thank you Althaia.” Parang bata na niyakap pa ako nito. Wala din kasi s’yang madalas na nakakausap sa palasyo dahil puro serbida lamang ang nandito. Isa pa ay abala din lagi si King Daeyn sa trabaho nito kaya minsan lang din sila makapag-usap ng matagal ni Vera.
“Sige na ipagpatuloy mo na kung ano pa ang sasabihin mo.” Nginitian ko ang kaibigan at humiwalay na s’ya mula sa pagkakayakap sa akin.
“Hmm sinabi mo din sa akin kahapon na hindi mo nais masaktan si Deimos dahil sa ginawa n’yang pagtatanggol sayo at isa din iyon bilang senyales na umiibig ka nga sa kanya.”
“Hindi din naman kita gustong masaktan dahil sa akin.” Pagdadahilan ko sa kanya.
“Iba naman ang tungkol sa atin. Ibig sabihin kasi nun kung bakit ayaw mo s’yang masaktan ay dahil iyon din ang iyong mararamdam kung sakali nga na masaktan s’ya.” Gusto ko tuloy isipin na may karanasan na si Vera dahil sa dami nitong nalalaman.
“May nakarelayon ka na ba at ang dami mong nalalaman tungkol sa pag-ibig na yan.” Kompronta ko sa kaibigan at bingyan ko pa ito ng nagtatanong na tingin.
“Huwag mo nga ibigay sa akin yung sitwasyon mo saka hindi pa ako tapos sa’yo.” Tinaasan naman ako nito ng kanyang kilay at tila sinasabi na tigilan ko s’ya dahil wala akong mapapala.
“Hindi pa ba tayo tapos?” Nagmamaktol kong tanong sa kanya na sinamahan ko pa sa pagdabog ng aking mga paa.
“Hindi ba at binigyan mo ako ng isang oras.” Lumalabas na ang pagkamaldita ni Vera kaya nanahimik na ako baka mapalayas ako sa palasyo ng wala sa oras.
“Oo sige na.” Wala sa loob na sagot ko nalang sa kanya.
“Ang isa pa sa senyales na nakikita ko sa’yo ay nagugustuhan mo ang kahit anong nakikita mo sa kanya lalo na iyong mga bago sa iyong paningin na sa kanya mo lang nakikita.”
Ang totoo ay medyo natatauhan na ako sa mga pinagsasabi ni Vera. Alam ko na pilit ko s’yang pinipigilan sa mga sinasabi n’ya tungkol sa senyales ng umiibig pero lahat kasi ng kanyang sinabi ay totoong nararamdaman ko.
Tila hindi ko na kailangan pang mag-isip ng ilang beses dahil nakikita ko na ang sagot sa aking tanong. Totoo nga na hindi lamang basta paghanga ang aking nararamdaman para kay Deimos. Kahit hindi na banggitin ni Vera ang ilan sa mga senyales na kanyang nalalaman.
Pero may problema pa din ako dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Deimos lalo pa ngayon kung saan ay sigurado akong may pagtingin nga sa kanya. Napansin ko na medyo inaantok na din si Vera dahil panay na ang paghikab nito. Mas ayos sana kung ang pinagsasabi ni Vera ay kung paano ko haharapin si Deimos para mas nakatulong s’ya sa akin.
“Ano tulugan na ba tayo?” Tanong ko sa kanya dahil umaayos na ito ng kanyang pagkakahiga. Binalot na din n’ya ang sarili ng kumot na tila handa na talaga sa gagawin n’yang pagtulog.
“Oo inaantok na ako bukas na lang natin ipagpatuloy.” Nagtakip na s’ya ng kumot pagkasabi nun. Ibang klase talaga ang aking kaibigan dahil bandang huli ay s’ya pa ang naunang matulog sa amin dalawa matapos n’ya akong puyatin.
“Ibang klase ka talaga at may balak ka pa talagang ipagpatuloy bukas.” Natatawang wika ko na lang sa kanya at humiga na din sa kanyang tabi.
“Hmm, syempre naman.” Mahinang sagot n’ya sa akin na tila makakatulog na base sa tono ng kanyang boses.
“Sige matulog ka na nga at masyado ka ng halata.” Tinapik ko pa ang ulo nito bago ako tuluyang umayos ng puwesto. Binalot ko na din ang sarili ng kumot pero nanatili akong nakatingin lamang sa kisame at nagmuni-muni muna.
Pakiramdam ko ay nawala ang antok na kanina ko pa nararamdaman dahil sa aking napagtanto. Hindi ko akalain na sa dami ng nagustuhan ko ay kay Deimos lang pala ako makakaramdam ng ganto. Hindi ako naniniwala sa tadhana pero bakit parang ganun ang aking nararamdaman.
Ilang araw pa lamang kami na magkasama pero parang ang tagal ko na s’yang kilala. Yung pakiramdam na parang alam mo na may patutunguhan ang nararamdaman mo para sa kanya. Ayokong maghangad ng kung ano dahil wala naman ako sa fairytale pero sana ay pareho kami ng nararamdaman. Hindi din ako isang prinsesa para maghangad ng prinsipe.
“Ugh bahala na nga may problema pa akong haharapin bukas.” Nagtakip na din ako ng kumot pagkatpos kong sabihin iyon sa aking isip.