PAGTANGGAP

1619 Words
“Deimos at Althaia.” Muling humakbang palapit sa amin ang mandirigma ngunit nagulat kami parehas ni Deimos dahil sa sumunod na ginawa nito. Mabilis itong lumuhod sa kanyang kinatatayuan at parang bata na nagsimula sa kanyang pagngawa. “Ken?” Nagtatakang tanong ni Deimos sa ginagawa ng lalaki. Marahil ay iyon ang pangalan ng mandirigma. “Patawarin n’yo ako. Ipinapangako kong hindi ko na uulitin ang aking ginawa. Hindi na din ako magsasalita ng kahit ano laban kay Althaia. Magiging mabuting kasamahan na ako bilang mandirigma.” Kulang na lang ay tumulo ang sipon nito dahil sa ginagawang pag-iyak. Napansin ko na bahagyang napapangiwi si Deimos sa kanyang nakikita. Gayunpaman ay alam ko din na patatawarin nito ang lalaki dahil tila napakalambot ng puso nito at hindi kayang balewalain ang ginagawa ni Ken. Sa kabilang banda ay hindi ko akalain na gagawa ng ganitong hakbang si Ken para lamang mapatawad namin. Kinabahan pa naman ako kanina at ang dami kong pinag-iisip iyon naman pala ay hihingi lang ng tawad ang lalaki. Inakala ko din na hindi matatapos ang araw na hindi ako magiging masaya sa mga nangyayari pero nagkamali ako. “Althaia ano sa palagay mo?” Nandidilat ang mata na itinuro ko ang aking sarili matapos marinig ang tanong ni Deimos. Bakit tinatanong pa ako nito samantalang halata naman sa kanyang mukha na papatawarin si Ken. “Bakit ako ang tinatanong mo, pwede ka naman magdesisyon sa sarili mo lalo’t ikaw ang kanilang lider.”  Seryosong sagot ko sa kanya pero hindi ko pa din inaalis ang aking tingin kay Ken na kasalukuyan pa din nakaluhod sa puwesto nito. “May ginawa din sila laban sa’yo kaya kailangan ko ng iyong opinion.” Ang dami pa sinasabi ni Deimos alam ko naman kung anong gagawin n’ya para sa mandirigma. “Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Isa pa ay humingi naman s’ya ng tawad kaya bakit hindi natin iyon ipagkakait sa kanya.” Diniretso ko na si Deimos upang hindi na mag-alinlangan ang lalaki sa dapat n’yang gawin. “Althaia maraming salamat!” Malakas na sigaw ni Ken sa akin. Naririnig nga pala ng lalaki an gaming pinag-uusapan dahil medyo malapit na s’ya sa amin. Tinignan ko si Deimos dahil hindi na ito muling nagsalita. “Sige pinapatawad na din kita basta tutuparin mo ang iyong pangako sa amin.” Maawtoridad na wia ni Deimos. Bahagya akong napangiti dahil kung titignan ay tila isang mahigpit na lider ang lalaki pero may nakatagong liwanag naman pala sa puso nito. “Maraming salamat Deimos.” Tumayo na ngayon si Ken at nilingon nito ang kanyang mga kasama na nasa likuran lamang. “Mga kasama simula ngayong araw ay wala nang magsasalita ng kahit ano tungkol kay Althaia maging sa ating lider na si Deimos.” Malakas nitong sigaw kaya naman parang mga nagwagi sa isang giyera ang kanilang naging sigawan. Hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapangiti lalo at ganito na ang aming sitwasyon ngayon. Hindi ko akalain na hindi naman pala magtatagal ang kanilang pagbubulungan laban sa akin. Maswerte pa din talaga ako at lahat ito ay ipinagpapasalamat ko din dahil sa ginawa ni Deimos. Sana nga lang ay hindi na magbago ang samahan ng mga mandirigma na mayroon sa opisinang ito. “Althaia!” “Deimos!” Paulit-ulit nilang sigaw sa aming pangalan. Para tuloy kaming bagong kasal dahil sa kanilang ginagawa. Nginitian ako ni Deimos kaya naman ganun na din ang aking ginawa. “Halika at naghihintay na sa atin ang iyong pagsasanay.” Inaya na ako nito at nagpatiuna na sa kanyang paglalakad. Sumunod na din ako upang makalayo na sa grupo ni Ken dahil patuloy pa din sila sa ginagawang pag-sigaw ng aming pangalan. Pagkapasok namin sa opisina ay agad na umupo si Deimos sa puwesto nito. Umupo na lang din muna ako sa isang bakanteng upuan dahil kailangan kong hintayin ang kanyang sasabihin. “Magpahinga na lang muna kaya tayo.” Hindi ko alam kung utos iyon o humihingi s’ya sa akin ng pahitulot. Ano ba ang nangyayari dito kay Deimos dahil iba ang turing na ibinibigay nito sa akin. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki at nakasubsob na ito sa mga papeles na nasa kanyang lamesa. Sa tingin ko ay kailangan muna namin magpahinga sa pagsasanay dahil madali lang naman iyon gawin. Sa nakikita kong dami ng papeles sa lamesa nito ay tiyak kong aabutin s’ya ng gabi bago matapos ayusin ang lahat ng iyon. Naalala ko ang sinabi ko kahapon na dapat ay matutunan ko din ang trabahong ito upang hindi sila masyadong mahirapan pagdating sa mga paper works. Tiyak na malaking ginhawa sa kanila kapag may katulong sila sa pag-aayos nito. “Ahm Deimos ano kaya kung yan muna ang ituro mo sa akin ngayon?” Nagdadalawang isip pa na tanong ko sa lalako dahil hindi ko sigurado kung magandang ideya iyon para sa kanya. Alam ko naman na may mga importanteng dokumento ditto na hindi maaaring mabasa ng ilang mandirigma. Napaangat agad ng tingin sa akin ang lalaki at sa aking pakiwari ay tila nagniningning pa ang mata nito. Base sa kanyang hitsura ngayon ay natitiyak kong magandang ideya ang aking suhestiyon. “Bakit ngayon mo lang iyan tinanong sa akin.” Maging ang boses nito ay mahahalata mo na labis s’yang natutuwa sa aking ideya. Napangiti na lang ako dahil para s’yang bata na nabigyan ng tsokolate sa kanyang hitsura ngayon. “Hindi ko naman kasi sigurrado kung magugustuhan mo ang aking suhestiyon.” Iyon na lamang ang aking isinagot sa kanya. “Naku ayos nga ang iyong naisip. Mabuti na lang talaga at tinanggap ni King Daeyn ang iyong nais na pumasok sa aming opisina.” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Deimos. Nginitian ko na lang ulit ang lalaki at naghanap na ako ng aking puwesto malapit sa kanya. “Ano ba ang una kong dapat gawin?” Maayos na ang aking pagkakaupo kaya hihintay ko na lang ang kanyang magiging direksyon sa akin. Tumayo na din s’ya sa kanyang puwesto at nagsimulang kunin ang mga papeles na sa tingin n’ya ay maiintindihan ko agad. Isa-isa n’ya itong ibinigay sa akin habang sinasabi kung ano ang mga dapat kong gawin. Ang totoo ay tila hindi naiintindihan ang kanyang mga sinasabi dahil napakalapit ng kanyang mukha sa akin. Ngayon lamang ito nangyari sa akin dahil madalas na si Vera lang ang aking kasama at kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makisalamuha sa mga lalaki na kasing-edad ko. Naninibago ako sa bugso ng aking damdamin. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib anumang oras dahil sa lakas ng t***k nito. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin ngayon at nagkakaganito ako. Patuloy lamang sa pagbibigay ng direksyon si Deimos at ganun din naman ako na patuloy din sa pagtingin sa kanyang gwapong mukha. “Althaia?” Natigilan ako ng marinig ang kanyang pagtawag sa akin. Hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala sa kanya ngayon. “May problema ba sa mukha ko?” Bakit parang ang sarap pakinggan ng kanyang boses at tila nagiging musika iyon para mas lalo kong pagbutihin ang pagtingin sa kanyang mukha. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili at para akong ginamitan ng mahika. “Althaia?” Tuluyan akong bumalik sa sariling huwisyo ng alugin nito ang aking balikat at mataman na naatitig sa akin. “P-pasensya na.” Nahihiya kong wika at umiwas ng tingin sa lalaki ngunit hindi ko inaasahan ang sunod n’yang ginawa. Marahan n’yang hinawakan ang aking mukha at mataman na tinitigan ang aking mukha. Hindi ko na naman maintindihan pero tila wala akong lakas upang pigilan ang lalaki sa ginagawa nito. Dahan-dahan na naglakbay ang daliri nito sa aking labi dahilan para tuluyan akong mawala sa aking sarili. Anong nangyayari sa amin bakit kami nagkakaganito. Hindi ko akalain na ganito kalakas ang aking nararamdaman para sa lalaki. Maya-maya lang ay dahan-dahan nang lumalapit ang kanyang mukha sa akin at isang pulgada na lamang ang maglalapat na an gaming mga labi. Sigurado ako na pareho kami ng nararamdaman kaya ito nangyayari ngayon. Parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari dahil ilang araw pa lang kami nagkakasama. Sigurado na ba ako na dapat kong hayaan na mangyari itong ginagawa namin ngayon. Paano kung hindi pala totoo ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa at nadala lamang kami ng aming sitwasyon. Ang totoo ay naguguluhan talaga ako bakit ito nangyayari. Totoong taksil ang puso dahil kahit anong isip ko ay kusa na lamang pumikit ang aking mga mata upang namnamin ang aming magiging unang halik. Tila tuluyan na din na nawala sa kanyang sariling pag-iisip si Deimos at wala na s’yang ibang nais gawin kundi ang halikan ako. Pumikit na din s’ya at handa na kami sa maaaring mangyari nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina dahilan para itulak ko ng napakalakas si Deimos. “Aray!” Hawak pa nito ang kanyang balakang na tumama sa kanto ng isang lamesa. Hindi ko akalain na ganun ako kalakas para mapunta s’ya sa kanyang pwesto ngayon. Dahan-dahan pa s’yang tumayo at tinitigan ng masama si Marko na ngayon ay nakatayo lamang sa may pintuan at tila nakakita ng multo ang hitsura nito. “Marko ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko sa lalaki dahil maging pagkurap ng mata ay nakalimutan na yata nito.   “Deimos at Althaia , anong ginagawa n’yo?” “Naku, nakita yata ni Marko huhu.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD