“Ahh ano ba ang nangyayari sa akin at bakit ko iyon nagawa.” Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin ang bagay na iyon. Ang sigurado ko ay kakaiba ang t***k ng aking puso ng mga oras na iyon. Tila nahihirapan akong huminga na hindi ko maintindihan.
Ang totoo ay nagawa ko pang pigilan ang aking sarili nang mapansin ko na nakatitig lang sa akin si Althaia pero sobrang nagagandahan ako sa kanya ng mga oras na iyon kaya naman mas nanaig ang aking puso kaysa pagpigil ng aking utak sa nais kong gawin. Dala na din siguro ng dahil magkatabi kaming natulog kaya pakiramdam ko ay lumalim ang aking nararamdaman para sa kanya.
Mabuti na lamang at dumating si Marko kaya hindi ko naituloy ang paghalik sa kanya. Gayunpaman ay sigurado akong nagdulot iyon ng kahihiyan kay Althaia lalo at bestfriend ko pa ang nakahuli sa aming gagawin dapat.
Sa lahat ng babae na aking nakasalamuha ay kay Althaia lamang ako nakaramdam ng ganito. Bagama’t bago pa lang kaming magkakilala ay hindi ko din matukoy kung bakit ganito agad ang naramdaman ko para sa kanya.
Nung una ay sigurado akong paghanga lamang iyon dahil sa insidente kung saan n’ya ako unang nakita na sinabi lamang sa akin ni Marko. Pangalawa naman ay dahil siguro sa pakiramdam na ako ang may kasalanan kung bakit napaslang ang kanyang mga magulang. Pangatlo ay nung nagdesisyon s’ya na maging mandirigma na sobra kong hinangaan dahil isa nga s’yang babae. Idagdag pa ang mga insidenteng ipinagtanggol ko s’ya laban sa aking mga mandirigma at ang pinakahuli ay dahil sa napag-alaman namin na magkatabi kaming natulog sa silid ng opisina.
Habang tumatagal ay tila hindi ko na nais alisin ang aking tingin sa kanya. Gusto ko na lagi s’yang nakikita at nakakasama. Sino ba naman ang hindi tatamaan kay Althaia kung ganun ang kanyang pag-uugali. Isang matapang na babae at napakalakas ng loob. Bonus pa ang pagiging maganda nito at ang pagkakaroon ng busilak na kalooban.
Hindi lang ako sigurado kung ganito pa din ang magiging epekto n’ya sa akin kung ibang sitwasyon kami nagkita. Pakiramdam ko naman ay ganun pa din dahil para kaming itinadhana sa isa’t-isa. Masakit man sa tainga pakinggan pero iyon talaga ang aking nararamdaman. Parang matagal na kaming magkakilala dahil tila napakalalim na ng aming pinagsamahan kahit pa nga halos isang linggo pa lang kami nagkakasama at nagkikita.
“Hoy anong ginagawa mo bakit nandito ka pa.” Bahagya pa akong nagulat kay Marko nang bigla na lamang ito sumulpot sa aking harapan. Lumilipad ang aking utak kaya hindi ko nararamdaman kung anong nangyayari sa aking paligid.
“Malamang nagtatrabaho ano pa ba ang gagawin ko ditto.” Pilosop[ong sagot ko sa kanya at itinaas pa ang isang bugkos ng papeles na nasa aking lamesa. Bahagya lamang itong natawa at umupo sa upuan na nasa aking harapan.
“Bakit kasi hindi ka kaagad bumalik dito kanina hindi ka naman talaga dapat kasama.” Nakatingin lamang s’ya sa aking ginagawa.
“Ayokong bumalik agad kanina kaya wala kang magagawa.” Ano din ba ang ginagawa pa nito sa opisina samantalang nakauwi na ang lahat. Mabuti na lamang at hindi na ako hinintay ni Althaia kanina at nagkusa na s’yang umuwi agad. Kahit sino naman ay ganun ang gagawin pagkatapos ng insidenteng nangyari sa amin.
“Ang sabihin mo nahihiya kang magpakita kay Althaia matapos ang aking nakita.” Nagawa pa talaga akong asarin nito ngayon. Itinigil ko muna ang aking ginagawa at hinarap na ang kaibigan. Tutal naman ay ito na ang aming pinag-uusapan ngayon kaya hihingi na din ako ng tulong sa kanya kung ano ang dapat kong gawin.
“Alam ko yun at kasalanan ko naman kasi kung bakit iyon nangyari kaya nga hindi muna ako bumalik dahil hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.” Pagtatapat ko sa kaibigan. Napakunot pa ang noo nito na tila nag-iisip din.
“Matanong nga kita ano na ba talaga ang nararamdaman mo para kay Althaia?” Seryosong tanong nito sa akin. Alam ko na ang sagot sa kanyang tanong matapos ang aking pagmumuni-muni kanina at hindi ko na din iyon maikakaila sa aking sarili. Hindi ko maaring baguhin ang t***k ng aking puso.
“Sigurado ako na tinamaan na ako sa babaeng yun kaya tulungan mo ako kung paano ko masasabi sa kanya ang aking nararamdaman.” Seryosong sagot ko sa kanya. Napataas pa ng kilay si Marko na tila sinasabing sa wakas ay umamin din ako sa tunay kong nararamdaman.
“Sabi na nga ba at tama ang aking hinala dahil masyadong halata ang mga titig mo kay Althia.” Hinampas pa ng kamay nito ang lamesa at mahahalata mo sa kanyang mukha na masaya ito sa kanyang narinig.
“Mukhang masaya ka yata?’ Hindi ko na napigilan ang sarili na tanungin ang kaibigan. Hindi ako makapag-isip lalo dahil nakikita ko ang masayang mukha nito. Kung alam lang sana nito ang halo-halong emosyon na aking nararamdaman.
“Syempre naman dahil sa wakas ay magkakaroon ka ng pag-ibig at hindi puro pagsisilbi sa kaharaian ang iyong inaasikaso.” Sabagay ay tama naman ang kanyang sinabi. Magmula nang dumating ako sa kaharian ng Daesyn ay masyado kong isinubsob ang sarili sa trabaho kahit pa nga walang halimaw na pumapasok sa kaharian.
Simula kasi ng maging lider ako ng mandirigma ay mas lalo kong pinagbuti kung anuman ang panangga na mayroon sa kaharian nang sa ganun ay hindi kami madalas pasukin ng halimaw. Ang epekto nga lang nito ay madalas naman na malalakas na uri ng halimaw ang nakakapasok. Gayunpaman ay hindi doon natapos ang aking trabaho dahil mas pinagbuti ko din ang kanilang mga dapat gawin kapag nasa ganoon ang aming sitwasyon.
Hindi ako papaya na mapunta lamang sa wala ang aking paghihirap bilang lider ng mga mandirgma kaya naman wala akong panahon sa pag-ibig. Sa tingin ko ay dahil wala pa din akong maibigan ng mga panahon na iyon. Hindi gaya ngayon na iba ang naging epekto sa akin ni Althaia.
“Oo alam ko kaya nga tulungan mo ako alam mo naman na wala akong alam sa ganito.” Kabaliktaran ko kasi si Marko. Kung ako walang panahon sa pag-ibig s’ya naman ay puro pag-ibig. Hindi ko na nga halos mabilang kung ilang babae na ang binanggit nito sa akin na kanyang kasintahan. Madalas ay tumatagal lamang sila ng tatlong araw at swerte na kapag umabot iyon ng isang buwan.
Sa tingin ko nga ay halos lahat ng babae sa pamilihan ay nakilala na n’ya. Wala naman akong magagawa dahiul iyon lamang din ang pinagkakaabalahan ni Marko maliban sa kanyang propesyon bilang mandirigma. Hindi man magandang pakinggan pero sabi ko nga ay wala akong magagawa dahil s’ya ang nagdedesisyon sa kanyang buhay. Sa akin naman ay kung anong nagpapaligaya sa aking kaibigan ay ikaliligaya ko na din para sa kanya.
“Madali lang yang problema mo kasi base sa aking obserbasyon ay tila pareho lamang kayo ng nararamdaman ni Althaia.” Nagpangalumbaba pa ito sa aking harapan. Napansin ko din nga ang ikinikilos ni Althaia. Sa tingin ko ay may punto si Marko dahil iyon din ang aking nararamdaman. Kung ganun ay lubos kong ikinagagalak na may pagtingin din sa akin si Althaia.
“Sige nga sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin.“ Pakiramdam ko ay nagging mas alerto ako ngayon na marinig kung anuman ang sasabihin ni Marko.Wala akong pakialam kung abutin kami ng madaling araw dito sa opisina dahil lamang sa dapat kong gawin. Ngunit natigilan ako ng may sumagi sa aking isipan.
“Sandali paano kung hindi na bumalik si Althaia dito sa opisina dahil kitang-kita ko sa kanyang hitsura kahapon na sobrang nahiya s’ya sa akin allo na sa’yo.” Magsasalita na sana si Marko ng bigla ko s’yang pigilan. Ang pangit tuloy ng kanyang hitsura ngayon dahil bahagyang nakanganga ang kanyang bibig at para s’yang estatwa na natigil sa ere ang kanyang kamay.
“Parang hindi mo naman kilala ang babaeng yun.” Hindi ko masundan ang sinabi ni Marko dahil alam ko sa sariling kilala ko ang babae.
“Bakit naman?” Tanong ko sa kanya dahil ayoko ng mag-isip kung pwede naman n’yang sabihin sa akin kung ano iyon.
“S’ya mismo ang nagdesisyon na maging mandirigma kahit isa s’yang babae. Ibig sabihin lang nun ay hindi s’ya magpapaapekto kung ano ang nangyari kanina.” Napatango ako sa kanyang sinabi dahil sabi ko nga ay kilala ko si Althaia. Malakas ang loob nito kaya siguradong papasok pa din s’ya bukas.
“May punto ka sa iyong sinabi. Sige ituloy mo na kung ano ang sasabihin mo sa akin kanina.” Umayos pa ako ng pwesto at mas lumapit sa kanya upang marinig ang mga sasabihin nito. Napadiretso ako ng upo nang bigla nitong iniangat ang kamay bilang senyales na putulin muna namin an gaming pinag-uusapan.
”Sandali nagugutom ako kukuha lang muna ako ng pagkain sa paminggalan.” Hindi na n’ya hinintay ang aking sagot at basta na lamang tumayo at agad na nagtungo sa lugar kung saan kami kumakain.
“Hindi pa talaga n’ya tinapos kung anong sasabihin n’ya sa akin bago s’ya nagtungo doon.” Nanghihinayang na wika ko kahit wala na ang aking kausap. Bakit naman kasi ngayon n’ya pa naisip kumain. Napatingin ako sa aking relo at ganun na lamang ang aking pagkagulat nang mapagtanto kung anong oras na.
“Nagugutom din pala ako.” Nagpasya akong tumayo at sumunod kay Marko upang makakain na din dahil madaling araw na pala.