PAGPAPLANO

1661 Words
“Oh bakit nandito ka din?” Nakataas pa ang kilay na tanong sa akin ni Marco nang makita ako nito sa pantry. Kaming dalawa na lamang ang nasa lugar kaya naman napakatahimik ng paligid. “Nakaramdam din ako ng gutom at napagtanto ko kung anong oras na.” Sagot ko sa kanya habang binubuksan ang isang kabinet kung saan nakalagay ang mga pagkain na hindi na kailangan lutuin. “May balak ka pa ba umuwi ngayon?” Umupo na si Marko at sinimulan na nito ang kanyang pagkain. “Sa tingin ko ay dito na lang ulit ako matutulog.” Umupo na din ako sa kanyang tabi at sinimulan na din ang pagsubo ng aking pagkain. Nagkuwentuhan na lang muna kami habang kumakain para hindi din kami antukin agad. May kailangan din palang tapusin ang lalaki kaya nandito pa din s’ya sa opisina. “Naisip ko lang bakit kaya hindi mo sabihin kay Althaia kung ano ang nararamdaman mo para naman mawala na yung kaba dyan sa dibdib mo.” Nakalimutan yata nito na iyon nga ang balak kong gawin kaya humihingi ako sa kanya ng tulong. Gusto ko na talaga sabihin kay Althaia kung ano ang aking nararamdaman upang hindi ako parang baliw na nag-iisip ng kung anu-ano. Sana talaga ay pareho nga kami ng nararamdaman dahil ito ang unang beses na magtatapat ako sa isang babae. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin idagdag pa ang mga insidente na nangyari sa amin ng hindi sinasadya. Siguro ay paraan na din iyon ng tadhana upang matauhan ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa dalaga. Gayunpaman ay sigurado ako na iba ang naging epekto nito kay Althaia. Kaya kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo apara hindi n'ya din ako pag-isipan ng mali. “Iyon nga ang gagawin ko diba paulit-ulit ka naman.” S'ya naman ngayon ang tinaasan ko ng kilay kahit pareho kaming lalaki ay nakasanayan namin itong gawin. Mas nauna pa akong natapos kumain kay Marko. Kahit kailan talaga ay napakabagal kumilos ng lalaking ito. “Pasensya na gutom nga kasi ako kanina.” Pagdadahilan pa nito sa akin kahit ang totoo ay nakalimutan n’ya talaga na sinabi ko na yun kanina. "Oo nalang." Tumayo na ako sa aking kinauupuan upang bumalik na ulit sa opisina. Nang makita ko ni Marko ay kumilos na din s'ya upang sumunod sa akin. Hindi ko kasi matatapos ang aking trabaho kung dito kami magkukuwentuhan ni Marko. "Ano kaya kung surpresahin natin si Althaia para nakakakilig." Gusto ko lang ulitin na totoong mahilig sa babae si Marko at alam nito kung ano ang kanilang kiliti gaya na lamang na suhestiyon nito ngayon sa akin. "Magandang ideya yan pero paano kung hindi na s'ya bumalik siguradong masasayang lang ang paghihintay natin para sa ating surpresa." Tumigil pa ako sa aking ginagawa para sabihin iyon sa kanya. "Parang wala ka naman tiwala sa akin. Sigurado ako sa isandaang porsyento na babalik at papasok mamaya si Althaia." Tila galit pa na wika nito sa akin. "Sige nga magpustahan tayo." Paghamon ko sa kanya. Kung anong galing nito sa usapang babae at pag-ibig ay kabaliktaran naman iyon pagdating sa mga pustahan dahil hindi s'ya swerte doon. "Ayoko nga alam mo naman na yan ang pinakaaayawan ko." Kanina pa ito nakaupo sa harap ng lamesa ko at ngayon lamang nagdesisyon na magsimula sa mga papeles na kailangan din n'yang tapusin. "Alam ko kaya nga hinahamon kita." Bahagya akong natatawa dahil sa rekasyon ng kausap. "Ganito na lang para sigurado tayo. Kailangan natin mag-isip ng dalawang plano na maaari nating gawin para sa magkaibang sitwasyon na pwedeng mangyari." Tumigil na naman ito sa kanyang trabaho. Paano kaya nito matatapos ang lahat ng kanyang kailangan. Mas madami pa s'yang kwento kaysa trabaho. Sabagay ay pabor naman iyon sa akin dahil ibig sabihin lang nito ay handa s'yang tulungan ako sa aking sitwasyon ngayon. Bahala na s'ya mamaya kapag hindi n'ya natapos ang mga papeles na hawal n'ya. Alam ko na masama ang aking naisip pero ganun din naman si Marko sa akin kung minsan at ito ang dahilan kung bakit naging magkaibigan kaming dalawa. "Sige para hindi tayo mapahiya parehas dahil damay ka na din dito." Tinuro ko pa s'ya na tila sinasabing hindi s'ya makakawala sa akin kung sakaling pabayaan ako nito. "Oo na alam ko kaya nga nag-iisip ako ng magandang ideya na pwede nating gawin." Tuluyan na nitong pinabayaan ang mga papeles sa kanyang harap at tila nag-iisip na nakatingin sa kawalan. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa isipin na siguradong sisisihin ako nito mamaya kapag napagtanto n'ya na hindi pa tapos ang kanyang mga papeles. Magpapalakasan lang naman kami nito kaya balewala sa akin kung magagalit s'ya. "Ang una kong naisip ay sorpresahin na lang natin si Althaia yung tipong hindi n'ya aakalain na magtatapat ka na pala sa kanya para nakakakilig." Umakto pa itong nanginginig para ipakita kung paano ang kilig na dapat maramdaman ni Althaia. "Siraulo ka talaga pero paano natin yun gagawin?" Maganda naman ang kanyang naisip kaya gusto kong malaman agad kung anong dapat kong gawin para sa plano. Agad naman nitong sinabi sa akin kung ano ang dapat kong gawin kaya itinigil ko muna saglit ang aking ginagawa. Sa haba ng pag-uusap namin ngayon sa tingin ko ay hindi na kami makakatulog. Siguro ay mamayang hapon na lang at babangon nalang kung sakaling may halimaw na nakapasok. "Sigurado ka ba na gagana yan sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya matapos marinig kung anong gagawin namin para sa binabalak na surpresa. "Oo naman subok ko ang ganitong teknik kaya huwag ka mag-alala dahil sisiguraduhin kong magugustuhan ka lalo ni Althaia at maaring sagutin ka pa n'ya." Walang pag-aalinlangan nitong sagot sa akin kaya naman kahit medyo nag-aalala ay naniwala na lang ako sa sinabi ng kaibigan. Tutal ay subok na nga nito ang ganitong gawain. "Ano naman ang plano natin kung sakaling hindi s'ya pumasok ngayong araw?" Desidido na akong hindi palalampasin ang araw na ito hangga't hindi ko nasasabi kay Althaia ang aking nararamdaman. "Madali lang din ang pwede nating gawin at sigurado akong kaya mo iyon dahil sa hitsura mo ngayon." Nagtataka pa akong itinuro ang sarili at kinuha ang salamin na nasa kabinet ng aking lamesa. Doon ko napansin na masyadong halata sa aking mukha ang determinasyon para sa aking pag-ibig. "Oh ano naman ang gagawin ko pag hindi s'ya bumalik dito?" Tutal naman ay bistado na ako ni Marko kaya wala na akong pag-aalinlangan sa kanya. Gusto kong malaman lahat ng kanyang naiisip para magawa ko ng tama ang nais kong gawin. Hindi ako nag-aalala sa magiging kinalabasan dahil sabi ko nga ay desidido na ako. Ang mahalaga ay mailabas ko na sa aking dibdib ang aking nararamdaman at malaman iyon ni Althaia sa mas maagang oras upang hindi ko iyon pagsisihan sa huli. "Ang pinakamadali na pwede mong gawin kung sakali ay puntahan s'ya sa palaayo upang doon magtapat ng iyong nararamdaman." Parang wala lang na sabi nito pero iba ang epekto sa akin. "Anong sabi mo kailangan ko pumunta sa palasyo?" Medyo napalakas ang boses na tanong ko sa kanya dahil hindi ko akalain na iyon ang ipapagawa nito sa akin. "Oo para kapani-paniwala ang iyong pagtatapat." Hindi nagbabago ang reaksyon nito samantalang natataranta na ako sa aking kinauupuan. "Baka naman may iba pa na pwede natin gawin bukod doon." Pakiusap ko sa kaibigan. Hindi ako sigurado kung kaya ko yun gawin dahil sobrang nakakahiya iyon. Nandun si King Daeyn at ang anak noto na si Vera. Siguradong aasarin ako ng prinsesa kapag nakita nito kung ano ang aking gagawin base na din sa pag-uugali nito. "Pasensya na kaibigan pero wala na akong maisip na ibang paraan." Iwinasiwas pa nito ang kamay n'ya na tila itinataboy ako dahil wala na s'yang ibang sasabihin sa akin bukod doon. Hindi ako naniniwala dahil alam kong madami s'yang ginagawang teknik kapag nagpapapansin sa babae. Akala ko pa naman ay sobrang dali ng ipapagawa nito sa akin pero hindi ko akalain na iyon ang kanyang maiisip. Pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay tila hihingiin ko na ang kamay ni Althaia para maging kabiyak. Magtatapat lang naman ako ng nararamdaman sa kanya kaya sa tingin ko ay hindi iyon angkop na maging plano. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang mapang-asar na tawa ni Marko. Sabi ko na nga ba at pinagkakatuwaan ako nito dahil masyado akong seryoso. "Niloloko mo naman yata ako." Tinignan ko s'ya ng matalim pero mas lalo lamang nito nilakasan ang kanyang pagtawa. Hindi ako makapaniwala na pinagtatawanan ako ngayon ni Marko. "Hindi kita niloloko dahil seryoso ako na yun ang magandang gawin kung sakaling hindi na bumalik dito si Althaia." Sa tingin ko ay hindi nga ito nagbibiro dahil naging seryoso na naman ang mukha nito. "Hay ganito ba talaga kapag umiibig?" Napasabunot pa ako sa sariling buhok dahil sa mga pinapagawa sa akin ni Marko. Tila gumaganti ito sa mga pang-aasar na ginagawa ko sa kanya. "Hindi ka pa ba tapos gusto ko ng matulog mamaya ko na lang tatapusin ang mga papeles na yan." Tumayo na ito at tila magtutungo na sa silid na nasa opisina. Nakakaramdam na din ako ng antok kaya tumayo na din ako at nagligpit upang alam ko kung ano ang mga dapat ko pang gawin pagkagising. "Mauna na ako dahil mag-iiwan ako ng mensahe sa ating mga kasama para sa sorpresa natin mamaya kay Althaia." Pagkasabi nito ay umalis na din agad ang lalaki. Tinapos ko na ang pagliligpit upang makapagpahinga na dahil maya-maya lang ay sisikat na ang araw. Nararamdaman ko na ang pagod dahil ilang gabi na din akong nagtattrabaho ng sobra sa aking oras pero wala akong magagawa dahil kailangan ko itong gawin. "Sana pumasok si Althaia mamaya dahil hindi ko nais magtungo sa palasyo para lang magtapat sa kanya ng aking nararamdaman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD