KAPANGYARIHAN

1638 Words
“P-pasensya na pero kailangan ko s’yang iligtas.” Kung kanina ay wala akong pag-aalinlangan ngayon naman ay tila nahintakutan ako sa tanong sa akin ni Deimos. “Alam ko pero paano mo yun nagawa?” Hindi pa din nawawala ang pagtataka sa mukha ng lalaki. Hindi ko ngayon alam kung ano ang kanyang ibig sabihin. Maliwanag na ngayon dahil sumikat na ang araw at napansin ko na pagtataka din ang nasa mukha ng mga mandirigma na nakatingin sa amin. “Maraming salamat po.” Bahagya pa akong nagulat ng makalapit sa amin ang magulang ng batang lalaki na aking iniligtas. Sigurado ako na labis ang kaba na naramdaman nito kanina. “Walang anuman po, sige sumama ka na sa iyong nanay.” Binitawan ko na ang batang lalaki at nag-iiyak pa ito ng sumama sa kanyang magulang. Kung hindi ako nagdesisyon kanina na gawin ang bagay na ito malamang ang kanyang nanay ang iiyak ngayon. “Halika kailangan natin mag-usap.” Hinawakan na ako sa kamay ni Deimos at hinila patungo sa karwahe dahil kasalukuyan ng nagliligpit ang ibang mandirigma. Nakaalis na din ang iba naming kasama upang bumalik sa opisina. “Sandali nga bakit parang may iba akong nagawa bukod sa pagligtas sa bata?” Gusto kong malaman kung ano ang tinutukoy nito. Hindi ako mapalagay dahil na rin sa kanyang tingin. “Hindi mob a talaga alam kung paano mo yun nagawa?” Kumunot pa ang noo nito habang mataman akong pinagmamasdan. “Hindi ko nga alam kung ano ang ibig mong sabihin dahil wala akong natatandaan na ibang ginawa kanina.” Bahagya na akong naiinis dahil parang may kasalanan ako na hindi ko alam. Ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa bintana upang pagmasdan an gaming dinadaan. Marahil ay naramdaman ni Deimos na hindi maganda ang aking mood kaya tumahimik na din ang lalaki. Wala kaming imikan hanggang makarating sa opisina. Gayunpaman ay hindi matahimik ang aking utak sa pag-iisip kung ano ang tinutukoy ni Deimos. Naunang bumaba Si Deimos at nakasunod lamang ako sa kanya. Nagalit yata sa akin ang lalaki kaya hindi na din ako nito pinapansin. Pinabayaan ko na lamang dahil ako naman ang nagsimula kaya nagkaganito. Nakakainis dahil ito ang unang araw namin bilang magkasintahan. “Hindi ba at s’ya ang may gawa nung nakakasilaw na liwanag kanina?” Narinig kong wika ng isang mandirigma na aming nadaanan bago makarating sa silid ni Deimos. Marahil ay may bagong isyu na naman sa opisina kaya sila nagbubulungan. Patuloy lamang ako sa paglalakad at hinayaan na ang mga mandirigma na nag-uusap. “Akala ko ba ay wala s’yang kapangyarihan kaya bakit n’ya iyon nagawa?” Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang tanong ng isa sa mga nagbubulungan. Hindi ko sigurado kung ako ang kanilang pinag-uusapan. Lilingunin ko sana sila upang tanungin nang magsalita naman si Deimos na tumigil din pala sa kanyang paglalakad. “Tama ang iyong narinig at ikaw ang kanilang tinutukoy.” Seryoso si Deimos kaya sa tingin ko ay totoo ang sinasabi nito. “Sandali anong kapangyarihan ang kanilang sinasabi?” Nilakihan ko ang hakbang upang sabayan si Deimos sa paglalakad. Ito ba ang ibig sabihin ng mga tanong at pagtataka n’ya sa akin kanina. “Kaya nga gusto kitang makausap dahil gusto kong malaman kung anong nangyari kanina.” Hinawakan na ako nito sa kamay upang makapasok na kami agad sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari kaya siguradong wala akong masasabi sa kanya. “Ang totoo ay hindi ko alam kung paano nangyari ang sinasabi n’yo na nagawa ko kaya hindi ko alam kung anong sasabihin sa’yo.” Agad akong umupo nang makapasok kami sa opisina. Tinabihan naman ako ni Deimos. “Sa tingin ko nga ay hindi mo alam kung ano ang nangyari.” Nakangiti na s’ya ngayon sa akin kaya nawala na din ang kung anu-anong nararamdaman ko. “Anong dapat kong gawin?” Inakbayan muna ako ni Deimos bago ulit nagsalita. “Gusto kong malaman kung ano ang naramdaman mo kanina.” Marahil ay may maitutulong iyon upang malaman kung paano ko iyon nagawa kaya n’ya tinatanong. “Ang tanging nasa isip ko lamang kanina ay ang kagustuhan na mailigtas yung bata.” Halos hindi ko nga sila marinig kanina na tinatawag ako para pigilan sa aking pagtakbo. “Hindi mo ba alam na ang nakakasilaw na liwanag kanina ay nagmumula sa iyong mga mata." Napanganga ako ng marinig ang kanyang sinabi. Hindi ko talaga tiyak kung paano yun nangyari. Sigurado ako na walang kapangyarihan pero nakakapagtaka na nagawa ko ang bagay na kanilang sinasabi. Bigla akong napaisip ng maalala ang nangyari kanina sa aking katawan bago ko nakita ang nakakasilaw na liwanag. "Naalala ko pala na parang may kung anong puwersa akong naramdaman kanina. Idagdag pa ang pagnanais ko na mailigtas ang bata at huwag itong magaya sa aking mga magulang." "Maaari mo ba ipaliwanag sa akin kung paano yung pakiramdam na yun?" Desidido talaga si Deimos na malan kung paano iyon nangyari. "Nung nakita ko ang magiging sitawasyon ng bata hindi ako nagdalawang isip na puntahan s'ya kahit pa nga alam ko na wala akong magagawa. Alam mo yung pakiramdam na takot ka mangyari sa kanya yung nangyari sa aking mga magulang. Iyon ang nagtulak sa akin para gawin ang bagay na yun hanggang sa dumating ang punto na tila hindi ko na kayo marinig at nakatuon lamang ang aking atensyon sa bata. Narinig ko na lang ulit ang pagtawag mo sa akin nung nasa harapan ko na s'ya at malapit na sa amin ang halimaw. Sa puntong iyon may kung anong puwersa ang nais kumawala sa aking katawan na hindi ko pinansin dahil hindi ko alam kung para saan yun hanggang sa makita ko ang nakakasilaw na liwanag." Mahabang kuwento ko sa kanya. "Sa tingin ko kaya iyon nangyari ay dahil sa pagnanais mo na tulungan yung bata." Halata sa mukha ni Deimos na hindi pa din ito makuntento kung paano iyon nangyari ng dahil lang sa ganun. "Hindi ko alam." Napabuntung hininga ako dahil hindi ko din alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya sa kaalaman na may kapangyarihan ako kahit hindi ko alam kung paano iyon nagawa. Kung ganun ay saan ko nakuha ang kapangyarihan. Maaari ba na may kakayahan ang aking tunay na mga magulang. Pero base sa hitsura ni Deimos at pgtataka ng mga mandirigma ay tila ngayon lamang nila nakita ang kakayahan na nagawa ko. Madami tuloy akong tanong ngayon para sa sarili ngunit paano ko malalaman ang sagot kung hindi ko naman kilala ang tunay kong mga magulang. Mananatiling magulo ang aking pag-iisip dahil ako mismo ang sasagot sa aking mga katanungan. "Paano kaya kung isipin mo ulit ngayon kung ano ang inisip mo kanina." Suhestiyon ni Deimos sa akin at nakatitig pa sa akin ang lalaki. "Kaya ko naman s'yang gawin pero para saan?" Sa tingin ba ni Deimos ay maaari ulit mangyari ang nagawa ko kanina dahil lamang sa pag-iisip ng parehong sitwasyon. "Baka sakaling mapalabas ulit natin ang iyong kapangyarihan." Tama nga ang aking naisip. Kung ganun ay susubukan ko kung ano ang kanyang pinapagawa sa akin. Kailangan kong simulan ang pagtuklas sa sarili kong kapangyarihan. Hinawakan pa ni Deimos ang aking kamay na tila sinasabing nasa tabi ko lamang s'ya at hindi ako nito pababayaan. Mabuti na lamang at ganito na ang sitwasyon namin ni Deimos ngayon dahil mas panatag ang aking loob na gawin kung ano ang nais nito. "Sige susubukan ko." Nginitian ko s'ya at tumango lamang ito bilang pagsang-ayon. Pumikit ako upang mas maisip ko ng mabuti kung ano ang dapat kong isipin na maaaring naging dahilan sa paglabas ng aking kakayahan. Inalala ko ang hitsura ng mga kinilala kong magulang. Yung sakit na naramdaman ko ng makita silang pareho na walang buhay. Yung pakiramdam na wala akong nagawa para iligtas sila sa kamay ng mapanakit na Olobo. Binalikan ko yung kagustuhan na ligtas sana sila kung hindi ako umalis ng bahay at iniwan sila. Tila nabuhay lahat ng aking nararamdaman noon. Ang sakit, lungkot, pangungulila, pagsisisi at ang walang katumbas na pagmamahal ko sa kanila. Dahil sa halo-halong emosyon ay muli ko na naman naramdaman ang bugso ng kakaibang puwersa o enerhiya na nais kumawala sa aking katawan. Napapikit ako ng mariin at binalikan sa aking isip ang kalagayan ng bata kanina. Ang kagustuhan na makalapit ako sa kanya at mailigtas laban sa Hyae na mas malapit sa kanya. Ang pagkabingi sa nangyayari sa paligid at tila pagkakaroon ng sariling dimensyon na tanging ako lamang ang nakakaramdam. Muli akong napapikit ng mariin dahil tila sasabog ang aking ulo sa lakas ng puwersa na aking nararamdaman ngayon. Palakas iyon ng palakas at tila hindi ko na ito kayang pigilan kahit hindi ko matukoy kung saan ito nagmumula. Napahigpit ang aking hawak sa kamay ni Deimos dahil sa tindi ng aking nararamdaman. Kung kanina ay nabingi lamang ako ngayon naman ay tila namamanhid na din ako at hindi malaman kung ano na ang nangyayari sa aking katawan. "Althaia?" Hindi ko sigurado kung bakit si Deimos ay nagagawa kong marinig. Tila nag-echo sa aking isip ang ginawa nitong pagtawag sa aking pangalan. Sa kabila nito ay nararamdaman kong nais ng kumawala ng puwersa na nagmumula sa aking katawan. "Althaia ayos ka lang ba?" Muling nagsalita si Deimos pero sa pagkakataong ito ay malabo na iyon sa aking pandinig. Hindi ko na kaya ang aking nararamdaman ngayon kaya naman agad akong nagmulat ng aking mga mata at buhat doo ay isang nakakasilaw na liwanag na naman ang aking nakita. Naramdaman ko pa na tila may nagbukas sa pintuan ng silid gayun din ang paglapit ng ilang mandirigma sa aming kinaroroonan. Napahigpit din ang hawak sa akin ni Deimos ngunit maya-maya lamang ay tila wala sa sariling muli akong napapikit at nanlalambot na napasandal kay Deimos. "Althaia!" Nag-aalalang pagtawag sa aking pangalan ang huli kong narinig hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD