PAGBABANTAY

1582 Words
Mabigat ang aking pakiramdam at masakit ang aking ulo. Para akong may sakit na hindi ko.maintindihan. Agad akong napabalikwas ng maalala kung ano ang nangyari kanina dahilan para magulat din si Deimos na kasalukuyang nagbabantay sa akin. "Althaia maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala nitong tanong sa akin at hinawakan pa ako sa noo. Doon ko napagtanto na nilalagnat pala ako kaya mabigat ang aking pakiramdam. "Medyo masakit ang aking ulo at mabigat din ang pakiramdam ko." Nanghihinang sagot ko sa kanya. "Gusto mo ba na ihatid kita sa palasyo para makapagpahinga ka ng ayos?" Inalalayan na ako nito ngayon para makaupo sa higaan. Nandito ako sa silid kung saan natutulog si Deimos dahil nakikita ko ang ilang gamit ng lalaki sa lugar. Pag umuwi ako ng palasyo ay hindi na ako mababantayan ni Deimos kaya lang sigurado akong matatambakan na naman ang trabaho ng lalaki dahil sa kakatingin ng aking kalagayan. Nandoon naman si Vera at aiguradong hindi ako nito pababayaan. Nauuhaw ako kaya binigyan agad ako nhg tubig ni Deimos. Hindi pa din nawawala sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. "Sa tingin ko ay nabigla ang iyong katawan dahil hindi pa sanay sa paggamit ng iyong kakayahan." Hawak pa nito ang aking likod habang sinasabi iyon. "Siguro nga. Sige ihatid mo na ako ngayon sa palasyo para malaman din ni Vera ang aking kalagayan." Sigurado akong katakot-takot na sermon ang mapapala ko sa babae kapag hindi ko ipinaalam sa kanya ang tungkol sa nangyari sa akin. "Sige ipapahanda ko lang ang karwahe na ating sasakyan." Lumabas na din agad ito ng silid at hindi nagtagal ay bumalik din s'ya agad. "Teka bakit may dala ka na mga papeles?" Bitbit nito sa kaliwang kamay ang kanyang bag kung saan nilalagay ang mga papeles na madalas nitong inaayos. "Kailangan ko itong tapusin pero gusto din kitang bantayan." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na ganito ako aalagaan ni Deimos bilang aking nobyo. "Halika na." Sinubukan kong bumaba sa higaan ngunit lalo lamang akong nahilo kaya naman pinasakay na lang ako ni Deimos sa kanyang likod upang makarating kami sa karwahe. Nadaanan pa namin si Marko at bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Nginitian ko lang ang kaibigan ni Deimos at nagpaalam na din dito. "Alam mo ba na yung ginawa mong liwanag kanina ay nakapagpagaling sa lahat ng mandirigma na nakakita nito." Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi kaya agad akong nagpababa nang makarating kami sa karwahe. "Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot pa ang noo na tanong ko sa kanya. "Sa tingin ko ang kakayahan mo ay may kaugnayan sa pagpapagaling pero hindi ko sigurado kung yun lamang ang kaya mong gawin." Seryosong sagot n'ya sa akin. "Hindi ko alam kung anong sasabihin."Tila naiiyak pa na wika ko sa kanya dahilan para yakapin ako nito. Hindi ko akalain na ganitong kakayahan pa ang mapupunta sa akin. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Parang kanina lamang ay nagmamadali akong magtungo sa opisina kahit alam ko na wala akong maitutulong. Heto at pauwi na ako ngayon dahil masama ang aking pakiramdam gawa ng paglabas nitong kakayahan sa aking katawan. "Anong mangyayari ngayon sa akin?" Hindi ko maiwasan na tanong kay Deimos nang kumalas na ito mula sa pagkakayakap. "Kailangan mong magsanay at pag-aralan ang iyong kakayahan. Kailangan natin malaman kung paano mo s'ya makokontrol at ano pa ang ibang bagay na maaari mong gawin gamit ang iyong kakayahan." Hawak naman nito ngayon ang aking kamay. Dahil sa sobrang alaga ni Deimos sa akin ngayon ay tila hindi ko na maramdaman ang sakit ng katawan maliban sa pakiramdam ng pakahilo. Tumango ako sa kanyang sinabi dahil makakatulong yun sa akin upang matuklasan ang aking pagkatao. Nais kong malaman kung sino ang tunay kong mga magulang. Wala akong ideya noon dahil wala akong bagay o kahit anong gamit na maaaring may koneksyon sa aking mga magulang. Sa ngayon ay hindi ko kailangan ng kahit anong gamit dahil nagmumula mismo sa aking katawan ang kakayahan na maaaring magturo kung sino ang aking mga magulang at kung saan ako galing. Sa oras na gumaling ako ay magsisimula na agad ako sa paghahanap. Aalamin ko kung saan nakikita ang kakayahan na katulad sa akin. Gagamayin ko ang lahat ng impormasyon na aking makukuha para makilala sila. Maya-maya lamang ay nakarating na kami sa palasyo. Mabilis na bumaba si Vera upang salubungin kami nang marinig nito ang balitang nakauwi na ako. Lumabas na din sa silid si King Daeyn upang makita ang aking kalagayan. "Althaia anong nangyari sa'yo." Nag-aalalang tanong sa akin ni Vera. Iniakyat na din ako ni Deimos sa aking silid kasunod ang mag-ama. "Nabigla ang kanyang katawan dahil sa paggamit ng kapangyarihan." Sagot sa kanya ni Deimos dahilan para mapakunot ang noo ni Vera. "Sandali anong ibig mong sabihin Deimos?" Mahinahon na tanong ni King Daeyn pero bakas din sa mukha nito ang pagkagulat. "Tama ang inyong narinig dahil hindi normal na tao si Althaia kabilang s'ya sa amin na may kakayahan." Napanganga na ngayon si Vera dahil sa kanyang narinig. Agad nitong ibinaling ang tingin sa akin. "Kung ganun ay ano ang kakayahan ni Althaia?" Hindi ko na mabasa ngayon ang reaksyon ni King Daeyn. "May kakayahan s'yang pagalingin ang mga mandirigmang sugatan na tinatamaan ng liwanag na nanggagaling sa kanya." "Seryoso ganun kaganda ang kakayahan ni Althaia?" Sa wakay ay nakapagsalita din si Vera. Lumiwanag ang mukha ng kanyang ama at halos kuminang naman sa tuwa ang mga mata ni Vera. "Oo pero sa ngayon ay patuloy namin titignan ang iba pang bagay na maaaring gawin ni Althai gamit ang kanyang kapangyarihan." "Mabuti ang iyong naisip." Tumango pa si King Daeyn saka lumapit sa akin upang tignan ang aking kalagayan. Parang ama ko na talaga ang hari kaya ganun din ang pag-aalala nito para sa akin. "Magpagaling ka Althaia." Pagkawika nito ay nagpaalam na din ang hari dahil may mga trabaho pa itong gagawin. Naiwan ang dalawa sa aking silid at umupo sa aking tabi si Deimos. Tumaas naman ang kilay ni Vera dahil sa ginawa ng lalaki. "Sandali bakit hindi ka pa umaalis?" Mataray na tanong sa kanya ng aking kaibigan. Bahagya akong napangiti dahil siguradong magrarambulan ngayon ang dalawa. Kilala ko si Vera at hindi ito basta pumapayag na may ibang mag-aasikaso sa akin. "Babantayan ko si Althaia." Parang wala lang na sagot ng lalaki sa aking kaibigan. Hanga din ako kay Deimos dahil kahit prinsesa ang kausap nito ay hindi ko man lang s'ya nakitaan ng takot. "Kaya kong gawin yun, hindi ba at may trabaho ka?" Nakataas pa din ang kilay ni Vera. Hindi magpapatalo ang aking kaibigan. "Dinala ko na dito ang aking trabaho para mabantayan ng mabuti si Althaia." Itinaas pa ni Deimos ang bag na dala nito kung saan naroon ang mga papeles na kailang n'yang ayusin. "Ikaw lider ng mandirigma tapos iniwan mo mga kasama mo sa opisina." Sumbat na naman ni Vera sa lalaki. "Sanay na sila na ganun ang aking gawain." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Deimos dahilan para matawa ako sa dalawa. Walang may balak na magpaubaya sa kanila. "Ibig sabihin ginagawa mo talaga na iwan ang mga nasasakupan mo?" Nagtatakang tanong ni Vera. "Oo dahil madami akong trabaho." Inayos pa ni Deimos ang aking kumot at ibinalot sa aking katawan. "Anong ginagawa mo dito kung madami ka pala trabaho?" Siguradong napipikon na si Vera. Ngayon lang nangyari na may ibang nag-aalaga sa akin. "Tinapos ko na lahat ng mga dapat kong gawin bago ako nagpunta dito maliban dito sa papeles na bitbit ko." "Ugh Althaia bakit pinayagan mo na samahan ka dito ni Deimos." Nagmamaktol na wika ni Vera sa akin. Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa dahil sa inaasal ng kaibigan. Kung anong inis ang nararamdaman nito ay ganun din naman ang pagiging kalmado ni Deimos. "Sige na tapusin mo muna ang mga papeles na dala mo si Vera muna magbabantay sa akin." Bahagyang sumimangot si Deimos pero tumayo na din ito para sundin ang aking sinabi. Hindi naman na masyadong masama ang aking pakiramdam pero likas na sobrang mag-alala ang dalawa kaya mukhang malala ang aking sakit ngayon. "Pupuntahan ko na din si King Daeyn dahil ipapasa ko na ang iba dito." Binitbit na nito ang bag na dala. "Ako pa din ang love no Althaia." Parang bata na wika ni Vera kay Deimos. "Mahal ko naman s'ya." Natigilan si Vera sa pang-aasar dito dahil hindi n'ya akalain na yun ang kanyang maririnig. Maya -maya lang ay tila kinikilig na ang babae. "Sige tapusin mo na yan mga papeles para mabantayan mo si Althaia." Tinampal pa ako sa braso ni Vera na halatang kinikilig para sa aming dalawa ni Deimos. Nagpaalam na si Deimos at tuluyan ng lumabas ng aking silid. Nagulat pa ako ng biglang inilapit ni Vera ang kanyang mukha upang titigan ako. "Ganun talaga si Deimos sa'yo?" Naniniguradong tanong n'ya sa akin. "Halata ba?" Hindi ko mapigilan ang aking ngiti dahilan para magtitili sa tuwa si Vera. "Huwag ka nga maingay." Nakangiting saway ko sa kanya. Sumeryoso naman agad ang hitsura nito. "Pero hindi pa din ako makapaniwala na may kapangyarihan ang mahal kong kaibigan." Nang maalala ang nangyari ay hindi pa din talaga ako makapaniwal na nagawa ko ang bagay na yun. Idagdag pa ang sinabi ni Deimos na kaya kong magpaling ng mga may sugat upang tulungan itong maghilom. "Parehas lamang tayo ng nararamdaman ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD