KUWENTUHAN

1788 Words
"Hoy babae kumusta ang pagsasanay mo?" Hindi na makapaghintay si Vera at nais na nitong marinig ang aking kuwento. Ang totoo ay wala naman ako masyadong sasabihin sa kanya dahil wala naman din masyadong nangyari. Naubos nga lang ang oras namin sa pagpapalitan ng suntok at sipa sa isa't-isa. Nandito ngayon si Vera sa aking silid at sigurado akong hindi s'ya lalabas hangga't walang naririnig na kuwento mula sa akin. Hindi ko din nais itaboy ang kaibigan dahil kanina pa s'ya nakabuntot sa akin. Isa pa ay miss ko din ang kaibigan kahit pa nga isang araw lang kami hindi nagkita. Kung malapit kami noon ay naging mas malapit kami ngayon dahil madalas na kaming magkasama. Kulang na nga lang ay sundan din ako nito hanggang sa loob ng banyo. "Wala naman akong ikukuwento sayo kasi wala naman nangyari." Sigaw ko buhat sa banyo dahil nasa may pintuan nito si Vera. "Hindi ako naniniwala sayo dahil maghapon kayong magkasama ni Deimos." Balik na sigaw nito sa akin. "Ano ba gusto mong marinig na kuwento tungkol sa aking pagsasanay o tungkol kay Deimos?" Nagsimula na naman si Vera. "Ahm syempre tungkol sa inyo ni Deimos."Natatawang sagot nito dahil naramdaman ko kung bakit s'ya nangungulit. Lumabas na ako ng banyo at agad nag-ayos ng sarili. Tumabi na din sa akon si Vera at parang bata na naghihintay sa akin ng kuwento. "Anong nangyari?" Tinignan ko ng masama ang kaibigan pero makahulugang ngiti lamang ang ibinigay nito sa akin. "Ang totoo ay wala naman talaga nangyari maliban sa maghapon kaming nagsanay." "Anong ginawa n'yong pagsasanay?" Halata sa mukha nito ang interes tungkol sa nangyari sa aking maghapon. "Ahm ginawa ko lang yung mga natutunan ko sa self defense." Tipid na pagkuwento ko sa kanya. "Tapos?" Pakiramdam ko ay may gustong marinig ang babaeng ito na hindi ko naman alam kung ano iyon. "Wala na dahil yun lang naman ang ginawa namin." Pinilit ko ang sarili na mag-isip ng pwede ko pang sabihin pero wala na talaga. "Ano ba naman yan wala man lang nagyaring something sa inyo." Nanlulumong wika nito at sinamahan pa iyon ng pagsimangot n'ya sa akin. "Anong something!" Pinandilatan ko s'ya ng mata at muntikan ko pa mabatukan. Kung anu-ano na agad ang iniisip nito sa aming dalawa ni Deimos. "Alam mo na yun." Wala na naman balak tumigil ang mahal kong kaibigan. "Ewan ko sa'yo ang dami mong alam." Napailing na lamang ako sa inaasta ng aking kaibigan at humarap na sa salamin upang maglagay ng kung anong pampaganda sa aking mukha. "Pero sa tingin mo may gusto din ba ang lalaking iyon sa'yo? Tila inosenteng tanong nito sa akin. Hindi ba nito alam na ako at si Deimos ang kanyang tinutukoy. "Hindi ko alam saka wala lamang iyon dahil paghanga lang naman ang tingin ko sa kanya." "Hmm sa tingin ko kasi ay tila nay gusto din sayo si Deimos." Diretsong wika nito sa akin. "Hayaan mo na lang."Nagkunwari akong walang pakialam pero ang totoo ay kinikilig ako sa isipin na may gusto din sa akin ang lalaki. Minsan lamang ako magkasjmmgusti sa lalaki at ang maganda pa dito ay kung sino ang aking nagugustuhan ay ginugusto din ako nito pabalik. Ang pangit lamang ay hindi nagtatagal ang aking nararamdaman sa isang lalaki kahit pa nga tila kami ay itinadhana para sa isa'-isa. Pagdating naman kay Deimos ay iba ang aking nararamdaman. Sa tingin ko ay magtatagal ang paghanga ko sa lalaki lalo pa at lagi kaming magkasama. "Hoy anong iniisip mo?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni Vera. Hindi ko namalayan na malayo na pala ang nilalakbay ng aking isip. "Wala naman medyo inaantok lang ako."Pagdadahilan ko nalang sa kaibigan. "Akala ko ay may iniisip ka dahil hindi mo naririnig ang aking sinasabi." Bahagya pa itong sumimangot ulit. Tinapos ko na ang aking ginagawa at tinabihan ang aking kaibigan. Niyakap ko pa ito at naglambing sa kanya. "Pasensya na wala naman kasi talaga akong maikukuwento sa'yo." Alam kong gusto ni Vera na lagi kong sinasabi sa kanya kung ano ang nangyayari sa akin pero sa ngayon ay wala talaga akong masabi sa kanya. "Pakiramdam ko ay hindi na kita lagi makakasama lalo kapag naging ganap ka ng mandirigma." Nakanguso pa nitong wika sa akin. "Naku malakas ako sa hari kaya pwede akong magpaalam sa kanya para magkasama tayong dalawa."Natatawa kong wila pero bigla akong sumeryoso ng maalala ang bulungan kanina sa akin ng mga mandirigma. "Bakit may nangyari ba kanina?" Kilala talaga ako ni Vera kaya hindi na ako maaring magdahilan pa sa kanya. "Hmm nalaman nila na magkaibigan tayo kaya inakala nilang malakas ang aking kapit kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magsanay bilang mandirigma." "Grabe sila hindi ka naman kilala para husgahan ng ganun." Agad na naalibadbaran si Vera sa kanyang narinig. "Alam ko naman iyon pero kahit sino ay ganun ang iisipin lalo pa at ako ang kauna-unahang babae na magiging mandirigma." Kaya nga mainit ang kanilang mga mata sa akin dahil hindi nila inaasahan na may babaeng nais maging mandirigma. "Kahit pa hindi pa din iyon tama, hayaan mo at sasabihin ko kay Ama ang tungkol d'yan." Desididong wika nito. "Naku huwag dahil mas lalo lamang nila akong pag-iisipan ng kung ano." Pagpigil ko kay Vera dahil hindi iyon magandang desisyon. "Pero paano ka?" Napalitan ang galit na mukha nito ng pag-aalala. "Hayaan nalang natin sila kung ano ang kanilang isipin dahil alam naman natin na hindi iyon totoo." "Ganun na lang yun?" Palaban si Vera at kahit kailan ay hindi ito pumayag na tapakan ang kanyang pagkatao ng kahit sino. Ganun din naman ako pero nag-iba ang pananaw ko ngayon dahil nag-iba din ang misyon ko sa buhay. "Papatunayan ko sa kanila na hindi lang dahil kaibigan kita kaya ako nakapasok sa kanilang grupo. Pagbubutihin ko ang aking trabaho at magsasanay akong mabuti upang maging kapakipakinabang sa kanila pagdating ng tamang oras." Hindi pa din pala ako papayag na matapakan ng kahit sino ang aking pagkatao. Hindi ako makakapayag na habambuhay nila akong pag-iisipan ng ganun. "Hays bakit kasi ang bait mo kaya ka nila ginaganyan." Napailing na lang din si Vera at nginitian ko lamang s'ya. "Hindi ka pa ba matutulog?" Medyo nakakaramdam na ako ng antok kaya gusto ko ng umalis si Vera para makapagpahinga na kami pareho. "Ahh oo nga pala may pasok ka pa bukas." Tumayo na s'ya dahil medyo inaantok na din sa kanyang pagkakahiga. "Sige na matulog na tayo." Umayos na ako ng higa at nagpaalam na din si Vera upang magtungo sa sariling silid nito. Nakatingin na naman ako sa kisame dahil biglang nawala ang antok na nararamdaman ko kanina. Matagal akong nakatitig doon pero blanko naman ang aking isipan at tuluyan ng nawala ang aking antok. Muli akong bumangon at umupo sa upuan na nasa tabi ng aking higaan. Hinagilap ko ang isang maliit na notebook dahil balak kong magsulat doon ng aking naramdaman ngayong araw. Gusto kong isulat ang lahat ng mga nangyayari sa akin simula ngayon dahil nga sabi ko ay bagong simula ito para sa akin. Pagdating ng araw ay magagawa kong balikan kung ano ang nangyari ngayon. Wala naman masyadong nangyari ngayon pero hindi ko alam kung bakit ang dami kong naisulat. Tila naging talambuhay ko na iyon dahilan para mapuno ko ang halos tatlong pahina. Muli kong binasa ang aking sinulat hanggang sa unti-unti akong makaramdam ng antok. Nang hindi ko na iyon mapigilan ay nagpasya akong humiga na ulit upang matulog. Maaga ulit ako bukas dahil araw-araw na ang aking pagsasanay kaya hindi ako maaaring mapuyat ngayon. Kailangan kong ipakita sa kanila na karapat-dapat akong maging kauna-unahang babaeng mandirigma. Nagkumot na ako dahil malamig ang panahon ngayon lalo at nasa ikalawang palapag kami ni Vera ng palasyo. Tuluyan na akong nilamon ng aking antok at hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog. Katulad kahapon ay maaga ulit akong nagising pero sakto lamang iyon ngayon. Nag-inat muna ako ng aking katawan bago tuluyang tumayo sa aking higaan. Nag-ehersisyo na din ako upang hindi mabigla ang katawan sa pagsasanay na aming gagawin mamaya. Nang matapos ay saktong may naglalakad na ulit na mamamayan sa labas ng palasyo hudyat na may ibang taong gising na din. Nagpahinga lamang ako saglit at maya-maya lamang ay nagpasya na akong maligo. Ang plano ko ngayon ay hindi ako magpapasundo kay Deimos at sa halip ay papasok ako ng maaga. Magiging isang paraan din iyon upang ipakita sa ibang mandirigma na desidido ako sa aking ginagawa. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na din agad ako ng sarili. Napuyat na naman si Vera kaya wala pa ito nang magtungo ako sa hapag kainan. Tila ganun din si King Daeyn kaya mag-isa lamang akong kumain sa napakahabang lamesa ng palasyo. Nagpahinga lamang ulit ako saglit sa pag-asang makikita ko pa si Vera bago ako magpasyang umalis ngunit bigo ako kaya nag-iwan na lamang ako ng mensahe sa isng serbida ng kaharian. Mabilis akong kumilos at agad na sumakay ng karwahe. Hindi ko din naaning kahit man lang anino ni Deimos kaya tiyak ko na mauuna ako sa opisina ngayon. "Ano kaya ang sasabihin ng lalaki kapg naabutan ako nitong maaga dumating sa opisina." Tila nagalak ako sa isipin na babatiin ako nito kaya hindi na din naalis ang ngiti sa aking labi. Parang ang tagal nmin nakarating kahapon dito sa opisina pero ngayon ay napakabilis lamang nito. Siguro ay dahil hindi ko pa alam ang aking patutunguhan kahapon kaya pakiramdam ko ay napakabagal ng aming byahe. Kabaligtaran ng iniisip ko ang nadatnan ko ngayon sa opisina. Akala ko ay may mga mandirigma na ngayon dito sa opisina pero nagkamali ako dahil napakdilim pa ng buong paligid. Naalala ko na may mga silid dito kaya minabuti kong magtungo na lamang doon tutal ay wala pa naman akong kasama dito. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para magbukas ng ilaw at kinapa ko na lamang ang pwede kong higaan. Saglit na oras lang naman ako dito dahil malapit na din suminag ang araw. Siguro ay antok pa ako kaya muli akong nakatulog. Hindi ko akalain na maayos naman pala ang higaan sa mga silid dito. Pakiramdam ko pa nga ay may tila dantayan pa na nandito sa higaan na lalong nagpasarap sa aking tulog. Titiyakin ko na lamang na magigising ako agad para hindi pa din ako mahuli sa aking pagsasanay. Maaari naman akong magdahilan kay Deimos na kanina pa ako nandito at nakatulog lamang dahil mangagaling ako sa silid na ito. Tinigilan ko na ang aking pag-iisip at muli kong hinayaan ang sarili na makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD