PAG-IBIG

1526 Words
"Halika ihahatid na kita para makapagpahinga ka na din." Tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga sa damuhan. Hindi na namin namalayan ang oras kaya inabot na kami ng dilim sa aming pagsasanay. Masyado akong nasiyahan dahil hindi ko akalain na may tinatagong galing ang babae. Ngayon lang yata ako nagturo sa isang babae na may alam na tungkol sa pakikipaglaban. Malaki ang tiwala ko na malaki ang maitutulong ni Althaia sa amin. Hindi ko din tiyak pero sa tuwing nakakausap ko ang babae ay tila napakagaan ng aking pakiramdam. Kilala ako sa aming opisina bilang walang pakialam sa aking mga kasama. Ako yung tipo na hinahayaan lamang ang aking mga kasama kung ano ang kanilang nais gawin basta masisiguro nilang hindi iyon nakakaapekto sa aming trabaho. Sa ngayon ay nagbago ang ihip ng hangin dahil nais kong malaman ang bawat kilos ni Althaia. Masasabi kong may gusto din ako sa babae pero alam ko sa sariling hindi pa ganun kalalim ang aking pagtingin upang magkaganito ako sa kanya. "Uy Deimos halika na." Nagulat pa ako ng marinig si Althaia na kanina pa pala ako tinatawag. Handa na nag babae para umuwi dahilan para matauhan ako sa kung anong iniisip. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa babae at pinauna na s'ya sa paglalakad palabas ng training ground. Madami pa din ang mandirigma na nagsasanay sa labas kahit medyo madilim na ang paligid. Wala naman kasi silang literal na oras kung hanggang saan lamang sila maaaring magsanay. Madalas ay dito na din natutulog ang iba lalo na iyong matatagal sa tungkulin. May mga silid naman kasi dito sa opisina kung saan maaari silang magpahinga. Marahil ay napagod si Althaia sa maghapon na pagsasanay namin kaya naman tahimik lamang ito habang kami ay bumabyahe. Minabuti ko na lang din na hayaan ang babae upang hindi ito magambala. Bahagya ko s'yang sinisilip paminsan-minsan at nakikita ko na medyo inaantok na ito. "Malapit na tayo." Anunsyo ko ng makita na ang bukana ng palasyo. May nakatayo sa labas nito at nasisiguro kong si Vera iyon. Humahanga talaga ako sa pagkakaibigan ng dalawang babae dahil tila magkapatid na ang kanilang turingan. Mabuti na din talaga na nandyan si Vera at King Daeyn kaya may nakakasama ngayon si Althaia. Sa kabilang banda ay nalulungkot pa din ako sa nangyari. Kung binilisan ko lamang sana ang pagkitil sa Olobo malamang ay buhay pa hanggang ngayon ang mga magulang ng babae. Pero sabi nga nila ay wala na akong magagawa dahil tapos at nangyari na ang bagay na iyon. "Althaia." Tumigil na ang karwaheng aming sinasakyan. Hudyat ito na nakarating na kami sa palasyo. Bahagya kong inuga ang balikat ng babae dahil tuluyan na s'yang nakatulog. "Hmm." Tila wala pa sa ulirat na pag-ungol nito. Kinusot nito ang kanyang mga mata at bahagya pa nagulat ng makitang napakalapit ko sa kanya. Napaatras din ako agad nang mapagtanto ang aking puwesto. "P-pasensya, nandito na pala tayo." Umiwas ako ng tingin at nauna ng bumaba sa karwahe. Tila nahihiyang sumunod na din sa pagbaba si Althaia. Agad naman kaming sinalubong ni Vera at niyakap pa ang kaibigan na akala mo ay napakatagal na panahon silang hindi nagkita. "Na-miss kita bestfriend." Makikita mo naman sa mukha ni Vera na totoo ang sinasabi nito. Hindi ako makapaniwal na ganito silang dalawa kahit isang araw pa lamang hindi nagkita. "I miss you too." Sagot naman ni Althaia sa kaibigan at bumitaw na din sa pagkakayakap dito. "Kumusta ang unang araw mo? Hindi makapaghintay na tanong nito sa kaibigan. Tila nakalimutan ni Vera na nandito pa din ako at kasama nila. "Mamaya na lang ako magkukuwento." Tumingin sa akin si Althaia kaya napatingin na din si Vera. "Naku pasensya ka na Deimos hindi kasi ako makpaaghintay sa kuwento ni Althaia." Napagtanto sa wakas ng prinsesa na nandito pa ako. Ngumiti na lamang ako sa kanya na tila sinasabing ayos lang iyon. "Sige papasok na kami, magpahinga ka na din." Paalam sa akin ni Althaia. Tumango ako at tuluyan na silang pumasok sa loob ng palasyo. Gustuhin ko man magtagal ay hindi maaari dahil may naghihintay pa na trabaho sa akin. Kailangan kong bumalik sa opisina upang tapusin ang ibang paper works. Hindi ko iyon nagawa kanina dahil nga naubos ang oras namin ni Althaia sa kanyang pagsasanay. Ito ang epekto sa akin nang nakapasok ang babae sa amin. Dahil ako ang inatasan ng hari na magsanay sa babae ay naging doble ang aking gawain at kailangan kong magtrabaho hanggang gabi. Sa tingin ko ay ayos lang naman sa akin ang sitwasyon na ito dahil hindi ko maramdaman sa sarili na nagrereklamo. Malaki ang utang na loob sa akin ni King Deayn pero dahil tinanggap n'ya ako dito sa kanilang kaharian kaya naging malaki na din ang utang na loob ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat ng trabaho na mapupunta sa akin upang patunayan sa kanila na kaya kong gampanan ang aking tungkulin. Mabilis akong nakabalik sa opisina at agad na umupo sa aking upuan upang simulan ang aking trabaho. Nakakapangalahati pa lamang ako nang bigla akong matigilan sa aking ginagawa. Naalala ko ang nangyari kanina nang ipakilala ko si Althaia sa aming mga kasama. Oo nga at kaibigan si Althaia ng anak ni King Daeyn pero hindi iyon sapat na dahilan upang maging ganun ang kanilang tingin sa babae. Hindi naman nito ginusto ang nangyari sa kanyang pamilya kaya s'ya nagdesisyon na maging mandirigma. Hindi hadlang ang kanyang pagiging babae kung nais n'yang maging mandirigma. Napagdesisyunan kong pagbubutihin ang pagtuturo kay Althaia upang maging magaling na mandirigma ang babae at hindi s'ya tignan ng aming mga kasama ng ganun. Bakit nga ba labis ang pag-aalala ko sa babae. Minabuti kong ipagpatuloy na lamang ang aking ginagawa upang matapos ako agad. Kailangan kong makapagpahinga dahil magsasanay ulit kami bukas ni Althaia. Sa isipin na makakasama ko na naman ang babae ay mas lalo kong binilisan ang aking ginagawa upang makatulog na. Sa ngayon ay dito na ako matutulog sa opisina upang makatulog agad pagkatapos ng ginagawa. Ang totoo ay ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Matagal na akong nakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman at ngayon ko lamang natagpuan ang babaeng magpapatibok sa aking puso ng ganito. Kung alam ko lang na dito ko s'ya matatagpuan sana ay noon pa ako sumama kay King Daeyn. Bahagya pa akong natawa sa sarili dahil sa aking mga iniisip. Mabuti na lamang din at wala si Marko dito ngayon dahil sigurado akong hindi ito titigil sa pang-aasar sa akin. Napakabilis ng oras at hindi ko namalayan na patapos na ako sa aking ginagawa. Hindi ko din namalayan na madaling araw na pala kaya naman agad ko itong tinapos at basta na lamang humiga sa isang silid na naroon. "Sana ay magising ako agad bukas." Hiling ko para sa sarili dahil ngayon na lamang ulit ako inabot ng ganito dahil sa aking trabaho. Siguro ay ito muna ang una kong ituturo kay Althaia dahil si Marko lamang at ako ang may alam sa mga trabahong pang opisina. Babae naman si Althai kaya sigurado akong nababagay sa kanay ang ganitong tungkulin. Napansin ko sa sarili na wala akong ibang bukambibig kundi ang ngalan ng babae. Wala din akong ibang inisip kundi si Althaia. Nahihibang na ba ako sa ganitong sitwasyon. Akala ko ba ay hindi pa malalim ang aking pagtingin sa kanya pero bakit tila kabaligtaran iyon ng aking iniisip. Nagtakip ako ng kumot sa aking mukha upang makatulog at matigil na ako sa aking pag-iisip. Ngunit likas na taksil ang aking isip na sinamahan pa ng aking puso. Pakiramdam ko ay nagiging abnormal na ang aking katawan dahil hindi ko na sila naiintindihan. Siguro ay ito ang kanilang sinasabi na love at first sight. Iyong tipo na unang tingin mo pa lang sa kanya ay nabighani na nito ang iyong puso. Marahil ay ito nga ang aking nararamdaman dahil iilang beses ko pa lang naman nakita at nakasama si Althaia. "Magsitigil nga kayo!" Para akong baliw na sinisigawan ang sarili. Bakit ba kasi hindi na mawala sa aking isip si Althaia. Muli akong nagtakip ng kumot sa aking mukha at inayos ang aking puwesto. Dala ng pagod at puyat ay hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Ang sigurado ako ay mahimbing na akong natutulog. Naalimpungatan ako ng may maramdaman sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ako nagkaroon ng kasama ngayon dito sa aking silid. Niyakap pa ako nito dahilan upang ako ay magulat. Marahil ay si Marko ang aking katabi dahil ito lang naman ang nakakalapit sa akin. Halos lahat kasi ng mga mandirigma ay takot sa akin sa kadahilanang hindi nila tiyak ang aking lakas. Maging sa sarili ay hindi ko alam kung gaano ako kalakas. Ipinagwalang bahala ko na lamang ulit ang pag-iisip upang ipagpatuloy ang naputol kong pagtulog. "Deimos anak!" Muli akong napamulat ng may marinig na tumatawag sa akin ngunit hindi na iyon naulit at wala naman akong maaninag na maaring tumawag sa akin lalo at madaling araw na. "Matutulog na ako."Muli na akong pumikit at tuluyan ng nakatulog ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD