PAGKAKAMALI

1621 Words
Naalimpungatan ako ng may dumantay sa aking katawan. Naalala ko na dito ako natulog sa opisina kagabi dahil madaling araw na ako natapos sa aking trabaho. Nagugutom na ako at tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata ng tumama sa akin ang sinag ng araw na lumulusot sa maliit na bintana ng silid. Nagawa ko pang mag-inat ng katawan at tinanggal ang hita na nakadantay sa akin kanina. Nakakapagtaka lang na parang ang payat ng hita na aking hawak ngayon. Sigurado ako na halos magkasingkatawan kami ni Marko pero bakit kakaiba ito ngayon. Hindi ko alam na nagpapapayat si Marko. Muli akong nag-inat ng katawan upang magising ng tuluyan. Bumangon na din ako upang mag-ayos na ng sarili. Tinignan ko ang aking katabi pero nakakapagtaka na may takip itong kumot. Sa pagkakaalam ko ay hindi nagkukumot si Marko. Baka nagkamali ako at hindi si Marko ang aking katabi. Kung ganun ay sino naman ang maaaring tumabi sa aking pagtulog. Wala ni isa sa aking mandirigma ang nais na lumapit sa akin at makipagkaibigan maliban kay Marko dahil takot sila sa aking kakayahan. Kaya nga walang problema sa akin ang pagiging lider ng grupo dahil matiwasay silang sumusunod sa aking pamumuno. Muli kong tinignan ang natutulog na nilalang at nag-iisip pa din ako hanggang ngayon kung sino ito. “Pwede ko naman sigurong tignan ang kanyang mukha.” Nagdadalawang isip ko pa na wika sa sarili. Hindi din kasi ako mahilig mangialam sa buhay ng ibang tao kaya nga nababansagan din akong walang pakialam. Pero hindi mawala sa aking isip kung sino ang maaaring tumabi sa aking pagtulog. Napansin ko na maging ang katawan nito ay payat din at hindi gaya ng sa karamihan na aking mandirigma. Matangkad ito pero mas matangkad pa din kami nina Marko. Nagawi ang aking tingin sa ulo nito at napagtantong mahaba ang buhok ng aking katabi kanina. Napaisip ako dahil madami sa aking mandirigma ang may mahabang buhok. Maging ako ay mahaba din ang buhok kaya mahihirapan ako kung iisa-isahin ko silang isipin. Nakapagdesisyon na ako at handa ko ng tignan ang mukha ng aking katabi kanina nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Marko. “Deimos?” Nagtatakang tanong nito sa akin nang makita nito na may nakahiga pa sa higaan. “Isarado mo ang pinto.” Iyon agad ang una kong sinabi sa kanya dahil desisdido na akong malaman kung sino itong nakahiga. “Sino s’ya?” Lumapit na din sa akin si Marko at pareho pa kaming mataman na nakatingin sa higaan. “Hindi ko din alam, ang akala ko ay ikaw ang katabi ko kanina pero dahil nandito ka sigurado na akong ibang tao s’ya.” Hindi ko inaalis ang tingin sa higaan. Mas maganda sana kung kusa na lang itong magising dahil nakakahiya din na silipin ko pa ang mukha nito. “Maaga akong umuwi kagabi. Sa pagkakaalam ko ay wala na din tao dito sa opisina nung umalis ako.” Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Marko. “Sandali sisilipin ko lang kung sino s’ya para makilala natin.” Nakahanda na ang aking kamay upang hawakan ang kumot na nakatakip sa mukha nito nang bigla naman itong gumalaw dahilan para mapaatras ako at mahulog sa higaan na aking inuupuan. Marahil ay nagulat din ang taong nakahiga dahil sa aking pagkahulog kaya mabilis din itong nagtanggal ng kumot at bumangon. “A-Althaia?” Hindi makapaniwalang wika ni Marko. Hindi ko s’ya masyadong naintindihan dahil abala ako sa aking pagtayo pero tila may kung anong pwersa ang tumulak sa akin dahilan upang muli akong matumba. “Marko at Deimos?” Gulat din ang rumehistro sa mukha ng babae nang muli akong makatayo. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari dahil sigurado akong hinatid ko s’ya kagabi bago ako bumalik dito sa opisina. Nnag mapagtanto ni Althaia ang kanyang sitwasyon ay agad pa nitong ibinalot ang kumot sa kanyang katawan at naintindihan ko naman ang kanyang ibig sabihin. Mabilis akong lumapit sa kanya dahil hindi pa din kumikilos si Marko gawa ng hindi pa din ito makapaniwala sa posibleng nangyari. “Wala akong ginawa sayo dahil tulog din ako.” Agad kong depensa sa sarili dahil sa paraan ng pagtingin sa akin ng babae ay tila may ginawa akong hindi maganda sa kanyang katawan. “Sandali nga bakit ba kayo nandito?” Lumabas ang pagiging mataray nito dala na din siguro ng pagkahiya sa nangyayari ngayon. Kahit sino naman ay iyon ang mararamdaman lalo pa nga at bago pa lamang kami nagkakakilala. “Ang totoo ay ikaw ang dapat kong tanungin n’yan dahil kagabi pa ako nandito sa silid.” Kung tutuusin ay wala talaga akong kasalanan sa nangyayari ngayon dahil s’ya iyong huling pumasok sa silid na ito at basta na lamang humiga sa aking tabi. “Anong oras ka ba dumating ditto Althaia.” Tila natauhan na si Marko kaya nagsimula na s’yang mag-imbestiga sa aming dalawa upang maging malinaw an gaming sitwasyon. Bahagyang napaisip ang babae at tila inaalala kung paano s’ya napunta sa silid na aking tinulugan. Matagal-tagal din s’yang natahimik at hinayaan namin s’yang mag-isip. “Maaga ako dumating ditto sa opisina at wala ni kahit isang mandirigma ang nasa labas kaya nagpasya akong matulog na lang muna. Ito ang silid na pinasukan ko at hindi din ako nagbukas ng ilaw kaya hindi ko alam na ditto ka pala natutulog.” Namumula ang mukha nito na sigurado akong dahil iyon sa pagkapahiya. Bahagyang tumungo ang babae upang ipagpatuloy ang kanyang pagkukuwento sa nangyari. “Akala ko ay literal na may dantayan dito sa higaan. Dahil siguro sa aking antok kaya hindi ko naisip na katawan pala ng tao ang aking dinadantayan.” Nahihiya s’yang tumingin sa akin. “Deimos.” Natigil an gaming pag-uusap nang may biglang sumulpot sa pintuan upang ako ay tawagin. Isa itong mandirigma at nagulat din ito sa kanyang nakita. Kasalukuyan pa din kasing nakatakip ng kumot sa katawan si Althaia. “Ano iyon.” Galit na tanong ni Marko dahil tiyak n’yang iba ang tumatakbo sa isip ngayon ng mandirigma na nakakita sa sitwasyon namin. “Kailangan tayo sa pamilihan dahil may nakapasok na kalaban.” Anunsyo nito kaya agad akong kumilos maging si Marko. Natigilan ako ng maalala si Althaia kaya pinauna kong lumabas si Marko at ang mandirigma na tumawag sa akin. “Hihintayin kita sa labas ihahanda ko na din ang mga isasama natin.” Pahabol na wika ni Marko bago ito tuluyang lumabas ng silid kasama ang isa pang mandirigma. “Pasensya na talaga hindi ko sinasadya ang nangyari.” Malungkot at nahihiya pa din na paghingi ng pasensya sa akin ni Althaia. “Okay lang dahil may kasalanan din ako. Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko siniguro kung sino.” Bukal sa loob kong wika dahil iyon naman ang totoo. Kung tinignan ko sana kung sino ang aking katabi malamang ay hindi kami umabot na magkasama hanggang sa aking paggising. “Pasensya na talaga.” Sigurado akong sobra ang hiya na nararamdaman n’ya ngayon dahil ang higpit ng pagkakahawak nito sa kumot. “Huwag mo ng isipin iyon, sige aalis na ako dahil kailangan nila ako.” Nagpaalam na ako kay Althaia dahil hindi naman maaaring paghintayin ang aming kalaban. Hindi ko dapat hayaan na makapasok ito ng tuluyan sa sentro ng kaharian dahil hindi ko nais mangyari ang gaya sa mga magulang ni Althaia. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at agad na akong nagtungo sa may pintuan upang makalabas ngunit natigilan ako ng muli akong tawagin ng babae. Sinabi ko naman na sa kanya na huwag ng isipin ang nangyaring insidente. Bakit ba kasi nangyari ito ngayon. Gusto ko pa sanang makausap sng matagal si Althaia pero dahil nga may nakapasok na kalaban kaya hindi koi yon magawa. Mukha lang akong kalmado pero ang totoo ay hindi din ako makapaniwala na si Althaia ang katabi ko kanina. Kung alam ko lang sana na si Althaia iyon sana ay niyakap ko din s’ya. Napailing ako dahil sa aking naisip. Ang dumi naman yata ng utak ko ngayon ng dahil lamang nakatabi ko ang babaeng aking nagugustuhan. Pakiramdam ko ay hindi ko na kilala ang aking sarili dahil unti-unting nagbabago ang aking mga kilos. Ang madalas na seryoso kong mukha ngayon ay nagiging magaan na at paminsan-misan ay nagagawa ko pa ngumiti. Ang dami ko na naman sinasabi sa aking isip kaya muli akong lumingon kay Althaia upang sabihin na kalimutan na nito ang nangyaring insidente. Bahagya akong natigilan dahil iba na ang ekspresyon nito sa kanyang mukha ngayon. Tila ba may bagong lakas ng loon akong nakikita doon. Kasalukuyan na din s’yang nakatayo ngayon at maayos na din ang higaan. “Althaia sabi ko naman dib---.” Hindi ko naituloy ang nais kong sabihin sa kanya dahil sa aking nakikita. Pakiramdam ko din ay tila may importanteng bagay s’ya na nais sabihin sa akin base sa kanyang hitsura ngayon. Ano naman kaya ang nais nitong sabihin sa akin at ganito kaseryoso ang babae. “Deimos.” Pagtawag nito sa aking pangalan at bahagyang lumapit sa aking puwesto. Sana ay maganda sa aking pandinig kung anuman ang nais sabihin ni Althaia. “A-Ano iyon?” Bakit pakiramdam ko ay nahintakutan ako bigla sa babae. Ngayon lamang ito nangyari dahil kahit kailan ay hindi ako pumayag na may ibang nilalang ang mas malakas sa akin. “Sasama ako sa inyo ngayon kung nasaan ang ating kaaway.” Walang pag-aalinlangan nitong wika at diretso ang kanyang tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD