PAGHAHANDA

1602 Words
“Deimos may nakakita na kay Althaia sa labas.” Pupungas-pungas pa akong bumangon bago tuluyang nagmulat ng aking mata nang marinig ang sinabi ni Marko. Hindi ko tiyak kung kanina pa gising ang aking kaibigan dahil maayos na ang kanyang hitsura at hindi na mukhang gising. Napatingin ako sa aking relo at napagtanto na kung tutuusin ay halos dalawang oras lamang ang aking naitulog. Gayunpaman ay wala akong dapat paghinayangan dahil maaari akong matulog kahit anong oras ko gustuhin basta walang halimaw na nakapasok sa kaharian. "Hoy ano pa hinihintay mo bumangon ka na d'yan at mag-ayos para sa ginawa nating plano." Akala ko ay umalis na si Marko pero nanatili pala ito sa silid upang masigurong gising na talaga ako. "Oo na sandali." Iritang sagot ko sa kanya dahil ang totoo ay inaantok pa talaga ako pero sabi ko nga walang makakapogil sa akin lalo at nagawang pumasok ulit ni Althaia. Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na ito. "Bilisan mo hihintayin kita sa labas maghahanda lang din kami ng ating mga kasama." Paalam nito sa akin. Hindi ko akalain na nagawa nitong papasukin ang aming mga kasama sa mas maagang oras para lamang tulungan ako sa aming plano. Sisiguraduhin ko na masusuklian ang kanilang ginagawa ngayon para sa akin. Bumangon na ako dahil nakakahiya naman sa aking mga kasama kung hindi ako agad lalabas ng silid upang tumulong din sa kanila. Mabilis lang ako nag-ayos pero sinigurado ko na magiging presentable ang aking hitsura lalo at magtatapat ako kay Althaia ngayon. Mabuti na lamang at may mga gamit pa ako dito sa silid na aking tinutuluyan kapag hindi ako nakakauwi kaya masisiguro ko na mabango at malinis ako kahit kulang sa tulog. Habang nag-aayos ng sarili ay hindi ko maiwasan kung ano ang magiging resulta ng aming plano. Sa kabilamg banda ay masaya ako dahil hindi na ako mapipilitan gawin ang isa pa namon plano na magtungo sa palasyo para lang magtapat kay Althaia. Ngayon pa lang ay kakaibang kaba na ang aking nararamdaman. Kung iisipin ay para akong magtutungo sa digmaan na hindi ko alam kung magagawa kong magtagumpay. Hindi ko pa nakikita si Althaia pero tila sasabog na naman ang aking dibdib dahil sa nagwawala kong puso. "Handa na ako!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili. Sinigurado ko pa ulit na maayos ang aking hitsura bago ako tuluyang lumabas ng silid.Nagulat pa ako sa aking nadatnan na ginagawa ng aking mga kasama. "Ayos ba?" Tila pagmamayabang na tanong sa akin ni Marko. Halata naman sa aking hitsura na gusto ko ang aking nakikita. Maasahan talaga ang aking kaibigan pagdating sa bagay na ito. Kasalukuyan kaming nasa training ground ngayon kung saan kami unang nagsanay ni Althaia. Katamtaman lamang ang lawak ng lugar pero nagawan ito ng paraan ni Marko upang maging romantiko ang dating. Naglagay sila ng lamesa sa gitnang bahagi ng lugar at pinatungan iyon ng isang vase na may magandang bulaklak. Hindi ako sigurado kung saan galing ang bagay na iyon dahil walang ganun sa opisina. May nakalagay din na dalawang pares ng plato at ilang gamit sa hapagkainan. Sigurado ako na nagluto si Marko para sa aming magiging umagahan. Malamang ay simple lamang iyon na sakto lamang sa aming gagawin ngayon. "Pinadala ko kay Leo yan dahil meron daw sila sa kanilang bahay." Tila nabasa ni Marko ang tanong sa aking isip. Napag-alaman ko din na hindi lang plano ang sinabi nito sa mga mandirigma. Nagtanong din ito sa kanila ng ilang mga gamit na maaari nilang dalhin para sa katuparan ng plano kahit hindi pa kami sigurado na maaari itong mangyari. "Mukhang kailangan kong magpainom sa ating mga kasama." Pagbibiro kong wika sa aking kaibigan. Maaari ko naman yun gawin lalo at malaki ang naitulong nila ngayon para sa akin. Pinagmasdan ko pa ang buong paligid at makikita ang mga talulot ng bulaklak na nagkalat sa buong lugar. Iba't-iba din ang kulay nito na malamang ay dala din ng aking mga mandirigma. "Teka paano n'yo naayos ang lugar ng ganito kadilim?" Nakapatay pa din ang ilaw at tanging maliit na lampara lamang ang gamit namin ngayon. "Malamang lampara din gamit namin."Pilosopo nitong sagot sa akin. Kung hindi lang maganda ang mood ko ngayon ay baka nasapok ko na ang kaibigan. Kasama sa plano na manatiling madilim ang opisina upang hindi mahiya si Althaia na pumasok dito kahit ang totoo ay maagang pumasok ang mga mandirigma ngayon para suportahan ako. "Handa ka na ba?" Kung makapagtanong si Marko ay aakalain mo na sasali ako sa isang kompetisyon. Tumango lamang ako at muling pinagmasdan ang buong lugar na magiging saksi sa aking pagtatapat kay Althaia. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Hindi ko alam kung anong trip ngayon ng aking kausap at tila naninigurado pa ito sa aming ginagawa. "Oo naman isang daan na porsyento akong sigurado dito." Itinaas ko pa ang aking kamay at itinikom iyon upang pagbanggain ang kamao namin dalawa. "Good luck Deimos." Ngumiti pa s'ya sa akin. "Maraming salamat." Ginantihan ko ang ngiti n'ya sa akin at nagkatawanan pa kami parehas. Hindi namin akalain na mangyayari na ngayon ang madalas na pang-asar sa akin ni Marko kapag may bagong babae ito na ipinapakilala sa akin. "Ano pa ang hinihintay mo umupo ka na dun at baka pumasok na si Althaia." Itinulak pa ako nito papunta sa gitna upang umupo sa upuan na nakahanda para sa aming dalawa ng babae na aking iniibig. Sumenyas pa ng okay si Marko bago tuluyang lumabas ng training ground at hintayin ang pagpasok ni Althaia. Labis na kaba na naman ang aking nararamdaman ngayon at tila hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Panay din ang pagbanggit ko ng mga kataga na sasabihin ko kay Althaia. Hiling ko na sana ay maging maayos ang lahat at magawa ko ng tama kung ano ang mga sinabi sa akin ni Marko na dapat kong gawin. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Althaia kapag muli kaming nagkaharap dalawa. Sana ay hindi na s'ya nahihiya sa kung anong nangyari kahapon upang hindi din ako pangunahan ng hiya at masabi ko ng ayos sa kanya ang dapat kong sabihin. Mabuti na lang at madilim sa aking puwesto ngayon dahil nakakahiya kapag may nakakita sa akin kung paano ako manginig ngayon dahil sa kaba. Isa pa ay malamig din sa aking kinauupuan ngayon dahil open area ang training ground na ito. Malapit ng suminag ang araw pero mararamdaman mo pa din ang hamog dahilan sa paglamig ng paligid. Pinagsalikop ko ang aking kamay dahil kahit malamig ay tila pinagpapawisan ito. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganitong kaba buhat ng mapunta ako dito sa kaharian ng Daesyn. "Ugh ang tagal naman mas lalo akong kinakabahan." Bulong ko sa sarili. Maya-maya lamang ay bumukas na ang ilaw sa mismong opisina hudyat na nakapasok na si Althaia. May maliit na bintana kasi kaya tanaw ko iyon dito sa aking puwesto ngayon. Agad akong tumayo at nagtungo kung saan malapit ako sa pintuan. Balak kong salubungin si Althaia kapag binuksan na nito ang pintuan. Kinuha ko na din ang bungkos ng bulaklak na nakita ko sa lamesa na siguradong gawa ng isa sa aking mandirigma. Madami sigurong bulaklak sa kanila kaya nakapagdala ito. Mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko ngayon lalo dahil hindi ko nakikita kung anong nangyayari sa loob. Hindi ko alam kung nakausap na ni Marko si Althaia. Nasa aking isip pa din ang sandali na maaring hindi mangyari kung ano ang aming nais gawin sa plano. Gayunpaman ay may tiwala ako kay Marko at sigurado akong hindi papayag ang lalaki na mapunta lamang sa wala ang aming pinag-usapan. Panay ang lakad ko dahil sa sobrang kaba. Ginusto ko ito kaya wala akong magagawa kundi labanan ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko din marinig sa loob kaya wala akong ideya kung ano na ang nangyayari. Bigla akong natigilan sa aking paglalakad ng pabalik-balik dahil naramdaman ko na tila may pumipihit na sa hawakan ng pintuan. Agad kong inayos ang aking pagkakatayo at nagtungo sa dapat kong puwesto. Huminga muna ako ng malalim upang alisin ang kung anong nararamdaman ko na hindi makakatulong sa akin ngayon. Nakakahiya kapag wala akong nasabi kay Althaia dahil sa sobrang kaba. Tinapik ko pa ang aking dibdib na tila sinsabing manahimik muna dahil nawawala ako sa aking focus. "Ito na ang sandaling hinihintay ko." Saktong pagkasabi ko nun ay dahan-dahan bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Althaia na labis ang pagtataka sa kanyang mukha. Natigilan ako dahil bigla kong nakalimutan kung ano ang dapat kong gawin. Hindi pa nakikita ng babae ang kabuuan ng lugar kaya tiyak na wala pa itong ideya sa mangyayari. Nakita ko pa na sumilip si Marko at sinenyasan ako na ibigay ang bulaklak kong hawak kay Althaia. Huminga muna ako ng malalim pampalakas ng loob. "Deimos pasensya na talaga kahapon hindi ko sinasadya i----." Hindi nito naituloy ang kanyang sasabihin dahil inilabas ko na ang bulaklak na hawak ko na nakatago kanina sa aking likuran. "Para nga pala sa'yo saka huwag ka humingi ng pasensya dahil ako dapat ang gumagawa nun sa'yo." Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak at nasa mukha pa din nito ang pagtataka kung bakit ko ito ginagawa ngayon. Humakbang ako paatras at tumagilod upang ipakita sa kanya ang lamesa na nasa gitnang bahagi ng training ground. Ang pagtataka na nasa mukha nito kanina ay napalitan ngayon ng paghanga. Tila natutuwa ito sa kanyang nakikita. Dahil doon ay tila nawala na ang kaba na aking nararamdaman. "Maaari mo ba akong saluhan sa aking umagahan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD