“Hindi ka ba naiilang na mayroon tayong ibang kasama?” Tanong ko kay Vera habang panay ang tingin nito sa aming dinadaanan. Ang totoo ay hindi ko din alam kung saan kami papunta ngayon. Gayunpaman ay kampante ako dahil si Vera ang aking kasama.
“Alam mo naman ang hari kapag lumalabas ako kaya sanay akong may ibang kasama.” Nais kong sapakin ang sarili dahil nakalimutan kong prinsesa nga pala sa kaharian ng Daesyn ang aking kaibigan. Bahagya akong napangiti nang maalala ang hari kapag nagpapalam kami noon ni Vera na aalis ng palasyo.
“Alam ko naman yun pero tayong dalawa ang magkasama ngayon .” Ngayon na lang ulit kami nakalabas ni Vera kung saan ay may kasama kaming bantay. Sa aking pagkakatanda ay nangyari lamang iyon nung unang paglabas namin ng kaibigan sa palasyo. Muntik pa nga na hindi matuloy ang aming lakad dahil sa sobrang higpit ni King Daeyn sa kanyang anak.
“Hayaan mo na dahil gwapo naman ang bantay natin ngayon.” Tila kinikilig pa ang babae hindi para sa sarili kundi dahil para sa akin. Hindi na talaga nawala sa isip ni Vera ang tungkol sa aking sinabi noon tungkol kay Deimos. Hindi ko din naman kasi akalain na makakasama namin ngayon ang lalaking ito. Nag-ayos sana ako ng aking sarili.
“Ewan ko sa’yo.”Tinaasan ko pa ng kilay ang kaibigan at nagpatiuna sa aking paglakad.Hindi pa man ako nakakalayo ay nakasunod na din agad s’ya sa akin. Isinukbit pa nito ang kanyang kamay sa aking braso habang naglalakad.
“Kausapin mo kaya si Deimos tignan mo parang kawawa dahil mag-isa lamang s’yang naglalakad.” Kung titignan mo ang hitsura ni Vera ay tila ito isang aso na nagpapaawa sa kanyang tagapag-alaga. Gayunpaman ay hindi ako nito madadaan sa kanyang arte. Gyaunpaman ay sinilip ko pa din ang hitsura ni Deimos at tama nga ang sinabi ni Vera.
“Bakit kaya hindi ikaw ang kumausap mukhang boring ka na din sa iyong paglalakad.” Pagtataray ko sa kaibigan at muling ipinagapatuloy ang aking paglalakad. Sa wakas ay hindi na ako sinundan nito at sa halip ay nakipag-usap na nga kay Deimos.
Wala ng maingay sa aking tabi kaya malaya kong pinagmasdan ang paligid. Naalala ko na dito kami madalas dumaan ng aking mga magulang kapag nais namin magtungo sa sentro ng pamilihan. Bahagya akong nalungkot dahil sa isipin na yun. Miss ko na ang kinilala kong mga magulang. Napakaaga naman nila akong iniwan.
Masasayang tao ang makikita mo sa paligid. May mga bata na walang sawa sa kanilang pagtakbo at paglalaro. Ang maganda dito sa lugar ay napapalibutan ito ng mga matataas na punong kahoy kaya naman napakasarap langhapin ang simoy ng hangin sa paligid. Npaakasariwa nito at tila tinatanggal nito ang mga kung anong iniisip na hindi maganda para sa iyong sarili.
Sa sobrang antok ko kagabi ay hindi ko na nagawang magmuni-muni kaya ngayon ko iyon ginagawa habang walang magulo sa aking tabi. Bigla akong napalingon dahil naramdaman ko na tila hindi ko na kasama ang dalawa kaya ganun ang pagkatahimik ng aking paligid. Nagpalinga-linga pa ako sa aking paligid ngunit hindi ko talaga maaninag kahit anino ng dalawa.
“Vera, Deimos nasaan kayo?” Walang sumasagot sa aking tawag dahilan para mag-alala ako. Nagdesisyon akong itigil din ang aking ginagawa dahil nakatingin sa akin ang ilang naninirahan sa lugar na ito bago kami makarating sa pamilihan kung saan madalas puntahan ng mga kaaway.
Bumalik ako kung saan kasama ko pa ang dalawa kanina. Panay ang paglinga ko sa paligid sa pag-asang makita agad ang dalawa. Malayo-layo na din ang aking nararating pero hindi ko din sila natatagpuan.
“Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon.” Medyo naiinis na ako lalo sa isipin na mag-isa lang akong naglalakad ngayon.
“Ano na naman kaya ang naisip na kalokohan ni Vera.” Ito agad ang unang sumagi sa aking isipan dahil kilala ko ang aking kaibigan. Mahilig itong gumawa ng mga prank at kung anu-ano na matipuhan lamang n’ya gawin.
Patuloy lamang ako sa ginagawa kong paglakad at paghahanap sa dalawa. Pakiramdam ko ay makakauwi na ako ng palasyo sa layo ng aking nalakad. Nasa sentrong pamilihan na sana ako ngayon kung kasama ko yung dalawa.
Natigilan ako dahil may naririnig akong mahinang hagikgik at natitiyak kong boses iyon ng kaibigan. Umatras ako at pinakinggan ng mabuti kung saan nangagaling ang mahinang pagtawa na aking naririnig. Sa tingin ko naman ay malapit na ako sa kanilang puwesto.
“Boooo!” Magkasabay na paggulat sa akin nung dalawa ng isang metro na lamang ang layo ko sa kanila. Nabatukan ko ng wala sa oras si Vera dahil nagulat din talaga ako sa kanilang ginawa. Hindi naman na ako nagkakape paero nagiging magugulatin na ako.
“Aray! Bakit may pagbatok?” Kinakapa pa nito ang kanyang ulo na aking bintukan na tila nais nitong masiguro sa akin na maayos lamang iyon.
“Ano na naman ba ang naisip mo at tinaguan n’yo ako.” Napansin ko na tila nagulat si Deimos sa aking naging reaksyon. Hindi ko kasi gusto na tinataguan ako dahil na din sa pagkakaaalam na nakita lamang ako ng kinikilala kong magulang.
“Pasensya na akala ko kasi magiging masaya ito.” Napatingin ako ng masama kay Deimos dahil sa sinabi nito. Sinong matutuwa kapag bigla kang tinaguan ng hindi mo nalalaman. Para akong baliw na naghahanap at nag-aalala sa kanila.
“Friend huwag ka ng magalit, hindi ko na uulitin promise.” Bakas sa mukha ni Vera ang pagsisisi dahil alam naman nito ang aking dahilan kung bakit.Kung hindi ko lang s'ya kaibigan malamang ay iniwan ko na ang dalawa.
“Maghanap na tayo ng pwedeng kainan dahil nagugutom na ako.” Mataray na sagot ko sa kanya at hindi pinansin ang paghingi nito ng tawad. Hindi ko na lamang pinansin ang dalawa at muling ipinagpatuloy ang paglalakad upang makahanap ng pwede namin kainan.
Agad naman akong nakahanap at hindi ko na tinanong ang dalawa kung gusto nilang kumain sa lugar na aking napili. May kasalanan si Vera kaya tahimik na lang din itong sumama sa akin. Pagkatapos namin kumain ay naglakad pa kami ng konti bago nagpasyang umuwi ng palasyo. Napagod ako dahil puro paglalakad ang aming ginawa.
“Halika na mukhang malapit ka ng humiga dito sa ating dinadaanan.” Napansin ko na medyo inaantok na si Vera kaya nagyaya na akong umuwi. Kakaiba pa naman ang trip kung minsan ni Vera kapag sobrang inaantok ito.
“Mabuti naman at napansin mo dahil hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili sa sobrang antok.” Sumang-ayon naman ang babae at pilit nitong pinipigilan ang sarili upang hindi maghikab.
“Sino ba kasi ang may sabi sayo na gumising ka ng maaga.” Inalalayan ko ang kaibigan dahil gumigewang na din ito sa kanyang paglalakad na akala mo ay nakainom ng nakalalasing na tubig.
"Gusto ko kasi na mapasaya ka ngayong araw kaya hindi ako natulog hangga't hindi ko nakakasap ang ama." Tila wala sa sariling katinuan na sagot nito sa akin.
“Ako na ang bahala sa prinsesa para makapaglakad ka din ng ayos.” Nagtataka ang tingin na ibinigay ko kay Deimos. Literal na ginagampanan nito ang kanyang tungkulin bagay na nagpakilig sa akin.Tinaasan ko s'ya ng kilay at binitiwan na si Vera upang s'ya ang umalalay sa aking kaibigan.
Oo kinikilig ako dahil nga may lihim akong paghanga sa lalaki. Mabuti na din pala na kasama namin s’ya ngayon dahil kung hindi ay baka mahirapan akong alalayan si Vera pauwi ng palasyo. Hindi na ako nagdalawang isip at hinayaan na ang lalaki na s’yang umakay kay Vera.
Hinayaan ko silang mauna sa paglalakad at pinagsawa ko na lamang ang aking sarili upang tignan ang bulto ng lalaki. Napakakisig n’ya talaga at hindi mo maikakaila na may tungkulin s’ya sa kaharian bilang lider ng mga mandirigma. Bumagay din sa kanya ang buhok na hindi kahabaan. Maging ang kanyang paglalakad ay napakagandang tignan.
Bahagya pa akong napaiwas ng tingin dahil bigla silang tumigil sa paglalakad at tumingin ng seryoso sa akin ang lalaki. Napalunok ako bigla ng aking laway dahil nakakahiya kung anuman ang ginagawa ko sa lalaking naglalakad.
“Bakit ka tumigil?” Idinaan ko na lamang sa tanong upang kalimutan ko na din ang aking ginagawa. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa takot na mabuko ako nito sa aking ginagawa.
“Wala naman, akala ko kasi ay may kung anong bagay sa aking likuran.” Ngumiti pa si Deimos ng pagkatamis sa akin kaya lalo akong nahiya sa aking ginawa. Marahil ay alam nito na pinagmamasdan ko s’ya dahil nararamdaman n’ya yun.
"Nakakahiya ka talaga Althaia." Pagsaway ko sa aking sarili nang muling magsimula si Deimos sa kanyang paglalakad. Nakalimutan kong isang mandirigma ang lalaki kaya tiyak na malakas ang pakiramdam nito.
Patakbo akong sumunod sa dalawa dahil medyo malayo na ang agwat nila sa akin. Nahihiyang nginitian ko na lamang si Deimos at sumabay na sa paglalakad. Gayunpaman ay hindi pa din mawala sa aking isip ang kahihiyan na aking nagawa. Napapikit na lamang ako ng mariin lalo nang muli akong ngitian ni Deimos.
"Bakit kasi ang gwapo."