UNANG ARAW

1725 Words
“Ohh bakit tulog na ang babaeng iyan?” Bakas sa mukha ng hari ang pagtataka nang makabalik kami sa palasyo. Natuluyan ng makatulog si Vera sa sobrang antok kaya naman binuhat na s’ya ni Deimos. “Hindi po yata nakatulog ng maayos ang prinsesa kagabI.” Nahihiyang sagot ni Deimos sa hari. “Hay naku maaga pa lamang kasi ay pinuntahan na ako ng aking anak upang ipagpaalam sa akin si Althaia.” Ngumiti pa ang hari sa akin. Ganun ako kamahal ni Vera kaya naman kahit masama ang loob ko sa kanya minsan dahil sa mga pinaggagawa n’ya ay nagagawa ko din agad s’yang patawarin. Hindi na ako makakahanap ng ibang kaibagan na katulad n’ya. “Sige po sasamahan ko na si Deimos upang maipasok na si Vera sa kanyang kwarto.” Paalam ko na lamang sa Ama ng aking kaibigan dahil tiyak kong nabibigatan na si Deimos sa pagbuhat ditto. “Oh sige, maraming salamat sa inyong dalawa.” Kumaway pa ulit ako bago kami tuluyang pumanik sa itaas upang magtungo sa kwarto ni Vera. Kanina pa kami tahimik ni Deimos at tila walang nais bumasag sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Pinpakiramdaman ko lamang ang aking paligid kung saan ay halos magkasabay kaming dalawa sa paghakbang sa napakataas ng hagdanan ng palasyo. “Ahm,” Natigilan kami pareho dahil sabay kaming nagsalita ngayon. Kalaaunan ay parehas pa kami natawang dalawa. “Anong sasabihin mo?” Ako ang unang naglakas loob na magsalita ulit. “Ahm gusto ko lang sabihin na unang beses ko pa lamang may narinig na babaeng nagtangka maging mandirigma.” Ngumiti s’ya sa akin at mababakas din sa kanyang mukha ang tila paghanga. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umiinit ang aking mukha sahil sa nararamdaman. ‘Ang totoo ay hindi ko alam kung magtatagumpay ba akong magawa ang tungkulin na iyon.” Pag-amin ko sa lalaking kausap. Muli s’yang napatingin sa akin habang patuloy sa ginagawa nitong pag-akyat sa hagdan. “Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kitang magtagumpay.” Napakasarap nitong pakinggan at tila nagbigay ito ng pag-asa sa aking puso na hindi ko kailangan mangamba dahil sa nagawa kong desiyon. “Nandito na tayo.” Hindi ko na sinagot ang kanyang sinabi dahil hindi ko din tiyak kung ano ang dapat kong isagot. Pinihit ko ang hawakan sa pintuan ng kwarto ni Vera upang tuluyan kaming makapasok at maihiga na ang aking kaibigan. Maingat na ibinaba ni Deimos si Vera at dahil sa sarap ng tulog nito ay hindi man lamang s’ya nagising. Kinumutan ko na din ang kaibigan dahil malamig sa kanyang kwarto kapag nagtagal. Nakatingin lang si Deimos sa lahat ng ginagawa kong pag-aasikaso kay Vera. Nang matapos ako sa lahat ng dapat kong gawin ay payapa kong pinagmasdan ang kaibigan. “Sa tingin ko ay sobrang lapit n’yong dalawa ng prinsesa.” Sinenyasan ko muna ang lalaki na lumabas na kami ng silid bago ko s’ya sinagot sa kanyang sinabi. “Alam mo hindi ako swerte sa magulang pero kabaligtaran iyon pagdating sa kaibigan.” Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya na ginantihan naman nito. Magkasabay kaming naglakad ulit patungo sa may hagdanan. “Ikinalulungkot ko muli ang nangyari sa iyong mga magulang.” Seryoso nitong wika at makikita mo talaga sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing nag-iisa. Tumango lamang ako sa kanyang sinabi. “Hindi na kita maihahatid sa baba dahil dito din ang aking silid.” Itinuro ko pa ang aking kwarto na malapit lang din kay Vera. “Naku huwag kang mag-alala kaya ko na ang aking sarili.” Tumawa pa ito ng mahina at napakasarap n’yang pagmasdan dahil doon. “Kung ganun ay papasok na din ako sa aking silid.” Humkabang na ako upang iwan na ang lalaking kausap. Nginitian lang ulit ako nito at kumaway pa bilang paalam sa akin. “Magkita na lamang tayo bukas para sa unang araw ng iyong pagsasanay.” Nagsimula na din sa paghakbang ang lalaki pababa ng hagdan. Kinawayan ko na lamang din s’ya at tuluyan na akong pumasok sa aking silid. Napahawak pa ako sa kaing dibdib nang maisara ang aking pintuan. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na makasama ang lalaki sa maghapon. Tiyak ko na bukas ay madaming itatanong sa akin si Vera dahil nakatulog s’ya ngayon. Nagpasya na akong maghanda ng sarili upang makapagpahinga na din dahil maaga pa akong magigising bukas. Sisiguraduhin kong magigising ako ng maaga upang hindi ako mahuli. Kailangan ay maging responsable ako sa unang araw pa lamang ng pagsasanay. Mabilis kong tinapos ang paglilinis ng aking katawan at maya-maya lamang ay nakahiga na din ako. Hindi ko muna pinatay ang ilaw sa aking tabi at hinayaan muna ang sarili na tumingala sa taas kahit puro puti lamang ang aking nakikita. Muli kong naalala ang sinabi ni Deimos kung saan ay tutulungan ako nitong maging ganap na mandirigma. Hindi ko iyon kakalimutan at panghahawakan ko ang salitang yun hanggang maging ganap na akong mandirigma ng kaharian. Bukod kay Vera at sa mahal na hari ay ngayon lamang ulit may ibang tao na nakapasok sa aking buhay. Hindi ako palakaibigan kaya naman si Vera lang ang aking naging kaibigan. Hindi ko din nais na ipinapangalandakan sa iba kung ano ang nagaganap sa aking buhay. Madalas nga akong pagkamalan na mataray sa aming baryo ngunit dahil kilala ako ng aking kinikilalang magulang ay balewala lamang sa kanila kung anuman ang naririnig sa aming mga kapitbahay. Masaya naman ako dahil hindi ko kailangan patunayan ang aking sarili para sa ibang tao. Gayunpaman ay hindi pa din mawala sa aking isipan ang maaaring manyari sa aking kinabukasan. Kung magiging ganap akong mandirigma tatagal ba naman kaya ako sa aking tungkulin. Hindi koi yon sigurado dahil unang-una ay wala akong kapangyarihan na maaari kong gamitin sa panahon ng labanan. Napaisip ako bigla dahil doon. Paano kung maging hadlang lamang ako sa aking mga kasama. Iyong tipo na sa halip matalo ang kalaban ay hindi nila iyon magagawa dahil mas kailangan nila akong protektahan. Ipinilig ko ang sariling ulo sa isipin na iyon.  “Hindi maaari dahil papatunayan ko sa aking mga magulang na hindi ako nagkamali sa desisyon na aking pinasok.” Kausap ko sa aking sarili habang nakatingin pa din sa taas dahil kasalukuyan na akong nakahiga. Sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa aking layunin. Hindi ko hahayaan na maulit sa aking mga kasama kung ano ang nangyari sa aking mga magulang.  Hindi nila dadanasin ang sakit na aking nararamdaman. Gayunpaman ay hindi din mawala sa akin ang takot. Hindi ko tiyak kung ano ang aming makakalaban pagadating sa hinaharap. “Hays makatulog na nga lang ang dami ko na naman iniisip.” Saway ko sa sarili nang mapansin na tila kanina pa ako nagmumuni-muni. Pintay ko na ang ilaw sa aking tabi at muli kong inayos ang aking pagkakahiga. Matutulog na talaga ako dahil baka mahuli ulit ako bukas. Nagtakip na ako ng kumot upang masiguro ang mabilis kong pagtulog. Tuluyan na akong inantok hanggang sa tila nawalan na ako ng malay sa paligid hudyat bilang tulog na ang aking diwa. Pakiramdam ko ay kakatulog ko lang pero heto at mulat na ang aking mga mata at gising na din ang aking diwa. Binuksan ko na ang ilaw sa aking silid at sumilip sa bintana upang pagmasdan ang nasa labas ng palasyo. Tahimik pa ang kapaligiran indikasyon na wala pang gising bukod sa akin. “Nasobrahan naman yata ako sa gising.” Nasapo ko ang sariling noo. Sabagay ay mas okay na din ito kaysa naman mahuli ako. Muli akong sumilip sa bintana at pinagmasdan ang paligid sa labas. Napakatahamik at payapa tignan ang kapaligiran. Hindi mo aakalain na may kaaway kaming nakakapasok sa kaharian upang sirain an gaming pamumuhay. Tuluyan ko ng binuksan ang bintana upang damhin ang lamig na nagmumula sa labas. Napakasar sa pakiramdam ang malamig na hangin dahil na din sa napakaraming punong kahoy na nakapaligid sa kaharian. Agad ko din sinara ulit ang bintana at bahagyang niyakap ang sarili dahil sa lamig. Matagal-tagal din akong nakatingin lamang sa labas at maya-maya lang ay may pailan-ilan tao na ang naglalakad sa harap ng palasyo. Hudyat na iyon para kumilos ako at maghanda ng sarili. Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at agad binitbit ang aking tuwalya. Nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Napakaganda ng aking magiging umaga dahil ito na talaga ang unang araw para sa bago kong simula. Medyo matagal akong naligo dahil na din sa isipin na makakasama ko buong araw si Deimos. Naipiling ko ang sariling ulo dahil sa kalandian na aking naiisip. Ang dami kong pwedeng unahin pero iyon pa ang nauna sa aking isip. Pagkatapos maligo ay nagsuot na din ako ng komportableng kasuotan na maaari kong gamitin. Wala pa akong uniporme dahil nasa pagsasanay pa lamang daw ako. Nang masigurong handa na ang lahat ay nag-ayos na din ako ng aking mukha. Syempre hindi ako papayag na kasuotan lamang ang ayos sa akin. Dapat ay maganda akong tignan dahilan upang kurutin ko ang aking sarili. “Bakit ba ito ang aking ginagawa ngayon.” Nagtatakang tanong sa sarili kahit tiyak ko naman ang kasagutan. Napagdesisyunan ko na ipusod lamang ang buhok at siguraduhin na hindi ito babagsak mamaya. Hindi ko kailangan magpaganda dahil magsasanay ako tiyak na masasayang lamang ang mga ilalagay ko sa aking mukha. Isa pa ay maganda naman na ako kaya hindi ko na kailangan ang kahit anong pampaganda. Sinipat ko pa ang sarili sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng aking silid. Nagulat pa ako nang pagbikas ko ay nakangiting Vera ang naghihintay sa akin. Napahawak pa nga ako sa aking dibdib dahil hindi ko akalain na may tao sa harap ng aking pintuan. “Good luck Althai!” Sa halip na good morning ay ito agad ang binigkas nito para sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi ngitian ang kaibigan dahil sa effort na binibigay nito para sa akin. “Salamat mahal kong kaibigan.” Masayang sagot ko sa kanya at hinila na ito sa braso upang sabay na kaming bumaba. “Ito na ang unang araw para sa akin.”                                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD