PANGHUHUSGA

1756 Words
“Hindi ba at s’ya iyong babae na nakatingin sa’yo noon?” Nagsisiguradong tanong ni Marko sa akin.  “Ah oo yung kaibigan ng prinsesa.” Sagot ko sa lalaki at sinimulan ng basahin ang papeles na inabot nito.  “Naks mukhang magkakaroon ka na ngayon ng pag-ibig.” Tukso nito sa akin kaya itinigil ko ang aking ginagawa upang tignan ang kausap.  “Huwag ka nga magbiro, hindi natin iyon kailangan dahil may malaking responsibilad tayong ginagampanan.” Bahagya akong umiwas ng tingin sa kanya pagkasabi nun at muling ibinalik ang tingin sa aking binabasa. “Naku ayaw pang umamin pansin ko naman na tila gusto mo din ang babaeng iyon.” Nagawa pa nitong inguso si Althaia. Mabuti na lamang at abala ang babae sa ginagawa nitong pagtingin sa paligid kaya hindi nito nakita ang ginawa ni Marko.  "Huwag ka nga maingay at baka marinig ka n’ya nakakahiya.” “Ayan umamin ka din saw akas.” Natatawa pa nitong wika. Napailing na lamang ako dahil hindi ko alam na pag-amin pala ang aking ginawa. Minabuti kong tapusin na ang pagbabasa sa papeles na ibinigay nito upang makalayas na din ang lalaki sa aking harapan. Agad kong ibinalik sa kanya ang papel nang matapos  ko itong pirmahan. Itinaboy ko na din ang lalaki para tumahimik na ang aking paligid. Hindi din kadsi s’ya tumitigil hangga’t hindi nagasasawa sa kanyang pang-aasar. “Goodluck.” Makahulugan na ngiti pa ang ibinigay nito sa akin bago nagpaalam kay Althaia at tuluyang lumabas ng opisina upang ihatid ang mga papeles sa palasyo ng hari. “Halika na sa labas upang maipakilala kita.”  Tumango ako at sumama na sa kanya palabas ng opisina. "Mga kasama narito na ang bago nating makakasama." Pahayag ni Deimos upang ipakilala ako sa lahat ng mga mandirigma. Nagtinginan naman sila agad sa amin dahilan para tumigil sila sa kanilang pagsasanay. Nginitian ko silang lahat at makikita mo sa kanilang mga mukha na tila masaya din sila na narito ako at makakasama nila. "S'ya si Althaia at kaibigan s'ya ng ating prinsesa na anak ng mahal na hari." Hindi ko alam pero tila nag-iba ang ihip ng hangin dahil biglang nagbago ang tingin nila sa akin. Nagsimula na din akong makarinig ng kanilang mga bulungan. “Kaya naman pala kahit walang kapangyarihan ay nakapasok s’ya dito.” Bulong ng isang lalaki na apoy ang elementong hawak. “Malakas naman pala ang kanyang kapit.” Sagot naman nito sa kanyang kasama. Kung pagmamasdan ng mabuti ay masasabing mas brusko ang isang ito.  “Hindi nakakapagtaka kung bakit si Deimos ang kailangan magsanay sa kanya.” Sagot din ng isa pang lalaki na yelo ang elementong hawak dahil pinaglalaruan n’ya pa iyon. “Tignan na lamang natin kung magtatagal s’ya bilang mandirigma.” Pahabol pa ng isang lalaki na  kasama sa kanilang grupo. Nalungkot ako dahil akala ko ay magiging madali para sa kanila na tanggapin ako bilang parte ng grupo. Nagkamali ako dahil hindi pala iyon ganun kadali. Masyado akong naghangad na magiging kaibigan ko silang lahat. Hindi ko lubos akalain na tila mas madami sa kanila ang hindi masaya na nandito ako ngayon. Malungkot akong napatingin kay Deimos at tila naintindihan nito ang aking nais ipahiwatig sa kanya. Tumango lamang s’ya sa akin na tila sinasabing huwag ko na lamang pansinin ang aming mga kasama. “Sige ipagpatuloy n’yo na ang inyong ginagawa.” Nagdesisyon na lamang ang lalaki na muli kaming pumasok sa loob upang simulan na ang pagtuturo sa akin ng mga dapat kong gawin. Nakatungo akong sumunod kay Deimos hanggang makapasok kami sa loob. Iniangat pa nito ang aking mukha ng mapansin ang aking hitsura. “Diba sabi ko naman sayo na hayaan mo na lamang sila dahil ako naman ang lagi mong makakasama at hindi sila.” Napakatamis ng ngiti nito sa akin dahilan para mawala ang lungkot na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay tila may mahika ang lalaking ito dahil sa tuwing ngumingiti s’ya ay nawawala ang kung anong nararamdaman ko at napapalitan iyon ng ligaya. Kaya heto ako ngayon at nakangiti na din sa lalaking kaharap. “Sabagay ay may punto ka naman dahil hindi ko kailangan patunayan ang aking sarili para sa kanila.” Tumayo ako ng ayos at tumingin ng diretso sa lalaki. Hindi ako maaaring panghinaan ng loob dahil lamang sa tingin nila sa akin. Hindi ako mahina dahil lahat ng bagay na ginusto ko ay nakukuha ko nang dahil sa pagpupursige. Kung tutuusin ay mag-isa na lamang ako ngayon kaya mas may kakayahan akong gawin lahat ng aking gusto sa buhay. Hindi ko pinangarap na maging mandirigma pero pangangatawan ko ito ngayon dahil sa aking layunin para sa kaharian. Wala man akong kapangyarihan pero pagbubutihin ko pa din upang maging magaling na mandirigma. “Halika magsimula na tayo.” Inanyayahan ulit ako nito upang lumabas sa kabilang dulo. Ngayon ko lang napansin na may isa pa palang pintuan doon. Ano naman kaya ang lugar na lalabasan ng pintong iyon. Tahimik akong sumunod kay Deimos at hindi alintana ang ilang mandirigma na nakatingin sa amin. Sabi ko nga ay hindi ko na sila papakialam kung anuman ang kanilang isipin. Mas lalo akong napahanga ng makita ang buong paligid. Hindi ko akalain na isa din itong training ground na halos kapareho lamang nung sa kabila. Ang kaibahan nila ay mas maliit lang ito at tila idenesenyo para sa mga tulad kong baguhan lamang bilang mandirigma. Mas tahimik din sa parteng ito dahil iilan lamang ang makakasama mo sa pagsasanay. Sa tingin ko pa nga ay tila walang tao dito minsan dahil halos lahat sila ay matagal nang nakapagsimula ng kanilang pagsasanay. “Anong masasabi mo?” Natigil lamang ako sa pagtingin sa aking paligid nang magsalita ang lalaki. “Ahm sa tingin ko ay masosolo ko ang lugar na ito.” Medyo natawa pa ako pagkasabi nito. Natawa na din ang lalaki dahil sa aking sinabi. “Parang ganun na nga dahil ikaw pa lang ulit ang bagong sumali sa amin.” Sa aking pagkakaalam ay isang beses sa isang taon lamang sila kumukuha ng mga bagong mandirigma na kanilang sinasanay. Tapos na ang araw na iyon kaya sa susunod na taon pa ulit sila maghahanap ng bagong mandirigma. Nagkataon lamang na kilala ako ni King Daeyn kaya agad akong nakapasok sa kanilang grupo. “Gusto mo na ba magsimula?” Hindi ko alam pero saglit akong natigilan sa tanong ng lalaki. Naalala ko na dalawa lamang kami ngayon sa lugar na ito. Sa isipin pa lang na masosolo ko ang lalaki ay nagbigay iyon ng kakaibang kahulugan para sa akin. “Okay ka lang ba namumula kasi ang iyong mukha?” Agad akong napatingin kay Deimos at hinawakan ang aking mukha. Nakakahiya dahil kung anu-ano agad ang aking iniisip dahil lang sa magkasama kaming dalawa. “Oo ayos lang ako, sige magsimula na tayo.” Nahihiyang wika ko sa kanya at bahagyang umiwas ng tingin sa lalaki. “Sige pero bago tayo magsimula ay gusto ko lang malaman kung nageensayo ka din ba lagi?” Tumango ako dahil alam kong importante na malakas ang aking pangangatawan upang magampanan ang aking tungkulin. Payat akong tignan pero tinitiyak ko na malusog ang aking pangangatawan. Hindi din kasi ako sakitin kaya sigurado talaga ako na makakaya ko kung anuman ang naghihintay sa akin dito.  “Mabuti kung ganun.” Nagulat ako dahio bigla nitong hinigit ang aking braso at napakabilis ng pangyayari dahil nasa likuran ko na s’ya ngayon. Halos yakap na ako ni Deimos at hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng pagkakayakap n’ya sa akin. Hindi ako maaaring magbigay ng kahulugan  sa kanyang ginagawa dahil hudyat lamang ito na nagsisimula na kami sa aming pagsasanay. May konting alam na din ako tungkol sa ganito dahil nag-aral ako ng proteksyon na maaari kong gamitin para sa aking sarili. Malakas si Deimos pero tiyak ko na hindi pa ito ang buong lakas na kaya n’yang ibigay dahil baguhan pa naman ako. Inipon ko ang lakas na mayroon ako upang makawala sa pagkakayakap ni Deimos. Bahagyang nagulat ang lalaki dahil hindi nito akalain ang kaya kong gawin. Mula sa kanyang pagkakayakap ay agad kong iniangat ang aking kaliwang braso upang bigyan ng malakas na pagsiko ang lalaki sa panga nito. Nabitawan n’ya ako at naging hudyat iyon upang suntukin ko naman ang kanyang sikmura. Mula doon ay mabilis akong dumistansya sa lalaki habang nakahanda ang sarili para sa gagawin nitong pagsugod sa akin. “Ahm mukhang napalakas yata ang pagkakasiko mo sa akin.” Nakangiwing komento nito habang hawak ang kanyang panga na nasaktan. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanyang sinabi.  “Sorry.” Mahinang wika ko sa kanya at umayos na ako ng aking pagkakatayo. “Ayos lang dahil isa itong paraan upang masubukan kung ano ang iyong kakayahan.” Bumalik na ang ngiti nito sa kanyang mukha kaya lumapit na din ako sa lalaki. “Ano sa tingin mo?” Nagagalak na tanong ko sa kanya. Gusto kong marinig kung ano ang aking score base sa aking pinakita. “Hmm sa tingin ko naman ay makakaya mo ang pagiging mandirigma. Wala ka man kapangyarihan pero may lakas ka naman.” Tila humahanga na sagot nito sa akin. “Yes!” Napasigaw pa ako dahil sa kanyang komento. Hindi talaga ako binigo ni Deimos. Magiging panatag na ako ngayon lalo at nanggaling mismo sa kanya na makakaya ko ang aking magiging tungkulin. Gayunpaman ay hindi iyon dito natatapos dahil sa bawat araw na darating ay mas lalo kong gagalingan. Pag-aaralan ko ang mga dapat kong gawin at patuloy na pahahangain ang lalaki. “Ipagpatuloy na natin.” Masayang anunsyo nito at nagsimula na ulit kami sa pakikipagbuno sa isa’t-isa. Hindi ko akalain na magagamit ko ang aking pinag-aralan na para lamang sa aking sarili at kay Vera.  Halos naubos ang aming buong araw dahil lamang sa ginagawa namin. Masaya ako sa aking ginagawa at sa tingin ko ay ganun din ang nararamdaman ni Deimos. Nang pareho kaming mapagod ay magkasabay pa kaming humiga sa damuhan kung saan kami nagsasanay.  “Maraming salamat.” Hinihingal ko pa na wika sa lalaki at isang matamis na ngiti lamang ang ibinigay nito sa akin. Pareho pa kaming tumingin sa langit na ngayon ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag. “Tapos na ang aking unang araw.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD