SUMAPIT ang laban ni Dille, at kasalukuyan na silang nakasakay sa sports car ni Justine at kasama nila si Welly. "Galingan mo," sabi ni Justine sabay hawak niya sa kamay ni Dille. Kinilig si Tisoy sa kaniyang nakita, ngunit kirot naman ang naramdaman ni Welly. Sapagkat nakaramdam ito ng selos. "Sana hindi pa kayo, Dille," bulong nito sa kaniyang sarili. Hanggang sa dumating sila sa dating lugar na kung saan lumalaban si Dille. Napailing-iling si Welly nang makita niya ang naturang lugar. Dahil hindi siya nagkamali sa kaniyang hinala isang napakadilikado nga ang laban na pinasukan ni Dille. "Maghanda ka dahil ikaw na ang susunod na lalaban," wika ng bouncer. "Dille, sigurado ka bang lalaban ka?" pag-alalang tanong ni Welly. "Master, nandito na tayo. Nasimulan ko na ito kaya kailan