Episode 1- SIMULA
"Konti na lang Alita!" sabi ng midwife na nagpapaanak sa kaniya.
"Hindi ko na kayaaa!" sigaw ni Alita, at nahihirapan itong magluwal.
"Sige pa! Konting-konti na lang Alita, at lalabas na ang bata." utos ulit ng midwife.
"Hindi ko na kayaaaa." At umiiyak na ito sa sobrang sakit.
"Kaya mo iyan, tulungan mo ang iyong sarili Alita!" sabi nang kaniyang tiyahin na si Penny.
Muling napasigaw si Alita, at ang kasunod noon ay ang iyak ng isang sanggol na babae. Nakahinga nang maluwang si Alita nang makalabas ang kaniyang anak.
FIVE MONTHS LATER
"Tiya Penny, iiwanan ko muna sa inyo si Dille." Panimula ni Alita.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ng tiyahin.
"Luluwas ako ng Maynila, Tiya. Para maghanap ng trabaho, ang hirap kasi dito," pahayag niya.
"Okay, sige. Pero siguraduhin mong magpadala ka, Alita. Dahil alam mo naman na naghihirap din kami dito. At walang maayos na trabaho ang tiyo mo."
"Opo! Salamat, Tiya ..." masayang sabi niya
Hindi nagdadalawang isip na iniwan ni Alita ang kaniyang anak. Ni hindi man lang niya iyon iniyakan.
SUMAPIT ang unang kaarawan ni Dille, ngunit hindi pa rin nagpaparamdam ang kaniyang ina na si Alita. Kaya hindi na umaasa si Penny, na babalikan pa niya si Dille. Mula noon ay nagpasiya na lang siya na ampunin ito at inilihim nila iyon sa bata.
"Mando, huwag na huwag mong babanggitin kay Dille na hindi kayo magkapatid. Ituring mo siyang tunay na kapatid, naintindihan mo?" Bilin niya sa tunay na anak na ang edad ay siyam na taon.
"Bakit, Nay? Hindi na po ba babalik si, ate Alita?" inosenteng tanong nito.
"Hindi na siguro dahil isang taon na ngunit hindi pa rin siya nagpaparamdam sa atin," tugon ni Penny sa anak.
"Mando, puntahan mo muna si Dille," utos ng kaniyang, Tatay Lito.
"Opo! Tay."
"Alam mo Enny? Sa tingin ko hindi tama na ilihim natin kay Dille na hindi tayo ang tunay niyang mga magulang. Dahil maraming nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Baka magalit pa ang bata sa atin." Pagtutol niya sa kaniyang asawa.
"Itong, Gusto ko lang na may malakihan na tunay na magulang si Dille. Dahil naaawa ako sa kaniya. Basta! Ilihim natin sa kaniya ang totoo. Mamahalin na lang natin siya na parang tunay na anak tutal pamangkin mo naman si Dille," pahayag ni Penny.
LUMIPAS ang limang taon ngunit wala pa ring Alita ang nagpapakita sa kanila. Hanggang sa nakalipat sila nang ibang lugar. Dahil ibinibinta ang lupa na kanilang tinitirhan. Napadpad sila sa isang probinsya, sa lugar ni Penny, na puno sa kahirapan.
Doon nagsimula sila nang panibagong buhay, tahimik at walang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Dille. Napalaki nila nang mabuti ang bata. Tinuruan ng tamang asal at pagrespeto sa mga nakakatanda.
Nagiging masunurin si Dille sa kaniyang mga magulang hanggang sa siya ay nakapagtapos sa high school. Ngunit dahil sa kahirapan ay si Dille na mismo ang kumausap sa kaniyang mga magulang.
"Nay, Tay. Alam kong mahirap lang tayo at hindi natin kaya ang gastusin sa aking pangkolehiyo. Hindi na muna ako mag-aaral tutulungan ko na lang po kayo," sabi ni Dille.
"Anak, baka magawaan pa natin ng paraan. Sayang naman kung hindi ka mag-aaral," tugon ng kaniyang Tatay.
"Tay, huwag na po. Baka magtampo pa si kuya Mando. Tutulungan ko na lang si kuya sa bukid. Kapag makaraos na tayo, Nay, Tay. Saka ko na lang ipagpatuloy ang aking pag-aaral," pahayag ni Dille.
"Sige, ikaw ang bahala, anak. Pagpasensiyahan mo na kami nang iyong Tatay," malungkot na tugon ni Penny.
"Nanay naman. Okay lang po!"
Kinabukasan ay sumama si Dille sa bukirin para tutulong sa gawaing bukid. Dito sila nabubuhay. Dito rin nanggaling ang pera na ginastos sa kaniyang pag-aaral. Dalawang daang peso ang suhol ng kaniyang Tatay sa pag-aararo at ganoon rin sa kaniyang kuya Mando.
May apat na daang piso sila sa isang araw. Dito kinukuha ang pang-araw-araw nilang gastusin. Kaya tamang-tama lang para sila makakain ng tatlong beses sa isang araw.
"Tay, pahinga ka na at ako muna ang mag-aararo," sabi ni Dille.
"Sigurado ka, anak?"
"Opo, Tay!" nakangiting ganti ni Dille.
"Ito anak, isuot mo para hindi masyadong mainitan ang iyong mukha," sabi ng ama sabay abot sa kaniyang malaking salakot.
"Salamat, Tay!" aniya at nagsimula na si Dille sa paghawak ng araro.
Nakaramdam naman ng sobrang awa si Lito, para sa kaniyang dalawang anak. Dahil hindi niya ito nabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi niya maiwasan ang mapaluha habang pinagmasdan ang dalawang anak na nasa ilalim ng sobrang init ng araw.
Kinaya ni Dille ang sobrang pagod at init para lang matulungan ang kaniyang mga magulang.
"Balang araw yayaman din tayo, Nay, Tay. Magsusumikap ako para makaangat naman tayo sa kahirapan," bulong ni Dille, habang nagpatuloy siya sa pag-aararo.
Halos naliligo na siya sa kaniyang pawis ngunit hindi niya ito iniinda. Ang tangin ipinagdasal niya ay sana alas-kuwatro na upang makapagpahinga na sila.
"Ang sipag talaga ng kapatid ko, ah!" pasigaw na sabi ng kaniyang kuya Mando.
"Nagmana lang naman ako sa iyo kuya!" nakangiting tugon ni Dille.
Kahit mahirap lang sila pero masasabi niya na mayaman sila sa pagmamahalan sa isat-isa.
UMUWI sila na sobrang bagod ang kaniyang naramdaman. Dahil mula bukid pababa sa kanilang tahanan ay may isang oras pa itong lalakarin. Kahit ganoon pa man ay hindi nagpapakita si Dille sa pamilya na pagod siya.
Buti na lang ay tapos ng magluto ang kaniyang ina.
"Mano po, Nay," sabi ni Dille, sabay kuha sa kamay ng ina.
"Kumusata ang bukid, anak?" pag-alalang tanong ng kaniyang Nanay.
"Ay! Ayos lang, Nay. Sobra akong nag-enjoy."
Pagsisinungaling ni Dille, ngunit ang totoo ay buong katawan niya ang sumasakit.
"May nakahain ng pagkain sa lamesa anak, kumain muna tayo" sabi ng kanilang ina.
Tinulang isda ang kanilang ulam at mais na bigas naman ang kanin. Para sa kaniya ay masarap na iyon. Pagkatapos niyang kumain ay pinunasan na lamang niya ang katawan bago natulog. Sapagkat halos hindi na niya ito maigalaw sa sobrang p*******t.
Kinabukasan ay maagang ginising ni Penny ang kaniyang pamilya para magsimba. Kahit masakit ang katawan ni Dille, ay bumangon ito upang makapagsimba.