"Ops!" gigil ni Justine, dahil susuntukin sana siya ni Dille. "Pagsinuntok mo ako, hahalikan ulit kita," pananakot nito at dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kaniyang kamao. Hindi na umimik si Dille at tumayo itong tulala. Para namang nakonsensya si Justine at dali-dali itong tumayo at sinundan si Dille. "Lass, I'm sorry," aniya sa malumanay na boses at yumakap ito sa likod ng dalaga. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Dille. "Justine..." sambit niya rito. "Uhmm?" tugon naman nito. "Bakit mo ito ginagawa sa akin?" pormal niyang tanong. "Because I love you..." pagtatapat nito. Nagulat naman siya sa narinig. "Para namang hindi kapani-paniwala. Ikaw na isang mayaman ay magkagusto sa isang katulad ko?" Pinagtripan mo na naman ba ako Justine?" At sabay patak ng kaniyang luha