"Mananalo ako, Nay! Mananalo ako!" paulit-ulit na sabi ni Dille sa kaniyang isip habang patuloy ang kanilang labanan. "Kaya mo iyan, Ate Dille. Kaya mo iyan!" sigaw ni Tisoy habang hindi napigilan ang mapaiyak. Dahil marami ang tamang natamo ni Dille. Ngunit sige pa rin siya nang sige sa pakikipagpalitan ng suntukan at sipa. "Hiyaaah!" huling sigaw ni Dille habang gumagamit siya ng turning side and hook kicks. Tumilapon ang kalaban at nawalan ng malay "Wooooh! Panalo tayo!" pagsisigaw ni Justine na may kasamang pagtatalon. Dahil walang mapagsidlan sa sobra-sobrang kaligayahan na kaniyang naramdaman. "Ate DILLE ko iyan mga bessshh!" sigaw naman ni Tisoy. Ngunit si Welly ay awa at saya ang kaniyang naramdaman at mahinang palakpak ang kaniyang ginagawa. Sobra siyang proud rito. Sapagkat