BUBUKSAN na sana ni Dille ang pinto, nang biglang nag ring ang kaniyang phone. "Wait my husband is calling," saad ni Mrs. Steven. "Okay po." "Honey, nasaan ka na? Dito na ako sa sasakyan," boses ng kaniyang asawa sa kabilang linya. "I'm coming, hon." At kinansela ang tawag. "Dille, next-time na lang ako bibisita sa Nanay mo. Tumawag na kasi ang aking asawa at nasa sasakyan na siya," aniya at hinawakan ang kamay nito. "Sige po, ma'am. Ingat po kayo." "Salamat sa pang-unawa, Dille." "Okay lang po!" At nagmadaling ng umalis si Mrs. Steven. "Alam mo ate Dille?" Panimula ni Tisoy. "Hindi pa, Tisoy." "Mukhang mabait ang Mommy ni Kuya Justine. Parang sa kaniya nagmana si Kuya Justin mahilig mag english," pahayag nito. "Hmmm... mas mabait ang Daddy niya. Biruin mo tinulungan