Nagising ako sa mahihinang tapik na dumadampi sa aking pisngi. Napamulat ako at bumungad sakin ang mukha ni Charie, umayos ako ng upo at nag-inat. "Nasaan na tayo, Bessy?" tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako ng matamis at tumayo.
"Welcome to the Philippines, Princess Crystal, welcome to our Hometown!" masiglang wika niya.
Napangiti ako at tumingin sa bintana. Isang nakakasilaw na sunlight ang bumungad sakin kaya ibinalik ko sakanya ang aking paningin,
"Let's go. Damahin na natin ang hangin ng Pilipinas. Ilang taon narin tayong hindi nakakauwi dito. Dali!" wika niya sabay hila sakin patayo.
Nagpahila nalang ako sakanya hanggang sa makababa kami sa Plane at naglakad papasok sa Airport.
Masaya kaming dalawa na naglalakad habang nakacling ang braso ko sa braso niya. Hindi kasi ako sanay nang walang makakapitan. Napalingon siya sakin nang marinig niya ang paghagikgik ko kaya napatawa siya at kinindatan pa ako.
Nakalabas na kami sa airport at bumungad samin ang nagtataasang mga building, ang mga maiingay na sasakyan, at ang polusyon na nanggagaling dito.
"Ang laki na ng pinagbago noh." puna ng bestfriend ko. Napatango naman ako at nginitian siya.
"Tara na." aya ko sakanya.
Nag-isip muna siya bago nagsalita. "Sandali, sa mall muna tayo. Diba kulang pa yung damit mo? Bibili muna tayo ng mga things mo. Kakain pa din muna tayo." aniya. Tumango nalang ako sakanya at nagsimula ng maglakad. Magpapara na sana siya ng Taxi ng pinigilan ko siya.
"Wait! What if, maglakad nalang tayo papunta sa Mall?" suhestyon ko na ikinakunot ng noo niya.
"Ano? Ayoko nga. Kita mong tirik na tirik ang araw. At isa pa, hindi ko ito kabisado mamaya maligaw tayo eh." aniya at muli na namang papara ng Taxi ng pinigilan ko ulit siya.
"Charie, sige na kasi. Gusto kong damhin at pagmasdan ang Ganda ng Pilipinas. Sige na. More than a decade narin tayong hindi nakakauwi dito, ngayon nalang ulit." pagmamakaawa ko sakanya.
"Hindi, Crystal. Pareho tayong naka-heels, naka-coat pa tayo. Hindi ka ba naiinitan? Kung maglalakad tayo ng ganyan, baka hindi na tayo umabot sa Mall ay ma-heat stroke na tayo. Summer ang season ngayon dito. So, please. Gutom na ako at pagod pa ako. I'm sure ikaw din kaya huwag kanang makulit." wika niya na nagpatahimik sakin. Ngumuso nalang ako at hinayaan na lamang siya.
Ilang saglit pa ay nakasakay narin kami ng Taxi. Habang andito kami sa loob ay wala kaming imikan. Siya ay busy sa pagti-text habang ako ay busy sa pagmamasid sa labas. Bawat tao o bagay na madaanan namin ay natutuwa ako. Ang saya kasi nila tignan. Malaki na nga talaga ang ipinagbago ng Hometown namin. After kasing maging successful ni Mommy sa Paris ay lumipat kami sa New York at nagpa-citizen doon. Mas maganda raw kung lalaki ako sa Foreign Country para may matutunan ako.
Matututo ba ako kung bawat galaw ko ay may nakaalalay sakin at nasa bahay lang ako? I let out a loud sighed at nagpatuloy nalang sa pagtingin-tingin sa labas.
Napahinto ang aming sinasakyan hudyat ng Traffic. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakuha ng atensyon ko ang isang Billboard ng lalaking nakangiti at may hawak na Cellphone. Base dito, minomodelo niya ang Brand ng Cellphone na iyon. Binasa ko ang nasa ibaba ng kanyang larawan.
'Prince Alvarez
Superstar'
"Superstar? Artista?" nasambit ko.
"Ano, Crystal?" tanong ni Charie na narinig ata ang sinabi ko.
"Prince Alvarez. Kilala mo ba siya?" tanong ko sakanya.
Napatingin naman siya sa tinitignan ko at parang naghugis puso ang mga mata niya.
"OH-MY-GEE! Hindi mo siya kilala? Siya ang Superstar ngayon dito sa Pilipinas. Nagworld tour narin siya last year at pumunta siya sa Hongkong. He has an angelic voice and good at acting. Madalas din siyang na-fe-feature sa mga magazines at nag-guest narin kay Ellen. Why you didn't know him?" saad nito kasabay ng impit niyang tili. Sa Hongkong kasi sila namamalagi ng kuya niya ngayon.
"Ah. I never tried to watch TV if it's all about showbusiness and such. I prefer business channel and National Geographic." sagot ko at muling tumingin sa paligid. Hindi naman kasi ako nanunuod ng TV na tungkol lang sa mga artists, or actors kaya hindi ko kilala yan. Mas gusto ko pang magbasa ng Libro at makinig ng Music kaysa manuod. Nagkibit-balikat nalang siya at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang phone.
Hindi na muli kaming nag-imikan pa hanggang sa makarating kami sa Mall. Namili lang kami ng mga damit at toiletries na gagamitin ko pagkatapos nun ay kumain kami sa isang fastfood na libre ni Charie dahil nagtitipid ako, plus the fact na hindi na kami nakakain don for the past ten years dahil ayon sakanya mahal raw ang fastfood sa abroad. Nang mapagod kami sa kakalibot ay napagpasyahan naming magcheck in na ng Hotel at magpahinga.
"Bessy, call me If you need anything, Okay?" wika ni Charlene. Aalis na kasi siya at babalik na ng Hongkong. Sayang nga at isang araw lang siya dito, pinapauwi na kasi siya ng Kuya niya.
"Yeah. Sige na, umalis na kayo." tugon ko at niyakap siya. Gumanti naman ito at naramdaman ko ang pagmuo ng luha sa aking mga mata.
"Sigurado ka na ba talaga dito, Crystal? Baka pwede pa magbago isip mo? Kung gusto mo sumama ka nalang sakin sa Hongkong." saad niya. Pang-ilang beses na niyang sinabi yan.
"Charie, paano ako matututo kung hindi ako mamumuhay mag-isa? Kaya ko na ang sarili ko. Okay? Malaki na ako at 20 years old na kaya sige na, umalis na kayo." pagtataboy ko sakanya. Mahigit isang oras narin kaming nagpapaalam sa isa't-isa.
"Sige na, aalis na ako. Mag-iingat ka at tawagan mo ako parati." wika niya pa bago muli akong yakapin. Kumalas din siya agad at hinalikan ako sa pisngi kapagkuwan ay sumakay na sa taxi na maghahatid sakanya sa airport. Pinanuod ko itong umalis hanggang sa mawala na sa aking paningin.
Napabuntong hininga ako bago muling pumasok sa hotel room na nirentahan ko at kinuha ang traveling bag at shoulder bag ko. Sumakay ako sa elevator, nagtungo sa Front desk at nagcheck out.
Pagkalabas ko ng Hotel ay dumiretso ako sa Pawnshop at pinagbili ang relo at cellphone ko. Nang matapos doon ay bumili ako ng murang cellphone at inilagay doon ang aking simcard.
Naglakad lakad ako upang maghanap naman ng trabaho at bedspace dahil I remembered yung mga ikinukwento sakin ni Nana Sasa, ang nag-aalaga sakin sa New York na yung daughter niya raw na galling province nila ay naghanap ng bedspace at work nang makarating sa manila and since nasa Manila ako ay ganoon din ang gagawin ko.
Napaupo ako sa isang bench na nakita ko sa may tabi. Hindi na ako nag-atubiling pagpagan o punasan ito, at basta na lamang umupo dahil sa pagod na nararamdaman ko. I checked my phone at nakitang 5pm in the afternoon na.
Nakakapagod. Hindi ko inakalang ganito pala kahirap maghanap ng mangungupahang bahay, kahit na sabihing magbabayad ka naman ay wala parin kung puno na talaga. Hindi parin ako nakakahanap ng trabaho na pinaniniwalaan kong mas mahirap hanapan ayon narin sa kwento ng Nanny ko.
Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang langit na unti-unti ng nagcocolor orange. Malapit na ang paglubog ng araw at gabi na, pero hindi parin ako nakakahanap ng masisilungan. Parang gusto ko ng umiyak. Masakit narin ang mga paa ko. Kating-kati na akong tawagan si Charie at magpasundo sakanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakaka-24 hours na mag-isa lang ako ay susuko ako agad? Tsaka in the first place, ginusto ko ito kaya dapat lang na panindigan ko. This is the life that I always dreamed of,kaya kailangan kong tatagan ang loob ko.
Muli akong napabuntong hininga at saglit na nagpahinga bago muling tumayo para maghanap uli.
Sandali akong tumigil at pinagmasdan ang paligid nang may makita akong mga guwardiya, lumapit ako agad sa kanila at nagtanong sa mga nasa labas ng mga stores at may itinuro silang isang Transient House na may bakante raw na Bed space. Medyo nasa tagong lugar raw kasi ito kaya hindi agad makikita. Malugod naman akong nagpasalamat sakanila at nagpaalam na aalis na.
Pagkarating ko sa tapat ng building na yun ay saglit akong natigilan. Limang palapag ang gusali na medyo luma na ang itsura, I mean, parang ang dumi tignan dahil medyo natatanggal na ang paint at color black na ang windows and yung door sa tapat ko.
'Safe kayang tumira dito?' I mentally asked myself.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob at nabungaran ko ang maaliwalas na loob nito.
'Don't judge the book by it's cover, Crystal. Don't judge the house by it's look.' I murmured to myself.
Kulay gold na may touch ng white ang pintura nito. May chandelier, at ceiling fan sa kisame. Sa gilid nito ay may front desk na may nakaupong isang hindi masyadong katandaan na babae na may color pink na curl rolls sa ulo at nakabestida na floral. Sa tapat ng front desk ay parang visitor's lounge dahil may sofa at table ito.
Hila-hila ang aking maleta, naglakad ako papalapit sa may front desk at ngumiti doon sa Ginang ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay kaya napalunok ako sandali bago nagsalita,
"Ahm. Excuse me, I would like to rent a unit in here." sambit ko na ikinakunot ng noo niya.
"Ano?" kunot-noong tanong nito.
"I mean, magrerent po sana ako ng unit ditto, may vacant po ba?" tanong kong muli.
"Hindi unit ang ipinaparenta ko dito kundi Bed space, hindi mo ba nabasa yung nasa labas?" aniya.
Saglit akong napaisip, magkaiba ba ang Bed space at Unit?
"Oh, I see. So, may vacant po?" tanong ko. Naalala ko noong bata pa ako na laging tinuturo sakin ni Nanny na mag 'po' at 'opo', bilang pag-galang. Gamitin raw ang mga salitang yan sa mga mas nakakatanda sakin.
"Meron, sa 3rd Floor. 2000php ang renta kada buwan, kasama na ang tubig at kuryente. Sa pagkain naman, kung gusto mong hindi na magluto, nagluluto kami ng almusal at hapunan dito, karamihan kasi ay estudyante ang mga andito. Magdagdag ka ng 1000php, isang buwan na almusal at hapunan kana." wika niya pa habang lumalabas sa may parang counter.
Sandali akong nag-isip at nakangiting tumingin sakanya, "It's okay. I only want the bed space, thank you." Magalang kong saad.
Tumango-tango naman ang Ginang at nagsalita, " Sige. Gusto mo bang makita ang kwarto sa itaas?" tanong niya at naglakad patungo sa akin.
"Opo." tugon ko.
Tumango ulit ito at napatingin sa mga dala ko, "Iwan mo muna ang Maleta mo dyan sa loob, hindi iyan mawawala." sabi niya kaya hinila ko muna ang maleta ko at ipinasok sa may loob ng front desk pagkuwa'y sumunod na sakanya papasok sa isang malaking pinto.
Pagpasok namin ay muling bumungad sakin ang maaliwalas na lugar. Gold na may touch ng white rin ang paint. May sala set sa may bandang kaliwa at isang hagdan, sa tabi ng hagdan ay yung parang sampayan dahil may mga clothes na nakasabit doon tapos sa kanan ay may pinto.
Inakay niya ako papuntang hagdan. Nadaanan pa namin ang ilang babae na nakaupo sa may sala at nanunuod sa malaking TV na nakadikit sa dingding.Umakyat kami doon at may nakikita akong mga babae na lumalabas at pumapasok sa bawat kwarto.
"Ang Laundry area ay nasa first floor. Dito sa right wing ang mga babae at sa kaliwa ang mga lalaki. Bawal magpapasok ng lalaki sa kwarto ha. May harang naman sa may gitna kaya hindi rin kayo magkakakitaan o magkakasalubong ng mga lalaki sa bawat floor. Sa first floor lang." paliwanag pa ng Ginang habang naglalakad kami sa hallway.
Nang makarating kami sa may third floor ay naglakad kami sa Hallway muli. Nadaanan muna namin ang tatlong pinto at huminto sa ikaapat, kinuha nito ang set ng mga susi sa kanyang bulsa at saka isinuksok iyon sa seradura. Ipinihit niya ito at bumukas na iyon, agad na bumungad sakin ang tatlong double deck at isang pinto sa loob non. Nalaman kong double deck yun dahil may nakita na akong ganun sa mansyon, yun ang higaan ng aming mga kasambahay.
"May aircon din dito ngunit tuwing gabi lang binubuksan. Limang babae ang makakasama mo dito, puro estudyante. Ano sa tingin mo? Ok lang ba sayo?" tanong niya.
"Ok lang naman po. Mukha namang comfy." nakangiting sagot ko.
"2 months deposit, 1 month advance. Bale, 6,000php lahat. Ngayon ka na ba lilipat?" tanong niya pa. Tumango naman ako at agad kinuha ang wallet ko sa aking shoulder bag.
"Balik muna tayo sa baba, doon ka magbayad." aniya at muling isinarado ang pinto kapagkuwan ay bumaba na kami sa first floor.
Nang nasa unang palapag na kami ay agad niyang itinuro ang Laundry area. Nasa gitna ito ng hagdanan at ng dining area. Malaki rin ang space nito na may apat na malalaking washing machine at dalawang dryer habang sa labas ang sampayan.
Umalis narin kami agad doon at pumunta sa parang silid na mukhang office dahil may table at swivel chair tsaka dalawang chair sa may tapat ng mesa.
Iniabot ko sakanya ang 6,000php. Agad naman siyang gumawa ng resibo at ipinapirma sakin. Pagkatapos niyang sabihin ang mga rules doon ay nagpaalam na akong aakyat sa itaas. Binigyan niya ako ng susi ng magiging kwarto ko tapos ay lumabas na doon. Kinuha ko muna ang maleta ko sa may front desk pagkuwa'y umakyat na sa taas sa aking kwarto.
Pagpasok ko doon ay may nakita akong babae na nakaupo sa ibaba ng double deck, sinabi kong ako ang magiging room mate niya kaya tinuro niya sakin ang bakanteng higaan which is ay sa itaas malapit sa aircon. Agad ko namang inakyat ang maleta ko doon sa tulong narin niya at umakyat narin doon pagkatapos.
First time kong humiga sa ganitong kama. Kalahati lang ng lambot ng kama ko, medyo maliit pa at isa lang ang pillow.
"Ako nga pala si Tina. Ikaw?" narinig kong wika ng room mate ko.
Nilingon ko siya at nginitian, "I'm Alexa. Nice to meet you." tugon ko, inilahad ko ang kamay ko na malugod naman niyang inabot.
"Sabihin mo lang kung may kailangan ka ha." anito pa.
"Yeah. Thanks." saad ko at humiga na sa aking bagong kama. Medyo kinabahan pa ako dahil umuga ng humiga ako pero sabi naman ni Tina ay matibay raw ito kaya hindi raw ito masisira.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad itinext si Charie para ibalitang nakahanap na ako ng matitirhan. Pagkatapos kong isend ay inilapag ko sa aking tabi ito at tumitig sa kisame.
'Bukas na bukas. Trabaho naman ang hahanapin ko. Tapos ay ayos na, wala na akong problema.' turan ko sa aking sarili.
"Kamusta na kaya sila Nanny? Nasa mansyon na kaya sina Mommy at Daddy? Hinahanap kaya nila ako?" I silently muttered bago ko ipikit ang aking mga mata at tuluyan ng dalawin ng antok.
Ito na ang umpisa ng aking bagong buhay.