AFTER SEVERAL MONTHS....
Walang pagsidlan ang tuwang aking nararamdaman ng marinig ko ang ingay at makita ko ang mga ilaw ng New York City. Times Square is as colourful and bright as Disneyland mula sa librong nabasa ko, At tama nga. May mga nagta-taasang buildings na puno ng ilaw, at ang mga Shops sa subway. Para akong ignorante na ngayon lang nakapunta dito, to think na andito na kami, 10 years old palang ako.
Eventhough we are living here in New York for about I-don't-know-since-when ay hindi pa ako nakakapunta dito. Para akong isang preso na nakalaya mula sa matagal na pagkakakulong at ngayon na lamang muli nakakita nang maiilaw na bagay.
Naupo ako sa isang table ng Coffee Shop na nakita ko sa gilid, ang Café Grumpy, as what I read from the glass windown. I looked around and scanned the whole place at nalaman ko na nasa 20th Street ako ng New York. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinawagan ang bestfriend ko.
"Charlene Andrea Fernando! Guess what?" Masayang wika ko ng sagutin niya ang aking tawag. I decided to go inside the Café and order some drinks para matikman ko narin. I ordered Café Espresso and it taste good pala at agad itong tinikman at lumabas din ng coffee shop.
"What?" inaantok na tugon niya. Narinig ko pa nga ang paghikab niya mula sa kabilang linya.
"I'm Free! Oh, My Gosh. Andito ako sa New York City! Yung City Lights, Gosh. Ang ganda." Hindi magkandauga-gang wika ko habang lumilinga-linga sa paligid saka muling umupo.
Matagal bago siya nakapagreact. "You mean, sineryoso mo 'yung suggestion ko?" gulat na tanong niya sakin.
"Yeah. Thanks for that, Bessy. Ang ganda talaga dito. Kaso hindi ko kabisado. Gusto kong pumunta sa ibang bansa, madali kasi nila akong mahahanap kapag dito lang ako mag-stay, and Bessy ang sarap pala ng Café Espresso. Gosh." sabi ko pa sa kanya, tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nag-umpisang mag-lakad sa sidewalk papunta sa isang Hotel. Mag che-check in muna ako, ganito kasi yung mga ginagawa ng mga bida sa nababasa kong libro kapag nasa ibang lugar sila, and I know din kung paano mag-check-in dahil may Hotel kami.
"OMG, Crystal Alexa Ybaniez! Kapag nalaman ng Daddy mo na ako ang nag-suggest sayo, I'm pretty sure ipapa-assasinate ako no'n!" sigaw niya.
Nai-imagine ko yung itsura niya na pabalik-balik at paglalakad habang kinakagat ang mga kuko, kaya hindi ko maiwasang mapatawa habang naglalakad.
"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin eh. Tayo'ng dalawa lang ang nakaka-alam. Sige na, sunduin mo na ako dito at dalhin mo ako sa hometown natin." pinal kong saad.
Narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong hininga bago magsalita, "Okay. Hintayin mo kami. Text me kung nasaan ka at babyahe na kami tonight para sunduuin ka, pasalamat ka pina-gamit sakin yung Private Plane namin. Naku, Naku Crystal. Tsk!" aniya kapagkuwan ay tinapos narin ang tawag. Ako naman ay huminto saglit dahil mukhang malayo na ako sa ingay ng mga tao kaya naglakad ako pabalik. Hindi ko maiwasan hindi matakot, baka kasi totoo yung sinasabi ni Daddy, base narin sa mga nadadaanan ko, kung makatingin parang kakainin ako ng buhay. Creepy!
Nakahinga ako ng maluwag ng muli kong makita ang mga ilaw. Muli akong umupo sa isang bench doon para pagmasdan ang paligid dahil naaaliw talaga ako. I let a heavy sighed at hindi maiwasang ngumiti, ganito pala ang feeling kapag nasa labas ng mansion. Ganito pala ang feeling kapag malaya. Sana pala matagal ko na itong ginawa.
Nakita ko ang mga batang masayang nagla-laro sa playground sa hindi kalayuan, kaya lalo akong napangiti, I never experienced that kahit 'nong nasa Philippines pa kami, mga taong nagmamadali sa paglakad at pagtakbo para hindi mahuli sa kanilang pupuntahan at ang mga nagtatrabaho sa isang fastfood chain at restaurants na matamis na nakangiti sa kanilang mga customer at hindi alintana ang pagod sakanila. Karamihan sa mga nakikita ko ay mukhang Pilipino. Napakasaya nila, normal lang ang kanilang buhay pero malaya sila.
Siguro, isang cursed ang pagiging mayaman. Naalala ko noong bata ako, iminulat sakin ng aking Ina na huwag basta-basta magtitiwala sa mga tao, dahil mandaraya raw ang mga ito. Huwag raw ako magpapakita ng emosyon, dahil ang isang Ybaniez ay never raw naging mahina. Cursed my life and my name. Kung ang ilan, hinihiling na yumaman at maging isa lang silang anak, ako hindi. Masaya ang may kapatid, dahil si Charie, may kuya siya at pinoprotektahan siya nito. Ang mga pinsan ko na kahit puro lalaki ay pinapangalagaan ang isa't-isa. Ako? Sino poprotekta sakin? Ang mga sandamakmak ko na Bodyguards? I smiled bitterly at my thoughts.
Nang maramdaman ko na ang lamig na nanunuot sa aking balat ay tumayo na ako at nag umpisa maglakad papasok sa isang Hotel, nakaramdam narin ako ng antok. Past 3am na,ayon narin sa aking wristwatch pero may mga bata paring naglalaro. Sobrang free naman nila.
Nang may matanaw akong isang Hotel na malapit sa kinaroroonan ko ay agad akong pumasok at nag-inquire sa receptionist.
"Do you have an Identification card with you, Madame?" Tanong ng receptionist. Napatitig ako dito habang nag-iisip ng kung anong isasagot ko. Hind ko alam na kailangan pa pala ng Id and s**t, I don't have my Is with me, and If I have, hindi ko ito ibibigay dahil baka malaman niya kung sino ko at tumakas ako.
But wait, hindi kaya au namukhaan niya ako? Pero hindi, dahil laging sinasabi sa akin ni Daddy na hindi nila ako i-eexpose sa business channel and ibang tao na hindi kabilang sa elites dahil ayaw nila akong makidnap at magaya sa heiress ng mga Edwards. Kaya bakit?
"Uh--"
"It's okay Madame If you don't have any Identification card with you as long as you pay with cash and full amount of a room you were to rent." Anito kaya nakahinga ako ng maluwag.
I chose the cheapest ans smallest room they have at natuwa nang may nag-iisang bakante. Nang makapag-rent na ako ng kwarto ay agad akong nagtungo at sumakay sa elevator. Isinaksak ko ang susi sa seradura ng pinto ng room ko nang makarating ako doon and I can't help myself but to feel amaze as I opened the lights. Maganda ang features ng room at maaliwalas ang aura dahil sa color sky blue na wallpaper nito. Nasa gitna ang isang queen-sized bed na may white bedsheets at tatlong pillows,sa right side ang pinto ng bathroom at sa left side ang mini-kitchen na may four seater wooden table. This is perfect! And I can't imagine that this is their cheapest room! Agad akong nagtungo sa kama ng ma-i-locked ko ang pinto at humiga. This is such a long and tiring day kaya siguro napagod ako at agad hinila ng antok.
Nagising ako kinabukasan dahil sa paulit-ulit na tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng aking unan at nang mahawakan ko ito ay siya namang pagtigil ng tunog.
Bumangon na ako sa kama at nag inat. Tinignan ko ang aking cellphone at napanguso nang makita kong dead batterry na ito. Hinanap ko ang bag ko para kunin ang charger, itinaktak ko pa ang mga laman nito at napakamot sa aking ulo ng mapagtantong hindi ko pala iyon nailagay kagabi.
Nag-hilamos muna ako bago bumaba sa front desk para magtanong kung saan ako makakabili ng Charger.
"Goodmorning, may I ask if where can I buy the charger of this phone." tanong ko nang makalapit ako sa receptionist sabay pakita sa Iphone 5S ko. Itinuro niya sakin ang isang vending machine sa may gilid, sinabi niyang cellphone charging vending nachine raw iyon. Nagpasalamat naman ako dito at agad lumapit doon, hinanap ko mula sa mga wires doon ang para sa Iphone ko at i-ki-n-onnect sa phone ko. Isinara ko ang cover nang mabasa ko ang instructions at kinuha ang susi sa may gilid at padlock sabay locked dito. Naghulog ako ng $3 at tuluyan na ngang gumana ito.
Nakakamangha, may ganito pala dito. Susundan mo lang ang instructions na nakasulat doon tapos ay okay na. Ang Machine na ito ay may two levels, six cellphones ang pwedeng i-charge. This was so cool!
Ibinulsa ko ang susi at umupo sa may lobby, kinuha ko ang isang magazine doon at nagbasa habang nagaantay.
Naglalakad na ako palabas ng hotel ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Napangiti ako ng makitang si Charie ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello Cha--"
"HOY CRYSTAL YBANIEZ! HINDI MO BA ALAM NA ALALANG-ALALA AKO SAYO. MY GOD! ALAM MO NAMANG TAONG BAHAY KA, TAPOS HINDI MO PA SAKIN TINETEXT YUNG PANGALAN NG HOTEL MO. ANONG GUSTO MO, ISA-ISAHIN KO PA. GOSH! CRYSTAL NAKAKA G-R-R!!!" sigaw niya sa kabilang linya. Agad kong nailayo ang cellphone sa aking tenga sa lakas ng boses nito.
"Sorry bessy, nalowbat kasi yung cellphone ko at naghanap pa ako ng charger. Where are you na ba?" wika ko sakanya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao dahil siguro sa ibang language na ginamit ko.
"Geez! I'm freaking exhausted and stinky and hungry too. Ikaw ang nasaan na ba? Kanina pa ko naghahanap sayo, hindi ko pa sinama yung mga bodyguard ko." sambit niya. Sasagot pa sana ako ng matanaw ko siya sa may kabilang kalsada, nakaupo sa may labas ng restaurant kasama ang isang lalaki.
"Oo na, nandito ako sa kabilang kalsada sa tapat mo. Pumunta kana dito para makaligo kana dahil you're stinky at ng makaalis na tayo." aniko at pinutol ko na ang tawag.
Nakangiti ko siyang sinalubong habang nakabusangot naman siya. Mukha na nga siya talagang exhausted.
Pumasok kami sa kwartong nirentahan ko at doon na kumain kapagkuwan ay naligo, at nang matapos na kami ay lumabas na kami sa silid na yun at nagcheck out. Namili narin kami ng ilang mga damit para may pamalit kami kung saan man kami patungo pagkatapos niyon ay dumiretso kami ng airport. Ilang sandali pa ay nasa private plane narin kami na dala niya.
"Bakit kasi hindi ka nagdala ng mga damit mo, puro signature dresses pa naman yun." narinig kong reklamo niya habang nakaupo sa tabi ko at isa-isang tinitignan ang mga damit na pinamili namin.
"Hayaan mo na yun, pare-parehas lang naman na damit ang mga yan. Branded lang yun." tugon ko sakanya.
Napa-halukipkip siyang tumingin sakin at tinaasan ako ng kilay, "Tapatin mo nga ako, Crystal. Ano ba ang plano mo?" tanong niya.
Sandali akong nag-isip saka siya sinagot, "I want to experience a normal life. I want to live alone." simpleng sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Kasalukuyang nagre-ready na ang eroplano sa pagtake-off nito.
"Yun lang? Iiwan mo ang marangya at masagana mong buhay dahil lang sa gusto mong maka-experience ng normal life? That's really really great, Crystal for a Princess like you, that's a one of a hell craziest idea I've ever heared." Sarkastikong wika nito at bumuntong hininga. Maya-maya pa ay seryoso niya ulit akong tinignan.
"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya.
"Hometown." Simpleng wika ko nang naka-ngiti. Napangiti narin siya sa sinaad ko kapagkuwan ay pumunta sa may cabin.
"Sa Pilipinas tayo, captain." narinig kong wika niya na ikinangiti ko rin.
Sana lang talaga maging masaya ako sa desisyon kong ito.
No more boring life for me.