Chapter 5

1628 Words
NAGISING ako sa ingay na aking naririnig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sakin ang mga kasamahan ko ditto sa bahay na paroot-parito sa bawat sulok nitong silid. Nagmamadali ang ilan at halatang walang dapat sayangin na oras. Napabangon ako at nag-inat, hinagilap ko muna ang cellphone ko para tignan kung may message ni Charie pero wala kaya napahinga nalang ako ng malalim. Bumaba ako sa aking higaan para tumungo sa Bathroom.   "Sorry, Alexa. Nagising ka ba namin?" narinig kong wika ni Tina, nasa harapan ito ng salamin at tinitignan ang repleksyon ko.   "No, It's okay. I just need to use the bathroom." tugon ko at bahagyang ngumiti saka naglakad patungo doon.   Napahinga muli ako ng malalim nang makita ang loob ng bathroom. Okay. It looks clean naman pero parang ang oily ng floor at yung smell, parang naka-ka-soffucate and it is so small for a common bathroom. I let a loud sighed as I step closer to the toilet bowl.   "This is what you want Crystal, right. Panindigan. Normal Life. Normal Life." bulong ko at pinunasan muna ng tissue yung toilet bago gamitin iyon.   Yes. Normal Life so stop being maarte, Crystal.  WANTED: WAITRESS   NAGPAKAWALA muna ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa isang pangatlong restaurant na pag-aapplyan ko. Pangatlo na, dahil yung mga nauna ay hindi ako natanggap sa kadahilanang wala raw akong experience. Anong klaseng experience ba ang hinahanap nila? At ano ang mga requirements at resume? I sighed in frustration at pinagpagan ang suot kong pencil cut skirt at longsleeve polo na color pink.   Pagpasok ko sa loob ay siya namang pagkasara agad ng pinto nang bitawan ko ang door knob, luminga ako sa kabuuan ng restaurant at agad na napalingon pabalik sa pintuan nang marinig ko ang pagtunog ng kung ano sa itaas 'non na halos nagpatalon sakin.   'Perks of being an Homebody.'   "Good Afternoon, Ma'am." bati ng babaeng nakauniporme sakin. Nginitian ko siya at nilapitan.   "Excuse me, paano ako makakapag apply here? I mean can I talk to your Manager or someone else who can help me?" nakangiting tanong ko. Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at nakangiting humarap sakin. Nagpupunas ata siya ng Table.   "May resume ka bang dala?" tanong niya   "What is resume?" balik-tanong ko.   "Resume, kailangan iyon ng mga mag-a-apply ng trabaho, doon kasi nakalagay ang iyong personal information, educational background at character references, tapos kapag natanggap ka ay papakuhanin ka naman ng mga requirements such as, Mayor's permit, Health card, Birth certificate, TIN ID, SSS, PAG-IBIG at kung anu-ano pa." paliwanag niya.   Napakunot-noo ako dahil wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya except for the personal info and educational background.   "What? I mean, should I be the one providing that, and give it to you?" naguguluhan kong tanong.   "Hindi mo alam? Teka, Ilan taon kana ba?" balik-tanong niya.   "I'm 20 years old, turning 21." tugon ko.   "20 years old kana tapos hindi mo alam yung mga sinabi ko? Saang bundok ka ba nanggaling?" manghang saad nito.   "Sorry lady but I didn't get you. Paki-explain ulit." sambit ko. Naupo siya sa isang silya na malapit sakanya kaya umupo rin ako sa tapat nito. Huminga muna siya ng malalim bago muling magsalita,   "Ganito kasi yan.." she paused for a while at tumikhim bago magpatuloy. "Iyong TIN ID chenes na yun ay para sa, hay. Saka ko na nga i-e-explain at baka abutin tayo ng 10 years. Iyong resume muna, may dala kaba?" aniya.   Umiling ako bilang tugon na ikinabuntong hininga niya. Maliit na Shoulder bag lang ang dala ko ang laman ay phone, wallet, pressed powder at nyx lipstick.   "Hay naku. Saan ka ba nanggaling?" tanong niya muli.   "Sa New-- sa Nu--eva Ecija. Oo, doon nga." Mabilis kong sagot.   "Talaga? Tubong Nueva Ecija ako, saan banda doon?" sambit nito at lumapit ng kaunti sakin.   "Ha?" Saan ba yung Nueva Ecija? Narinig ko lang yun sa isa sa mga room mates ko sa dorm, yun daw ang tawag doon sa tinutuluyan ko ngayon at hindi bed space. Ano pa ba ang mga probinsya dito? Gosh, kailangan ko yatang pag-aralan ang Philippine History at Places.   "Ahmmm..." I paused as I took a deep breathe, "Ang totoo kasi niyan--" naputol ang sinasabi ko ng marinig namin ang pagtunog ng bell na nasa itaas ng pinto kaya kapwa kami napalingon doon.   "Manager D!" sigaw ng babaeng kausap ko at tumakbo patungo doon sa Ginang na kakapasok lang sa Shop nato.   "Hindi halatang namiss mo ako, Eichy."anito at niyakap yung babaeng kausap ko kanina. Pinapanuod ko lamang silang nag uusap at nagkakatuwaan. Masaya silang pagmasdan, mommy kaya nung kausap ko kanina ang dumating? Pero hindi, dahil I heared a while ago na Manager ang tawag niya. Hmmm.   "Siyanga pala Manager, applikante siya." narinig kong wika ng babaeng kausap ko kanina sabay turo sakin. Ngumiti naman ako doon sa Ginang bilang pagbati.   "Good Afternoon po." bati ko. Tumango naman ito at sabay silang naglakad patungo sa kinaroroonan ko, nang makalapit ay umupo si Eichy-ang babaeng kausap ko kanina sa upuan na binakante niya kanina at yung tinatawag naman niyang Manager D ay umupo sa may kanan niya. Nakaharap sila sa akin.   "Nasaan ang resume mo, hija?" tanong ni Manager D sa akin.   "Wala siyang dala, Manager." ani ni Eichy na ikinayuko ko. Nakakahiya, ngayon ko lang narealize na kailangan talaga ng resume kapag mag-a-apply ng trabaho.   "Pero ang ganda niya diba, Manager. May hawig siya doon sa isang sikat na Fashion Designer sa Paris, iyong madalas nating napapanuod." sabi pa niya.   Napangiti ako sa kanyang tinuran, at nag-angat ng ulo para makita sila, titig na titig sakin si Eichy habang nakangiti sakin si Manager D. Marami nga ang nagsasai na kahawig ko si Mommy, at mata ko lang ang nakuha ko kay Daddy. My Mother is one of the famous Fashion Designer in the world. Charity Allegre - Ybaniez.   "Oo nga! Sige, tanggap kana hija." sabi naman ni Manager D.   "Po?" hindi makapaniwalang saad ko .   "You're hired. Start kana ngayon. Si Eichy na ang bahala sayo ha. Pero gumawa kapa rin ng Resume mo patulong kana lang din sakanya at kumuha ng mga requirements as company rules." anito at nagpaalam ng may aasikasuhin pa raw. Malaki ang aking ngiti na bumaling ako kay Eichy.   "Ako nga pala si Eichy. Ehryl Janine Dizon. Ikaw?" sabi niya sabay lahad ng kamay sa harap ko. Malugod ko namang tinanggap iyon at nagsalita,   "Alexa. Alexa Cruz." tugon ko. Ginamit ko ang apelyido ng aking Nanny Sasa.   "ITO ang kitchen. Kung mapapansin mo, kaunti lang mga crew dito dahil hindi naman masyadong malakas ang Branch na ito at maliit lang. Usually mga Friday night lang ito puno. By the way, Filipino dish ang sineserve natin." paliwanag ni Eichy habang nasa loob ng kitchen. Pure metals na shiny ang makikita rito sa loob. May malaking stove na may apat na malaki ring pan at kaldero ang nakasalang dito. May dalawang lalaki na nakaputi na may net sa ulo ang naghihiwa ng mga spices sa kanan at ang sink sa may gitna.   "Red at Blue." tawag niya sa dalawang lalaki na busy sa paghihiwa. Napatingin naman ang mga ito sa gawi namin.   "Ito si Alexa. Bagong waitress. Magpakabait kayong dalawa ha." anito at tinignan sila ng mataman. Tumango naman ang dalawa sakanila at sabay na tumingin sakin, kapwa silang ngumiti habang si Red ay kumindat pa kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.   "Ito yung counter, doon naman sa dulo non kung saan may pinto ang Crew room." sabi pa niya at mula sa kitchen door ay naglakad kami pakanan papunta sa Counter. Iyong counter may maliit na window at doon mo makikita iyong loob ng kitchen. Tapos sa may right ulit, may hallway at matatanaw mo yung pinto na sinasabi ni Eichy na Crew room.   "Gets mo na ba?" tanong niya sakin at naupo sa may upuan sa counter. Tumango ako sakanya bilang tugon kaya hinila niya ako papunta doon sa crew room para magpalit ng uniporme.   Isang color maroon na blouse with collar at black slacks ang uniporme. Required daw na itack in iyon kaya nagpatulong pa ako sakanya. Pinatungan pa namin ng maroon na Apron ang blouse namin, pagkuwa'y lumabas na. "Shifting tayo dito, eight hours per day ang working hours pwera nalang kung kinakailangan mag-overtime, free meal din kaya hindi mo na kailangan problemahin ang food mo at huwag ka na rin magbabaon." Paliwanag pa niya habang ako ay mataman lang na nakikinig at patango-tango.   "Lilinisin natin ang lahat ng sulok nitong shop ha. Tutal naman walang tao. Mamayang 5pm, mày papasok pa ng dalawang waitress din kaya apat tayo dito sa labas. Teka, kumain kana ba?" sabi niya habang kinukuha iyong map sa cleaning area.   "Breakfast palang." tugon ko.   "Naku, dapat sinabi mo agad. Halika, kumain muna tayo." aniya at muli akong hinila papasok sa Kitchen. Nadatnan pa namin doon na kumakain na sina Red at Blue kaya nakisabay narin kami.   Magana akong kumakain habang panaka-nakang tumatawa. Nagkukwento kasi ng nkakatawa si Red at kahit na may time na sinasalungat siya ni Eichy ay nagagantihan naman niya agad ito, paminsan-minsan ay nagsasabi pa sila ng mga jokes na bago lang sa pandinig ko kaya talagang tuwang-tuwa ako. They thought me rin on how to eat with my barehands, it's kinda primitive pero mas nakakagana pala kapag kumakain ng ganun, medyo ang hirap nga lang dahil mahahaba ang kuko ko kaya yung rice ay sumisingit dito, and also Eichy told me na mag-gupit daw ako ng nails dahil bawal daw yun.   I let a sighed at ngumiti habang pinagmamasdan silang tumatawa. Ang sarap sa feeling na may kasabay at kakuwentuhan kang kumakain. Sobrang saya. Ngayon ko lang ito naramdaman all my life.   Ganito siguro talaga ang pakiramdam kapag simple lang ang buhay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD